Chapter 29: Drunkard Spring.


TORN

What the hell is she doing? And why the fVck am I looking?

Sa naisip ay mabilis kong inalis ang paningin ko sa babaeng kasalukuyang sumasayaw or should I say nagwawala sa dance floor kasama si Light at ang kambal. Mukhang lasing na siya at hindi na alam ang pinaggagawa niya. Ni hindi na nga niya napapansin na kung saan-saan na napupunta ang kamay ng lalaki niyang kasayaw. Kailan pa natutong sumayaw at lumandi ang nerd na 'to?

"Hey dude, is that Spring the nerd?"

"No way. That girl is hot. It's impossible that she is that nerd."

"No dude, titigan mong maigi. She's Spring!"

See. Kahit ang iba ay hindi makapaniwala na siya nga ang loser at nerd na si Spring ng HU. Ano bang naisip ni Light at nagawa niyang pagsuotin ng hapit na damit ang "kaibigan" niya. Napasimangot ako at naisip na ano bang pakialam ko sa pinaggagawa nila. Tumayo ako at nilapitan ang babaeng kanina pa malagkit ang tingin na sinusulyapan ako. Maganda na siya kumpara sa mga lumapit sa akin kanina at papasa siya bilang kalaro ko ngayong gabi.

"Mind if we go somewhere to have fun?" bulong ko sa kanya nang makalapit ako habang pinapaikutan ng daliri ko ang hubad niyang likod. Napangisi ako nang marinig ang mahina niyang ungol.

"Sure. It's kind of boring here na nga eh..." saad niya na nagawa pang pisilin ang pang-upo ko.

Naughty but I like it...

"A-are we going to do it here?" paanas na saad sa akin ng babaeng ni hindi ko na matandaan ang pangalan habang pumipisil ang kamay ko sa kanang hinaharap niya.

"Ayaw mo ba? I told you we're going to have some fun..."

Nasa likuran kami ng kotse ko at kasalukuyan siyang nakasandal sa likurang bahagi ng sasakyan. Wala ako sa mood na magmaneho pa at dalhin siya sa hotel. Tahimik ang parking lot at nasa madilim na parte naka-park ang kotse ko.

"But...b-baka may makakita sa atin." Pagpoprotesta pa niya.

Mariin ko siyang hinalikan dahil ang pinakaayoko sa lahat ay ang mga babaeng matanong at maingay. Mukhang nawala na rin naman sa isip niya ang takot na may makakita sa amin at gumanti na rin sa halik na iginagawad ko sa kanya. Nasa kalagitnaan na ako nang pag-angat sa sagabal na hapit na palda niya nang maramdaman ko ang pagba-vibrate ng istorbo kong cellphone sa bulsa ko.

Damn it!

Inis kong hinugot ang cellphone ko sa bulsa. May choice ako kung sasagutin ko ang tumatawag sa akin o hayaang patuloy itong mag-vibrate hanggang sa mainip sa paghihintay ang tumatawag sa akin. Pero mas pinili ko ang una dahil sa masyadong maingay ang babaeng kasama ko. Nakakairita ang malakas na pag-ungol niya. Pabalya kong binitawan ang babae at narinig ko ang pagmumura niya nang muntik na itong matumba.

"What is wrong with you?! You fVcking jerk!"

"You're too noisy." Simpleng saad ko na ginantihan niya nang pagsampal sa pisngi ko.

"A$shole!"

Walang emosyong hinimas ko ang kanang pisngi kong nasampal. Makaraan ay sinagot ko ang pangalawang beses nang tumatawag sa akin na walang iba kung hindi si Light—ang demonyita kong kapatid. "What do you need?" pambungad ko rito sabay sindi sa sigarilyong hawak ko.

"Where are you?! Why are you not answering my calls?"

"Just tell me what do you need Light." Nauubusan na ng pasensyang sambit ko.

"Spring is missing!"

Kumunot ang noo ko. Ano namang pake ko kung nawawala ang babaeng 'yon? "And so?"

