Chapter 11:HURTING
HURTING
"Ano bang ginagawa niyong dalawa dito? It's two am hindi pa ba kayo matutulog?"
"Exactly, it's two am. Hindi pa ba uuwi 'yang boyfriend mo?!"
"Torn, malakas ang ulan at delikado para sa kanya ang magmaneho---"
"---I don't care, it's two am Light. Its either your boyfriend will leave or we will not leave the two of you alone."
"Baka nakakalimutan mo Tornado na ako ang mas nakakatanda sa inyo ni Cane at may karapatan ako na patuluyin ang boyfriend ko sa bahay na ito kahit kailan ko gusto!"
"Oh really? May karapatan ka may dear sister, e di pwede rin akong magdala ng mga chicks ko dito?"
"Shut up Hurricane!"
Hindi ko na maunawaan ang pinapanood ko dahil kanina pa nagtatalo ang magkakapatid na Helios. Ano bang naisip ko at napapayag ako ng girlfriend ko na pumunta dito?
Ang hindi ko lang talaga maintindihan eh kung bakit pakiramdam ko ayaw sa akin ng kambal. Mula pagdating ko ay masamang tingin ang iginagawad sa akin ng dalawa, na siyang ikipinagtataka ko.
Sa tuwing dinadalaw ko si Light, bihira ko lang makita ang mga kapatid niya at nang minsan naman ay tanging pagtango lang ang pagbati sa akin ng dalawa. Pero mula nang dumating ako dito, hindi na kami nilubayan ng kambal.
Bakit pa ba ngayon pa bumuhos ang ulan? Ayos lang naman sa akin ang sumugod dahil may kotse naman ako pero ayaw pumayag ni Light at baka pagmulan na naman ito ng away namin.
Pero umuusok na rin ang tenga ko sa bangayan nilang magkakapatid kaya mas maganda siguro kung aalis na ako.
Tumikhim ako at inawat si Light sa tangkang pagbato niya ng unan kay Torn. "Babe enough. Kailangan ko na rin namang umalis eh."
Binalingan ako ni Light at agad siyang umiling. "No babe! You'll stay here. It's dangerous--"
"---Let him be Light, hindi isang bata ang boyfriend mo. Nakarating nga siya dito, I'm sure makakauwi din siya!"
"Just go to---"
Napatigil sa pagsasalita si Light nang malakas na umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko.
Kinuha ko ito sa bulsa ko at hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ng selosa kong girlfriend. "Madaling-araw na ah. Sino 'yan?!"
Hindi ko na siya nasagot at napakunot-noo ko nangg makita kung sino ang tumatawag.
Rain?
"Sino si Rain?"
"It's my cousin." saad ko sabay sagot sa tawag.
"Hello Rain---"
"Kuya Trent! Si A-ate Spring..." Kinabahan ako nang marinig ang pag-iyak niya sa kabilang linya. Pero hindi ko siya maunawaan dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"W-wait Rain, calm down para maintindihan kita."
Tumahimik siya tila kinakalma ang sarili niya, at sa bawat paghikbi niya ay doble-dobleng kaba ang bumabalot sa akin.
"Nawawala si Ate Spring, Kuya."
Napatayo ako at napapikit sa sinabi niya. "What? Kailan pa? Anong nangyari?!"
"I-I don't know, I just woke up and I was scared because it's raining hard...and so I went to Ate's room and she's nowhere to be found. Naabutan ko sila Mommy at Daddy sa baba. Dad was crying and I heard na nag-away sila ni A-Ate. Ate is close to you, K-kuya. Baka alam mo kung n-nasaan siya. Umalis si Dad at hinahanap niya si Ate pero it's been two hours at wala pa rin sila ni Ate. What if something bad happens to Ate Spring, Kuya?"
"Nothing bad will happen to Spring. Nothing...I'll find her, Rain."
Ibinaba ko na ang tawag at walang paalam na tumakbo ako palabas ng bahay nila Light.
"Babe! Where are you going?!" narinig ko pang sigaw ni Light pero walang lingon akong tumakbo pa rin palabas at dumiretso sa garahe ng pamilya ng girlfriend ko.
Agad kong pinaandar ang kotse ko pero ayaw nitong umandar. What the f*ck?
Of all days ngayon pa napili ng kotse kong magloko.
Ngayon pang kailangan ako ni Spring.
Princess, remember I will always be here for you...
I made a promise with Spring and right now she needs me.
Kaya naman mabilis akong bumaba ng kotse at muling tumakbo papasok ng bahay nila Light. Hinihingal na naabutan ko ang magkakapatid na nagtatalo.
"Your relationship with Trent is useless Light, maghihiwalay din kayo dahil alam mo at alam ko na may iba ng pinili sila Mama para sa 'yo."
