Kabanata 20

"Peste! Paanong nabuhay ang babaeng 'yon? May sa pusa ba s'ya?" bulong ni Althea. Padabog niyang binuksan ang pinto ng bagong biling sasakyan at padarag na umupo sa harap ng manibela.

Kailangang malaman agad ito ni Mom... oh my, paano na lang kung isumbong n'ya kami sa mga pulis? Shit! Shit talaga!

"Oras na magkrus ulit ang landas natin, Hailey, ako mismo ang papatay sa 'yo! Buwisit ka!" gigil na wika niya.

Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago binuhay ang makina ng sasakyan at nag-drive paalas sa parking area ng mall.

Habang nasa daan at nagmamaneho pauwi sa mansyon ng mga Saavedra ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang mukha ni Hailey. May mga bakas pa ng sugat ang pisngi nito. Para din siyang nakakita ng multo nang mapagsino ang babaeng bumangga sa kanya. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit at lupa nang makilala ito.

Sa totoo lang ay nakaramdam siya ng takot lalo na ngayon. Malaki ang posibilidad na magsumbong si Hailey sa mga pulis. Paano na lang kung makulong sila ng mommy niya.

No! No! No! Hindi maaari... ayokong makulong.

Ipinilig niya ang kanyang ulo para mawala ang isiping iyon. Siguro naman ay mayroong magagawang paraan ang mommy niya kung sakaling mangyari man ang nasa isip niya.

Matapos ang kalahating oras ay nakarating din siya sa mansyon. Nasa bungad pa lang siya ng malaking gate ay tanaw na tanaw na niya ito. Isipin pa lang na mawawala sa kanya ang bagong buhay na tinatamasa ay hindi niya matanggap. Hindi siya papayag na muli itong mabawi ni Hailey, wala na itong lugar sa pamamahay na iyon.

Ipinarada niya ang kanyang Red Ferrari sa parking ng mansyon. Maging itong bagong sasakyan niya ay siguradong mawawala rin sa kanya kapag bumalik si Hailey. Napabuntong hininga siya bago lumabas ng kotse. Nabuhayan siya ng loob nang mapansin ang 2018 Ford Mustang  na pag-aari ng kanyang mommy. Ngunit tumaas din ang kilay niya nang mapalingon sa kotseng nakaparada sa tabi ng sasakyan ng ina.

Agad siyang nagmadali papasok sa mansyon, nasa bungad pa lang siya ay tanaw na niya ang inang nasa living room. May kausap itong hindi niya kilala. Nasa tabi naman ang kanyang daddy Alejandro na nakaupo sa wheelchair.

"Mom. Can we talk?" bungad niya. Mas mahalaga ang kanyang sasabihin kay sa kausap nito. Anyway, wala naman siyang pakialam kung anuman ang pinag-uusapan ng dalawa.

Lumingon ang mommy niya. "Oh, nandito ka na pala, hija." Ngumiti ito pero hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang bahagyang pagtaas ng kilay nito. Marahil ay nainis ang mommy niya nang bigla siyang sumingit sa usapan. Matamis na ngiti ang isinukli niya rito.

Lumapit siya sa matandang nasa wheelchair at ginawaran ito ng halik sa pisngi. Muli siyang humarap sa ina at nagbeso, pagkatapos ay tumayo siya sa tabi nito saka pinagmasdan ang lalaking kausap ng kanyang mommy.

"She's my daughter, Dr. Sanchez." Pakilala sa kanya ng ina.

"Beautiful, mana sa iyo, Miranda," nakangiting wika ng kausap nito.

"Saan pa nga ba magmamana ito... kundi sa akin." Tumawa ang kanyang mommy at napatango naman si Dr. Sanchez.

Ngayon lamang niya nakita  ang doctor na ito. Base sa kanyang pagkilatis sa itsura ay mukhang hindi ito mapagkakatiwalaan. Hindi niya gusto ang paraan nang pagngiti nito. Mukha itong matandang manyakis dahil sa mga palihim na pagsulyap nito sa kanyang binti na hindi nakaligtas sa kanyang mga mata. Lihim siyang napaismid.

"Pwede ba tayong mag-usap, Mom? May mahalaga akong sasabihin sa 'yo."

"Later, hija... as you can see, may bisita tayo. By the way, si Dr. Sanchez na ang bagong doctor ng daddy mo."

"Oh. Okay, Mom," tipid na sagot niya.

"Nice meeting you, darling," dinig niyang sabi ng doctor. Inilahad nito ang kamay sa kanya. Alinlangan niyang inabot ang palad ng matanda.

Biglang umarko ang isang kilay niya nang maramdaman ang pagpisil nito sa kanyang kamay.

Buwisit ang matandang 'to, ah! 

Batid na niya ang mga ganitong galawan kaya hindi na lang pinansin ang matandang doctor.

