Chapter 1: Helios Bad Boys


DISCLAIMER: PURELY FICTION

A/N: UNDER MAJOR EDITING KAYA WAG PONG MALILITO SA MGA NABABAGONG PARTS KATULAD SA APELYIDO NG BIDA.

CHAPTER ONE

Mahigpit ang yakap ko sa raincoat na suot-suot ko. Dama ko ang bulung-bulungan at ang iba pa nga ay nagtatawanan sa ayos ko.

Sino ba namang hindi?

Una: Naka-raincoat ako.

Pangalawa: Walang ulan.

Panghuli: Naka-raincoat nga kasi ako.

Aba't hindi na nakapagtataka hindi ba? Summer na summer, lakas makabagyo ng get-up ko. Pero mas pipiliin ko naman pagpawisan kaysa naman maligo nang wala sa oras.

Naramdaman ko ang tilamsik sa binti ko pero napangiti ako nang hindi ako maging basang sisiw dahil sa binuhos nila ngayong araw na ito sa akin. Pero nang akala ko ay ligtas na ako sa araw na ito hindi pala. Hindi sipon o ubo ang aabutin ko kung hindi bukol sa ulo. Pakiramdam ko naging dalawa ang tingin ko sa lakas ng impact nang pagkakabagsak sa ulo ko ng timba.

Hindi lang basta plastik na timba. Mabakal kaya mabigat. Susunod maghe-helmet naman ako. Pumikit ako at hindi ininda ang nangyari.


Tila walang naganap na nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may dalawang may sungay na humarang sa akin. May buntot sila, namumula ang kanilang mga mata at may hawak-hawak silang malaking tinidor.


Nakuha ninyo ba ang sinasabi ko? Sige para madali, may dalawang 'demonyo' na humarang sa akin.


Pero siyempre hindi totoo na hitsurang demonyo sila, lakas makapanlinlang ng mga 'demonyong' 'to eh. Halos lahat nagtitilian pag dumadaan sila. Bakit hindi eh---


"Ang gwapo talaga nilaaaaa... Kyaaaaah!"


Hindi ko na siguro kailangan pang sabihin kung bakit nagtitilian ang mahaharot na babae sa paligid ko. Hindi kaya ng sikmura ko, masyadong unfair para sa akin na tawagin silang $#%$#%# (Gwapo).



Dahil para sa akin isa silang demonyo na nagkatawang tao. Idol 'ata nila si Robin Padilla, dahil feel na feel nila ang pagiging 'bad boy' pweh.


Bad boy my ass.

Sino nga ba ang dalawang bad boy na 'to?

Tornado 'Torn' Helios.

Hurricane 'Cane' Helios.

Pamilya nila ang nagmamay-ari sa Helios University. Ang unibersidad na ipinangako ko sa isang tao na dito ako magtatapos. Magiging madali sana kung wala ang dalawang 'to sa paligid ko pero nang magsabog ng kamalasan mukhang bukas-palad ko iyong mga nasalo.

Madali para sa kanilang linlangin ang mga tao kung sino sila pero hindi para sa akin. Isa lang 'ata ako sa unibersidad na ito ang kayang i-distinguish kung sino si Hurricane at kung sino si Tornado. Kaya nga bwisit din 'tong dalawa sa akin eh dahil di nila ko malinlang.

May checklist ako ng pagiging bad boy at pasok na pasok sila roon.

Matapobre?

Check.

Mayabang?

Check.

Arogante?

Check.

Bully?

Check na check.

Babaero?

Past time nila ang mga babae.

Mahilig manuntok?

Idol nila si Pacquiao.

Maninigarilyo?

Ewan ko kung 'di pa sunog baga nila.

Alak?

Tubig lang sa kanila 'yun.

Droga?

Okay exagge na, wala pa naman akong nabalitaan na adik sila.

Black lagi suot nila?

May sa kulto sila.

Gangster?

Reader 'ata sila ng She's Dating The Gangster. Feeling nila si Kenji sila, (pweh)

Na-foresee 'ata ng magulang nila na magiging destroyer silang dalawa. Lakas maka-destroyer ng mga pangalan nila 'di ba?

Bagay na bagay. Dahil sila ang destroyer ng buhay ko.

"Hoy! Babaeng apat ang mata. Sinong nagsabi sa'yo na magsuot ng raincoat?!" angil ni Cane sa akin. Kunot na kunot ang noo niya dahil siyempre nga naman expected niyang basang sisiw ako katulad na lang 'nung nakaraang linggo.

Pero sorry na lang siya, pinag-isipan ko kung anong kabalbalan na naman ang gagawin nila sa akin ngayon.

Naka-schedule na nga kung ano-anong kalokohan nila sa akin, aba sabado't-linggo lang ang pahinga ko sa dalawang 'to noh. Kaya naman napag-isipan ko na pag-aralan ang pattern nila sa pam-bu-bully sa akin.

