Chapter 7

Chapter 7


"Oh, Alas Ferrer..." Jayden smirked. Nilingon niya ang mga kabandang kabababa pa lamang galing sa loob ng van. "Hey, guys! Don't you wanna say hi to your ex-vocalist?" patuyang wika nito kay Alas.

Isa-isang nag-iwas ng tingin ang mga dati niyang kabanda mula sa matalim na titig ni Alas. Nag-unahan sila sa pagbagsak ng mga tingin sa lupa. Jayden's rude comment gave birth to the heavy atmosphere that wrapped us around in all of our heads.

Alas' jaw clenched. Bigla nalang niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palapit sa kaniya.

"Let's go, Belle." Aniya na hindi binibitawan ng masamang tingin si Jayden. Before I could even take a step, hinawakan naman ni Jayden ang isa kong braso. Mas lalong nanlisik sa galit ang mga mata ni Alas.

"Not so fast, Alas. Ano? Ayaw mong makipag-reunion sa mga kabanda mo pagkatapos ka nilang itakwil?"

Marahas na suminghap si Alas at binitawan ako. Walang sabi-sabi niyang itinulak si Jayden palayo, dahilan upang mabitawan niya ang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko, pati na rin ng mga taong nakapaligid sa amin. Si Ms. Patricia na nakikipag-usap kay Sir Pat ay tumigil rin at napatingin sa amin.

"What the fuck is your problem?" buga niya ng iritasyon kay Jayden.

Aroganteng pinagpagan ni Jayden ang kaniyang shirt at nagtaas din ng kaniyang noo.

"My problem?"

"I'm starting to lose my patience to you, Jayden. And if you don't shut the fuck up, I swear to God, hindi mo magugustuhan ang mangyayari..."

"Alas..." kinabig ko ang kaniyang braso. We're all tired at nagkakainitan na kami ng ulo.

"Oh, yeah? Then maybe, you should stop acting like an arrogant prickhead—"

"Drop it, boys." Ang malamig na boses ni Ms. Patricia ang pumutol sa sasabihin pa sana ni Jayden. Lumapit siya at marahas na inalis ang kamay ni Alas na ambang susuntukin na si Jayden. Matalim ang kaniyang tingin sa dalawa.

"I believe we are all grown-ups here. Save the fistfights for little boys, shall we?"

Hinihingal sa galit si Alas na ibinaba ang kamao. Hindi pa rin nawawala ang masama nitong tingin kay Jayden. Kinakabahan din ako sa maaari niyang gawin kaya hinila ko din siya palayo.

Nilingon ako ni Ms. Patricia. I flinched when the irritation in her eyes burned brighter. "Umuwi na kayong dalawa, Belle..." tapos ay binalingan niya si Jayden. "Ikaw naman... we'll talk first thing in the morning."

Her authoritative voice rendered all of us speechless. Sa kaniyang pagtalikod ay sumunod ang matalas na paghiwa ng kaniyang heels sa semento habang naglalakad palayo.

"Tara na, Alas..." I murmured.

He pursed his lips and stiffly followed me towards the car. Mabilis kong binuksan ang pintuan at sumakay. Napahinga ako nang maluwang nang hindi na siya bumalik pa sa kinaroroonan ni Jayden na para bang nanghahamon pa rin ng digmaan. Instead, he clenched and unclenched his fists, as if restraining himself. After a while, he circled the car and got in the driver's seat.

Nang isaksak niya ang susi ay nabuhay ang makina. Tahimik niya itong inatras mula sa pinaradahan at marahas na naman ang tinging ipinukol kay Jayden na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa papalayo naming sasakyan.

"What are you doing with him?" he snapped. Hindi pa rin nawawala ang iritasyon sa kaniyang boses. And he didn't even bother hiding it. Magkasalubong ang kaniyang kilay. His knuckles are turning rose white from gripping the steering wheel too hard.

"M-May mall show sila sa Davao kanina kaya..." I trailed off. Ibinaba ko ang paningin at pinaglaruan ang mga kamay. Now I feel like a little child getting scolded again. Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. "Kaya napasama ako."

"Tss." Was all he replied. Marahas niyang iniliko ang sasakyan. Kung hindi dahil sa seatbelt ay malamang nahampas na ako sa kabilang dulo ng sasakyan. Mukhang badtrip talaga siya at may balak pa atang sagasaan ang kung sino mang humarang sa kaniya. Sobrang bilis din ng kaniyang pagpapatakbo dahilan upang mapahawak ako sa dashboard.

