Chapter 32: Almost Kiss

HALOS lakad-takbo ang ginawa ko dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase ko para sa thesis namin. Ang subject na pinakaaayawan ng estudyante at hindi ako exempted doon. Hindi ko kasi na namalayan ang oras ng pagkukuwentuhan namin ni Nurse Joy kaya ang endin, late tuloy ako sa klase ko. Masungit pa naman si Mr. Perez na siyang professor ko at tiyak gigisahin ako 'non kapag tuluyan nga akong na-late. Kinakabahang binuksan ko ang pinto para lang magulat dahil walang tao sa room.

Nasaan na ang mga 'yon?

"T-They're at the conference room." Gulat na napalingon ako sa tabi ko nang may nagsalita na walang iba kung hindi si Fausto.

Si Fausto ay kaklase ko, kung ako tinaguriang loser ng HU. Si Fausto naman ay binansagan nilang Lolo dahil sa pananamit niya, palagi siyang naka-polo long sleeves na tineternuhan niya ng slacks na pagkaluwag-luwag kaya naman hilig din siyang pagkatuwaan ng mga bully sa HU na pinangungunahan ni Hurricane.

"S-salamat." Nasabi ko na lang habang hindi maiwasang magtaka.

Inantay ba ako ni Fausto para sabihan ako na sa conference room na ang klase? Pero bakit? Unang-una hindi naman kami magkakilala personally. Pakiramdam ko nga iniiwasan niya pa ako na para bang may nakadidiri akong sakit...

Pero ang isa pang ikipinagtataka ko bakit sa conference room magaganap ang klase namin?

Habang naglalakad ako patungo sa conference room ng HU. Napansin kong nagtatawanan ang mga estudyanteng nadadaanan ko pero alam kong hindi ako ang pinagtatawanan ng mga ito kung hindi si Fausto na napagtanto kong kasunod ko palang naglalakad.

Napabuntong-hininga ako at binilisan na lang ang lakad ko, bakit ba kailangan nilang pagtawanan o pagtripan ang isang tao?

Maingay ang conference room pagkabukas ko pero agad naglaho ang ingay nila nang makita ako. Hindi ko maiwasang kumunot ang noo nang mapansing hindi lang ang mga ka-blockmates ko ang nandito. Mabilis akong humanap ng pwesto at mabuti na lang ay meron pa sa bandang likod kaya dali-dali akong tumungo roon. Pakiramdam ko masusunog ang likod ko sa klase ng tingin na ibinibigay sa akin ng mga estudyante na sinasabayan pa ng mga pagbubulungan ng mga ito.

"Alam mo bang pati si Tornado, pinagtanggol din siya at dahil doon galit na galit si Allysa!"

"I know right, pero bakit kaya ginawa 'yon ni Papa Torn hindi ba hate niya 'yan si Spring?"

"Baka utos ni Hurricane, hindi ba sila ni Spring?"

"As if naman susunod si Papa Torn 'no at FYI ayon sa source ko hindi girlfriend ni Papa Cane si Spring..."

"Sino ba 'yang source mo?"

"Si Liezel..."

"Ahhh, 'yung girlfriend ng kaibigan ni Cane?"

Kanina pa nakukulili ang tenga ko sa nangyayaring usapan sa harap ko kaya imbes na pakinggan sila, kinuha ko na lang ang libro ko sa Thesis at nagbasa. Nasa chapter 3 na ako ng solo thesis na pinapagawa sa amin ni Prof. Perez kaya naman kailangan ko nang mas pag-aralan ang paggawa nito. Kailangan ko nang matapos ito dahil sa susunod na buwan ay ang on the job training ko naman ang aasikasuhin ko. Halos lahat ay ikinainis nang hindi group thesis ang ipinagawa sa amin ng professor pero natuwa naman ako dahil nakaligtas ako sa mga kaklase kong nakasisiguro akong sa akin lang ipapagawa ang thesis namin.

Napahinto ako sa pagbabasa nang maramdaman na may tumabi sa akin. Hindi ko napigilang lingunin ito at katulad kanina ay hindi ko na naman maiwasang magtaka nang si Fausto ang makita ko. Hindi ko na lang siya pinansin pa at napagpasyahang pagtuunan na lang ng pansin ang binabasa ko. Kumunot ang noo ko nang makalipas ang ilang minuto ay nawala ang ingay sa conference room na kinaroroonan ko.

