Chapter 24

Chapter 24


Gumalaw si Alas sa kama. Hindi ko pa man naididilat ang mga mata ko ay naramdaman ko na ang pagpulupot ng malalakas niyang braso sa aking beywang.

He pulled me closer and nuzzled my neck. I lazily opened my eyes.

"Mornin'..." he murmured with his eyes still closed.

I pulled the sheets to cover my body and glanced outside the window. Hindi pa naman sumisikat ang araw. But I could hear the birds chirping their morning songs. The room is cold.

"I'm gonna be late for my class..." I said softly.

Alas grunted in protest. I tried to pull myself up but he only pulled me closer to him. He even draped his long legs around my thighs just to pin me down!

"Alas..." I warned.

"I'm gonna drive fast so you won't be late," he assured me. "Five more minutes."

Napailing ako sa sinabi niya. Feeling secured and comfortable in his arms, ibinagsak ko ulit ang katawan at niyakap siya pabalik. The cold morning dew lulled me back into sleep and my tired body sighed in pleasure.

"So you're going to teach?" pagka-klaro ko. Maingat akong sumimsim sa kapeng itinake-out namin kanina sa surf café bago kami tumulak pa-Davao. Nagmamadali na kaming dalawa kaya hindi na namin nahintay si Zeus na magising o maihanda ni Krista ang breakfast.

"Yeah. Saturday evening classes..." sinipat ako ng tingin ni Alas. He slowed down when the traffic lights turned yellow. Tuluyan na niya akong nilingon. "Why?"

Umiling ako. "It's just weird. We're going to attend the same university but as professor and a student." Tumawa ako.

"Well..." he leaned closer to me and kissed my throat. Muntik na akong masamid sa iniinom ko dahil sa ginawa niya! "I do like student-professor relationships, Belle. I fantasize about that often..."

"Alas!" namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Nilalandi na naman niya ako! Sensing my sudden jolt, he pulled himself away and let out a throaty laugh. Sinamaan ko siya ng tingin.

Nakangising aso pa ito nang ibalik ang tingin sa daanan at paandarin muli ang sasakyan. My cheeks reddened. Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy ang pag-inom sa aking kape habang nagbabiyahe kami patungong Davao.

When we arrived, I pulled out the ID from my bag and wore it over my neck. Lumabas ako ng sasakyan, dala ang laptop at bag. 12-5pm pa naman ang klase ko. Alas will be teaching until 7 pm. I guess I would have to wait for him around before we could go home together.

Nang maisarado na niya ang sasakyan ay lumapit siya sa akin at ipinulupot ang kaniyang kamay sa aking beywang. I rose a brow and stopped walking.

"What?"

"We're in a university."

"I know. And?" nakakunot-noo nitong sagot sa akin.

"Your hand..." I said in a clipped tone.

Hindi pa rin niya ito tinatanggal. Mas lalo lang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"We're student and professor, Alas." I told him. "We can't be seen like this."

He grunted, and with extreme difficulty, finally removed his hands from my waist. I smiled mockingly at him.

"Good. Thank you, Sir."

He rolled his eyes at me. Tamad siyang nakasunod sa akin sa likod habang papasok kami. Nang pinadaan na kami ng guard ay tumigil ulit ako at nilingon siya.

"I'm going to CASE department. How about you?"

"Hmm." He dug his phone from his pocket and grunted again. "I'm assigned at BE."

I grinned at him. "Well, then, I guess I'll have to see you later, Sir."

They allowed me to choose my advisor for the first day and was immediately advised to take research courses. I willingly obliged and enrolled in a class of only 14 students. After this formal class, I will spend most of my time in my mentor's lab for the official procedure of my thesis.

Habang nasa loob ako at nakaupo, hindi ko maiwasang hindi isipin si Alas. Most of the engineering department is populated by male. But what about the female population? I'm sure they'd go crazy about him! Kung manamit pa naman iyon ay parang artisang magp-photoshoot imbes na professor na magtuturo.