"She's gone!"

"And so?"

"Didn't you hear me?! Nawawala si Spring!" pagsigaw niya sa kabilang linya.

Now, I'm pissed off.

"FVck Light! I heard you loud and clear pero ano naman sa akin kung nawawala ang alaga mo?! I don't give a damn about it—"

"Well you should give a damn about it! Find her or else you know what I'm going to do."

"Fvck bakit ako?! Sumang-ayon na ako sa kagustuhan mo na tigilan ang pambubully sa babaeng 'yon! And now you want me to take care of her?!"

Tumahimik ang nasa kabilang linya. Ibaba ko na sana ito nang muling magsalita si Light. "Look Torn, wala dito si Cane sa bar at alam ko na imposible ko nang makontak ang damuhong 'yon dahil busy na 'yon sa babaeng biktima niya ngayong gabi. Naikot na namin nila Scarlette ang buong bar at hindi namin mahanap si Spring, I'm getting dizzy right now dahil sa dami nang nainom ko. Now, please find her. I'm asking you this as a favor so please Torn, just please help me this once. I'm sorry for shouting at you a while ago. For threatening—"

"Fine. Just go home, ako nang bahalang maghanap sa kanya." Pagputol ko sa sinasabi niya at walang paalam kong binaba ang cellphone ko.

Alam na alam talaga ng maldita kong kapatid kung paano ko mapapasunod... Damn it!

Now, where can I find that crazy nerd?!

Nasisiguro kong wala pang isang oras na nawawala ang babaeng 'yon kaya naman imbes na sumakay ako sa kotse ko ay napagpasyahan ko munang hanapin siya sa mga lugar na malapit dito sa bar.

Wala pang labinlimang-minuto akong naglalakad nang matagpuan ko ang hinahanap ko. Para siyang tanga na nakasalampak sa gilid ng kalsada. Pinagtitinginan siya ng mga taong mga dumadaan at 'yung iba pa nga ay nagtatawanan. Halatang lasing na lasing na siya dahil sukat ba namang gawin niyang cellphone ang sapatos niya.

"Rain? Bakit ba hindi ka nagsasalita! Pero shige na nga ikukwento ko pa rin sa 'yo! Nakilala ko shi Nicolette, yung model na paborito mo? Ang ganda niyaaaaaaaaaaa at friends na kami! Pati nga 'yung kakambal niya friends ko na din! Proud ka ba kay Ate dahil may mga kaibigan na ako?" parang baliw niyang pagkausap sa "cellphone" niya.

Napahilamos ako sa mukha ko sa frustration na nararamdaman ko. Ni ang makita nga si Cruz ay nakakasira na ng araw ko ano pa kaya ngayong mapipilitan akong makasama ang babaeng 'to?

Bakit ba imbes na mawala sa paningin ko ang babaeng 'to mas lalo pa itong nagiging parte ng buhay ko?

I don't believe in destiny. But I'm starting to believe that fVcking word because of this girl...

Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang halakhak ni nerd. Tumatawa siya habang nakatapat pa rin sa tenga niya ang sapatos at patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Naglakad ako palapit sa kanya at huminto sa mismong harap niya. Pero parang hindi niya ako nakikita dahil patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Napahinto ako sa tangkang pagsipa sa paa niya nang marinig ang sumunod niyang sinabi.

"Masaya si Ate? Hahahahahhahahahaha. Oo naman masaya si Ate! N-napakasaya ni Ate...kaya sabihin mo k-kay Tatay, Rain... s-sorry... s-sorry kasi masaya ako...k-kahit hindi dapat." Umalog ang balikat niya na alam kong hindi dahil sa pagtawa kung hindi dahil sa umiiyak siya. "K-kasi kasalanan ko eh... kasalanan k-ko lahat." Paulit-ulit niyang saad.

Napalunok ako at sa kauna-unahang pagkakataon hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko kay Cruz. Nablanko ang utak ko at ang tangi ko na lang nagawa ay ang pagmasdan siya habang patuloy siya sa malakas na pag-iyak.