"Alas..." mahina kong sambit ngunit hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang panginginig ng boses ko. He turned to me sharply and when he saw the frightened expression on my face, bigla nalang niyang tinapakan ang brake.

"Fuck." Marahang mura niya saka ihinilamos ang mukha sa kaniyang palad dulot ng frustration. Ang kaniyang mga daliri ay pumasada sa kaniyang buhok. "I'm sorry..." he murmured.

Bagama't naka-on ang aircon ng sasakyan ay pinagpapawisan pa rin ako. I stared blankly at the road ahead of us and blinked.

Naramdaman ko nalang ang marahang paghila ni Alas sa akin hanggang sa tumama ang aking mukha sa kaniyang matigas na dibdib.

"I just hate it when you're around that dickhead..." he said softly on my hair.

Kumapit ako sa kaniyang shirt at hinayaang maghari ang kaniyang pabango sa aking ilong. I nodded gently. I loved the erratic beating of his heart that matches mine. Idinantay ko ang palad dito at mas nakiramdam pa.

Alas' warm lips made love with my skin. Napapikit ako sa marahang pagdantay ng kaniyang mga labi sa aking noo. Narinig ko na naman ang kaniyang marahas na pagsinghap.

"I should get you home." Aniya. Dahan-dahan akong kumalas mula sa kaniyang yakap. "Baka saan pa kita madala..." bubulong-bulong pa ito.

I chuckled and let him drive. Nakabusangot pa rin ang kaniyang mukha but his lips are twitching. Pinipigilan niya ang pagpakawala ng ngiting inipit niya sa kaniyang mga dila.

The following day, despite arriving home at almost 4 am, ay 8 am pa rin ang aking duty. Dahil nasanay na rin akong walang tulog ay hindi ko na alintana ito.

But that doesn't mean my body isn't crying for mercy. I tried to hide the eye bags using concealer but failed. Nang sumakay ako sa Ford ni Alas kinaumagahan ay naningkit ang kaniyang mga mata pagkakita sa akin.

"Are you sure you're still going to work today?" tanong niya sa akin. Kumpara sa mga mata ko ay walang bakas ng eye bags ang sa kaniya. He still looks so strong and healthy.

"Yeah..." matamlay kong sagot.

"Can't you talk to them? Mag-aalas kwatro ka na ng umaga nakauwi kanina at—"

"I'm fine, Alas." Marahan kong pinisil ang kaniyang matigas na braso. He didn't budge. Siguro nga ay wala siyang naramdaman sa paghawak kong iyon.

"Just... sleep in the car, Belle." He sighed and started the engine.

I nodded my head and in just a few minutes, doze off to sleep. Naghari ang musika mula sa stereo ng kaniyang sasakyan nang makatulog ako.

Naalimpungatan lamang ako sa matapang na amoy ng kapeng nanunuot sa aking ilong. I fluttered my eyes open. Even my throat seems so dry right now.

"Here..."

Sumilip ako sa labas at nakitang nakaparada kami sa isang coffee shop. Iniabot sa akin ni Alas ang umuusok pa na kape. I accepted it gratefully and said nothing. It was supposed to be tea but I guess he doesn't remember it anymore.

Nasanay na din akong painom-inom ng kape nang tumuntong sa college. I need the caffeine to keep every nerve ending, every vein, and every cell of my body alive. Lalo na noong kasagsagan ng aming thesis preparation. Pumapasok ako sa trabaho at eskwela na hindi natutulog.

When I took a sip from my coffee, Alas settled himself on the driver's seat and continued driving again. But this time, much slower. Doon ko lang napagtuunan ng pansin ang kaniyang suot na faded jeans at brown sweatshirt. The earthy tone looks good in his milky complexion. I sneak a peek at him and decided to myself that he looks like a formal hottie today. I wonder if he's going to work in that attire?

"Hihintayin kita dito mamayang alas kwatro." Aniya nang matanaw na namin ang building. Nakaparada pa rin sa labas ang dalawang van na ginamit namin sa mall tour kagabi.

"Actually..." I trailed off. Isinilid ko sa plastic ang walang lamang paper cup at itinali ito. "I think I should get your number already."

Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Bahagya akong namula. I sounded like a highschool girl asking for her crush's phone number. Wala sa sarili kong nakagat ang pang-ibabang labi.

"B-Baka kasi... gabihin na naman ako kaya..." putol-putol pa ang sinasabi ko.

Alas chuckled and shook his head lightly. He dug his phone from his pocket and handed it to me.

Napatitig ako sa kaniyang iphone. Makinis ito at mukhang bagong-bago pa.

"Just put your number. Ako na ang tatawag sa iyo." wika niya.

I breathed a sigh of relief. Nakakahiya naman kung ilalabas ko pa ang phone kong may basag na screen para kuhanin ang number niya. Wala siyang kaarte-arte sa kaniyang cellphone. Plain black lang ang background nito. I pressed the home button and the passcode appear.

"Uhm... pasccode?" alinlangan kong tanong. Ibabalik ko sana ang cellphone sa kaniya para siya na ang magtipa pero inunahan na niya ako.

"Two thousand and ten." Aniya. I glanced at him and nodded my head. Entering the passcode, the plain black wallpaper greeted me again. Pinindot ko ang phone button at itinipa ang aking numero.

"Tawagan mo ako kapag nandito ka na sa labas... naghihintay." Wika ko habang binabalik ang cellphone sa kaniya.

"Are you going to be with Jayden again today?" he asked darkly.

Iniling ko ang ulo ko. "Hindi ko pa alam, Alas. Siguro'y may tour pa sila at nakaalis na ang banda..." I trailed off again. Gusto kong tanungin sa kaniya kung anong nararamdaman niya pagkakita niya sa mga dating kabanda kaninang madaling araw.

Base sa mga reaksiyon nila, alam kong hindi pa sila nakakapag-usap nang maayos. But Alas just nodded his head tightly, his eyes staring out of nowhere.

"I'll just call you."

"Okay." Tumango ako at kinalas na ang mga seatbelts. Nginitian ko siya pero hindi niya iyon ibinalik sa akin. Ngumuso ako at walang sabi-sabing lumapit at ginawaran ng mabilis na halik ang kaniyang pisngi.

Mukhang nagulat pa si Alas sa aking ginawa. I blushed like a high school girl and cleared my throat.

"A-Aalis na ako..."

His mouth twitched. Biglang nawala ang pagsalubong ng mga kilay nito.

"Okay. Ingat ka..."

I bit my lower lips and nodded at him. Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan at isinarado ang pintuan. May aliw sa mga ngiti niyang hindi ko makayanan kaya tumalikod na ako at naglakad palayo. Saka pa kumalawa ang ngiti sa mukha ko. Para tuloy akong baliw nang makita ako ng security guard na naglalakad papasok ng building.

Tahimik akong nagpasalamat nang hindi na inungkat pa ni Ms. Patricia kung ano talaga ang nangyari kaninang madaling araw. She just assigned me to the radio booth today.

"Walang bagong tour kaya sa radio booth ka muna. Kailangan nila ng bagong DJ. You will be named DJ Sweet." Anito habang naglalakad kami papunta sa station nila.

I cleared my throat. I know how to modulate my voice and is educated on how it works but I'm still not confident if I'm going to be an effective DJ. Mas komportable at may kompiyansa ako sa sarili kapag nasa likod ako ng computer at nagma-manage ng lights at sound system.

"The Runaways will be having a photoshoot in Davao, I guess?" aniya habang binubuksan ang pintuan. "So you won't be able to see them for a while..."

Lihim din akong napabuntong-hininga sa kaniyang sinabi. I don't think I can't stand Jayden anymore. Nagsisimula nang mamuo ang iritasyon ko sa kaniyang sinasabi at ginagawa. His offensive words towards Alas just crumbled the last of the chances I'm giving him for us to be friends again. Siguro ay mas makakabuti para sa akin ang layuan nalang muna siya.

Tatlong araw akong nasa radio booth. So far, everything went smoothly. Dahil hindi ako confident sa speaking voice ay ni minsan hindi ko binanggit kay Alas na on-air ako sa tuwing alas tres ng hapon. Nahihiya pa akong baka pakinggan niya at madisappoint lang siya o di kaya'y pagtawanan ako.

Sunday morning. I am supposed to be sleeping again just to make up for the sleepless nights but instead, I woke up early and went to the market. Namili ako ng preskong hipon at iba pang mga sangkap para sa sinigang.