I sighed. Kung anu-anong pumapasok sa isipan ko and it's only my first day! I'd have to earn my master's degree in one and a half year. I couldn't afford to lengthen the time. My educational loan won't let me and the expenses will fall heavy on my shoulders, for sure.

Gayon na nga ang naging sitwasyon naming dalawa. From Monday to Friday, I work and every Saturday, Alas and I would go to Davao to teach and study.

"Naku Ma'am, for sure pumayag lang yang magturo doon kasi doon ka din nag-aaral!" panggatong ni Ella, isang gabi habang hinihintay namin si Alas galing sa site para sabay-sabay na kaming maghapunan.

Inayos ko si Zeus sa aking hita. He pouted and pointed at his glass of milk again. Ibinigay ko iyon sa kaniya.

"Bakit? Ayaw ba talaga niyang magturo?"

"Hmm. Pabalik-balik po kasi si Mr. Madrunio last year, Ma'am..." si Krista. "Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagbago ang isip ni Engineer. Nung nalaman ko na dun mo pala balak kunin ang master's degree mo, I just put two and two together." She grinned.

"Bantay-sarado ka talaga kay Sir, Ma'am...." Ella grinned widely.

Tumawa ako at pabirong inirapan ang dalawa. The sound of the engine outside caught my attention. Tumahimik na kaming tatlo at ilang saglit pa ay lumitaw na ang matangkad na bulto ni Alas sa amba ng pintuan.

"Hi! We were waiting for you. Tara, kain na tayo..." I chirped.

An amused smile played on his lips as he eyed the food in the table. Pagkatapos maupo sa tabi ko ay tinaasan niya ako ng kilay.

"What's all this food, for? May birthday ba?" tanong niya sa akin.

I flushed. "Ah. Wala naman. Ginanahan lang akong magluto kanina. Maaga kasi akong nakarating mula sa trabaho."

"Hmm." Isang mapaglarong ngiti ulit ang kaniyang pinakawalan. Hindi na iyon nawala pati na rin ang pasulyap-sulyap niya sa akin habang kumakain kaming dalawa.

When we were done eating, inako nang dalawa ni Krista at Ella ang paglilinis ng kusina at paghuhugas ng pinggan. I went to Zeus' room to tuck him into bed while Alas retreated to his study.

Nagulat ako nang pagbukas ko sa pinto ng kwarto ay nakitang naghuhubad siya ng pang-itaas. He lazily glanced at me while I held the doorknob firmly.

"What are you staring at, Belle? Lock the door already or Krista and Ella would be swooning over my body again."

Sinamaan ko siya ng tingin at isinarado na nga ang pinto. This egoistic man!

"Let's take a bath together?" anito.

My entire face flushed. "H-Ha?"

"C'mon..." hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataong magprotesta. Hinila niya ako at hinalikan sa noo. His hands automatically work its way to the hem of my blouse and lifted it over my shoulder. He dropped it on the flood, cradled my face, and rewarded me with a kiss again.

"Are you on pills?" he whispered to my ears.

Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"W-Wala naman. Bakit?"

"Good." He kissed my neck and expertly unclasped my bra. It fell on the floor and joined the discarded blouse earlier. "I'm working very hard for another baby and it would be a shame to know that my wife is on pills..." makahulugan nitong sinabi sa akin.

"Alas!"

He laughed again and tugged my skirt down. Alas placed his hand at the small of my back and guided me inside the bathroom with my cheeks burning in flames.

"Bagong professor?"

Nag-angat ako ng tingin mula sa laptop ko at nakita ang dalawang babae sa tapat na table na pinag-uusapan si Alas. He's talking to his student, a male, to my relief. Sumama ang tingin ko sa dalawang babae na nag-angat pa ng phone at pasimpleng kinuhanan ng litrato ang asawa ko.