"Pasok muna ako sa room ko, Mom, mamaya na lang tayo mag-usap." Tatalikod na sana siya nang magsalita ang mommy niya.

"Hija, pakikuha mo muna 'yong white envelope doon sa kuwarto ko... nasa drawer."

"Okay, Mom."

Mabilis siyang umakyat sa kuwarto ng ina. Hindi naman ito ang unang pasok niya sa kwartong iyon kaya alam na niya kung aling drawer ang tinutukoy nito. Walang iba kundi ang nasa tabi ng queen size na kama. Binuksan niya iyon at hinanap ang puting envelope. Hindi nagtagal ay nakita naman niya ito, ngunit naagaw ang kanyang pansin ng isang lumang tila notebook. Diary, iyon ang nakasulat sa cover nito.

Dahil naintriga siya kung ano ang nakasulat doon kaya kinuha niya ito. Napangiti siya.

Ano kaya ang laman nito?

Lumabas siya ng silid na bitbit ang puting envelope at ang lumang diary ng ina. Dumaan muna siya sa sariling kuwarto para iwanan doon ang diary at ang handbag niya. Pagkatapos ay bumaba na siya at ibinigay sa ina ang ipinakuha nito.

"Thank you, hija," nakangiting sabi ni Miranda.

"Welcome, Mom," sagot niya bago tuluyang tumalikod at muling umakyat sa sariling silid.

Agad siyang nag-dive sa malambot na kama, isinandal niya ang likod sa headboard saka inabot ang unan at ipinatong iyon sa ibabaw ng mga hita. Excited siyang basahin ang diary ng ina. Tila nangangati ang kamay niyang buksan ito.

Nang buksan niya ito ay napakunot ang kanyang noo dahil may nalaglag mula sa hawak niyang diary.

Necklace? 

Dinampot niya ang maliit na kwintas at masusi iyong pinagmasdan. Nangingintab ito lalo na ang maliit na pendant na litrang 'K'  may mga maliliit itong bato na sa hula niya ay diyamante. Hindi niya maipaliwanag ang kabang biglang bumundol sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Parang nakita ko na 'to, ah?

Biglang tumayo si Althea at binuksan ang kanyang drawer. Mula roon ay inilabas niya ang maliit na kulay pulang jewelry box na pagmamay-ari ni Hailey. Nang mabuksan ay tumambad sa kanya ang larawan na kinuha niya nang malaglag ito mula roon sa photo album ni Hailey.

Pinagmasdan niya ang dalawang bata na nasa larawan. Hindi gaanong magkamukha ang dalawa pero base sa parehong ayos at suot ng mga ito ay tiyak niyang kambal. Nasa dalawang taong gulang yata ang mga ito at parehong nakangiti nang kuhanan ng picture.

Natuon ang kanyang mga mata sa suot na kwintas ng dalawa. Litrang 'H' naman ang sa isa na batid niyang Hailey ang ibig sabihin. Sinipat niya ang nakasulat sa likod ng larawan. Kelley and Hailey.

Paanong napunta kay mommy ang kwintas ng kakambal ni Hailey? 

Umupo siya sa gilid ng kama at muling binuksan ang naninilaw na diary at nagsimula siyang basahin ito. Umaasa siyang naroon ang kasagutan sa mga katanungang unti-unting sumibol sa kanyang isipan. Sa mga unang pahina ay puro lang naman love story ng ina ang nakasulat kaya hindi na siya nag-abalang basahin iyon.

Natigilan siya nang mabuklat ang isang pahina. Punit ang bandang itaas nito kaya hindi niya makita ang date kung kailan ito isinulat. Binasa niya ang halos kalahati na lang na natira sa pahinang iyon. Poot at galit ang nilalaman sa nakasulat. Dahil doon ay nagkaroon siya ng interes na ipagpatuloy pa ang pagbabasa.

Matapos basahin ni Althea ang diary ni Miranda ay naikuyom niya ang mga palad. Naipikit niya ang mga matang kanina pa hilam sa luha dahil sa sari-saring emosyon na kanyang nadarama.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala sa mga natuklasan. Tunay ngang hindi pa niya kilala nang lubusan ang kanyang ina.

Mga katok sa pinto ang umagaw sa kanyang pansin. Agad na pinunasan ni Althea ang basang pisngi at mabilis na itinago sa ilalim ng kama ang hawak na diary.

"Ma'am Althea... ipinatatawag na po kayo ni Madam para sa dinner," rinig niyang sabi ng katulong.

"Leave me alone! Kakain ako kung kailan ko gusto! Just leave," sigaw ni Althea. Nawala na siya sa mood upang makipag-usap pa sa ina. Sa ngayon ay ayaw muna niya itong makita.

Maliban sa kaalamang buhay si Hailey, ano pa kaya ang mga natuklasan ni Althea? Bakit ganoon na lang ang reaksyon niya matapos basahin ang diary ni Miranda?
😊😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top