Chapter 26:The Deal Between Them.


"SIS, huwag kang magulo...huwag kang kukurap okay?" saad ni Light habang minu-murder niya ang mukha ko gamit ang mga make-up niya.

Parang kanina lang ang tumatakbo sa isip ko ay ang magbasa ng bago kong hiniram na libro sa Library at mag-aral. Pero mahigit isang oras na ang nakakaraan napilit ako ni Light na sumama sa kanila sa bar.

Can you believe that?

Ako kasi hindi ko pa rin mapaniwalaan. Hindi ko mapaniwalaan na makakatapak ako sa isang bar. It is not my thing. I hate loud music though I love dancing (secretly). At siyempre kapag nasa isang bar ka, may alak at usok ng sigarilyo na hindi ko rin gusto ang mga amoy.

At ang mas pinakahindi ko gusto ay ang gawin akong manika ni Light na tuwang-tuwa habang kinukulayan ang mukha kong nag-uumpisa nang mangati.

"Papatunayan ko sa dalawang 'yon that you have what it takes para mag-party sa isang bar. You're pretty kaya."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Ako maganda? Kung maganda ko ano pa siya?

Huminto si Light sa paglalagay ng kung ano sa mata ko kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Mukhang natapos na din siya. "You don't believe me?" ani Light na pinamewangan ako.

Napahawak ako sa batok ko at napatikhim sa tanong niya. "H-hindi naman sa gano'n pero hindi naman talaga ako magan--"

"Stop it Spring. You're beautiful, hindi ko alam kung bakit sinasabi mong hindi ka maganda pero hindi 'yon ang nakikita ko."

Napalunok ako at hindi ko maiwasang pamulahan sa sinabi niya. Hindi kasi ako sanay na may nagsasabi sa akin ng gano'ng bagay tungkol sa akin. Mas sanay pa akong marinig na matalino ako at bukod doon wala na.

"Look at yourself then tell me if I am really lying to you." Aniya at inikot ang kinauupuan ko at iniharap ako sa salamin ng dresser table niya. Pero hindi ko alam kung bakit kusang pumikit ang mga mata ko.

Siguro dahil ayoko lang ma-disappoint sa makikita ko...

"C'mon Spring, open your eyes. Don't you trust me?" Tila nagtatampong saad ni Light mula sa likod ko kaya naman dahan-dahan kong idinilat ang paningin ko.

At pinagmasdan ang babaeng nasa harap ng salamin... walang iba kung hindi ako.

Teka? Ako ba talaga 'to?

Kumurap-kurap ako at hindi pa ako nakuntento ay hinubad ko ang salamin na suot-suot ko at pinunasan ito gamit ang laylayan ng damit ko.

"See? I told you, you're pretty." Natatawang saad ni Light habang ako naman ay pinakatitigan pa rin ang mukha ko.

Mukhang worth it din naman pala ang ginawa ni Light sa akin. Ang makapal kong kilay ay pantay-pantay na. Ang mukha kong pagkaputla-putla ay tila naging masigla. At ang buhok kong palaging nakatali ay inilugay niya at kinulot ang dulo.

"Anong masasabi mo? You like it?" Nakangiting tanong ni Light at dahan-dahan akong tumango.

"S-salamat Light."

Magsasalita pa sana siya nang makarinig kami ng katok mula sa pinto. Nagmamadali naman niyang tinungo ang pinto at iniwanan ako.

Muli akong napatingin sa salamin pero napangiwi din ako nang makita ang mala-Lola Basyang kong salamin.

"And now, for our last step wear these things..." saad ni Light at kasunod niya sila Mr. Joe at ang dalawang kasambahay nila.

Isa-isang pinatong nila Mr. Joe ang mga bitbit nila sa mala-prinsesang kama ni Light pagkatapos ay nagpaalam na rin ang mga ito. Excited naman na kinuha ni Light ang maliit na box at lumapit sa akin.

"First, we have to get rid of that eyeglass." Nakangiwing saad ni Light.

Umiling naman ako. As much as I want na alisin ang salamin ko. Hindi puwede. "M-malabo ang mata ko kaya hindi---"

Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang inilabas niya mula sa maliit na kahon.