"Alis. Hindi mo ba ako narinig Lolo, sabi ko umalis ka." Hindi ko na kailangan pang iangat ang ulo ko para malaman kung sino ang nangbubully sa katabi ko.

Bumuntong-hininga na lang ako nang nakaupo na ang bad boy sa tabi ko at mapaalis niya ang kawawang si Fausto na naging sentro ng katatawanan sa conference room gawa na naman ni Hurricane. Hindi ko na ikinagulat na nandito siya dahil napansin ko na kanina pa na ang mga ka-blockmates niya ang ilan sa loob ng conference room.

"Hey nerd."

Wala akong naririnig.

"Hoy ugly duckling."

May nagsasalita ba? Wala naman hindi ba?

"Hoy! Bingi ka ba?!"

Bingi na kung bingi.

Hindi ko maiwasang mapangisi nang marinig ang naiinis na palatak niya pero naglaho ang ngisi na 'yon nang ipinatong niya ang kamay sa balikat ko at mariing pinisil ito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" pabulong kong saad habang todo yuko dahil sa mga kaklase kong walang habas na kumukuha ng litrato namin.

"Remember what you did last night?" Nanindig ang balahibo ko sa ibinulong niya sa akin. Pakiramdam ko naging kulay kamatis na ang mukha ko at nag-umpisang lumakas ang kabog ng puso ko.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Interesting, so wala kang naaalala?"

Lunok.

"Hindi mo naaalala kung gaano ka ka-wild kagabi?"

Nanlaki ang mata ko at mabilis kong naibaling ang ulo ko sa kanya.

But...

Wrong move...

Muntik ko lang naman mahalikan ang taong kinaiinisan ko sa buong buhay ko.

Muntik lang dahil sa nakaurong ako pero ang resulta naman nito ay ang ...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" – Hurricane.

...ang pagkahulog ko sa upuan. At dahil doon napuno ng tawanan ang buong conference room.

Nanggigil akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko sa upuan. Nunca na tatabi ako sa bully na 'to.

"Anong ginagawa mo? Don't tell me magka-cut ka? Can I join you, babe?"

"Ihhhh mali yata yang source mo girl, sila na nga ata talaga eh!"

"I agree, may endearment na nga si Cane sa kanya eh..."

Gustong-gusto ko na talagang sipain ulit si Cane sa precious jewel niya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka makuyog ako ng fans niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na pinansin pa. Mas maigi pang lumayo ako sa kanya kaysa naman mabuwisit lang ako sa buong durasyon ng klase namin. Ano bang nangyayari at bakit kailangan kong makasama ang lalaking 'to sa klase namin?

Nang makuha ko na ang mga gamit ko ay tumalikod na ako pero hindi pa nga ako nakakahakbang ay may kamay na humawak sa palapulsuhan ko. Naiiritang nilingon ko ito. "Pwede ba Cane? Tigilan—"

"Stay. I'll be quiet. Promise." Seryoso ang mukha nitong saad. Napalunok ako at hindi natagalan ang titig na ibinibigay sa akin ni Cane kaya naman iniiwas ko ang paningin ko mula sa kanya.

"Good morning Class!"

"Oh my gosh! Siya ba ang bago nating professor?! Ang pogiiiii!!!"

Bagong professor? Bakit ba parang ako lang ang laging walang alam sa nangyayari dito sa school?

Wala sa sariling napaupo ako sa tabi ni Cane at pinakatitigan ang bagong professor namin. Gwapo nga siya pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit ko hindi maialis ang paningin ko sa kanya. Kung hindi dahil, kilala ko siya.

Kuya Paeng?

"Tss. Gwapong-gwapo lang? Hindi hamak naman na mas guwapo ko diyan." Saad ng mahangin kong katabi pero hindi ko siya pinansin at pinagmasdan pa rin ang lalaking nasa harapan.

"I'm Professor Rafael Esgueverra. I'll be your new professor in this subject." Ngumiti siya at tumingin sa akin.

Nakita ko sa mga mata niya ang rekognisyon na ikipinagtaka ko. Sampung taon na ang nakalipas papaanong tila kilala niya ako? Imposible hindi ba?

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top