Chapter 17: Heartbeat.


"Okay lang si Ate, huwag kang mag-alala m-mabait naman ang pamilya ng girlfriend ni Trent k-kaya ayos lang ako, Rain." pagsisinungaling ko sa kausap ko na si Rain.

Paano kong magiging ayos kung wala pa nga akong isang araw dito sa bago kong tirahan ay nasangkot na ako sa gulo dahil sa Hurricane na 'yon.

"Basta Ate, w-wait for us okay? Next week na ang sched ng operation ni Daddy. I wish na nandito ka." Napabuntong-hininga ako sa sinabi ng kapatid ko kaya naman bago pa kami magkaiyakan ay minabuti ko nang magpaalam.

Kagigising ko lang at ang bumungad sa akin ay ang tawag ni Rain. Natutuwa akong makausap ang kapatid ko pero hindi ko maiwasang malungkot at ma-miss sila. Higit sa lahat, natatakot pa rin ako sa posibleng kahinatnan ng operasyon ng Tatay.

Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ko ang pagkulo nito. Pinasadahan ko naman ng tingin ang orasan at pasado alas-nuebe na pala kaya naman pala nagrereklamo na ang tiyan ko. Pero ayoko namang lumabas ng kwarto sa takot na baka makita ko ang kambal. Wala akong lakas para makipagtalo pa sa kanila.

Kaya naman kinuha ko na lang ang malaking maleta na dinala kagabi ni Manong Ronnie at inumpisahan ko na itong isaayos. Sa pag-aayos ko ay nakita ko ang picture frame ng buo naming pamilya.

Pamilya?

Pamilya pa nga ba akong maituturing nila?

Siguro si Rain pero sila Lola?

Nakita ko rin ang pamilyar na envelope at nang binuksan ko ito ay nakita ko ang birth certificate ko with my new surname. Villafionce. Pero anong karapatan ko na gamitin ang apelyido na 'yon?

Kinuha ko pa ang isang picture frame kung saan kaming dalawa lang ni Tatay ang magkasama. The two of us were smiling brightly at the picture. Kitang-kita ang saya sa mga mata namin.

Resulta man ako ng pagkakamali ni Tatay. Naging dahilan man ako ng muntik na pagkasira ng pamilya niya. Hindi ko naramdaman 'yon, pinalaki niya ako na puno ng pagmamahal. Ginawa niya ang lahat para mabuhay lang ako. Naalala ko pa kung paano siyang nakiusap sa Doktor ko noon para lang sagipin ako.

And yet...nagawa kong magalit sa kanya ng malaman ko na itinago niya sa akin ang nangyari kay Nanay. Hindi ko man lang siya pinagpaliwanag at nagawa kong umalis. Kung sana hindi ko ginawa 'yon, baka hindi siya naaksidente---

Naalis ang paningin ko sa hawak-hawak ko ng marinig ang katok mula sa pinto. Dali-dali kong pinunasan ang mga luhang nag-umpisa na namang pumatak mula sa mga mata ko. Kinakabahang dumiretso ako sa pinto at dahan-dahan itong binuksan.

Bumungad sa akin si Mr. Joe---ang butler ng pamilya Helios. Matangkad ito, payat, nakasalamin at poker face. Ang kasuotan naman nito ay classic, maihahalintulad sa mga damit ng mga taga-Europa ganun din ang mga katulong dito.

"Magandang umaga Miss Spring, pinapatawag po kayo ni Young lady upang mag-agahan."

Agahan?

Napahawak ako sa tiyan ko na nag-umpisa na namang kumulo at kahit na ayokong lumabas sa lungga ko ay ayaw ko namang mamatay sa gutom kaya naman wala akong nagawa kung hindi sumunod kay Mr. Joe na akala mo ay na-stuck up sa 18th century base na rin sa pananalita niya.

SA sobrang laki ng bahay ng pamilya Helios ay inabot din ata kami ng ilang minuto bago namin narating ang dining area.

"How many times do I have to tell you Light na hindi pwede si Tagsi---I mean ang babaeng 'yon dito. Gusto mo bang magwala si Torn?!"

"And how many times do I also have to tell you that I don't care."

"Light---" Napahinto sa pagsasalita si Cane nang tumikhim si Mr. Joe na paraan marahil niya para ipaalam ang presensiya namin sa magkapatid.

"Oh you're here na pala. Sit down, kumain ka na, I'm sure you're hungry na." ani Light na muling pinagpatuloy ang pag-inom sa juice at inirapan ang kapatid niya na hindi pa rin maipinta ang mukha.

Nag-aalinlangan akong umupo sa isang silya na iniurong ni Mr. Joe para sa akin. Sa dami namang upuan na iuurong ni Mr. Joe, bakit kailangan ko pang makatapat si Cane?!

Tuloy ay halos ingudngod ko na ang mukha ko sa plato sa sobrang yuko dahil iniiwasan kong mapadako ang paningin ko sa kanya.

"Hey, I told you to eat." ani Light na nakataas na ang kilay at minuwestra ang pagkain na nasa lamesa. Tumango naman ako at inumpisahang lagyan ng pagkain ang plato ko.

"Hoy babae nasaan ang t-shirt ko?" Napatigil ako sa pagkagat ng hotdog sa gulat at walang nguya-nguya na nalunok ko ito kaya naman agad kong kinuha ang juice ko at mabilisan itong ininom.

"I said where is my shirt? Are you deaf?!" ani Cane ng hindi ako nagsalita at parang tanga na pinagmasdan ko lang siya.

"At bakit mo naman sa kanya hinahanap ang damit mo, Cane?"

Ngunit bago pa makasagot si Cane ay umalingawngaw ang malakas na sigaw mula sa likod ko.

"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?!"

Hindi ko na kailangan lumingon pa para malaman kung sino ito dahil sa malamig na boses pa lang niya ay nakasisiguro na ako kung sino siya.

Tornado.

"Sit down Torn. Mabuti naman at naisipan mong lumabas sa kwarto mo. Kilala mo na naman si Spring hindi ba? Pinsan siya ng boyfriend ko at pansamantala muna siyang tutuloy dito." ani Light na tila balewala lang ang sigaw ng kapatid niya.

Ibinaba ko na ang tinidor na hawak-hawak ko at pasimpleng nilingon si Torn at napalunok naman ako nang makita kung gaano katalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"What did you say?!" muli niyang sigaw at sa gulat ko ay natabig ko ang baso na nagdulot ng pagkabasag nito. Natatarantang umalis ako sa upuan at pinulot ko ang mga basag na piraso ng baso kaya ang resulta ay ang pagkasugat ng kanang kamay ko.

"Are you stupid?!" nagulat na lang ako ng may mabilis na humila sa akin at muli akong iniupo sa silya. Pagtingin ko ay bumungad sa akin si Cane na bakas ang inis sa mukha pero ang hindi ko mapaniwalaan ay ang ginagawa niya. Tinatalian niya ng panyo ang nasugatan kong kamay.

"Yaya!"

Mabilis namang dumating ang isang katulong. "B-bakit po Young Master?" aniya habang bakas ang pamumutla marahil sa takot sa mga narinig niyang sigawan.

"Treat her wounds." ani Cane sabay bitaw sa kanang kamay ko.

At hindi ko alam kung bakit nag-umpisang kumabog nang malakas ang puso ko habang nakatingin kay Cane.

Bumabalik na naman ba ang sakit ko sa puso?

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top