"Hijo, mag-sorry ka na sa girlfriend mo, kawawa naman."

Naalis ang paningin ko kay Cruz at hinanap kung sino ang nagsalita. Pagtingin ko ay isang ginang ang masama ang tingin sa akin. Doon ko lang napansin na nakakakuha na kami ng atensyon ni Cruz. Hindi rin nakaligtas sa akin ang isang babae na nakatutok ang cellphone sa amin na hinuha ko ay kinukuhanan kami ng video.

"FVck! She is not my girlfriend!" sigaw ko sabay alis sa harap ni Cruz na patuloy pa rin sa pag-iyak kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis para sa kanya.

Galit kong nilapitan ang babaeng may hawak ng cellphone na nakatutok sa akin. Marahas kong kinuha ang cellphone niya at idinelete ang nakuhanan niyang video.

Magpasalamat pa siya na nakapagtimpi pa ako at hindi ko naibato ang cheap niyang cellphone.

"Anong ginawa mo sa cellphone ko?! Ipapupulis kita!"

"Shut the fVck up kung may dapat na ipapulis dito ikaw—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang sunod-sunod na sigawan.

"Yung girlfriend mo hijo, magpapakamatay!"

"Sinabi ko na ngang hindi ko girl— Damn it!"

Ano ba talagang trip ng babaeng 'to? Magpapakamatay na lang sa harap pa nang maraming tao.

Dahil ang pesteng si Cruz ay kasalukuyang nakikipagpatintero sa mga sasakyan. Nabibingi na ako sa sigawan at mga busina ng mga kotse kaya bago ko pa mapigilan ang sarili ko nagmamadali kong tinawid ang kalsada.

FVck! Why am I doing this? Risking my life for the woman I hate?

"PVtanGina kung gusto niyong magpakamatay, huwag kayong mandamay!" sigaw ng isang driver ng isang kotse na muntik nang mabangga si Cruz nang tumigil ito sa gitna ng daan at yumuko na tila may pinulot. Mabilis kong nahablot ang kamay niya at marahas na hinila pabalik sa gilid ng kalsada. Hindi ako huminto sa paglalakad hangga't hindi kami nakakalayo sa ingay na nagmumula sa mga pakialamerong tao.

Hinihingal kong binitawan ang kamay at itinulak ang lasing na babae at galit siyang hinarap.

"What the fVck are you thinking?! If you want to kill yourself, do it nang walang nakakakita sa 'yo!" pag-asik ko dito. Kumunot ang noo ko nang hindi man lang siya nagsalita at nanatiling nakayuko.

"Sshhhh, kawawa ka naman. Iniwan ka din ba ng Nanay mo?"

"Meow..."

What the hell— Bumaba ang paningin ko sa hawak-hawak niya at nakita ang isang maliit na kuting na hinahaplos-haplos niya. So it all makes sense, she's not trying to kill herself. She just became a fVcking idiot saving a kitten.

Great. Just fVcking great.

"Yahhhhhhhhhhhhh!" naiinis kong sigaw sa kanya at sa wakas mukhang napansin na niya ang presensya ko.

Pumipikit-pikit ang mata niyang tiningnan ako. Hindi pa siya nakuntento at nilapit pa ang mukha niya sa akin pero dahil sa maliit lang siya ay nakatingkayad niya akong pinagmamasdan. "Torn-- Anong— huk ginagawa huk mo dito?" saad niya na halos hindi ko maintindihan dahil sa pagsinok niya.

Bago pa ko muling makapagsalita ay naramdaman ko ang pagdikit ng nakakadiring likido sa dibdib ko. May ikakasira pa ba nang lubusan ang gabi ko?

"Argggghhhhhhhhhh...I swear I'm going to kill you Spring freaking Cruz!" pagsigaw ko sa babaeng nagawang sukahan ang dibdib ko.

Wala na ba talagang gagawin ang babaeng 'to kung hindi pestehin ang buhay ko?

Tbc

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top