"Remember when I asked you kung anong grado ng mga mata mo? It's my gift for you." Napatango naman ako sa tanong niya at hindi na rin ako nakatanggi nang alisin niya ang salamin ko sa mata. "Is it your first time na magsusuot ng contact lense?"

Dahan-dahan naman akong napatango. Ilang beses na akong kinumbinsi nila Tatay, Tita Amethyst at ni Rain na mag-contact lense na lang pero ayoko naman dahil komportable na ako sa salamin ko.

"Well, hindi naman 'to masakit, just a little bit uncomfortable at first."

Ilang saglit lang ay nailagay na niya ang contact lense sa mga mata ko at katulad nga nang sinabi niya ay hindi nga ako komportable dito pero kaysa naman magmukha akong ewan dahil sa salamin ko at pagtawanan ng mga mababait niyang kapatid, tiis-tiis muna ang peg ko.

At pag sinabi kong tiis-tiis mukhang bonggang tiis-ganda ang mararanasan ko nang makita ko ang ipapasuot niyang damit at sapatos sa akin.

TORN

"MAUUNA na ako. Wait for them." Saad ko kay Cane na nakatuon ang atensyon sa cellphone niya at busy sa kakalaro. Agad naman niyang ibinulsa ang hawak na cellphone at binalingan ako.

Tumayo ako at hindi na siya inantay pang magsalita.

"Joe, tell Light na nauna na kami ni Torn. Masyado kamo silang matagal." Napailing ako sa sinabi ni Cane at nagpatuloy ako sa pag-alis.

"I'm sure kaya napakatagal ng dalawang 'yon dahil nababaliw na si Light kung paano ayusin ang hitsura ni Tagsibol." Saad niya habang tatawa-tawa. Hindi ako nagkomento sa sinabi niya at ngumisi na lang.

Mabilis akong dumiretso sa kotse ko nang makarating kami sa garahe. Pero napahinto ako sa pagbukas ng pinto nang magsalita si Cane. "Natanong mo na ba si Light kung nahanap na siya?"

Malalim akong napabuntong-hininga at tumango. "Still no information."

"Don't worry dude, she'll find her. You know Light and her ways. Still can't believe that she's doing this for that nerd..."

Ngumisi ako at binalingan ang kakambal ko na kasalukuyang naninigarilyo. "Then you... bakit ka pumayag kay Light na tigilan na natin ang babaeng'yon?" pagtukoy ko sa pambu-bully namin kay Cruz.

Napahinto sa paninigarilyo si Cane at nakasimangot akong hinarap. "How many times do I have to tell you? I did it for you. I am part of the deal. If I still continue to bully that girl. The deal is off. Hindi hahanapin ni Light si Storm...You saved me then. I'm just doing the same thing to you..." inihagis niya ang sigarilyo at nanggigil na inapakan pagkatapos ay tinalikuran ako at mabilis na pinasibad ang kotse niya. Iiling-iling na pumasok ako sa kotse ko at pinaandar ito.

Iyon nga lang ba talaga ang dahilan Cane?

Bakit ko pa nga ba kailangan muling itanong 'yon. Bagama't hindi kami palaging magkasundo ni Cane, alam ko na handa niya akong tulungan at gano'n din naman ako sa kanya.

Imposible naman na gusto niya ang babaeng 'yon, hindi ba?

Humigpit ang kapit ko sa manibela sa naisip. Hindi pwedeng mangyari 'yon, hindi porke't pumayag ako sa kasunduan namin ni Light, ang ibig sabihin na no'n ay hindi na ako galit sa babaeng 'yon.

And I dreaded the idea of Hurricane liking that girl...

Habang nagmamaneho ay muli kong naalala ang nangyari isang linggo na ang nakakalipas...

"I'm sorry... I'm really sorry..."

"I'm s-sorry na nawala siya dahil sa akin---"

"—I'm sorry dahil tama ka... kasalanan ko... kasalanan ko ang l-lahat..."

