Chapter 28: She's still an ugly duckling.


"SO Spring, paano mo naman napaamo 'tong si bitchessa?"

"What kind of question is that? Why don't you just introduce yourselves guys nang malaman naman ni Spring ang mga pinaggagawa niyo sa buhay." Pagbabalewala ni Light sa tanong ni Scarlett.

Katabi ko siya at hindi ko naman maiwasang mailang sa isa ko pang katabi na si Raven. Habang si Light naman ay katabi ang kambal. Ramdam ko naman na nakatingin pa rin sa akin si Raven. Kita ko sa mga mata niya kanina ang kuryosidad at hindi ko alam kung dahil ba sa pagiging close ni Light sa akin o dahil sa hitsura kong malayo sa pagiging manang at nerd.

Pakiramdam ko hindi na huhupa ang pag-iinit ng pisngi ko. Iba talaga ang feeling kapag katabi mo ang crush mo.

May girlfriend 'yan!

Crush lang naman!

Napabalik ang diwa ko sa kasalukuyan nang maramdaman ang mahinang pagtapik sa nakalitaw kong hita.

"May problema ba?"

Umiling ako sa tanong ni Light. Doon ko lang napagtanto na kinakausap pala ako ni Scarlett.

"Sorry... may i-iniisip lang ako. Pasensya na talaga."

"It's okay... no need to be sorry ano ka ba..." aniya na tumawa-tawa pa. L "So as I was saying welcome to our group..."

"Group?"

"Scarlett means our circle. From now on, you're our friend na din just like Light. You seem nice naman eh." Conyong saad naman ni Nicolette.

"Salamat sa inyo..." nasabi ko na lang at ngiti naman ang iginanti nila sa akin.



"So let me introduce myself. I'm Scarlett Dela Carta." Dela Carta? Napalingon ako kay Raven na wala na ang tingin sa akin at nakasimangot habang tumitipa sa cellphone niya. "So I think kilala mo na siya. After all siya ang student president ng HU. Nabanggit sa amin ni Light that you're also studying there. He's our cousin. Pinsan din siya nila Light sa mother's side. But don't mind him, I'm pretty sure nag-aaway na naman sila ng girlfriend niya. Kaya nga nandito 'yan eh." aniya na binuntutan pa nang pagtawa. Narinig niya naman ang pag-ismid mula kay Raven pero hindi na ito nagkomento pa. "I'm a fashion designer by the way. Pero dahil na rin sa hilig namin sa pagpunta sa mga bar. Naisipan namin ni kambal na itayo 'tong Havens." Tukoy niya sa pangalan ng bar.

Hindi ko na ikinagulat ang propesyon niya dahil halata naman sa elegante niyang pananamit. Sumunod namang nagpakilala si Nicollett na isa namang model na kaya pala pamilyar sa akin ay dahil minsan kong nakita ito sa magazine na palaging binabasa ni Rain.

Nami-miss ko na talaga ang kapatid kong 'yon. Panigurado matutuwa 'yon kapag nalaman na nakilala ko ang hinahangaan niyang modelo.

"How about you? Anong course mo?" tanong ni Scarlett.

"Business Administration." Pagsagot ko. Tumango-tango naman ang mga ito. Bubuka pa lang ang bibig ni Nicollett nang magsalita si Raven.

"Parehas kami ng course dati. BS Biology din. Bakit ka nga pala lumipat, Spring?"

Nabaling naman ang atensyon ng lahat sa tanong ni Raven at hinintay ang sagot ko.

Bakit mo pinayagan ang anak mo na kunin ang course na 'yon?! I told you magagamit natin ang utak niya that's why business administration dapat ang kinuha niya! Anong mapapala niya sa pagiging biologist?! Hindi man siya pwedeng maging tagapagmana ng kompanya, dapat lang na tumulong siya sa 'yo nang makabawi man lang siya sa lahat ng sakripisyo mo para sa kanya!

Mama, hindi gamit ang anak ko na dapat ninyong gamitin!

Ipinilig ko ang ulo ko para mapalis ang mga pumasok na alaala sa isip ko. Tumikhim ako bago sinagot ang tanong ni Raven. "Naisip ko lang na mahihirapan ako sa course na 'yon, k-kahinaan ko kasi ang Science." Nakakatangang sagot ko.

In the first place, bakit ko kukuhanin ang course na 'yon kung mahina naman pala ako sa subject na 'yon.

"Mahina? Na-perfect mo nga ang first quiz natin during first day eh."

Muli ko na namang naramdaman ang pamumula ng pisngi ko sa dalawang dahilan.

Una dahil sa hiya na nahuli niya ang pagsisinungaling ko at pangalawa sa kaalaman na naalala pa ako ni Raven samantalang tatlong taon na ang lumipas ng unang araw namin na pagpasok sa HU.

