Chapter 10: The Truth 2/2.
"Dahil sa tapos na tayong kumain, may gusto ako i-announce sa inyong lahat." Napatigil ako sa pag-inom at agad ibinaba ang baso ko nang marinig ang sinabi ni Tatay.
"What is it Dad? Ibibigay niyo na ba 'yung bagong car na hinihingi ko?" Nakangiting tanong ni Summer.
Isang taon lang ang tanda ko kay Summer at nagpapasalamat ako na hindi kami parehas ng pinapasukan na school dahil hindi ko na kakayanin kung pati kapatid ko i-bully ako sa HU.
Umiling si Tatay at agad naman sumimangot si Summer. "Maybe kapag tumigil ka na sa pag-uwi ng late kaka-party mo, magagawa ko ng ibigay ang kotseng hinihingi mo."
Nagtaka ako nang tumayo si Tatay at lumapit sa akin pero ang mas ikipinagtaka ko nang iabot niya sa akin ang isang envelope na kanina pa nasa tabi niya.
"Open it, Spring." saad ni Tatay. Tumango ako pero pinagmasdan ko muna ang mga taong nasa paligid ko.
Nakangiti si Tita Amethyst at ganoon din si Rain.
Samantalang seryoso ang mukha ni Lola habang sumisimsim ito ng wine na kanina pa nito iniinom.
At si Summer---na matalim ang tingin sa akin at tila gusto akong sunggaban.
"Don't tell me na ang announcement na ito ay para sa babaeng 'yan? Dahil kung para sa kanya lang naman pala, aalis na ako at magpapahinga." ani Summer sabay tayo ngunit agad siyang natigil sa tangkang pag-alis nang magsalita si Lola na kanina pa tahimik.
"Sit down, Summer."
"Makinig ka sa Lola mo Summer." dugtong naman ni Tita Amethyst at napipilitang muling umupo si Summer.
Dahil walang kahit sino sa amin ang may kakayahang suwayin ang gusto ng Lola.
"Just open it, hija." saad ni Tita Amethyst.
At hindi ako makapaniwala sa laman ng envelope na ibinigay sa akin ni Tatay.
"Anong laman ba ng envelope na 'yan at bakit gulat na gulat ka?" Napatingin ako kay Summer pero bago ko pa siya masagot ay inunahan na ako ni Tatay.
"Summer and Rain... starting tonight hindi na Spring Cruz ang pangalan ng ate niyo kung hindi Spring Villafionce na."
Nanlaki ang mata ng dalawang kapatid ko habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa pangalan na nasa birth certificate na hawak-hawak ko na ngayon.
Hindi na Spring Cruz ang pangalan ko.
Ako na si Spring Villafionce.
"Oh my gosh! I'm happy na Villafionce na din si Ate!" natutuwang saad ni Rain
"No! Hindi ako papayag!" sigaw ni Summer sabay baling kay Lola. "Pumayag ba kayo dito Lola? Hindi naman di ba? Because just like me hindi ninyo rin gusto ang babaeng 'yan sa pamilya na 'to!"
"Summer! ang babae na tinutukoy mo ay anak ko at Ate mo kaya magdahan-dahan ka sa pananalita mo!" galit na saad ni Tatay at agad namang tumayo si Tita Amethyst at lumapit sa tabi ni Tatay.
"Anak? Ate? Kailanman hindi ko magagawang tanggapin na may anak ka sa ibang babae at mas lalong wala akong Ate na bastarda!"
"Ate Summer, tumigil ka na nga---"
Napatigil sa pagsasalita si Rain nang umalingawngaw ang nabasag na bote na ibinato ni Lola.
"Magsitahimik kayo! Summer, nag-usap na kami ng Tatay mo at pumayag ako sa gusto niya."
Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Summer at pati ako ay nagulat sa sinabi ni Lola.
Nang dumating ako sa pamilya na 'to, alam kong ginusto ni Tatay na gawing Villafionce ang apelyido ko pero tutol ang Lola dito kaya naman hindi nagawa ni Tatay na baguhin ang apelyido ko.
Pero ano ito?
Bakit pumayag ang Lola sa gusto ng Tatay?
"At paano kayo napapayag ng Tatay, Lola?! Nangako kayo sa akin na mananatiling ako ang panganay ng pamilya na 'to!"
Tumayo si Lola. "Sa susunod na tayo mag-usap, inaantok na ko."
Hahabulin pa sana ni Summer si Lola ng sumigaw si Tatay. "Summer! go to your room! Ayoko nang makarinig ng kung anong pagrereklamo mula sa 'yo."
