Chapter 13 (Part 2): Another Tragedy.
TRENT's POV
"Narinig mo ang sinabi ni Mama kaya ano pang iniintay mo. Umalis ka na---"
Hindi naituloy ni Mama ang sinasabi niya at napatigil din ako sa tangkang pagsaway dito nang makita ko ang dahan-dahan na pagluhod ni Spring.
"N-nakikiusap po ako Lola, hayaan niyo lang akong makita ang Tatay. N-nakikiusap po ako kahit saglit l-lang po."
Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit ng walang awang tinalikuran ni Lola si Spring. Hinihintay kong magsalita si Tita Amethyst pero blanko lang ang matang nakatingin ito sa amin samantalang si Rain ay tahimik pa ring umiiyak.
Mabilis kong hinila patayo si Spring at kinaladkad paalis. Mas lalo lang masasaktan si Spring kung patuloy siyang mananatili sa lugar na 'yon.
"Trent! Come back here!"
"Trent bitawan m-mo ko.." napatigil ako sa paglalakad sa narinig ko. Hinarap ko si Spring at hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa hitsura niya.
"Para ano? Para bumalik 'don?"
"G-gusto kong makita si Tatay, Trent. G-gusto kong humingi ng sorry."
Bumuntong-hininga 'ko nang malalim at masuyong pinunasan ang luha sa mga pisngi ni Spring. "Not now Spring, but I promise gagawa ako ng paraan para makita mo si Tito pero sa ngayon iuuwi muna kita sa condo---"
"---Pero gusto ko na siyang makita n-ngayon, gusto kong makasiguro na a-ayos lang siya dahil takot na takot a-ako sa posibilidad na baka iwanan niya rin ako Trent."
"Fine. But for now stay in the car. K-kakausapin ko muna sila at p-pagkatapos dadalhin kita kung nasaan si Tito."
Unti-unti siyang tumango at makalipas ang ilang minuto ay naihatid ko na siya sa kotse ni Light na hiniram ko sa kadahilanang sira pa rin ang kotse ko.
"Stay here. I'll be back."
Isasara ko na sana ang pinto ng kotse nang hawakan niya ang kamay ko. "Promise?"
Napatitig ako kay Spring at hindi isang dalagitang Spring ang nakikita ko kung hindi ang batang Spring na una kong nakilala na punong-puno ng lungkot ang mga mata sampung taon na ang nakakaraan.
Pinilit kong ngumiti at hinalikan siya sa noo. "Promise."
Mabilis ang mga hakbang bumalik ako sa ICU kung nasaan ang buong pamilya. They can't do this to Spring. Wala siyang kasalanan, at nakakasiguro ko na hindi ito magugustuhan ni Tito Autumn sa oras na gumising siya.
"Ikaw na ang bahala sa lahat Snow, uuwi muna kami ni Summer para asikasuhin ang mga dadalhin bukas papunta ng Amerika. Siguraduhin mong hindi makakalapit ang babaeng 'yon sa anak ko."
Saglit lang akong tinapunan ng tingin ni Lola at Summer bago ito mga umalis. Anong ibig sabihin ng mga narinig ko?
"America? Aalis sila?" tanong ko kay Mama nang makalapit ako dito.
"Hindi lang sila, kasama tayo don Trent. Doon isasagawa ang operasyon para sa Tito mo." aniya sabay upo sa tabi ni Rain na mukhang nakahuma na sa pag-iyak at tila may hinahanap sa likod ko.
"W-where is Ate, Kuya?"
Sasagot na sana ako nang unahan ako ni Mama. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng Lola mo Rain? She's no longer a part of this family so forget about her and stop calling her Ate."
Umiling si Rain. "Kahit anong mangyari parte ng pamilya na 'to si Ate, Tita. Hindi magugustuhan ni Daddy ang ginagawa niyo sa kanya!"
"Bakit hindi mo tinangkang sabihin 'yan sa Lola mo kanina huh Rain? Hindi ba dahil katulad namin sinisisi mo rin siya sa nangyari sa Daddy mo?"
