Chapter 16: Topless Cane.

SPRING's POV

Sa paanong sitwasyon ko nga ba nakilala si Hurricane Helios?

Three years ago. Nakita ko kung paanong niyang ginawang motel ang cr at ang music and dance studio ng HU. Ang akala ko ay iyon na ang huling beses na makikita siyang gumagawa ng kamunduhan. Who would have thought na sa pangatlong beses ay masasaksihan ko na naman ang pangyayaring ito?!

"I said what the hell are you doing here?!"

Napapitlag ako at muntik pa kong mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Cane.

"I'm talking to you! Humarap ka nga dito!"

Humarap ako katulad nang iniutos nito pero katulad ng inaasahan ko ay topless pa rin siya at...at...nakabukas ang---

"PWEDE BA BAGO TAYO MAG-USAP MAGBIHIS KA MUNA?!" sigaw ko habang nakapikit sabay talikod sa kanila.

"Who is that nerd ba baby?" narinig ko pang saad ng kalaro niya.

Pag nakasalamin nerd agad?!

"Shut up. Don't call me baby."

"Buti nga akala mo naman ----"

Napatigil ako sa pagbulong ng bigla na lang may humila sa akin. "I have no time for wearing that damn shirt! Let's go." ani Cane na kasalukuyan akong kinakaladkad papunta sa---

Saan niya ako dadalhin?!

"Baby ko where are you going?!" narinig ko pang sigaw ni Baby pero hindi man lang tumigil si Cane na hanggang ngayon ay topless pa din.

Gaano ba katagal isuot ang t-shirt niya at hindi niya muna isinuot?!

Wait---hila-hila niya ako ngayon. Hawak-hawak niya ang palapulsuhan ko at kanina lang ay naglalaro sila ng baby niya. Malay ko ba kung saan nakarating ang kamay niya?! YUCK!

"Bitawan mo ko!" pagpupumiglas ko pero mahigpit pa din ang kapit niya sa akin at ano ba namang laban ko sa bad boy na 'to.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko nang muling mapagmasdan ang kata---

"Light! Open this damn f$%king door!"

Muntik na kong mabuwal nang marahas akong bitawan ni Cane at kalampagin ang nahihinuha kong kwarto ng kapatid niyang si Light.

Ilang minuto pa ang lumipas bago iniluwa nito si Light na mukhang Diyosa na naman sa suot-suot na pantulog at masama ang tingin sa kapatid niya at sa akin?

Teka---Ano na namang ginawa ko?

"What's the matter Hurricane? Balak mo bang sirain ang pinto ko?! It's freaking 2 am in the morning at kung makasigaw ka diyan akala mo---"

"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?!" pagputol ni Cane sa sinasabi ni Light sabay turo sa akin.

Maka-babae! May pangalan kaya ako!

Parang wala lang kay Light ang galit na ekspresyon ng kapatid niya at pinagmasdan lang kaming dalawa. "She's going to stay here for the mean time."

"What?! Are you f$#king crazy?!"

Napahawak ako sa bibig ko sa gulat nang umangat ang kamay ni Light at malakas na sinampal si Cane.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag kang magmumura sa harap ko Hurricane? So kung ayaw mo na madag--"

"Baby ko! Andito ka lang pala." saad ni Baby na sumunod pala sa amin at siyang nakapagpaputol sa sinasabi ni Light kay Cane na hinihimas ang pisnging namumula na.

Sa lakas ba naman ng sampal ni Light, ewan ko na lang kung hindi din 'yan mamaga.

"Who the hell are you?! And what are you doing here?!" malamig ang boses na saad ni Light sa bagong dating at hindi nakaligtas sa akin ang pamumutla ni Cane.

Naglakad si Light papunta sa babaeng...hanggang ngayon ay tanging underwear pa rin ang suot?

Sumunod siya sa amin, ni hindi niya man lang naisip na magbihis?

"Are you deaf? I said who the hell are you bitch?"

"I am not a bitch!" saad naman ni Baby.

Pumamewang si Light at binalingan si Cane na natahimik at katulad nga ng sabi ko kanina ay namumutla pa din. "Really? you're not? Then what are you? A slut? A whore or my brother's playmate?" saad ni Light habang blanko ang ekspresyon na nakatingin kay Cane.

"Girlfriend ako ni Cane!"

Tila nang-aasar na tumawa si Light at mahinang tinapik ang pisngi ng girlfriend ni Cane. "Are you kidding me? You're my brother's girlfriend? Hindi mo ba alam ang isa sa mga rules ng kapatid ko sa buhay?"

Rules?

"His number one rule is to never have a so called 'girlfriend' so stop assuming bitch. For him, you're just his toy." saad ni Light sa babae na mukhang ilang sandali na lang ay ngangawa na.

3...

2...

1...

Sayang! Walang popcorn! Ano kayang magandang title sa eksenang 'to?

"T-totoo ba ang sinasabi niya, Baby?" saad ni Baby at ako na mismo ang nahiya sa hitsura nilang dalawa ni Cane kaya naman iniwas ko ang paningin ko sa kanilang dalawa.

