Chapter 24: I'm sorry. I'm really sorry.

“Ano?! Makikinig kayo sa kanya? I said get her!” Naalis ang paningin ko kay Cane at napabaling sa sumigaw na si Torn. Muli kong hinanda ang sarili ko nang mag-umpisang lumapit sa amin ang ilang kalalakihan.

“And I said touch her and all of you will be dead.”

Napatingin ako kay Cane na seryoso pa rin ang boses.

“A-ano bang nangyayari sa ‘yo?” saad ko na halos pabulong at duda ko kung narinig niya.

“What the--- ano bang nangyayari sa ‘yo huh Hurricane? Kinakalaban mo ba ako?!”

Lumapit si Cane kay Torn at inakbayan ang kanyang kakambal pero galit itong ipinalis ni Torn. “I told you that we need to talk but not in this place.”

“Shut up!” sigaw ni Torn at hinarap ako. “Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa kapatid ko pero nagkakamali ka kung iniisip mong makakaligtas ka sa akin.” Malamig ang boses na saad sa akin ni Torn.

Pinagmasdan ko ang mga mata niya at bagama’t blangko ito, alam ko na sa likod nito nagkukubli ang lungkot, ang sakit na bagama’t sabihin man ni Light na hindi ko kasalanan, pakiramdam ko kasalanan ko pa din. Dahil may hatid akong kamalasan sa mga tao…

“Storm dreamed of becoming a professional photographer, Spring. But because of that accident, she lost the chance of becoming one.”

“Nabulag siya.”

Gaano nga ba kahirap para dito ang makitang nahihirapan ang mahal nito? Katulad din ba ng nararamdaman ko para kay Nanay at kay Tatay?

Lumunok ako at iniwas ang paningin kay Torn. Lumapit ako sa timba na nalaglag kanina at dinampot ito.

“What the hell are you doing?!” Hindi ko pinansin ang nagsalita na walang iba kung hindi si Cane at lumapit sa lalaking alam ko na nagtapon nito mula sa second floor ng HU.

Sa tinagal-tagal niya ba naman itong ginagawa, imposibleng hindi ko siya matandaan.

Mukhang napagtanto niya na sa kanya ako lalapit at hindi na din ako nagtaka nang umatras siya papalayo. May tensiyon sa pagitan ng kambal at sa hindi inaasahang pagkakataon tinutulungan ako ng isa sa kanila. At kahit sino ay hindi nais madamay.

“Sandali lang!” sigaw ko na siyang nakapagpatigil sa kanya sa pag-atras palayo.

“B-bakit?”

Ito ang unang beses na may kumausap sa akin na nauutal at tila natatakot. Dahil halos lahat ng tao sa HU maliban sa mga guro ay itinuturing akong basura o kaya naman ay laruan.

Nilingon ko si Cane na halatang nagtataka sa ginagawa ko. Ganito ba kalaki ang epekto ng ginawa kanina ni Cane?

Inalis ko ang paningin ko dito at muling binalingan ang lalaki. “Kunin mo.” Pag-abot ko sa timba sa kanya.

Umiling siya. “At bakit naman kita s-susundin?!”

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nilapag ang timba sa paanan niya. “Ulitin mo. Ulitin mo ang ginawa mo kanina. At nakakasisigurado ko na hindi na masasayang ang effort mo.” Saad ko at hindi ko alam kung bakit kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

Tila nahihintakutan naman siyang tumingin sa akin at hindi nakaligtas sa akin ang muling pag-iingay ng paligid.

“Oh my god! Is she crazy?”

“Can you tell me what is happening today?”

“Ihhhhhhhh, she’s scary!”

“Nag-aaway ba talaga ang kambal dahil sa nerd na ‘yan?!”

“Creepy!”

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Nababaliw ka na ba talaga?!” sigaw sa akin ni Cane na hindi ko namalayang nakalapit na sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalog ito na tila ginigising ako.

“Ikaw? A-ano rin ‘tong ginagawa mo?” pabulong kong saad sa kanya.

Bubukas-sara ang bibig niya na tila may nais sabihin sa akin pero bago pa niya masabi ang gusto niyang sabihin ay may kamay na marahas na humaklit sa braso ko at hinila ako.

Mabilis ang mga pangyayari at ang huli ko na lang narinig ay ang boses ni Cane na sumisigaw na pakawalan ako ni Torn.

HINDI na ako magtataka kung pulang-pula na ang kaliwa kong braso sa sobrang higpit ng kapit dito ni Torn. Binitawan lang niya ako nang makapasok kami sa elevator. Kitang-kita ko ang panggigigil niya habang pinindot ang button papanhik sa pinakataas ng HU.

Hindi pa ako kailanman nakakapunta doon, hindi lang naman ako kung hindi pati na din ang ibang mga estudyante dito sa HU. Dahil teritoryo iyon ng kambal at ng mga kaibigan niya.

“Ulitin mo. Ulitin mo ang ginawa mo kanina. At nakakasisigurado ko na hindi na masasayang ang effort mo.”  