"You can't do this Dad! Hindi ako kasing-bait ni Mommy na tatanggapin ang anak ninyong bunga ng pagkakamali---"
"Summer!" sigaw ni Tita senyales na tumigil ito sa pagsasalita.
"I won't stop Mommy! Bata pa lang ako inaagaw na ni Spring ang lahat sa akin, and now gagawin niyo siyang legal na parte ng pamilya na 'to? Hindi ako papayag!"
"Summer, matagal nang nakatira sa atin si Spring. Parte na siya ng pamilya na ito and you have to accept it." Malumanay na saad ni Tita.
"How can I accept it when I knew na kahit tinanggap mo siya, ang nanay niya pa rin ang naging dahilan kung bakit ilang beses kang umiyak. K-kung bakit muntik nang masira ang pamilya natin?" aniya habang masama ang tingin sa akin at napayuko na lang ako dahil ayokong makita niya kung gaano kasakit para sa akin ang banggitin niya ang Nanay na parang isang kriminal.
"Dad, you told me before na kaya niyo dinala si Spring dito ay dahil sa sakit niya pero magaling na siya hindi ba pwedeng isauli niyo na lang siya sa Nanay niya?!"
"Ate tumahimik ka na!"
Hindi ko na napigilan at unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ko. At bago pa marinig nila Tatay ang paghikbi ko ay nagmamadali akong umalis nang hindi man lang nagpapaalam. Tinakpan ko ang tenga ko habang naglalakad ako dahil ayoko ng marinig pa lahat sasabihin ni Summer.
Hindi ka pa ba nasanay Spring, sampung taon---sampung taon mo na siyang kasama...
Pero paano nga ba sanayin ang sarili mo sa sakit sa tuwing naririnig mo na isa kang bunga ng isang pagkakamali?
Na wala kang pwesto sa pamilya na kinalakhan mo?
Na ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ng ibang tao?
Napahawak ako sa dibdib ko at kinapa ang peklat dito.
Sana kasi hindi na lang ako nagkasakit. Eh di sana magkasama pa rin kami ng Nanay.
Pero ganunpaman, nagpapasalamat pa rin ako dahil nakasama ko ang Tatay.
At naging mabait naman sa akin si Rain at si Tita Amethyst.
Sapat na siguro 'yon para kayanin ko lahat ng masasakit na salita mula kay Summer at maging kay Lola.
At isa pa umaasa ko na sa araw ng pagtatapos ko babalik na si Nanay at magkakasama na kaming dalawa.
Pero paano nga ba napapayag ng Tatay si Lola na gawing Villafionce na ang apelyido ko?
♣♣♣♣♣
Nagising ako sa malakas na ulan nang pinagsamang kulog at kidlat, agad kong binuksan ang ilaw at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Napakalakas ng ulan kahit na kasagsagan ng tag-init, hindi ko tuloy maiwasang isipin na nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ko.
Inilabas ko ang kamay ko sa bintana at hinayaang mabasa ito.
I always loved the rain.
Maybe it is because rain falls down when clouds become too heavy with and can't hold back.
And when I see rain on the days I feels like crying ...
I feel like it is crying instead of me.,
Telling me....
It's okay you can cry,
It's okay even if you can't cry.
Nang makaramdam ng lamig ay isinarado ko na ang bintana. Tinignan ko ang orasan at nakitang alas-dose na pala. Pero mukhang hindi pa ako makakatulog kaya napagpasyahan kong uminom muna ng gatas.
Habang naglalakad pababa ay hindi ko maiwasang isipin kung anong nangyari kanina nang umalis ako... Sana naman hindi na lumala ang pag-aaway nila Summer at Tatay.
Napakunot-noo ko nang makitang bukas ang ilaw sa kusina. At tila may nag-uusap at ng silipin ko ito ay bumungad sa akin sila Tita Amethyst at Tatay.
May kape sa harap ng dalawa at mukhang masinsinan silang nag-uusap kaya naman napagpasyahan kong umalis na lang pero napatigil ako sa tangkang pag-alis nang marinig ang sinabi ni Tita Amethyst.
"Hanggang kailan mo ba balak itago ang totoo kay Spring?! May karapatang malaman ang bata lalo pa at alam nating dalawa na iniisip niyang babalikan siya ni Luna at alam mong hindi na mangyayari 'yon Autumn! Dahil matagal na siyang nakalimutan ni Luna!"
"A-amethyst hindi ko alam kung makakaya kong sabihin kay Spring ang nangyari sa nanay niya. Paano kung magalit siya sa akin?! Paano kung umalis siya?!"