Dumako ang paningin ko kay Light at nakita ko ang ngisi sa mga labi niya at hindi ko maiwasang isipin na kung sila Cane at Torn ay bad boy...mukhang bad girl naman itong si Light.

"I told you to stop calling me baby! And to answer your question? Yes. You're just my toy." parang bored pang saad ni Cane sa kawawang si Baby.

"How dare you!"

Strike 2.

Bagama't hindi ako nakatingin sa dalawa ay dinig na dinig ko pa rin ang malutong na sampal na tiyak kong lumapat na naman sa mukha ni Cane.

At dito nagtatapos ang eksena. Umiiyak na tumakbo paalis ang babae.

"So Spring... care to explain kung paano ka nakita ng kapatid ko? Eh mukhang may pinagkakaabalahan siya kanina?"

Binalingan ko si Cane na nakangiwi na at himas-himas na ang pareho niyang pisngi habang nakatingin sa akin at tila binabantaan ako?

Binabantaan? Ibig sabihin hindi pwedeng malaman ni Light na pumasok sila ng Baby niya sa kwartong ginagamit ko at doon nila planong maglaro.

"No need to explain, Spring. Mukhang alam ko na kung anong nangyari. At dahil diyan, Hurricane Helios. Give me back your car precious key." ani Light sabay lakad papasok sa kwarto niya ngunit bago niya ito isara ay lumingon siya sa akin. "Next time, make sure to lock your door."

Makaraan ay binalingan niya si Cane. "And you... huwag mong gawing motel ang pamamahay na 'to. As for Spring, katulad ng sinabi ko, she'll stay here whether you like it or not." aniya at pabagsak na isinara ang pinto niya.

Habang naiwan naman ako kasama si Cane na malakas na sumigaw at pinagbalingan ng inis ang kawawang vase na sinipa niya.

Ano pang ginagawa mo diyan Spring? Alis na bago ikaw naman mapagbuntungan ng bad boy na 'yan!

Sa naisip ay dahan-dahan akong humakbang pero hindi pa nga ako nakakalayo ay naramdaman ko na naman ang pamilyar na kamay sa palapulsuhan ko.

"Stay here. Mag-uusap tayo." Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya at hinarap siya.

"Katulad ng sabi ng Ate mo, titira muna ako dito pansamantala."

"Nasunugan ba kayo?! Wala ka bang pera para humanap ng ibang bahay?! Huh? Bakit dito mo pa napiling tumira huh?!"

Tinakwil ako ng pamilya ko dahil kasalukuyang malubha ang kondisyon ng Tatay ko... wala kong choice kung hindi tumira dito dahil ito ang gusto ni Trent ...

"Pumunta ng ibang bansa sila dahil sa n-negosyo at hindi ako nakasama dahil sa nag-aaral ako... W-wala na kaming relatives dito sa Pilipinas k-kaya kinausap ni Trent si Light para patuluyin ako d-dito sa inyo." nauutal kong saad.

"Still! Are you insane para pumayag ka sa gusto ng pinsan mo?!" aniya sabay hawak sa magkabila kong balikat.

Marahas kong inalis ang hawak niya sa akin. "Look, hindi ko rin gusto 'to. Alam ko na ayaw niyo sa akin pero wala akong choice kung hindi ipagsiksikan ang sarili ko dito."

Tila nauubusan ng pasensya na bumuntong-hininga siya at sinamaan ako ng tingin. "Alam mo ba kung gaano kagalit sa 'yo ang kapatid ko? And staying here means giving my brother a chance to continue ruining your life?! Hindi ka pa ba napapagod huh?!"

Natahimik ako. Bakit kung magsalita siya, akala mo concern sa akin?

"Stop acting as if hindi mo rin 'yon gusto Cane. Tatlong taon. Tatlong taon na wala kayong ginawang magkapatid kung hindi sirain ang buhay ko. The two of you ruined my college life. Dahil sa inyo wala akong naging kaibigan at naging laughingstock ako ng HU. Tutal sanay na naman ako na paglaruan niyo ano pang magiging pagkakaiba ngayon?"

Hindi ko na inantay pang magsalita siya at tumalikod na ako. Lakad-takbo kong hinanap ang kwarto ko at nang makita ko ito ay kaagad akong pumasok at ni-lock ang pinto. Pero bago ko makahiga sa kama ay may nahagip ang mga mata ko na damit. Pinulot ko ito at napagtantong ito ang damit ng damuhong si Cane.

Sa sobrang inis ko ay dumiretso ko sa terrace at malakas itong ibinato. Bumagsak ito sa swimming pool at nagpalutang-lutang doon.

Hayy...wala pa nga akong isang araw dito. 'Eto na ang nangyari... ano pa kaya sa susunod? At anong mangyayari kapag nalaman na ni Torn na dito na ako titira? Hindi niya naman siguro ko papasukin sa kwarto at papatayin 'di ba?

TBC











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top