I walked around the wet market with a basket in my hand. Dahil malapit lang ito sa pantalan ay naaamoy ko ang dagat. Ang preskong hangin ay marahan na hinahaplos ang aking mukha kaya napangiti ako.

Simula nang makauwi ako dito at tumungtong ng college ay madalang nalang akong mapadpad sa dagat. Hindi tulad noong highschool pa ako na nakakapunta ako sa dagat at lawa anumang oras ang gusto ko. Ngayon ay hindi ko na ito hawak at nakalaan na ang lahat para sa mga importanteng bagay.

Despite that glaring fact, I am still willing to sacrifice my rest day to cook Alas his lunch.

"Ang aga mo ata..." puna sa akin ni mommy nang makita niya akong papasok sa apartment dala ang pinamili. She eyed it suspiciously. "Magluluto ka?"

I nodded my head and grinned at her. Si Zeus ay kakagising pa lamang at mukhang badtrip. Tahimik itong nanunuod ng TV habang yakap yakap pa rin ang kaniyang Mufasa plush toy.

"Anong nakain mo at magluluto ka?" sinundan ako ni mommy sa kusina. Nagsimula ko nang ilabas ang mga pinamili ko.

"I'm actually cooking for someone, mom."

Lumipad sa kisame ang kilay ni mommy sa aking sinabi. "Hindi ka lang magluluto. May paglulutuan ka?" bakas ang kuryoso sa kaniyang tinig.

Mariin ang hawak ko sa radish nang harapin ko si mommy na ngayo'y nagsasalin ng tubig sa kaniyang baso.

"Para po kay Alas..."

"Alas!" nagulat siya sa sinabi ko at natigil sa pagsasalin. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Alas Ferrer, Isabelle?" pag-uulit niya.

Nahihiya akong tumango. Kumulubot kaagad ang noo ni mommy sa sinabi ko.

"When did you start communicating with each other—"

"Siya ang sumusundo sa akin araw-araw papunta sa network station at siya rin ang naghahatid sa akin dito pagkatapos ng duty ko." simple kong wika sa kaniya.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ni mommy sa sinabi ko. "Belle..."

"It's okay, mommy. I'm taking it slow." Huminga ako nang malalim at ipinagpatuloy na ang ginagawa. "Alam ko na po kung ano ang ginagawa ko and besides..." lumipad ang tingin ko kay Zeus na ngayo'y nakahiga na sa sofa. "I don't want my son to grow up without a father."

Matagal akong tinitigan ni mommy, tila ba tinitimbang niya ang lalim ng aking mga sinabi. after a while, she nodded her head.

"Sige. May tiwala ako sa iyo, Belle. Just keep in mind that I'm always going to be here for you, okay? For you and Zeus..."

Tipid na ngiti ang iginanti ko sa kaniya at mabilis siyang niyakap. Bahagyang tumawa si mommy at tinapik ang aking likod.

"Tulungan na kita. Hindi ka pa naman marunong magluto..." she teased.

I laughed and felt the heavy weight slowly vacating my chest. When I was still a few years younger, living with the Armendanez and getting caught with their chaotic political life, I thought I'm going to completely lose my relationship with my mother. Hindi ko akalaing dadating pa pala kami sa puntong ito na nagtatawanan sa kusina. Gumaan nang husto ang loob ko. She doesn't treat me like a little girl anymore. She allows me to make decision and commit mistakes with the promise that she'll be by my side, ready to comfort me if ever things go wrong.

"We're going to the beach, mummy?" excited na tanong sa akin ni Zeus habang naghihintay kami ng bus. In-adjust ko ang basket kung saan nilagay ang Tupperware na pinaglagyan ko ng sinigang at kanin. Pinabaunan din kami ni mommy ng saging at lemon juice.

On my other hand is Zeus, jumping up and down excitedly. I grinned at him.

"Yes, baby..."

"Cool!" anito at kumislap pa ang mga mata.

Ngiti ang iginanti ko sa anak hanggang sa dumating na ang bus. Sumakay kaagad kami. Ikinandong ko na si Zeus dahilan ng maraming pasahero at siksikan na naman.

I know he's at the construction site today. Tumawag siya kaninang umaga bago siya umalis ng kaniyang bahay. I flushed, hearing his baritone voice early in the morning. Ito din ang nagtulak sa akin para ipagluto siya ng kaniyang tanghalian.