"Ngayon ko lang nakita dito, eh. Anong department kaya siya galing?" maarteng harutan ang umalingawngaw sa boses nilang dalawa.

I couldn't help but roll my eyes in annoyance. The cool air in the mini forest didn't help my raging emotions towards the two women in front of me. Hindi ko na naibalik ang atensiyon ko sa laptop.

Masama ang naging titig ko kay Alas habang nakikipagtawanan siya sa estyudanteng lalaki. The girls continued to giggle over him. Nang magpaalam na ang estyudante kay Alas ay idinirekta nito ang tingin sa direksiyon ko. direksiyon namin.

"Nakatingin ba siya dito? Oh my God! Oh my God!"

Parang uod na binudburan ng asin ang dalawang hindi mapakali habang lumalapit si Alas patungo sa direksiyon namin. He sauntered gracefully, with his black button-down shirt with sleeves rolled to his elbows, black trousers, and Rolex, he easily steals the attention of anyone. I grunted inside of my head.

Mas lalong lumikot ang dalawa habang papalapit si Alas. Nailing ako at inirapan silang tatlo, kahit na wala namang kinalaman at walang kaalam-alam si Alas na pinagpapantasyahan na pala siya ng dalawang babae dito.

"G-Good afternoon, Sir!" halos sabay pa nilang bati.

Naiirita akong nag-angat ulit ng tingin. Alas smiled at them and they went boy-crazy for him once again.

"Good afternoon, ladies." He politely said but damn! His voice is just so charming and it sounded so... sensual. Even to my ears.

Hindi ko na nasisi ang dalawa kung halos mahimatay na sila sa naging sagot ni Alas. Ngumiti lamang siya nang magtagpo ang mata naming dalawa. I glared at him and stop typing.

"Hi." He greeted and sat in front of me. nakasunod na ngayon ang titig ng dalawang babae sa aming dalawa, nagtataka lalo na't nakita ang student's ID ko.

"What?" suplada kong sagot sa kaniya.

Alas chuckled and stared at me. Wala siyang ibang dala kundi cellphone at marker. Bigla tuloy akong na-curious kung paano siya magturo. I never even saw him prepare a single powerpoint for his class! Kapag nasa bahay ay trabaho naman sa site ang inaatupag niya. Does he even take his class seriously or he's just a pure genius?

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" inosente nitong tanong.

Pasimple pa ring sumusulyap-sulyap dito ang dalawang babae. Naiirita na talaga ako at gusto kong makatikim ang dalawang ito pero pinipigilan ko lang ang sarili ko!

"Wala naman." I answered in a clipped tone and stared at him with a blank expression on my face. "Ano nga po palang kailangan niyo, Sir?" I said, with an emphasis to the last word that made him chuckle more.

The girls sighed at the sound of his throaty laugh. Hindi ko ulit napigilan ang sarili kong umirap sa ere at pilit na ibinalik ang atensiyon sa ginagawa sa laptop dahil inaagaw iyon ni Alas nang walang kahirap-hirap.

"Let's eat?" anyaya niya sa akin.

"Alas—"

"I know. I promise I won't touch you. We will eat as professor and student, not husband and wife."

Nag-aalangan ko siyang tiningnan. When I couldn't stand the intensity of his stare, I sighed and then nodded my head. A lazy crooked smile appeared on his lips, announcing his triumph. I closed the lid of my laptop and then pulled myself up. Sumunod ako sa kaniya.

"Sino yung babae?"

"Hindi yun professor, ah?"

Nilingon ko ang dalawang babae at inirapan. Mukhang nagulat sila sa naging reaction ko pero hindi ko na pinansin. Kanina pa ako naiinis sa kanila!

I followed Alas to the cafeteria. He languidly shoved his hands to the pockets of his black trousers as we walked. May iilang professors siyang nakasalubong namin na binati niya at ilan naman sa naging estyudante niya na puros lalaki.

