Chapter 18: Curiosity kills a cat.

"WHAT is that all about?" malamig ang boses na saad ng kakambal ko matapos sumama ni Tagsibol sa katulong namin.

"What?!" paasik ko namang tugon sa kanya.

"Lumalambot na ba ang puso mo para sa babaeng 'yon?!"

Of course not.

Iyon dapat ang sasabihin ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ito lumabas sa mga bibig ko.

"I don't have a heart." Nasabi ko na lang.

"Really? Eh bakit buhay ka pa?" nang-aasar na sabat ni Light na mukhang kanina pa amuse sa mga nangyayari sa paligid niya. "You seem like a sweet guy a while ago. Oh my gosh! Bakit hindi ko pinicturan kanina 'yung eksena niyo ni Spring." dagdag pa niya na tila hinayang na hinayang.

"Will you shut up Light?! Why don't you just explain to Torn kung bakit dito na titira ang babaeng 'yon?"

Tumikhim naman si Light at binalingan ang kakambal ko na masama pa rin ang tingin sa akin. "Well, you heard me right? In the mean time dito muna si Spring sa atin, her Dad got into an accident at sa states ooperahan ang Daddy niya---"

"What?!"

"May problema ba Cane?" pagbaling sa akin ni Light.

Umiling ako pero hindi maalis sa isip ko ang sinabi kagabi sa akin ni Tagsibol.

"Pumunta ng ibang bansa sila dahil sa negosyo at hindi ako nakasama dahil sa nag-aaral ako... Wala na kaming relatives dito sa Pilipinas kaya kinausap ni Trent si Light para patuluyin ako dito sa inyo."

Bakit hindi niya sinabi ang totoo?

"Then bakit hindi na lang siya sumama sa pamilya niya?!" ani Torn na bakas pa rin ang pagkainis sa mukha.

Ano nga bang dahilan kung bakit sa loob ng tatlong taon, binully namin si Spring?

It's because my brother wants her to vanish. Ang umalis ito sa HU.

Pag-aari man ng pamilya namin ang HU, wala pa rin kaming kakayahan na magpaalis ng estudyante dito so we always think of a way para ang estudyante na ang kusang umalis.

Pero ang Tagsibol na 'yon...

She's different and I wonder what's the reason kung bakit hindi pa rin siya umaalis sa HU.

At ngayon na sinasabi ng kapatid namin na si Light na dito titira si Spring, natural lang na hindi ito magustuhan ni Torn.

"Remember that night? nang sinundo siya ni Trent sa ulanan, naglayas siya no'n at nang araw na din na 'yon naaksidente ang Daddy niya. Her family blame Spring kung bakit naaksidente ang Daddy niya! That's why they disown her. So she have no choice but to stay here! Kaya pwede ba? Tigilan na natin ang usapan na 'to?!"

Itinakwil siya ng pamilya niya?

Ano bang kamalasan ang meron ang babaeng 'yon?

"Sabi ni Trent, anak sa ibang babae si nerd ng Tito niya. Nine years old daw ang pinsan niya ng kunin ito ng Tito niya. Unfortunately, may sakit pala sa puso si nerd kaya dinala ito sa states para ipagamot..."

Muli kong naalala ang sinabi ni Light sa akin sa kotse at mula noon ay hindi na maalis sa isip ko ang babaeng 'yon...

She reminds me of someone... maybe that's the reason..

Stop it Cane! Forget that fucking memories!

Napabaling ako kay Torn nang sumigaw siya. "Hindi ako papayag!" kasabay nito ang pagkabasag ng vase na marahas niyang sinipa.

F&*k lagot kami nito kay Cyclone 'pag nalaman niya na nabasag ang dalawang vase niya!

"Hindi ko hinihingi ang permiso ng pagpayag mo Tornado." seryoso ng saad ni Light senyales na nabubwisit na ito sa kapatid namin.

"Alam ba nila Cyclone 'to?!"

"Mom and Dad? Of course they already knew about it." nagmamalaking saad ni Light.

Ngumisi naman si Torn. "Alam din ba nila na may boyfriend ka? At pinsan 'yon ng babaeng pinatuloy mo dito?"

Nanahimik si Light. "I assume hindi? What if malaman nila na nagtataksil ka sa fiancee mo? Ano kayang mangyayari?"

"Huwag mo kong hamunin Tornado!" sigaw ni Light sabay bato nang nahagip niyang baso.

Panigurado lagot kami nito kay Cyclone 'pag nalaman niya na nagbasag kami ng mga gamit dito sa bahay! Buti sana kung mauuto ko si Mr. Joe na huwag sabihin pero imposibleng mangyari 'yon!

"Kung ayaw mong sabihin ko 'yon kayla Cyclone, hindi mo hahayaan na tumira dito ang babaeng 'yon!" 

"Patitirahin ko ang kahit sinong gusto kong patirahin sa bahay na 'to!"