Marahas kong ibinagsak ang pinto at galit kong ipinaghahagis ang bawat mahagip ng kamay ko.

Sorry?

Fuck that word.

One thing that I hate is that word sorry...

I used to say that words often to the woman I love but it's useless.

It didn't work. She still left me. Blaming me for ruining her life.

If only... that nerd didn't let Storm ride that fucking taxi...

Maybe she's still with me.

Maybe I've been given a chance to be with her again. For her to forgive me for all the wrong things that I've done.

That's why I hate that girl.

And I hate her even more for having the guts to say that words to me.

"Fuck dude, sisirain mo ba 'tong lugar natin?! You and your fucking temper."

I was brought back from my thoughts when I heard that familiar voice from my back.

"Get out! I don't need a fucking traitor!" sigaw ko at nanghihinang napaupo sa sofa. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo sa mesa at kumuha ng isa pagkatapos ay mabilis ko itong sinindihan.

"Will you fucking listen first?!"

"I don't want."

Umupo si Cane sa katapat kong sofa kaya naman galit kong sinipa ang mesa. "Are you deaf? I said get out!"

Tila wala namang narinig ang traydor kong kakambal. "Baka nakakalimutan mo. Helios din ako kaya may karapatan ako sa lugar na 'to."

Pagak akong tumawa sa sinabi nito. "You don't want to leave? Then fine, this place---" Tumayo ako at iminuwestra ang paligid. "---is fucking yours now!"

Tinalikuran ko siya pero napatigil ako sa paglakad nang may tumamang bagay sa likod ng ulo ko.

Did he just--

Dahan-dahan ko siyang nilingon pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya na ako.

"Do you really believe that I saved her just because I feel like being her knight in shining f*cking armor?"

"Then why?!"

Ngumisi si Cane. "Are you f*cking ready now to listen?"

Hindi ko siya sinagot at bagama't nag-aalangan ay naglakad ako pabalik at muling umupo sa sofa na katapat niya.

"It's been three years since you started hiring detectives to find Storm right?"

Kumunot ang noo ko. "Paano siya napasok sa usapan na 'to?"

"Just answer me."

"Yes! Now tell me, anong kinalaman niya dito?"

Diretso ang mga matang binalingan ako ni Cane at binitawan ang tinitignan niyang frame na kinalalagyan ng litrato namin ni Storm.

"Hindi lang isa kung hindi marami silang naghahanap sa kanya but it's strange that they never find her. You want to know why?"

Tama ang sinabi niya, tatlong taon at mga magagaling na detectives ang kinuha ko para mahanap si Storm but they never find her. Strange it is. But I just thought that maybe it is really hard to find someone who don't want to be found.

"Why?" Nakakuyom ang kamao kong saad. "Is it because of him?!" Natahimik siya sa tanong ko at galit kong naibagsak ang kamay ko sa gilid ng sofa nang tumango siya. "Damn that old crazy man!"

Don Hernias Gordon Helios.

Their grandfather.

He's the reason why after all these years I never find her. And damn those detectives for fooling me. They'll pay for this. They'll fucking pay for this.

That old man keeps on pestering my life.

"Sinong nagsabi sa 'yo? Si Light ba?!"

Tumango siya. "Damn that bi---"

"Don't curse her Torn. She's still our sister." Pagputol niya sa sasabihin ko. "And right now, if you really want to find her. You need to follow Light. You know na siya lang ang may kakayahan sa ating magkakapatid na kausapin si Grumps."

"What do you mean?"

Tumikhim si Cane at iniwas ang paningin sa akin giving me a hunch na hindi ko magugustuhan ang sasabihin nito. "I don't know how but she became friends with that girl. And she found out that we've been bullying her for the last three years..."

Hindi ko na siya pinatapos pa at ako na mismo ang nagpatuloy sa sasabihin nito. "And she wants us to stop? Gano'n ba 'yon? And in return, she'll help me find Storm."

"Yes. And I am also part of it. And cheesy how it may sounds, I also want to help you."

And that's how the deal between Cane, Light and I started.

And it's all because of that girl... Spring Cruz.

Just what the hell did she do to tame my witch sister?!

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top