"Good afternoon, Sir!" bati nila pero ang mga mata nama'y nasa likod niya. Nasa akin na tahimik lang na nakasunod sa kaniya.

"Yeah. Afternoon..." he lazily drawled.

Nagsitinginan ang tatlong lalaki at nang makalampas kami ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang tanong ng isa.

"Sino yun? Student assistant ni Sir?"

I smirked and continued following him. Nang makarating na kami sa cafeteria ay si Alas na mismo ang nag-order para sa aming dalawa. Most of the professors prefer to eat in this enclosed canteen compared to the bigger cafeteria next to it. Iilan lang sa mga estyudante ang nakita ko dito.

"Professor Ferrer!" tawag ng isang babae sa kaniya habang nagbabayad si Alas. Ako ang lumingon sa babaeng hindi pa ako napapansin. Malaking ngiti ang iginawad niya sa asawa nang sa wakas ay ambunan na niya ng tingin ang tumawag.

"Hello, Ma'am..." magalang na bati ni Alas, dala-dala ang tray naming dalawa.

I stared at her. Ka-edad ko lang ata ito. And she's a professor too in this university. Siguro ay magka-department sila ni Alas kaya kilala niya ito?

"Dito ka na sa table ko, o!" pahayag ng babae.

Sumimangot kaagad ako. Alas glanced at me and licked his lower lips. Nag-iwas ako ng tingin.

"Ah, sorry. I'm with her." Itinuro ako ni Alas. Ngayon pa ako tiningnan ng babaeng propesor at bahagya siyang nag-angat ng kilay nang makita ako.

"Estyudante mo?" tanong niya.

"Yes. I have matters to discuss with her. Next time nalang, Prof."

"Sige..." matamlay na sagot ng babaeng propesor, hindi pa rin inaalis ang tingin sa aming dalawa.

We sat at the booth in the corner of the café. The woman resumed eating, pero maya't-maya pay napapadpad ang kaniyang tingin dito.

"Sana sumabay ka nalang sa kaniya. Magdududa yun sa iyo." wika ko habang inilalapag ang laptop sa aking tabi.

"Let her." Inangatan ako ng kilay ni Alas habang inililipat niya sa table ang pinamil. I eyed at the food he brought.

"Walang kaldereta?" tanong ko sa kaniya.

"Naubusan sila. Ibibili nalang kita sa katabing canteen."

"Huwag na—"

I groaned out loud. Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita but he's already out of the door! Ngumuso ako at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawang paglipat ng mga pagkain sa lamesa.

I glanced at him. Nakapila na siya ngayon kasama ang ibang estyudante. Lunch time na din kasi at dagsa ang mga namimili. Kung hindi sila sa karenderyang nakahilera sa labas kakain ay dito naman sila lahat.

Natagalan si Alas. Kanina pa nago-offer ang babae sa tapat niya na siya na ang mauna, but he patiently waited. Hindi ko naririnig ang usapan nila pero naiinis na talaga ako. Nang makabalik naman siya dala ang kaldereta na gusto ko, bumalik ulit ang tinginan ng mga estyudante sa gawi namin. Naiilang na ako.

"Alam mo, minsan, gusto ko nalang takpan ang mukha mo at isilid ka sa sako..." I said to him, not hiding my irritation.

Nagulat siya sa sinabi ko. "Ano na naman ang nagawa ko?"

Inirapan ko siya. "Wala!"

Alas has audience wherever and whatever he does. Iyon ang napansin ko sa tuwing nagpupunta kami sa unibersidad at sa tuwing binibisita ko siya sa site kapag wala akong trabaho.

"Gwapo kasi si Sir, Ma'am. Masanay ka na," natatawang wika ni Krista nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyayari sa unibersidad.

Ngumuso ako. "Nakakainis lang talaga ang ibang babae! Gusto ata siyang hubaran sa harap ko eh!"