Monday: May alipores nila na papatid sa akin para madapa ako. 'Di pa matatapos doon dahil pagkatayo ko bigla na lang may babangga sa akin at maliligo ako sa juice.

Martes: May magdidikit ng kung ano sa likod ko na may nakasulat na kung anu-ano. Di ulit matatapos doon dahil kung hindi sa restroom ako mala-lock ng ilang oras (naawa pa sila at pinauwi pa ako) sa kilalang haunted room ng university naman ako mala-lock.

Miyerkules (Today): May magbubuhos ng tubig sa akin. Pero ngayon sinama na nila pati timba.

At kapag naman huwebes o biyernes, kung hindi nila lalagyan ng ahas o anumang nakakadiring hayop ang locker ko. Bigla-bigla na lang mawawala ang upuan ko, siyempre kasama ang mga gamit ko.

Sa loob ba naman ng tatlong taon na impyerno ko sa Helios University dahil sa 'mababait' at 'matulungin' kong mga kamag-aral na alipores ng dalawang damuho, siraulo, mga walang magawa sa buhay at Bad boy (pweh) ng paaralan na 'to. Aba hindi naman siguro imposible na makabisado ko ang mga pranks nila sa akin.

Dahil una, Matalino ako.

Pangalawa... Matalino ako.

Pangatlo.... Basta matalino ako!

Fine, 'yun lang talaga ang kaya kong i-describe sa sarili ko.

Matalino.

Bata pa lang ako, 'eto na ang lagi kong naririnig.

Ang talino mo talaga Spring...

Samantalang sa mga kapatid ko.

'Naku Autumn, tiyak magiging beauty queen 'tong si Summer at Rain, kegagandang bata..'

"Hoy! Kinakausap ka namin? San lupalop na naman ba ng mundo nakarating 'yang utak mo?!" patuloy na pagsasalita ni Cane habang masama na nakatingin lang sa akin si Torn.

Ay kinakausap pala nila 'ko. Anyway, care ko sa kanila. Maubusan man sila ng laway, 'di ako magsasalita. Never. Pero siyempre, joke lang 'yun. 'Di man ako makalaban sa walang kasawaan nilang pam-bu-bully sa akin physically. 'Di 'ata ako uurong verbally.

"Ay, sorry kinakausap ninyo pala ako. Pasensya na, tanging may mga taong kwenta lang talaga ang pinapakinggan ko. Unfortunately, hindi kayo kabilang doon." mapang-asar kong saad.

Wala pang tatlong segundo ay sabay silang sinigawan ako.

"You freaking bitch!"

"You freaking witch!"

Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang bulagta na ako dito at paglalamayan na ng tatay ko kinabukasan.

Bitch.

Witch.

Rhyme. Palakpakan para sa kanilang dalawa. Boom pak ganern. Sabog confetti.

"Hindi ka talaga madadala noh?! Talagang ang lakas talaga ng loob mong sabihan kami ng ganyan--"

"---Baka nakakalimutan mo kami ang may-ari ng university na 'to at kahit anumang oras pwede ka naming palayasin dito." pagtatapos ko sa sinasabi ni Cane.

Aba for the last three years, walang araw na hindi niya sinasabi 'yan. Record niya na lang kaya para 'di siya magsayang ng laway.

Pero sa tinagal-tagal ko dito, so far hindi pa naman ako napapalayas.

"At nagawa mo pa talagang unahan ako sa sinasabi ko--"

"---Hoy babaeng apat ang mata, kung akala mo makakaligtas ka sa amin, well think twice, dahil hangga't nasa university ka na 'to hindi ka namin tatantanan." Pagtatapos ko, 'di pa ako nakuntento ginaya ko pa ang boses ni Mike Enriquez sa 'hindi ka namin tatantanan!'.

So ano sila ngayon?

Nakita ko ang panggagalaiti ng dalawa sa walang habas kong pambabara sa kanila. Pero nagtaka ko nang manlaki ang mata ni Cane. Habang si Torn naman ay kunot na kunot ang noo na nakatingin sa akin.

Anong problema ng dalawang 'to?! Pero teka bakit dumidilim ang paningin ko?

"Fuck! She's bleeding."

"Damn it Torn! Is she gonna die?!"

Ano bang sinasabi nila?

Ako ba ang tinutukoy nila?

Pero teka bakit parang may umaagos sa noo ko?

Nabasa ba ako ng tubig kanina?

Hinawakan ko ito at nanlaki ang mata ko nang makitang may dugo ang palad ko. Mas lalong nandilim ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko.

Hindi pa 'ko handang mamatay! Gusto ko munang mauna ang dalawang ungas na nasa harap ko! Sila muna, pero asa pa 'ko, dahil ang katulad nilang masamang damo. Matagal bago kunin ni Lord, more like ni Lucifer'

And before I knew it, I lost my consciousness.

'Mumultuhin ko kayo Hurricane at Tornado, tandaan niyo 'to!'

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top