Chapter 22: Chaos Breakfast.
Inhale.
Exhale.
"You can do it, Spring. Fighting." Saad ko sabay tingin sa orasan.
Alas-siyete pa lang ng umaga at alas-otso pa ang simula ng klase ko pero sadyang inagahan ko ang pasok ko dahil sa magaala-ninja ako ngayong umaga na 'to. Mahirap na at baka magtagpo pa ang landas namin ng kambal.
Hindi ko alam kung nakauwi na ang dalawa pero hanggang sa nag-hapunan kami ni Light kahapon ay hindi ko nakita sila na siyang ikipinapagpasalamat ko. Gabi na rin nang matapos kami ni Light magkuwentuhan. Hindi ko inakala na ma-eenjoy ko makausap si Light.
Nakangiti kong isinuot ang bag ko pero naglaho ang ngiti ko nang maalalang dalawang araw din ang hindi ko naipasok sa HU. Malamang marami na akong na-miss na kailangang gawin. Kung sana may kaibigan ako sa HU na pwede kong tanungin ng mga assignments o mga notes 'e 'di sana hindi ako mangangapa ngayong araw na 'to. Wala din naman akong matinong kaklase na tutulungan ako.
Napabuntong-hininga ako pero katulad nga ng sabi ko kanina. Kaya ko 'to!
Kinuha ko ang cellphone sa side table at chineck kung tumawag na si Trent o kaya naman si Rain. Kagabi ko pa inaantay ang tawag ng dalawa dahil sa gusto kong malaman kung ano na ang lagay ni Tatay. Pero mukhang busy ang mga ito o kaya naman ay tulog pa.
Naoperahan na kaya ang Tatay?
Gusto ko mang tawagan ang dalawa ay hindi ko magawa sa kabang baka may ibang makasagot sa tawag ko.
Kinuha ko ang picture frame na kinalalagyan ng litrato namin ni Tatay.
"Kapit ka lang Tay ah... hihintayin kita. I love you." Saad ko sabay halik sa larawan.
"WHAT are you doing?"
"Ay kabayong bundat!" sigaw ko sa gulat nang marinig ang boses sa likod ko. Dahan-dahan kong hinarap ang nagsalita na walang iba kung hindi si Light.
Tatawa-tawa siya pero bakas ang pagtataka sa mukha. "Kabayong bundat? Great expression you have there sis."
Parang tanga na napakamot ako sa batok ko sa hiya habang hindi ko alam kung ngiti o ngiwi ba ang lumabas sa labi ko. "Ako? A-anong ginagawa ko?" pagturo ko pa sa sarili ko. "A-aano naglalakad?"
"Naglalakad na para bang may tinataguan?"
Bakit nga ba hindi siya magtataka kung hindi normal ang paglakad ko kanina dahil bukod sa patingkayad ang paglakad ko, halos mabali na ang leeg kakalinga sa paligid ko.
"Are you hiding from my good for nothing brothers?" saad ni Light habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
Umiling ako. "H-hindi ah, bakit ko naman sila tataguan?" nauutal kong saad.
"If you say so... bakit nga pala ang aga mo?"
Nakahinga ako nang maluwag ng baguhin nito ang paksa sa usapan naming. "Dalawang araw din akong absent kaya kailangan kong maging maaga para magtanong kung anong mga namiss kong lessons."
"From what I heard to your cousin, you're smart. So don't worry too much about your study. Come, let's have some breakfast first." Hindi na ako nakaangal nang hilahin ako ni Light papunta sa dining area.
I just hope wala sila doon...
Malalim akong napabuntong-hininga nang tanging si Mr. Joe lang ang naabutan namin ni Light sa dining area. Di yata't hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang kambal.
Napangiti ako at hindi ko na inantay pa na ipaghila ako ni Mr. Joe sa silya at naupo na ako.
Sana hindi na lang sila---
"Good morning!"
"Aba't, nandito ka na pala. Mabuti naman naisipan mong umuwi pa."
Nabitawan ko ang kubyertos at dahan-dahang binalingan kung sino sa kambal ang dumating.
Dapat ba akong magpasalamat na hindi ito si Torn na malalim ang galit sa akin?
O mas kabahan dahil si Cane ito na nakangisi at suot-suot ang t-shirt na ibinato ko sa swimming pool nung isang araw?
"Why are you looking at me like that?" Nakangisi pa ring saad ni Cane. "Scared?"
