Chapter 27: An Ugly Duckling turn into a Swan.


"LIGHT hindi ba maikli 'tong suot ko?"

"Light pwede bang mag-rubber shoes na lang ako?"

"Light---"

Napatigil ako sa muling pagsasalita nang masama ang tingin na binalingan ako ni Light. "Stop it, Spring. Will you please relax? your dress?" Itinuro niya ang suot ko sa suot niya. "Mahaba pa nga 'yan kumpara sa akin e. Your shoes?" Napangiwi ako nang makitang mas mataas din ang suot niyang heels kaysa sa akin. "I told you to be confident. So stomach in..." Tinapik nito ang tiyan ko. "Chin up... and walk like a queen."

Just follow her Spring, nang makabawi ka man lang sa effort niya na pagandahin ka...

Sa naisip ay nginitian ko si Light. "Pasensya na Light, hindi lang ako sanay. But I'll do what you want me to do para naman hindi masayang ang effort mo."

Ngumiti din si Light at inakbayan ako. "Do it for yourself. And remember, just have fun and forget all your worries."

Kung meron man akong dapat ikapagpasalamat sa pagtira ko sa mansiyon ng mga Helios. Si Light 'yon. I'm glad that she became my friend.

"Come, let's go baka naiinip na ang dalawang 'yon. And I'm so sure that they will be mesme---"

"Young Lady..." Napahinto sa pagsasalita si Light nang marinig namin ang boses ni Mr. Joe.

"Bakit Joe? Nasa baba na ba ang kambal?"

"Nauna na po sila." Walang kaemo-emosyong saad ni Mr. Joe at napangiwi naman ako nang makitang kumuyom ang mga kamao ni Light.

"What?! Aish! Those two humanda sila sa akin!" sigaw ni Light na sinamahan pa nang pagpadyak niya ng paa sa lapag.

MAINGAY na musika at mga nagsasayawang tao sa dance floor ang bumungad sa akin pagpasok namin sa bar ng kaibigan ni Light. At kung sinuswerte ka nga naman namukhaan ko ang mga nandito at nakatitiyak ako na ang halos lahat dito ay taga-HU.

Hindi rin nakaligtas sa akin ang mapanuring mga mata na lumingon kay Light or should I say sa amin?

"Fuck dude, they're hot!"

"That's Light right? But who's that girl?"

"She seems familiar..."

Bakit ba ang talas ng pandinig ko at kailangan ko pang marinig ang pinag-uusapan ng mga nakilala kong mga pasikat kong kaklase. Pero teka hindi ba nila ako nakikilala?

"What do you think about this place?" tanong ni Light sa akin habang pumapanhik kami sa hagdan pataas. Nabawasan na ang ingay ng musika nang makarating kami sa taas. Mukhang sinadya ito para sa mga taong gusto lang mag-relax. Mahahalatang pinagkagastusan talaga ang bar na ito base na rin sa napakaganda nitong interior.

Hindi na rin masama para sa una kong karanasan sa bar.

"It's awesome?" patanong kong saad na siyang ikinatawa naman ni Light. Mukhang maayos na ang mood niya. Hindi ko pa rin makakalimutan kung paano niya pinaharurot ang kotse kanina marahil sa inis niya sa kambal.

"Trust me. You'll enjoy this night." Nakangiting saad ni Light. Pinagmasdan ko ang paligid at nanalangin na sana ay magkatotoo ang sinabi ni Light.

"Light!!!!! We miss you girl!" Naalis ang paningin ko sa ibaba nang marinig ko ang matinis na boses . Doon ko lang napagtanto na mukhang nakarating na kami ni Light sa pwesto ng mga kaibigan niya. Binalingan ko ang mga ito at hindi na ako nagulat nang makita kung gaano kagaganda ang mga ito. Parang manika ang dalawa, ito na siguro ang mga kaibigan ni Light.

Sila Scarlett at Nicollete. Hindi sila identical pero hindi rin naman maitatangging kambal sila dahil na rin sa pagkakapareho ng mga physical features ng mga ito.

"As if naman napakatagal natin nang huli tayong magkita, huwag nga kayong OA na dalawa diyan!"

"Ah basta na-miss ka namin!"

"Spring?"

Naalis ang paningin ko sa dalawa at binalingan ang tumawag sa pangalan ko. Nanlaki ang mata ko at hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha nang makita si Raven na kunot ang noo at nakatitig sa akin. Tila iniisip kung ako nga ba talaga si Spring.

Si Raven.

O.M.G.

Bakit siya nandito?! Nakalimutan mo na ba pinsan siya nila Light!

Pero kahit na bakit siya nandito?!

Hindi pa nga ako nakakahuma sa pagkakita ko kay Raven ay ikinagulat ko naman nang may umakbay sa akin at bumulong sa tainga ko na siyang nakapagpataas ng mga balahibo ko. Nakatalikod ako at dahil na rin sa gulat ko ay hindi ko nalingunan kung sino ang nasa likod ko.

"Wanna have some fun?" Tila nang-aakit na saad ng bumulong sa akin pero imbes na maakit dito ay mabilis kong inalis ang kamay niya sa balikat ko at bago ko pa napigilan ang sarili ko ay nasiko ko siya sa tiyan.

"Ouch! Fuck!ng shit!"

Mabilis kong nilingon ang mokong na himas-himas ang sikmura niyang nasaktan at napasimangot ako nang makitang si Hurricane lang pala ito.