Inaliw ko si Zeus sa baybayin na nadadatnan namin habang umaandar ang bus. Pagpatak ng alas onse ay doon pa namin narating ang Lavigan. Bumaba kami sa construction site.

"Am I allowed to swim today?" tanong ulit ni Zeus sa akin. Napatingin ako sa kaniya. I didn't bring any extra clothes for him. But the twinkle and hopeful look in his eyes is hard to ignore. So I nodded and earned another cheer from my son again.

Balak ko pa sanang bisitahin muna si Stella upang kumustahin ngunit sirado ang kanilang bahay pagpunta ko. Marahil ay nasa hospital sila ngayon at nagpapa-check up o di kaya'y dinala niya sa bayan ang kaniyang Lola upang ipasyal.

Tinapunan kaagad ako ng tingin ng mga nagtatrabaho pagpasok ko pa lamang. Alanganing ngiti ang iginanti ko sa kanila habang naglalakad. Nilapitan ko ang isang nakaupo at pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay.

"Excuse me? Pwede ba akong magtanong?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango. He offered me a friendly smile.

"Nandito ba si Alas?"

"Si Engineer?" mukhang nagulat pa ito sa tanong ko.

I nodded my head.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. It made me uncomfortable. Hindi naman ako nag-ayos talaga para ngayong araw. Simpleng denim skirt at light blue polo shirt lang ang suot ko tsaka flat sandals. Ang mata niya'y dumako kay Zeus na iniikot ang paningin sa paligid.

Saka pa lamang siya tumayo at itinuro ang isang malaking shed sa may hindi kalayuan. May mga grupo ng ibang construction workers doon. One of them is wearing an orange hard cap.

"Nandun siya kasama si Architect Julius..."

"Sige, salamat..."

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Zeus. Hinanap ng mga mata ko at puting hard cap na suot niya at hindi ako nabigo. Malayo pa lang kami ay kita ko na siya dahil sa matangkad nitong bulto.

Nakayuko siya sa nakalatag na papel sa lamesa. He scratched his shadowed jaw again as he stared seriously at the paper in front of him. Simpleng puting button-down shirt lang din ang kaniyang suot ngayong araw but it didn't make him any less manly.

Nang makita ako ng kaniyang katabing babae ay nag-aalangan pa nitong kinalabit si Alas at itinuro ako. Nag-angat siya ng tingin at muntik na akong mapahinto sa paglalakad nang magtama ang tingin naming dalawa. Pati ang mga kasama niya ay napatingin din sa amin. Mas lalo tuloy akong na-conscious.

Dali-daling umalis si Alas mula sa kinatatayuan. Sinundan siya ng tingin ng kaniyang mga kasama at maya-maya pa'y inulan na ito ng tukso mula sa mga trabahador.

"Uyy! Si engineer alagang-alaga ng asawa!"

Namula ang buong mukha ko sa sinabi nung isa na may malaking ngisi sa mukha. Pati ang sinasabi nilang Architect Julius ay nakamasid na rin sa amin na may ngiti sa mga labi.

"Hey..." Alas jogged towards our direction. Huminto na ako sa paglalakad at sinalubong siya. "Hey there, little champ..." he ruffled my son's hair. Mabilis na niyakap ni Zeus ang kaniyang hita, making my heart melt. Tumawa si Alas at kinarga ang bata nang walang kahirap-hirap sa kaniyang beywang. Nakapulupot ang kaniyang mga kamay sa leeg nito.

"Hey..." I smiled at him. Bahagya kong itinaas ang basket na dala, ramdam na ang pamumula ng mukha. "Dinalhan kita ng lunch..."

"Really?"

"Kakain ka na naman, Engineer?" hindi na siya tinigilan sa panunukso ng mga kasamahan niya when he inspected the basket. My throat tightened when I realized that he probably had his lunch already.

"P-Pero kung kumain ka na, puwede namang hindi nalang—"

"Nonsense, Belle. I'll eat this." Inagaw niya sa akin ang basket. "Syempre, sa iyo galing eh..." kinindatan pa niya ako.

Sumabog na naman ang halo-halong emosyon sa aking dibdib. Kumawala ang tawa sa kaniya at iminuwestra ako na sumunod sa kaniya patungo sa malaking shed.