Nanahimik ang lahat habang ako ay hindi alam kung anong sasabihin.

"Alam mo Raven para sa isang lalaki masyado kang tsismoso." Pagbasag ni Light sa katahimikan. Mukhang napansin niya na hindi ako komportable sa pinatutunguhan ng usapan nila.

"I'm just curious---" Napahinto sa pagsasalita ang lalaki nang tumunog ang cellphone niya. Malalim siyang bumuntong-hininga at nagpaalam sa amin.

"Hay nako, kailan pa naging under ang isang Dela Carta?" ani Scarlett na tumatawa. Ilang tanungan pa ang naganap sa pagitan namin ng kambal. At unti-unti akong naging komportable sa kanila. Masaya silang kasama at hindi nauubusan ng sasabihin. Naaaliw akong marinig ang mga kwento niya tungkol sa kanila nila Light noong high school pa sila.

"Hey Spring, is it your first time sa isang bar?" tanong ni Nicollet.

Dahan-dahan naman akong tumango. Nagpapasalamat na umalis si Raven at nakaiwas ako sa tanong niya.

"So nakainom ka na ba?"

Umiling ako. Nagtinginan ang mga ito at ilang saglit lang ay inudyukan ako ng mga itong uminom. At dahil ayoko namang masabihang KJ. Napilitan kong inumin ang alak na ibinigay ng mga ito sa akin. Mapait at nag-init ang lalamunan ko nang unti-unti ko itong lunukin. Unang tikim ko pa lang ay gusto ko na itong iluwa pero hindi ko naman magawang tanggihan ang pang-e-engganyo nila Light. Habang papaubos ko na ang alak ay naramdaman kong may nakatingin sa akin. Inilibot ko ang paningin ko at nagtagpo ang mga mata namin ni Torn na titig na titig sa akin. Uubo-ubo kong nailapag ang shot glass at hindi ko alam kung nasamid ba ako dahil hindi ako sanay sa ininom ko o dahil sa lalaking nakakunot na ang noo habang nakatingin pa rin sa akin?

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Limang segundo na nanatili pa ring magkasalubong ang paningin namin sa isa't-isa. At nang hindi ko na matagalan ang intensidad nang pagtingin niya ay mabilis kong ibinaba ang paningin ko mula sa kanya.

"So my bad boy little brother is here huh?" saad ni Light na inalis ang kamay sa likod ko na hinimas niya kanina nang masamid ako. Tumayo ito at tinabihan ang kapatid.

"Don't call me that. It's annoying." Walang emosyong saad ni Torn. Nang inangat ko ang paningin ko ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na siya sa akin nakatingin rather nakatitig.

"Annoying?! Kung meron mang annoying dito, ikaw 'yon at si Cane. How dare the two of you na iwanan kami ni Spring kanina!" nanggigigil na saad ni Light. Napangiwi ako dahil mukhang na-bad mood na naman siya habang ang kambal naman ay naririnig kong bumubungisngis sa tabi ko.

"Calm down, Light. Umuusok na naman ang ilong mo diyan." Pang-aalaska ni Scarlett.

Lumabi si Light at umismid na lang pero nang mabaling ang tingin niua sa akin ay ngumisi siya at muling binalingan ang kapatid. "Anong masasabi mo sa hitsura ni Spring? She's beautiful right?"

"Tss."

Kambal nga talaga sila.

Sa isip-isip ko nang maalalang ganyan din ang reaksyon ni Hurricane kanina. Tumayo siya at sinulyapan ako. "She's still an ugly duckling." aniya na ikinatahimik nila Light at ng kambal. Walang lingon-likod itong umalis.

"That jerk! Humanda siya sa akin---" nanggagalaiting saad ni Light. Tumayo siya at mukhang susundan si Torn pero mabilis akong nakaalis sa kinauupuan ko at nahawakan ang palapulsuhan ni Light.

"Light, let's not spoil our night. You said we're here to have some fun right?"

Huminga naman siya nang malalim at hinila ako pabalik sa pwesto namin. I sighed in relief. Hindi na rin ako nakatanggi nang iabot muli sa akin ni Nicollet ang baso na may lamang alak.

Nag-umpisa sa isa. Hanggang sa nasundan pa. Pakiramdam ko lumulutang ako kasabay nito ang paggaan ng pakiramdam ko. Unti-unting nawawala sa isip ko ang mga problema ko. Tumatawa ako sa bawat sinasabi nila. At nang tumayo ang mga ito at hinila ako pababa para sumayaw ay walang pag-aalinlangan akong sumama.

And that night I turned myself into a wild and shameless teenager dancing my hearts out at the dance floor. No reservations. No inhibitions. Just letting myself follow the beats of the loud music.

After a long time, I felt it again.

The feeling of being happy.

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top