Chapter 15:Light's Curiosity.
SPRING's POV
"Nakausap ko na si Rain at naiayos na rin niya ang mga gamit mo at ipapadala niya na lang dito kay Manong Ronnie."
Hindi ko man lang tinapunan ng tingin ang pinsan ko kahit na narinig ko ang sinabi niya. Iniwanan kami ni Light at hindi ko maiwasang magtaka kung bakit tila excited ito sa paglipat ko dito dahil ang sabi nito ay ipapaayos niya na ang guest room na tutuluyan ko.
Hindi ko rin alam kung nagpapanggap ba ang girlfriend ni Trent o talagang natutuwa ito sa pansamantala kong pakikituloy sa mansiyon nila. Alin man sa dalawa, hindi ko pa rin gusto na tumira sa isang bubong kasama ang kambal sa kasamaan na 'yon. Pakiramdam ko sila ang malas sa buhay ko.
"Are you mad at me?"
Naalis ang paningin ko sa malaking portrait ng pamilya Helios kung saan hindi ko maiwasang humanga sa sa kagandahan at kakisigan ng magulang ng magkakapatid. At binalingan ang tila nagtatampo kong pinsan.
Malalim akong bumuntong-hininga at tinabihan ang pinsan ko.
"I'm not mad at you. Pero hindi ko lang talaga gusto na tumira dito. Kaya ko naman kasi ang sarili ko Trent. Malaki na ako."
Hinawakan nito ang kamay ko at marahang pinisil ito. "I know. I know that you're old enough to take care of yourself. But I have to do this princess, hindi ako mapapanatag na wala kang makakasama. You have to understand that I'm doing this hindi dahil wala akong tiwala sa 'yo. I just want what's good for you."
But staying here is not a good idea Trent. Lalo pa at makakasama ko ang dalawang 'yon. They loathe me. They hate me. They want to destroy my life....Scratch that--- they already destroyed my life..
Pero imbes na sabihin ito kay Trent ay malungkot na lang akong ngumiti at tumango rito. Ayoko ng dagdagan pa ang isipin nito at kung ito ang makakapagpapanatag sa kanya. Kahit ayoko, gagawin ko.
"Promise me princess, na sa pagbabalik namin nandito ka pa rin. I will take care of them but in return you should take care of yourself. Don't be sick. Don't think too much. Lastly, iwasan mo ang kambal. Alam kong mahirap dahil nasa iisang school at bahay kayo pero ayokong lumapit ka sa kanila."
As if naman gugustuhin kong lumapit sa dalawang 'yon...
"I promise. Tell Rain na mahal na mahal ko s-siya at maghihintay ako sa pagbabalik niyo."
Hindi na ito sumagot bagkus ay niyakap ako nito at katulad ng lagi nitong ginagawa ay hinalikan nito ang noo ko.
♣♣♣♣
"THIS will be your room. May intercom din dito at pindutin mo lang kung may iuutos ka sa mga maid. Kung may kailangan ka din sa akin magpaturo ka na lang sa kanila kung nasaan ang kwarto ko."
Tumango-tango ako habang inililibot ko ang paningin sa kwartong gagamitin ko na simula sa araw na ito. Kulay lila ang kulay ng dingding ng kwarto. Sa gitna ay merong isang queen size bed na lila din ang kulay ng bedsheet pati na ng mga unan. Malaki ang kwarto at kumpleto ito sa kagamitan katulad ng sofa, TV at dresser table. Bagama't labag sa loob ko ang pagtuloy dito hindi ko maiwasang magustuhan ang hitsura lalo pa at may terrace din ito katulad ng kwarto ko sa bahay.
"I'm sorry about what happened with your Dad." Napabaling ako kay Light ng marinig ang sinabi nito. Hindi ko maiwasang magtaka sa ugaling ipinapakita nito.
"Why are you looking at me like that? Are you curious?"
Napayuko ako sa tanong nito. "C-curious saan?" halos pabulong kong saad.
"Kung bakit ako pumayag na tumira ka dito? Matalino ka Spring at alam kong alam mo na hindi kita gusto."
Napaangat ako mula sa pagkakayuko at walang mababakas na gulat sa mga mata ko sa sinabi nito, dahil alam ko naman na hindi talaga ako gusto nito.
"I don't like you. I don't like the way my boyfriend treats you. Hindi ko gusto na kahati kita sa atensyon ng boyfriend ko. Honestly, though I feel sorry about what happened with your Dad. Hindi ko maiwasang mainis sa 'yo dahil mapapalayo sa akin ang boyfriend ko. But just like you, curious din ako. Curious sa kung anong meron sa inyo ng mga kapatid ko..." mahabang saad nito sabay labas ng kwarto.
At naiwan akong tulala sa mga sinabi nito. Kung gano'n, ang dahilan kung bakit siya pumayag na tumira ko dito ay para lang ma-satisfy ang curiousity niya sa amin ng kambal na 'yon?
Magkakapatid nga sila. Pare-parehas silang may sapak sa ulo.
"Oh... and by the way huwag mo na ring tangkain na lumayas dito. I'm sure hindi 'yon magugustuhan ni Trent. Feel at home, Spring..."
Hindi ko na kailangan lumingon pa para malaman kung sino ang nagsalita. Nanghihinang napahiga ako sa kama at pumikit.
Humihiling na sana sa pagdilat ng mga mata ko, isang bangungot lang ang mga nangyari sa akin.
Hindi ako nakalimutan ng Nanay.
Hindi naaksidente ang Tatay.
Hindi ako makikitira sa mansiyon na 'to.
At hindi nag-eexist ang mga Helios sa buhay ko.
Si Light. Si Cane at si Torn.
♣♣♣♣
"Hihihihihihi, b-baby huwag diyan---"
"Shut up."
Am I hallucinating?
Ano 'tong mga naririnig ko?
Inaantok na minulat ko ang mata ko pero bago ko pa malaman kung ano ang ingay na naririnig ko ay nakaramdam ako ng paglundo sa kamang kinahihigaan ko.
Nanlaki ang mata ko at napabaling sa tabi ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Bagama't wala akong salamin na suot.
Walang ilaw at tanging sinag mula sa buwan lang ang tanglaw.
Sapat na ang ungol na naririnig ko at ang malabong hitsura ng dalawang tao na nagkakainan ng mukha para mapagtanto kong may nagmimilagro sa tabi ko.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko lalo na ng maaninag ko na hinubad ng lalaki ang pang-itaas niyang damit.
At mukhang hindi ko na kailangan isipin kung sino ang lalaking 'to...
Mukhang sa pangyayaring ito hindi lang ako ang nagulat kung hindi maging ang dalawang napatigil sa ginagawa at nahulog sa kama na mukhang nagulantang sa sigaw ko.
"F$%$$%^$^ %Sghfsj!"
"Oh my gosh!"
"Who the hell is that baby?"
"Shut up! I told you not to call me baby!"
Agad-agad akong bumangon at sinuot ang salamin ko makaraan ay dumiretso ko sa bukasan ng ilaw.
At ngayong malinaw na ang paningin ko at maliwanag na ang paligid ko.
Bumungad sa akin ang babaeng gulo-gulo ang buhok. Tanging underwear na lang ang suot at si...
Cane na topless at nakabukas ang zipper ng pantalon?!
Agad-agad akong napatalikod at hindi ko alam kung bakit tila nag-iinit ang pisngi ko.
"What the hell are you doing here?!" sigaw nito mula sa likod ko at hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko.
Hindi ba sinabi ng Ate nila ang pansamantala kong pakikitira dito?
Sa tingin mo magtatanong siya kung alam niya, Spring?
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top