Chapter 14: Destiny's Game.
"Kasalanan mo! Kasalanan mo kung bakit nangyari 'to! Bakit ka pa ba kasi ipinanganak eh wala ka namang ibang ginawa kung hindi sirain ang buhay namin!"
"Kasalanan mo....kasalanan mo... kasalanan mo ang lahat ng 'to Spring..."
"You're no longer a part of this family..."
"Hindi ka na sana pinanganak pa..."
"Hindi na babalik ang Nanay mo ...nakalimutan ka na niya.."
"Mahal na mahal kita anak..Patawarin mo ang Tatay..."
Hinihingal na nagising ako mula sa isang masamang panaginip.
Panaginip. Pero lahat ng 'yon narinig ko mismo sa mga bibig nila.
Pakiramdam ko kahit gising ako, naririnig ko pa rin sila. Napahilamos ako sa mukha ko at malalim na napabuntong-hininga. Inikot ko ang paningin ko at napagtanto ko na nasa kuwarto ako ni Trent. Ang huli kong naaalala ay nakatulog ako sa kotse habang pauwi na kami galing ospital. Napatingin ako sa oras at nakitang pasado alas-nuebe na ng gabi.
Saglit ko lang nakita ang Tatay pero tumimo sa utak ko ang hitsura niya at sobrang sakit na makita na nahihirapan siya. At muli... hindi na naman maalis sa akin ang sisihin ang sarili ko.
Ipinilig ko ang ulo ko para palisin ang naiisip ko, hindi pupwedeng gan'to na lang ako. Lulunurin ang sarili sa lungkot na nararamdaman ko. Kailangan kong lumaban, 'yon ang ipinangako ko kay Tatay at tutuparin ko 'yon.
Sa naisip ay mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto pero agad akong napatigil sa paglalakad nang marinig ang galit na boses ng pinsan ko. Nasa sala siya at nakatalikod kaya naman hindi niya napansin ang paglapit ko sa kanya.
"Ma! How many times do I have to tell you na hindi ako sasama sa inyo! Hindi ko pupwedeng iwanan si Spring!"
"Look, I don't care kung i-hold ninyo ang mga cards ko! I made a promise to Tito Autumn that I will take care of Spring. So please Ma--"
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang mabilis kong hinablot ang cellphone na hawak niya at itinapat sa tenga ko.
"Please din Trent, ikaw ang panganay na apo ng Lola mo and right now she needs us."
"T-Tita si Spring po 'to, huwag po kayong mag-alala sasama po si Trent sa inyo. K-kakausapin ko po siya."
Habang nagsasalita ay diretso ang tingin ko kay Trent na alam kong hindi nagustuhan ang sinabi ko sa Mama niya.
"Aba dapat lang, after all kasala---"
Bago pa matapos ni Tita ang sinasabi niya ay kinuha ni Trent ang cellphone niya sa akin at ibinato sa sofa.
"What are you doing? Bakit mo sinabi kay Mama 'yon?"
Imbes na sagutin ang mga tanong niya ay mabilis kong niyakap ang pinsan ko.
"Tell me Trent that everything is gonna be fine, na magigising si Tatay at hindi siya mawawala sa akin..."
"Spring... alam ko ang ginagawa mo but I can't just leave you alone."
Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at umiling. "Just tell me...na magiging okay ang lahat Trent, please?" pagsasawalang-bahala ko sa sinabi niya.
"Spring..."
Umupo ako sa sofa at tinapik ang espasyo sa tabi ko sabay tingin kay Trent. Tila sumusuko naman na naupo siya sa tabi ko.
"Hindi mo dapat kinakausap ng gano'n si Tita, Trent."
"I can't help it, hindi ko gusto ang trato niya sa 'yo."
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. "Alam mo ba kung gaano ka kaswerte kasi may Tita Snow sa buhay mo? I envy you for having a mother, Trent... That's why hindi mo dapat inaaway ng gano'n si Tita dahil lang sa akin."
Nanatili siyang walang imik at malalim lang na bumuntong-hininga kaya naman muli akong nagpatuloy sa pagsasalita. "Remember 'nung mga bata pa tayo? Palagi kong bukambibig na babalikan ako ng Nanay pero...hindi na pala mangyayari 'yon Trent. Dahil hindi na siya babalik. Hindi niya na ako babalikan pa."
Naalis ako sa pagkakahilig sa kanya nang hawakan niya ang balikat ko at iharap sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"
"She's the reason kung bakit ako umalis sa bahay Trent. I-I found out na naaksidente siya ng mga panahong ginusto niya kong kunin kay Tatay."
