Chapter 21: Start of a New Friendship.

"How about we go to the mall? Like shopping? You need it, you know--- to release your stress."

"Ahh hindi---"

"Then after that let's go to my favorite salon and spa."

"Madami pa kasi akong---"

"And maybe we could hang out with my other friends. You should meet Nicollet and Scarlett. They are twins by the way."

Pinagmasdan ko si Light na kanina pa salita nang salita habang nag-aagahan kami habang ako naman ay binubusog ang sarili ko sa mga pagkain na nasa lamesa. Sinusulit ko ang oras na wala ang kambal sa paligid ko. Ang dinig ko mula kay Mr. Joe ay hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang dalawa mula kagabi.

Magdamag akong nagkulong sa kwarto at mabuti na nga lang ay hinatiran ako ng pagkain nila Mr. Joe kahapon kung hindi malamang nahimatay na ako sa gutom. Utos daw ni Light na siya namang ikipinagtaka ko pero wala na rin naman akong balak pang usisain kung bakit.

Buong gabi kong pinag-isipan lahat ng mga nalaman ko at hanggang ngayon kinakain pa rin ako ng konsensya ko. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Halo-halo ring emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na ilang araw pa lang ang nakakalipas sa dami ng mga nalaman ko at nangyari sa akin.

"Hey sis, are you listening?"

Sis? Kailan pa kami naging close?

The last time I check, ang dahilan kaya lang naman ako pinatira ni Light dito sa kanila ay dahil sa curious siya sa amin ng mga kapatid niya. Pero ngayong alam niya na naman kung ano ako para sa kambal. Bakit kung umasta siya ay tila ba gustong-gusto niya ako?

Anong nangyari?

"You're curious, aren't you?"

Nagising ako mula sa malalim kong iniisip nang marinig ko ang sinabi ni Light.

Mind reader ba siya o sadyang kabasa-basa lang ang ekspresyon sa mukha ko?

Uminom ako ng juice at nagpanggap na nagtataka sa sinabi niya. "Curious saan?"

Ngumiti si Light. At masasabi kong ito ang unang beses na masasabi kong tunay ang ngiti na ipinapakita niya sa akin. "About me, suddenly wanting to be close to you."

At dahil curious din naman ako ay napatango ako sa sinabi nito.

"Hurricane told me that you overheard us talking or should I say fighting with Torn yesterday." Napalunok ako sa sinabi niya at nag-umpisa ko na namang chop-chopin sa utak ko si Cane dahil sa ikinuwento pa talaga niya kay Light ang ka-chismosahan ko kahapon. "So now, you already knew that I am engaged with someone." Malungkot na saad ni Light.

At ngayon alam ko na kung bakit. So she's like this dahil sa hihingi siya ng pabor na huwag kong sabihin ang narinig ko kay Trent.

Pinagmasdan ko si Light at bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot. Sa mga narinig ko kahapon na sinabi niya, napatunayan ko na mahal talaga niya ang pinsan ko at sapat na 'yon para hindi ako makialam pa sa relasyon nila.

"Light... don't worry hindi ko sasabihin 'yon kay Trent. Wala ako sa lugar para pakialaman ang relasyon niyong dalawa."

Namilog ang mga mata niya at binalingan ako. Nagulat pa nga ako ng abutin niya ang kaliwa kong kamay at mahigpit itong hinawakan. "Really? Thank you talaga, Spring. Sasabihin ko rin naman kay Trent ang tungkol doon kaya lang natatakot ako na magalit siya sa akin."

Napangiti ako, mukhang nagkamali ako sa impresyon ko kay Light. Ang pag-aakala ko ay isa itong tipikal na spoiled-brat na walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Pero sa ipinapakita niya, alam ko kung gaano kahalaga para sa kanya ang pinsan ko.

At kahit na kapatid pa siya ng dalawang taong nagpapahirap sa akin. Masasabi kong hindi nagkamali si Trent ng babaeng minahal.

"Are you done eating?" malambing pa rin ang boses na saad ni Light.

Hindi niya na naman kailangan pang magpaka-friendly sa akin e...pero bakit pakiramdam ko nag-iba si Light?

Alanganin akong tumango.

"Great. I have something to show you. Kahapon ka pa nagkukulong sa kwarto mo, I'm sure bored ka na."