"At bakit naman sa 'yo matatakot si Spring, aber?"
Itinaas ni Cane ang suot-suot niyang damit. Iniwas ko ang paningin ko pero hindi nakaligtas sa akin na makita na naman ang----
Stop, Spring! Stop it!
"Maybe because of this shirt na nakita sa swimming pool na palutang-lutang na kagagawan lang naman niyang babae---"
Nanlaki ang mata ko nang bago pa matapos ni Cane ang sasabihin niya ay nakita ko kung paano mabilis na kinuha ni Light ang orange sa lamesa at ibinato kay Cane. Binalingan ko si Cane at katulad ko ay mukhang nagulat din siya sa ginawa ng kapatid niya.
"May pangalan siya so stop calling her like that. And please Cane grow up." Saad ni Light at parang walang nangyari na uminom ng kape.
"Umupo ka na at kumain at baka mahuli pa kayo sa klase ni Spring."
Nagdadabog na tinungo ni Cane ang katapat kong upuan pero hindi pa din nakaligtas sa akin ang masamang tingin niyang iginagawad sa akin.
"Ayusin mo 'yang mata mo Hurricane. You should be nice to her from now on kung ayaw mong ako ang makalaban mo."
"And why would you do that?"
Ngumiti si Light at binalingan ako. "Because from now on, she's my friend."
"F-friend? You? And Her?" Tila nang-aasar na saad ni Cane na binuntutan pa ng tawa. "Don't make me laugh." Muli niyang saad sabay tawa na naman nang mas malakas.
At ano pa nga bang aasahan ko sa may pagkabayolenteng si Light. Sa sobrang busy ni Cane kakatawa ay hindi na siya nakaiwas nang batuhin ito ni Light. Pero sa pagkakataon na ito, hindi na orange ang tumama sa noo niya kung hindi kutsara.
"Lighttttttttttttttttttttttttttttttt!" sigaw ni Cane habang hinihimas niya ang nagsisimula na niyang mamulang noo.
"Just mark my word, Hurricane. Never mess with Spring dahil sa susunod hindi lang 'yan ang tatama sa 'yo."
Hindi na sumagot si Cane at nagdadabog na tumayo. "Aish, makaalis na nga lang!"
"Sit down."
Hindi pinakinggan ni Cane ang sinabi ni Light at ipinagpatuloy pa din niya ang pag-alis. "I said sit down and finish your food!"
Yung totoo? Kapatid ba o nanay si Light?
"Anong tingin mo sa akin? Bata para sumunod sa----"
"Ibabalik ko na sa 'yo ang kotse mo."
Parang magic words ang sinabi ni Light at mabilis pa sa alas kuwatro na bumalik si Cane sa pagkakaupo.
"What's the catch?"
Bumaling sa akin si Light na siyang ikipinagtaka ko. "Starting today sabay kayong papasok ni Spring sa HU."
"ANO?"
"WHAT?!"
Nagkatinginan kami ni Cane nang sabay kaming magsalita.
There's no way na sasakay ako sa isang kotse kasama ang bad boy na ito!
Sa isip-isip ko.
"You heard me."
"No! Gagawin mo kong driver ng babae na 'yan?!" nakakainsultong saad ng walang modong lalaki na nasa harap ko.
As if naman gusto kong makasama ka sa iisang kotse 'no...
"Hindi na kailangan Light kaya ko ang sarili ko."
Umiling si Light. "Nope. It will be inconvenient for you. We have a driver but to think na nasa iisang school din naman kayo nag-aaral ng kapatid ko so I decided na mas maigi na sumabay ka na lang sa kanya."
"P-pero---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang balingan ni Light si Cane. "And you. Take it or leave it. Unless you're nervous being alone with Spring."
Napapitlag ako nang malakas na ibinagsak ni Cane ang kamay niya sa lamesa. "At bakit naman ako kakabahan?"
"Because maybe you like----"
"Stop! Huwag mo na lang ituloy ang sasabihin mo pwede ba?! Just---" Masama ang tingin na ibinaling naman sa akin ni Cane ang paningin niya. "---give me back my car. At ikaw bilisan mo na lang kumain dahil ang ayoko sa lahat ay ang maghintay."
Teka! Ang ibig sabihin ba nito pumayag na siya sa kondisyon ni Light?! Hindi maaariiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!! Pero teka ano nga ba 'yung sinasabi ni Light na hindi niya natapos?
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top