"Shut up Tornado! Huwag mong pakialaman ang relasyon ko dahil at least ako hindi ako iniiwanan, hindi katulad---"
"Light!"
Napatigil sa pagsasalita si Light nang sumigaw ako. Tila naestatwa siya sa kinatatayuan niya nang makita ako.
"Trent, kanina ka pa ba diyan?"
Bakit tila may takot sa mga mata niya? Dahil ba 'to sa sinabi ni Torn?
Ano nga bang ibig sabihin ng kapatid niya?
Get a grip Trent, Spring needs you.
"I need a car Light. Nasira ang kotse ko."
Lumapit sa akin si Light at pumamewang sa harap ko. "C'mon Trent bakit ba madaling-madali ka? Don't you think na baka kaya nasira ang kotse---"
"Spring needs me Light! I need to find her so please lend me a car."
Kumunot ang noo niya. "Siya na naman? Bakit ba pakiramdam ko kahit buhay mo ibibigay mo para sa pinsan na 'yon?"
"Please Light, hindi ito ang oras para magtalo tayo. Nawawala si Spring, I need to find her."
Magsasalita pa sana si Light nang maunahan siya ng isang boses.
"She's missing?"
Napakunot-noo ko nang tignan ko si Torn. Bakit tila interesado siyang malaman ang tungkol sa pinsan ko?
"Fine. Pero sa isang kondisyon sasama ako."
"No Light, hindi ka pwedeng umalis ng bahay na 'to!" pagtutol ng kapatid niyang si Torn.
Napapikit ako sa inis na nararamdaman ko. "Please, nagmamadali ako pwede bang mamaya na kayo magtalo?!"
"Tss. Fine, para matapos na 'to sasama na lang kami ni Torn para makakasama na rin si Light."
"Sino namang nagsabi sa 'yo na gusto kong sumama?!"
Kumunot ang noo ko nang lumapit si Cane at may tila ibinulong kay Torn, at hindi ko nagustuhan ang ngisi na lumitaw sa mga labi nilang dalawa.
Anong pinaplano ng dalawang 'to?
"Saan natin siya hahanapin?" Nawala ang atensyon ko sa dalawa at binalingan si Light.
Saan nga ba?
Isa-isa kong pinagmasdan ang tatlo at isang lugar lang ang pumasok sa isip ko.
Helios...
♣♣♣♣♣
KANINA ko pa pinagmamasdan ang malaking paaralan na nasa harap ko.
Helios University.
Ang lugar kung saan huli kong nayakap at nakausap ang Nanay. Ang lugar kung saan siya nangako sa akin na babalik siya.
Ang lugar kung saan puro sakit at paghihirap na lang ang naranasan ko.
Pero... lahat ng 'yon tiniis ko kasi umasa ko na babalik ang Nanay.
Babalikan ka niya Spring, maghintay ka lang...
Kasabay nang pagbuhos ng ulan ang siyang patuloy kong pag-iyak.
"Spring, masaya na ang Nanay mo ngayon at may sarili na siyang pamilya."
"K-kaya makakabuti kung kalilimutan mo na rin siya."
Masaya na ang Nanay, eh paano naman ako? Paano ko tatanggapin na nakalimutan niya na ako? Paano?!
"Nangako ka Nay! Nangako ka, b-bakit?! Bakit niyo pa kasi ako binigay sa kanila?! S-sana hinayaan niyo na lang ako na manatili sa t-tabi ninyo. Hindi 'yung nabuhay nga a-ako pero unti-unti akong pinapatay ng katotohanang hindi na kayo babalik pa!" pagsigaw ko, umaasang maririnig niya ito.
Tumingala ako sa langit at hindi ko maiwasang itanong kung ano ba talagang nagawa ko para maranasan ang lahat ng 'to.
Napaupo ako at mahigpit na hinawakan ang kwintas ko, at napahagulgol ako sa sakit na nararamdaman ko.
Pagod na pagod na ko...
"Princess!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Trent na bumababa sa isang van.
Tumayo ako at bago pa siya tuluyang makalapit sa akin ay inunahan ko na siya at mahigpit siyang niyakap.
"What the hell are you thinking?! Bakit ka umalis ng bahay ninyo?! Paano kung nasaktan ka?! May masakit ba sa 'yo? Kakagaling mo lang sa sakit Spring---"
"Nasasaktan ako Trent. Ang sakit-sakit."
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at puno ng pag-aalala ang mga matang tiningnan ako.
"Spring..."
Hinaplos ko ang peklat na nasa dibdib ko. "Ang sakit-sakit nito T-Trent. Pero mukhang ngayon, hindi na 'to gagaling."
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top