Tumayo ito at nagtatakang sinundan ko ito. "L-Light, I'm fine. A-ahhm---"

Binalingan niya ako at tinaasan ako ng kilay pero hindi katulad dati ay may ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa akin. "Why? Iniisip mo ba na pinaplastik lang kita at kaya ako nagpapaka-friendly sa 'yo ngayon ay dahil natatakot ako na sabihin mo kay Trent ang sikreto ko?"

Hindi ako nakaimik dahil hindi ko rin naman mapahindian ang sinasabi niya dahil iyon ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Tumawa siya. "Well, I guess silence means yes." Saad ni Light at kinindatan pa ako na para bang balewala lang sa kanya ang iniisip ko. "Let's go."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko pero tanging ngiti lang ang isinagot nito sa akin.

"WOW!"

Paraiso.

Ito ang unang pumasok sa isip ko nang makita ang pinagdalhan sa akin ni Light. Kulang ang salitang kagandahan para sa lugar na nasa likod ng mansiyon ng pamilya nila.

Hindi lang isang simpleng hardin ang nakikita ko. Amoy na amoy sa paligid ang iba't-ibang uri ng mga bulaklak. Nakakatuwang pagmasdan ang mga nagliliparang mga paru-paro pati na rin ang huni ng mga ibon na nasa sanga ng mga puno.

"You like it? Welcome to my haven, Spring." Saad ni Light habang ako naman ay pinagmamasdan ang nakita kong tree house.

"You want to go there?"

Bago pa ako makatango ay hinila na ako ni Light papunta doon. Nag-aalangan pa akong pumanhik dahil sa natatakot ako na malaglag pero mas nanaig ang kagustuhan kong makita ang loob ng tree house kaya naman bumuntong-hininga ako at sinundan si Light na mabilis nang nakapanhik.

Carpeted ang sahig ng tree house. May sofa bed na nakapwesto paharap sa bintana. Sa kaliwang bahagi ng dingding ay nakadikit ang mga drawing na hinuha ko ay gawa ng mga bata. May lamp din akong nakita na nakaibabaw sa isang hindi kataasang cabinet na may mga nakalagay na mga laruan. Meron ding nakasabit na gitara sa tabi nito.

"What are you doing there? Come here." Saad ni Light sabay tapik sa tabi niya sa sofa bed. Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

Hindi nagsasalita si Light at nakadungaw lang sa bintana kaya ginaya ko siya at napangiti ako nang makita ko na naman ang napakagandang hardin na nasa ibaba. Sa pwesto namin ay kitang-kita ko ang kabuuan ng malawak na hardin. Nakasisiguro kong hindi biro ang ginugugol na oras dito para mapaganda at maalagaan ang lugar.

"This place reminds me of our once happy family..."

Naalis ang paningin ko sa tanawin at binalingan si Light na wala na ang paningin sa labas kung hindi nasa mga drawing na nasa dingding. Bagama't nakangiti siya ay kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Inalis ko ang paningin kay Light at binaling sa mga drawing. May kalumaan na ang mga drawing base sa kupas ng papel at mukhang alam ko na kung kanino ang mga ito. Pati na ang mga laruan na nasa cabinet.

Sa kanilang magkakapatid.

Pero teka---Once? Anong ibig sabihin ni Light?

"Naglalaro kami dito ng mga kapatid ko tapos papanhik si Daddy at gamit ang gitara na 'yon---" Itinuro niya ang gitara na nakasabit sa dingding. "---tutugtugan niya kami. Tapos maririnig na lang namin si Mommy na sumisigaw sa baba telling us na luto na 'yung mga cookies na binake niya pero dahil ayaw naming umalis dito. Si Mommy ang papanik at masaya kaming kakain dito."

Tama ba itong naririnig ko? Nag-oopen up sa akin si Light?

"Then what happened?" halos pabulong kong saad.

Nagkibit-balikat si Light. "As you can see, wala dito ang parents namin. Nag-umpisa sa isang business trip, inaabot ng ilang buwan hanggang sa naging taon. Halos lahat naiinggit sa tinatamasa naming kayamanan, kapangyarihan pero ang kapalit naman ng mga 'yon ay ang unti-unting pagkawala ng masayang pamilya namin. Hanggang sa nagbago ang lahat..."

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin at tanging huni ng ibon at ang panaka-nakang buntong-hininga namin ang naririnig ko.