"P-patay na siya?"
Pagak akong tumawa at umiling. "She's alive. Pero h-hindi niya na ako naalala. Dad said may amnesia daw ang Nanay, may pamilya na rin siya at masaya. Nakalimutan niya ng merong Spring na naghihintay sa kanya." hindi ko na napigilan at muli akong napaiyak.
Agad niya akong niyakap. "I-I don't know what to say, hindi ko alam kung bakit kailangang mangyari pa ang lahat ng 'to sa 'yo but no matter what happen hindi kita iiwanan."
Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. "Do me a favor Trent. Please go with them."
Umiling siya. "Do you expect me to leave after hearing na hindi na babalik ang Nanay mo? Mas lalo mong kailangan ng kasama ngayon Spring---"
"--Hindi mo naiintindihan Trent eh. N-nawala na sa akin ang Nanay at hindi ko na kakayanin kung pati si Tatay mawawala sa akin."
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "K-kung sasama ba ako sa kanila, magagawa ko bang pigilan kung sakaling mawala si Tito?!"
Natahimik kaming dalawa sa sinabi niya.
"I-I'm sorry. I didn't mean it. I---"
Yumuko ako at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "T-tama ka naman eh. Pero k-kung nando'n ka mas mapapanatag ako. You need to be there dahil g-gusto ko rin na bantayan mo ang mga kapatid ko lalong-lalo na si Rain. Trent, God knows kung gaano ko gustong manatili sa tabi nila p-pero ayokong ipilit dahil alam kong sa t-tuwing nakikita nila ko mas lalo silang mahihirapan."
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ngunit nang inangat ko ang ulo ko ay napangiti ako nang makita ang tila pagsuko sa mga mata niya. It seems like napapayag ko na rin ang pinsan ko pero naglaho ang ngiti ko sa mga sumunod niyang sinabi.
"Fine. But in one condition... I'll ask my girlfriend to let you stay with them..."
What the fudge did he say?
Ako titira sa bahay nino?
"I'M 19. Malaki na ako at hindi ko na kailangan ng magbe-babysit sa akin."
Lalo na kung isang mataray na girlfriend mo at kapatid ng mga bad boy na 'yon.
"Don't be silly. Mukha bang babysitter ang girlfriend ko? At isa pa, titira ka lang doon. It doesn't mean na---"
"Bakit kasi kailangan doon pa?!"
Saglit niya akong nilingon at muling itinutok ang paningin sa daan. Kasalukuyan siyang nagmamaneho papunta sa lugar na hindi ko na gugustuhin pang puntahan.
"Dahil si Light lang ang mapagkakatiwalaan ko. Iilan lang ang kaibigan ko dito sa Pilipinas at lahat sila ay lalaki."
"Trent, maybe I can get a maid tapos doon na lang kami titira sa condo mo."
Umiling ito. "No. Pinagbigyan kita sa gusto mo na sumama ako sa kanila papunta ng amerika at dapat ganoon ka rin sa akin."
Inis akong napabuntong-hininga at hindi na lang muling nagsalita.
Eh kung sabihin mo kaya sa kanya kung anong mga pambubully na ginagawa sa 'yo ng kambal?
Hindi puwede. Baka magkaproblema pa sila ng girlfriend niya at kahit naman hindi ko gusto ang Light na 'yon... alam kong mahal siya ni Trent.
Hindi bale---hindi pa naman sigurado na papayag ang girlfriend niya na patirahin ako 'don, base sa mga tingin na iginagawad ng Ate ng kambal na 'yon sa akin. Hindi ako nito gusto kaya imposibleng patirahin ako nito sa bahay nila.
Nakahinga ko nang maluwag sa naisip ko dahil malamang ay 'yon nga ang mangyari.
'Yun ang inaakala ko.
"Oh my gosh! I feel sorry for your cousin babe. Don't worry I'll take care of her."
"Thank you, babe."
"Pero ma-mimiss kita. You should always call and text me okay?"
"Of course. I'll miss you too, babe."
Natulala ako habang pinagmamasdan ko ang pinsan ko at ang girlfriend niya na nagyayakapan sa harap ko. Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin ba nito? Titira ako sa isang bahay kasama ang kambal na 'yon at may bonus pang Ate nila na mukhang napipilitan lang patirahin ako dito?
Anong klaseng paglalaro ito ng tadhana?
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top