Mas lalong lumakas ang tawa ni Krista. She set the steaming cup of tea in front of me and then proceeded to preparing Zeus' milk.

"Nasanay na din po ako na maraming babaeng umaaligid kay Sir. Tanong nga ng tanong ang mga classmates ko kung ano daw pangalan ng sponsor ko, eh. Nakikita kasi nila si Engineer minsan."

Pinaningkitan ko ng mata si Krista dahil sa sinabi niya. "Don't you dare tell them his name."

"Oo naman po!" tawa ulit ang iginanti niya sa akin.

Architect Julius' cheerful voice boomed inside the house. The puppy barked excitedly upon their arrival. Seryoso si Alas na nakikipag-usap kay Julius habang naglalakad silang dalawa ngunit hindi naman matanggal ang ngiti ng isa.

"Good afternoon, Belle! Krista!" maligaya niyang bati sa amin.

Nag-angat ng kilay si Alas sa sinabi ni Julius. "Belle?"

Tumikhim siya. "Mrs. Ferrer..." he corrected himself.

Nailing ako at natawa. Pinauna na ni Alas si Julius sa loob ng kaniyang study at nilapitan akong nakaupo sa high stool chair.

Not caring if Krista is in front of us, watching, Alas claimed my mouth for a full kiss. Nanlaki ang mga mata ni Krista at kaagad na tumalikod, habang ako naman ay pulang-pula ang pisngi!

"Alas!" saway ko sa kaniya nang bahagya siyang kumalas. He grinned at me and squeezed my waist.

"Krista, pakihanda kami ng meryenda ni Julius." Anito sa baritonong boses.

"O-Opo, Engineer!" natatarantang sagot ni Krista.

Alas glanced at me. Namumungay ang kaniyang mga mata.

"We will be staying at the mansion at least three times a week. Is that okay with you?"

I took a sip from my tea and stared at him, questioning. "Bakit daw?"

"Well, my brother went abroad for private concerns. Ayaw niyang sabihin sa akin. Mayroon namang dalawang private nurse si Mama, pero gusto ko pa ring siguruhin na maayos ang kalagayan niya ngayong wala si Kuya."

"I see."

"And..." his eyes turned serious as he rested his elbows on the kitchen countertop. "He just sold his inherited land to me. May sagingan kami sa Tagum City. The banana plantation is divided into two but now it's all under my name."

"Ibinenta niya?" nagtataka kong tanong.

"It seems like... he's in dire need of money. I don't know why. He's the legatee of the family. For sure, sa kaniya mapupunta ang mansiyon. Not that it matters to me. I am contented in this house at hindi naman niya iyon ipinagdadamot sa atin."

My last conversation with Tita August flooded my mind once again. Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Alas. Namalayan ko nalang na hinahalikan niya ang noo ko at nagpapaalam na sa study muna siya kasama si Julius.

I busied myself by taking care of Zeus. Pinaliguan ko siya at pagkatapos ay pumasok na din ako sa kwarto. I opened my laptop and tried to resumed working on my thesis proposal.

Tinawag lang ako na lumabas para mag-hapunan kami. Dito na naghapunan si Julius. And the oblivious Alas can't feel the tension between him and his working student.

"May patis ba kayo?" tanong niya.

"Meron."

"Ako na." mabilis na tumayo si Krista at kinuha iyon. Halos pabagsak pa niya itong inilagay sa tabi ni Julius.

Nag-angat ako ng kilay. Magkatabi si Krista at Julius. Then Ella. Sa tapat naman nila ay ako, si Zeus at Alas.

"Julius has hypogeusia." Alas supplied, bagay na ikinagulat ko.

Krista didn't seemed surprise, though. Siguro ay alam na niya noon pa.

Julius smiled apologetically at me. "I hope you're not disheartened when I told you that the breakfast you prepare tastes good even though I can't taste anything."

"Except patis." Pambabara sa kaniya ni Alas.

Tumawa si Julius. "Yeah. Except that..."