"May tsansa pa naman hindi ba?" pagbasag ko sa katahimikan at kunot-noo naman akong binalingan ni Light. "Na maibalik ang dating masaya niyong pamilya?" pagpapatuloy ko.

Tumawa nang pagak si Light. "Imposible na 'yon, at ayoko na ring umasa pa. I am now 22 not a ten year old girl wishing for that."

"But they're still here. Your parents and your brothers. At hindi imposible na maibalik ang dati niyong masayang pamilya... Dahil hangga't nariyan pa ang mga taong bumubuo 'non walang imposible."

Hindi katulad ko...

Hindi na nagsalita pa si Light at ngumiti na lang. Naninibago pa rin ako kay Light, pero isa lang ang alam ko. Nakilala ko na kung sino si Light Ryie Helios.

"Friends?" saad ni Light sabay abot sa akin ng kanang kamay niya pero agad niya itong ibinaba.

"What? Are you still thinking that I'm doing this because of my secret? Then I'll tell you na kung dahil lang 'yun doon. Hindi kita dadalhin sa lugar na 'to at mas lalong hindi ako magkukwento sa 'yo. I'm sorry if I acted like a bitch to you. But I just realized that you don't deserve it. Baliw lang talaga ako at nagawa kitang pagselosan."

Umiling ako. "H-Hindi sa ganun. O-okay lang ba talaga na maging kaibigan mo ko?"

Kumunot ang noo ni Light. "What do you mean?"

"Alam kong alam mo na ako ang dahilan kung bakit naaksidente ang girlfriend ng kapatid mo---"

"It is not your fault. Masyadong baliw lang ang kapatid ko para isisi sa 'yo ang bagay na 'yon. At kahit namatay pa ang babaeng 'yon, hindi mo rin magiging kasalanan 'yon so stop blaming yourself."

Stop blaming yourself!

Naalala ko naman ang sinabi ni Cane na siyang nakapagpapuyat sa akin kakaisip kung sa akin niya ba talaga sinabi 'yon o nakalaan 'yon para sa ibang tao. Pero sino kaya 'yon?

"Why does it seems like ayaw mo sa girlfriend ni Torn?" hindi ko napigilang itanong dito.

Sumimangot si Light. "Because if I am a bitch, that girl is a two-faced bitch."

"Huh?" ang tanging nasabi ko na lang dahil hindi ko naintindihan ang sinabi nito.

Pero teka alam niya kaya na nabulag ang babaeng tinutukoy niya?

"A-alam mo din bang nabulag y-yung girlfriend ni Torn dahil sa aksidente?"

Kumunot ang noo ni Light. "What? Are you sure? Kanino mo nalaman 'yan?"

"Kay Cane."

"That's impossible." Saad ni Light na tila may naalala.

Umiiling-iling ito at binalingan siya. "Huwag na lang natin pag-usapan ang babaeng 'yon. Nasisira lang ang araw ko. And as I have said, wala kang kasalanan at wala rin akong pakialam sa kung anong galit meron sa 'yo ang mga kapatid ko. So, friends?" muli niyang tanong sabay muling abot ng palad niya sa akin.

Bagama't may pag-aalinlangan pa rin sa akin ay mas nangibabaw ang kagustuhan ko na magkaroon ng kaibigan lalo pa at ito ang unang beses na may nag-alok sa akin ng friendship simula nang tumuntong ako ng kolehiyo.

At kahit na kapatid pa siya ng kambal na ginawang impyerno ang buhay ko sa HU. Kusang-lumabas sa bibig ko ang salitang...

"Friends." Saad ko sabay abot sa palad nito.

"Great. Wait---if Torn doesn't like you because of what happened three years ago, ano namang dahilan ni Cane?" nagtatakang saad ni Light.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa tanong ni Light nang muli kong maalala kung paano ko nakilala si Hurricane—a certified manwhore.

"What the— you're blushing?!" natatawang saad ni Light habang tinuturo ang mukha ko.

Yumuko ako at isinubsob ang mukha ko sa tuhod ko pero ano nga bang laban ko sa itinatago palang kakulitan ni Light?

Sa huli, ay ikinuwento ko sa kanya kung paano nagtagpo ang landas namin ng kapatid niya na si Cane. At kulang na lang gumulong siya sa lapag sa kakatawa.

Expect the unexpected nga naman... who would have thought na magiging kaibigan ko si Light Ryie Helios.

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top