Kahit kailan talaga manyak at babaero ang bad boy na 'to!

"Serves you right, you pervert!" saad ni Light na tumatawa habang ang mga kasama niya kabilang na si Raven ay tila nagulat sa ginawa ko pero hindi rin naman nagtagal ay sinabayan na  si Light sa pagtawa.

Habang ako ay naiilang at hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin ko. Naramdaman ko na may humawak sa braso ko at hindi na rin ako nagtaka na si Cane ito.

"You! You bi---" Napahinto siya sa pagsasalita at umawang ang bibig niya habang nakatitig sa mukha ko.

"Tagsibol?" gulat na saad niya sabay bitaw sa braso ko.

Nailang ako kaya iniwas ko ang paningin ko sa kanya at dahil na rin sa naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

Bakit ba ko nakakaramdam ng hiya?!

"So my dear little bro, what can you say about Spring transformation? I did a good job right?"wika ni Light sabay akbay sa akin.

Tila kusa namang bumalik ang paningin ko kay Cane at inantay ang isasagot niya.

"Tss." ismid niya habang nakasulyap sa akin sabay alis.

Hindi ko ineexpect na purihin niya ako pero I'm expecting na makarinig ng panlalait mula sa kanya pero Tss?! Seriously anong ibig sabihin 'nun?

Anong problema 'nun?!

"Don't mind him. Speechless lang 'yon."

Hindi na ako nagkomento pa sa sinabi ni Light. Iniharap niya ako sa mga nasa lamesa na sila Scarlett, Nicollete at siyempre si Raven. Kapwa mga nakangiti ang mga itong nakatingin sa akin.

"Everyone, meet Spring..."

This is going to be a long night...

Sa isip-isip ko habang kiming ngumiti sa mga ito.

TORN

"HI... are you alone?"

Napahinto ako sa pagsasalin ng alak sa baso ko nang marinig na may nagsalita na naman sa tabi ko. Saglit ko lang itong nilingon at nang makitang hindi ito kagandahan para pag-ukulan ko ng pansin ay itinuon ko ang atensyon ko sa alak na nasa harap ko. Mukhang nakatunog naman ang babae na hindi ako interesado sa kanya at nakaismid itong umalis na sa tabi ko.

Napangisi ako. Pang-ilan na nga ba siya sa mga babaeng nagtangkang landiin ako pero wala pa ni isa sa kanila ang nakakuha ng atensyon ko. Lahat sila ay pare-pareho. Magaganda lang dahil sa mga nagkakapalan nilang mga make-up.

Malas lang nila at hindi pa ako lasing para patulan sila.

Because I may be called as someone who's still stuck up with the girl in my past but still I'm a man with needs.

I turned around and set my eyes at the dance floor, looking for my new target for tonight.

Someone who could satisfy my needs.

"Nakakita ka na ba?"

Natawa ako sa tanong ni Cane at binalingan ko siya. "Still searching." Sagot ko sa kanya sabay salin ng alak sa isa pang baso na inabot ko sa kanya.

Mabilis naman niyang nilagok ang alak na para bang uhaw na uhaw. Umupo siya sa tabi ko at katulad ko ay ibinaling niya ang atensyon sa dance floor. "I can't believe it. How can an ugly duckling turn into a swan? Surely, Light can be called a fairy godmother."

Kumunot ang noo ko sinabi niya at pinagmasdan siya. Kasalukuyan siyang naninigarilyo habang nasa mukha pa rin niya ang tila hindi makapaniwala pero kitang-kitang ko rin ang amusement sa mga mata niya.

"What the fuck are you talking about? Are you on drugs?"

Tumawa siya at tumayo. "Why don't you go upstairs and take a look at what I am talking about?" aniya sabay talikod sa akin. Sinundan ko siya ng tingin at napailing na lang ako nang makitang hinila niya ang isang babae na mukhang pumasa sa standards niya at walang anu-ano'y mariin niyang hinalikan.

Pero hindi ko maiwasang ma-curious sa pinagsasabi niya kaya naman ibinaba ko ang baso ng alak at tumungo sa itaas. Kung si Light ang tinutukoy nito kanina ay malamang nandito na ang kapatid niya bitbit si Cruz.

Nababaliw na talaga ang kapatid niya, paano nitong naisip na isama ang nerd na 'yon. Hindi ba ito nahihiya?

Alam ko ang mga pwesto ng mga ito dahil doon kami dumiretso ni Cane kanina pero nang makitang kong nandoon ang pinsan kong pa-cool na si Raven na pinsan din ng mga kaibigan ni Light na si Scarlett ay mas ninais kong maglagi na lang sa ibaba.

I never like the fact that Raven is our cousin.

Or rather I never like Raven.

"Drink it up!"

"C'mon Spring, you can do it."

"One-shot, one shot!"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pag-iingay nila Light. Pero mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ang babaeng ineenganyo ng mga itong uminom.

At nang makalapit ako sa mga ito at mapagmasdan ang babaeng halatang hindi sanay sa pag-inom ay naging malinaw na sa akin ang sinabi ng kakambal ko kanina.

An ugly duckling turn into a swan?

He's exaggerating. That's for sure.

Because for me, the girl is still the same.

A nobody, a nerd and an ugly fucking loser Spring Cruz.

Yeah right Torn, who are you kidding?

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top