"Autumn sa ginagawa mo mas----" Napahinto sa pagsasalita si Tita Amethyst nang dumako ang paningin niya sa akin.
"S-spring?"
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng dalawa habang ako ay nanatiling nakatayo at hindi makapaniwala sa narinig ko.
Totoo? Ano nga ba ang totoo? Bakit sinasabi nilang nakalimutan na ako ng Nanay?
"Tay, anong ibig sabihin ni Tita Amethyst?" saad ko nang makahuma ako sa gulat sa mga narinig ko.
Lumapit naman sa akin ang Tatay habang si Tita Amethyst ay kababakasan ng awa ang kanyang mga mata.
Awa? Para sa akin ba 'yon?
"S-Spring, believe me matagal ko ng gustong sabihin sa 'yo p-pero hindi kasi alam ni Tatay kung paano---"
"---Tay 'wag niyo ng paikutin ang usapan na 'to. Ano ba talagang nangyari kay Nanay at bakit sinasabi ni Tita na nakalimutan niya na ako? Imposible 'yon Tay k-kasi ako kahit minsan hindi nawala sa isip ko si Nanay."
"Hindi ka niya gustong kalimutan S-Spring. Your Mom had an accident eight years ago..."
"A-aksidente? Papaano?"
"Hindi ko sinasadya Spring maniwala ka, masyadong mabilis ang pangyayari n-nakikiusap ang Nanay mo sa akin na ibalik kita sa k-kanya." Huminga nang malalim si Tatay at tila hirap na hirap ituloy ang anupamang sasabihin niya. "P-pero ayoko dahil sa gusto kong mapabuti ang lagay mo, nagtalo kami at hinabol niya ako. H-hanggang sa---"
"Naaksidente siya gano'n ba 'yon Tay? P-pero ang hindi ko maintindihan b-bakit niyo sinabing nakalimutan niya ako?"
"Your mom suffered from a head injury na naging dahilan para magka-amnesia siya."
Amnesia?
Umiling-iling ako. "H-hindi 'yan totoo, babalik ang Nanay! Hindi niya ako nakalimutan!"
"Spring, masaya na ang Nanay mo ngayon at may sarili na siyang pamilya."
Tuluyang pumatak ang luha sa mga mata ko. Hindi 'to totoo, nanaginip lang ako.
"K-kaya makakabuti kung kalilimutan mo na rin siya."
"May pamilya na siya? May pamilya rin kayo.. Eh paano naman ako Tay, saan ako? saan ako lulugar? Paano niyong nagagawang sabihin sa akin na kalimutan 'yung taong isa sa naging dahilan para lumaban ako at patuloy na mabuhay."
"S-Spring pamilya mo kami. Mahal ka namin." saad ni Tita Amethyst na umiiyak na rin.
Pero gaano niya man o nilang ipaintindi sa akin na parte ako ng pamilyang 'to hindi pa rin nito maitatago na isang parang ligaw na pusa lang ako sa pamamahay na 'to.
"Tama ang Tita mo Spring, pamilya mo kami. At hindi magbabago 'yon."
Umiling ako. "Kung pamilya mo talaga ako Tay, hindi mo itatago sa akin 'to! Paanong sa loob ng siyam na taon hindi man lang pumasok sa isip niyo na sabihin sa akin na naaksidente ang Nanay at nakalimutan niya ako! K-kung sana ibinigay niyo na lang ako sa kanya, hindi siguro siya maaksidente at hindi niya ako makakalimutan!"
"Spring patawarin mo k-ko pero ayoko lang masaktan ka." Tatangkain sana niyang yakapin ako pero umiwas ako.
"Masaktan? Eh ano sa tingin ninyo ang nangyayari sa akin ngayon Tay? Nasasaktan ako."
"S-spring hindi ka naman galit kay Tatay hindi ba?"
"H-hindi ko alam Tay, h-hindi ko na talaga alam." saad ko at tinalikuran sila pero imbes na pumanik papunta sa kwarto ko ay dire-diretso akong lumabas ng bahay 'di alintana na basang-basa na ako ng ulan o dis-oras na ng gabi.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na hindi ako hinabol ni Tatay at hindi niya nakita na umalis ako ng bahay.
Pero ang gusto ko lang ngayon ay lumayo....
Lumayo sa taong hindi ko inaakalang masasaktan ako nang ganito....
Natawa ako nang mapait, at para akong baliw na tumatawa sa gitna ng daan.
Paanong naging tila soap opera ang buhay ko?
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top