"Break muna ulit tayo, kakain lang ako..." anunsiyo niya. Umani ito ng hiyawan sa kaniyang mga kasamahan. Umiling-iling si Architect Julius at natatawang iniligpit ang mga kalat sa lamesa.

"Krista, nahugasan na yung mga kubyertos, diba? Pakidala ako dito..." aniya.

Tumalima kaagad ang kaniyang assistant at kinuha ang mga utensils niyang nasa eco bag. Ibinigay niya ito kay Alas habang nilalabas niya ang niluto ko kanina.

"Mummy, I want to go to the beach na..." maktol ni Zeus.

Napatingin ako kay Alas, nanghihingi ng permiso. Baka kasi hindi pa puwedeng paliguan dito kasi inaayos pa nila.

He nodded at me. "Go on. If Zeus wants it then..." he shrugged and a boyish grin appeared on his lips.

"I'll be back..." ani ko at sinamahan ang aking anak patungo sa dagat. Hindi pa kami nakakalayo ay dinig ko na ang pag-uusap ng mga construction workers mula sa hindi kalayuan.

"Anak ni Engineer?"

"Hindi."

"Hindi? Eh kamukhang-kamukha eh!"

"Binata pa si Sir. Diba may girlfriend yun?"

"Hindi ko din alam..."

Humigpit ang hawak ko sa braso ni Zeus dahil sa narinig. I tried to ignore it but the word girlfriend clawed at the back of my head. Umiling nalang ako at itinuon ang atensiyon sa aking anak na hinuhubad na ang kaniyang sapatos.

"I'll be watching you by the shore, Zeus. Diyan ka lang sa tabi..."

Halos hindi na ako pakinggan ni Zeus dahil dire-diretso ang takbo niya patungo sa dagat. Pinulot ko ang kaniyang sapatos at pinanuod siyang lumusong sa tubig.

Natuwa ako habang pinagmamasdan ang anak na naglalaro mag-isa sa tubig. Patuloy pa rin ang panunukso kay Alas na sa palagay ko ngayo'y kumakain na nang inihanda ko.

Gusto ko man siyang tabihan ay hindi ko naman puwedeng iwan si Zeus. Nakontento na ako sa panunuod sa anak. The trauma from last time when he got lost in my eyes whispered in my ears again. Kaya ngayon ay hindi ko tinatanggal ang tingin sa kaniya kahit isang segundo.

"Belle..."

Napalingon ako sa pagtawag ni Alas sa akin. Hinubad na niya ang cap sa kaniyang ulo at seryosong nakatingin sa akin. The sea breeze swept his hair that's covering his eyes. Mamula-mula din ang mestiso nitong balat dahil sa init ng araw.

Pinanuod ko siyang maglakad patungo sa direksiyon ko nang biglang lumapit ang kaniyang assistant at may iniabot na newspaper. Kumunot ang noo ni Alas at tinitigan ang kung ano mang nakalimbag doon.

After a few seconds, his entire face tightened as he pursed his lips. Nawala ang mapaglarong ngiti sa kaniyang mukha nang bigla nalang niyang nilakumos ang papel at naglakad palayo, pulang-pula ang mukha sa galit.

Naguluhan ako sa nangyari kaya tumakbo ako papunta sa dagat at kinuha si Zeus sa kabila ng kaniyang mga protesta. Alas stormed out of the site, leaving his men puzzled. Dali-dali kong nilapitan si Krista na nanlulumong pinulot ang diyaryo.

"Ano yun?" tanong ko sa kaniya.

"Eh Ma'am..." she trailed off and chewed her lower lips. Alanganin niyang inabot sa akin ang diyaryo na gusot gusto na dahil sa panggigigil ni Alas.

The blood from my face drained when I saw the headline for today's paper.

Vocalist Jayden Cruz Found His Alleged Highschool Sweetheart—A Probinsiyana Girl!

Halos sakupin ng malaking litrato ng tabloid ang kuha noong mall show nila sa Davao. Ito pa yung nakatitig kami sa isa't-isa habang pinupunasan ako ni Jayden gamit ang tuwalyang inalok niya.

Fuck, Jayden.

Napamura ako nang mahina upang hindi marinig ng anak.

"Krista, pakihawak naman sandali kay Zeus, oh..." ani ko. Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot. Hawak ang tabloid ay tinakbo ko na ang tinunguhan ni Alas habang nabibingi ako sa malakas na tambol ng dibdib. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top