"Then gagawin ko rin ang gusto ko! Tatawagan ko sila para ipaalam na ang paborito nilang anak ay may boyfriend kahit na nga ba matagal na siyang engaged sa ibang lalaki!"

"Hindi ako magpapakasal sa kahit sinong lalaki maliban kay Trent!"

"Sa kanila mo sabihin 'yan Light, huwag sa akin!"

Fuck nabibingi na ko sa sigawan ng dalawang 'to... kaya bago pa matuluyan ang pagkabingi ko nagpasya na akong tumayo pero napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang sumunod na sinabi ni Light.

"Bigyan niyo ako ng magandang rason kung bakit tutol na tutol kayong dalawa sa pagtira dito ni Spring." 

"I-I don't like her." 

"I don't like her." nagkatinginan kami ni Torn nang sabay kaming magsalita.

Ngumisi naman si Light. "'Yun lang?"

Sumimangot ako. "Ano pa bang gusto mong marinig?"

Muling umupo si Light at sa pagkakataon na ito ay tila relax na relax pa itong dumekwatro samantalang kanina ay para itong sumabog na bulkan.

"Maybe the reason why?" anito.

"Huwag mo nang alamin pa." tugon ni Torn. 

"Why is that? I'm curious."

"Curiosity kills a cat."

"I am not a cat." pamimilosopa ng maldita kong kapatid.

"Do you really want to know?" seryosong saad ni Torn na parang bata na tinanguan naman ni Light. 

"Siya lang naman ang dahilan kung bakit nawala sa akin si Storm.."

Siya nga ba talaga Torn?

O isinisisi mo lang sa kanya dahil hindi mo matanggap ang katotohanan?

F*ck saan nanggaling ang mga tanong na 'yon?

Kumunot ang noo ni Light. "What?" 

"You heard me, it's all her fault."

"I heard it clearly but how did that happened?" 

"Ang babaeng 'yon, s-siya ang dapat na maaaksidente at hindi si Storm..."

"That accident three years ago?" baling sa akin ni Light imbes na kay Torn ito magtanong.

"Yeah." Tumingin ako kay Torn at sa nakikita kong ekspresyon sa mukha niya, nakakasigurado kong mahirap para dito na ikuwento pa ang nangyari. "Si nerd sana ang sasakay ng taxi pero pinasakay niya dito si Storm at siguro naman alam mo kung anong nangyari sa taxi na 'yon hindi ba?" saad ko na tinanguan ni Light.

"I understand."

"Mabuti naman at naiintindihan mo, siguro naman paaalisin mo na ang babaeng 'yon dito." saad ni Torn sabay talikod. I'm sure na dederetso na naman ito sa kwarto niya at lulunurin na naman ang sarili niya sa alak.

"Nope. Hindi pa rin siya aalis dito." saad ni Light na siyang nakapagpatigil kay Torn sa pag-alis. 

"Hindi naman dahil sa aksidenteng 'yon kung bakit nawala sa 'yo ang santa santita na babaeng 'yon kaya bakit ko paaalisin si Spring?" 

Lumingon si Torn at mabilis ang mga hakbang na lumapit ito kay Light sabay hablot sa braso ng kapatid namin. 

"I told you Light to stop talking like that when it comes to her!

"Gagawin ko ang gusto ko, at bakit ka ba nagkakaganyan eh totoo naman ang sinabi ko? Pinapaniwala mo pa rin ba na kaya naglaho ng parang bula ang babaeng 'yon ay dahil sa aksidente na 'yon?! Grow upbTorn and move on. She left you, hindi siya namatay! At kung ipipilit mo pa rin ang gusto mo, sisiguraduhin ko na sasabihin ko kayla Daddy kung saan mo inuubos ang pera na binibigay nila sa 'yo! Na sinasayang mo ang pera ng pamilya na 'to para sa pagbabayad sa mga walang kwentang private investigator na hindi mahanap ang babaeng 'yon!" sigaw ni Light.

"Shut up! Shut the f*ck up! At pag ginawa mo 'yon sisiguraduhin ko na may mawawala din sa 'yo!"

Marahas na inalis ni Light ang kamay ni Torn sa braso niya. "Do you think matatakot ako? Alam mo kung anong pagkakaiba natin? Magalit man sa akin sila Mommy, may boyfriend ako na hindi ako iiwan hindi katulad mo." ani Light na siyang nakapagpatahimik kay Torn.

Sinong panalo sa away na 'to? Malamang walang iba kung hindi si Light Ryie Helios...

Iiling-iling na iniwanan ko ang dalawa pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang babaeng nagtatago at nakikinig pala sa usapan namin. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinila paalis. She will be dead kapag ngayon siya nakita ni Torn. Walang kapalag-palag naman siyang nagpahila marahil sa gulat sa mga narinig niya.

Told yah...Curiosity kills a cat...

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top