Napatigil ako sa paghimas sa braso ko na nasaktan nang marinig ang sinabi ni Torn na binuntutan niya nang pagtawa. Pero hindi tawa na tila ba natutuwa o naaaliw.

Agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya nang tumigil siya sa pagtawa at balingan ako nang tingin.

“You’re really something. Just when I thought that you’re just nothing but a weak crying baby. A nobody…” Bagama’t hindi ako nakatingin sa kanya ay nakikita ko mula sa repleksyon sa salamin ng elevator ang hitsura niya.

Nakangisi.

Nakakuyom ang kamao.

At higit sa lahat ang blanko niyang mga mata.

Sa tuwing nakikita ko ang paningin niyang iyon natatakot ako.

Nag-uumpisang kumabog nang malakas ang puso ko at alam kong dahil sa takot ‘yon.

Pero ngayon hindi ko alam kung bakit parang may pumipiga sa puso ko ngayon.

Dahil ba sa nalaman ko?

Pero bakit ‘nung ang pagkakaalam ko na patay na ang babaeng ‘yon hindi ko naramdaman ‘to?

Buhay pa naman ang girlfriend niya hindi ba?

But she’s blind. And she left him because of that.

At alam ko ang pakiramdam nang maiwan...

Napakasakit…

“---Nagawa mong patirahin ka ni Light sa bahay namin at pati ang kakambal ko…” Napapikit ako nang suntukin niya ang pinto ng elevator. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pagdugo ng kamao niya. “---Ipinagtanggol ka mula sa akin?!”

Bumukas ang elevator at kahit na iniwan na niya ako ay hindi ko alam kung bakit imbes na takasan siya ay lumabas ako at sinundan siya.

“I’m sorry. I’m really sorry…”

Napatigil siya sa paglakad ngunit hindi niya ako nilingon. Nag-umpisang pumatak ang luha mula sa mga mata ko.

Tatlong taon na ang nakalipas at ngayon ko lang napagtanto na hindi ko man lang nagawang sabihin ang mga salitang ‘yon sa kanya.

“I’m s-sorry na nawala siya dahil sa akin---”

“—Shut up!” saad niya sabay lingon sa akin.

“—I’m sorry dahil tama ka… kasalanan ko… kasalanan ko ang l-lahat…”

Kasalanan ko kung bakit siya nabulag… “I’m sorry dahil nagawa ko pang tumira sa bahay ninyo… And I-I’m sorry kung bakit nagawa ni Cane na---”

“Hindi mo ba ko narinig?! Ang sabi ko tumahimik ka!” muli niyang sigaw sa akin pero hindi ko pa rin ito pinansin at nagpatuloy ako sa pagsasalita.

“B-but believe me, ako mismo hindi ko alam kung bakit nagawa ‘yun ng kakambal mo---” Napatigil ako sa pagsasalita dahil nahihirapan na akong makahinga dahil sa patuloy kong pag-iyak kaya naman huminga ako nang malalim pero bago pa ko muling makasalita ay mabilis na lumapit sa akin si Torn at hinaklit ang kuwelyo ng uniporme ko pagkatapos ay marahas niya akong  isinandal sa pader. Bagama’t nanlalabo ang paningin ko ay kitang-kita ko na namumula na ang mga mata niya.

“Ano pang magagawa ng sorry mo?! Maibabalik ba niyan ang nawala sa akin?”

Umiling ako. “Alam kong walang magagawa ang s-sorry ko but still I want to say it. Sorry. I-I’m really sorry. Kung maibabalik ko lang ang araw na ‘yon hindi ko hahayaan na sumakay siya ‘don because believe me… mas gugustuhin ko na ako ang maaksidente ng araw na ‘yon…Na sana namatay na l-lang ako.”

I know na maling sabihin ang mga salitang ‘yon but I can’t stop myself… So sorry… Sorry God… Sorry Tatay…

“Sana nga… sana namatay —”

“That’s enough Tornado!”

Hindi ko na kailangang tignan pa ang sumigaw para malaman kung sino ang nagsalita.

“And here comes your savior…” saad ni Torn sabay bitaw sa akin. "Stop saying things that you don't even mean. Sorry. That word is nonsense for people like you." saad niya sabay alis hindi pinansin ang pagtawag sa kanya ng kakambal niya.

Nilagpasan ako ni Cane at bagama’t puno pa din ng luha ang pisngi ko at nanlalabo ang mata ko dahil dito ay hinabol ko siya at hinawakan sa braso para pigilan sa paglakad.

“Why are you doing this?”

Hinarap niya ako. “Doing what?” saad niya pero alam ko namang alam niya kung ano ang tinutukoy ko.

“Bakit ka pumayag kay Light? Maiintindihan ko na isabay mo ko papasok pero ang hindi ko maintindihan bakit—”

“Stop asking questions. Just be thankful.” Pagputol niya sa sinasabi ko sabay lagay ng panyo sa kanang kamay ko. “Wipe your tears. It doesn’t suit you.” Hindi na ako nakasalita pa nang talikuran niya ako at pumasok sa isang pinto na pinasukan ng kakambal nito.

Thankful? Ako? Sa kanya? I don’t think so…

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top