Natahimik si Rain at hindi nakaimik sa sinabi ni Mama. "Ma enough! Rain is right hindi magugustuhan ni Tito ang ginagawa ninyo kay Spring, for heaven's sake walang kasalanan si Spring sa nangyari kay Tito! Hindi ba kayo naaawa sa kanya?!"
Tumayo si Mama at galit ang matang hinarap ako. "Awa? Alam mo ba kung anong kondisyon ng Tito mo ngayon?! He is in coma! He needs to undergo a surgery! Nahihirapan siya at hindi mangyayari 'to kung hindi umalis ng dis-oras ng gabi ang Spring na 'yon!"
Alam kong wala na akong masasabi pa para baguhin ang mga desisyon nila pero nangako ako kay Spring na makikita niya si Tito at kailangan kong matupad 'yon.
Lumapit ako kay Tita Amethyst at umupo sa tabi niya. "Tita... Spring wants to see Tito, you know na hindi ginusto ni Spring 'to so please kahit saglit lang hayaan nating makita siya ni Spring."
Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa ring imik si Tita, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa ng bigla siyang magsalita. "B-bring her here."
"Ate Amethyst! You can't do this, magagalit si Mama!"
"Autumn loves her, he needs her. Alam ko 'yon kaya mas makakabuti kung hindi mo 'to sasabihin kay Mama, Snow."
Nang hindi na umimik si Mama ay dali-dali akong umalis para sunduin si Spring pero napatigil ako sa pagtakbo ng may humawak sa braso ko.
"A-ako na lang 'yung pupunta K-kuya. Stay here."
Tumango na lang ako at itinuro sa kanya ang kinaroroonan ni Spring.
SPRING'S POV
"I love you, anak. Mahal na mahal ka ni Tatay. Hihintayin kita."
'Mahal na mahal din kita Tay at sorry dahil hindi ko man lang sinabi sa inyo 'yon. I'm sorry Tay...'
Bawat minutong lumilipas na hindi bumabalik si Trent ay padagdag nang padagdag ang kabang nararamdaman ko.
Kilala ko ang Lola at walang kahit sino ang may kakayahan na baliin ang desisyon niya. Paano kung hindi ko na makita ang Tatay?
Anong gagawin ko?
Napahawak ako sa kwintas na suot-suot ko at napapikit habang patuloy sa pagdaloy ang luha sa mga mata ko. Bakit lahat na lang ng taong mahal ko nawawala sa akin at napapahamak. Ano bang kasalanan ko para mahirapan ako ng ganito?
Hindi pwedeng maghintay na lang ako dito, kung kinakailangan na paulit-ulit akong lumuhod sa harap nila. Gagawin ko makita lang ang Tatay.
Huminga ko ng malalim at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Hindi pupuwedeng umiyak na lang ako. Hahawakan ko na sana ang pinto ng kotse nang bigla na lang bumukas ito.
"R-rain?"
"A-ate I-I'm sorry!" aniya sabay yakap sa akin at nag-umpisa na namang mangilid ang luha ko ng marinig ang paghagulgol niya.
"B-bakit ka nag-sosorry? si A-ate nga 'yung dapat humingi ng sorry. S-sorry Rain kasi kasalanan ni Ate kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to."
Humiwalay siya sa yakap sa akin at paulit-ulit na umiling. "W-wala ka namang kasalanan Ate. Aksidente ang lahat kaya s-sorry kung hindi man lang kita naipagtanggol kayla Lola k-kanina. H-halika na Ate, alam kong hinihintay ka ni D-daddy."
Napatigil ako sa pag-iyak sa huling sinabi niya. "P-papaano si Lola?"
Umiling ito at hinila ako palabas ng kotse. "Don't worry about them, umuwi muna sila. Aasikasuhin nila ang mga d-dadalhin papuntang America."
"A-america?"
"Ate, we're going to America. Dad needs to undergo a surgery at gusto ni Lola na doon isagawa 'yon. A-ayokong sumama Ate, ayoko kitang iwanan p-pero---"
Umiling ako at niyakap si Rain. "D-don't worry about me R-rain. K-kung 'yon ang kailangan ni Tatay, huwag mo na 'kong isipin pa dahil kaya kong m-maiwan mag-isa."
'Kakayanin ko... para sa 'yo at para kay Tatay...'
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top