Nagpatuloy ang usapan nilang dalawa habang kumakain kami. They both retreated inside the study after dinner but not an hour later, nagpaalam na din si Julius na uuwi na.

I am in front of my laptop, squeezing my brains out for any possible thesis dissertations. I am considering its pros and cons, sakaling iharap nila ako sa thesis committee. Pinipilit kong alalahanin ang pinag-aralan namin sa research class ko pero ang tanging pumapasok lang sa isipan ko ay kung paano landiin si Alas nang harap-harapan ng iilan sa kaniyang mga estyudante.

I sighed. The door opened, revealing Alas. He has a white paperbag in his hand. I eyed him as he approached the bed. Inilapag niya ang paper bag sa tabi ko. I eyed it. The logo is bitten apple is unmistakable. Kumunot ang noo ko.

"You've been using that keypad phone for a while, now." aniya. "You lost your phone, right?"

Sinilip ko ang laman ng paper bag at nakita ang puting box sa loob. I pulled it out and stared at it.

"Alas..."

"Now, do not lecture me again for giving you this. Hinayaan na kitang bayaran ang sarili mong tuition fee sa undergraduate program mo. Let me do this for you." he said softly.

I swallowed. "Well..." itinaas ko nang bahagya ang box. "This iPhone costs just as expensive as my tuition fee so..."

He chuckled and pulled me into a hug. Hinalikan niya ang buhok ko. "Can't you just say thank you, Belle? You've done a good job of bruising my ego every time you refuse to accept my offer. You're my wife. Let me help you."

Lumambot ang puso ko sa kaniyang sinabi. Isiniksik ko ang sarili sa kaniya at niyakap siya pabalik. He smelled of alcohol and his usual expensive perfume.

"Thanks..." I murmured.

Later on that night, we cuddled in the bed, too tired from both our works. Nakayakap si Alas sa akin at nakapikit na ang mga mata. He's still not sleeping because he hums to the lyrics of the song I played on the new phone every now and then.

"Alas..."

"Hmm..." he murmured. He fluttered his eyes open and then kissed my lips. I smiled against his lips.

"I have something to ask." I mumbled against his face.

"Yeah?"

"I can't ask you if you don't stop kissing me." natatawa kong wika sa kaniya.

"Well, I'm busy so be quick..." he finally pulled apart. Pero ang kaniyang mga kamay ay nanatili sa hita ko. "What is it?" he asked huskily.

"Do you remember that you used to sing to me in your mansion's backyard back then?"

"Of course." Mabilis niyang sagot. "And the shore." He even corrected me.

I chuckled. "Yeah. How deep is your love, Malibu Nights... Leaves..." I trailed off. Biglang kumirot ang puso ko nang may maalala ako.

"I want to ask you something." Seryoso ko ulit na wika.

"What is it?" he answered lazily.

"You remember Isla, right?"

His eyes jolted open, staring up at me in confusion.

"Of course, baby. Why?"

"Well..." my throat thickened. Just saying her name makes me so damn emotional. I swallowed hard and tried to smile at him to assure that I'm okay but failed miserably. "What... What happened to her?"

His lips went into a thin line. Nawala na ang pilyong ngiti sa kaniyang labi at ang mapaglaro nitong mga mata. Nagseryoso din siya.

"She did not survive the transplant, Belle."

Tears pooled at my eyes. I know it happened, pero iba pa rin talaga ang epekto nito sa akin ngayong nakumpirma na ito ni Alas.

"She promised to come back..." I said, my voice breaking.

"I know, baby." Hinalikan niya ulit ang aking noo.

"Alas..." I stared at his eyes. It's dark and haunting, but I could see traces of green orbs if I stare at him long enough. "Who's your eye donor?"

Nagulat siya sa naging tanong ko.

"Is Isla... is she your eye donor?"

Alas stared at me with a painful expression on his face. When he didn't answered right away, I started sobbing. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top