Chapter 2
Chapter 2
My heart kicked again, making my chest literally hurt. Tinitigan ko siya at sinuri. I'm trying to find any hint of amusement or anything that would give way to the front act he's putting on.
But I found nothing.
"Huh?"
Pinasadahan ng kaniyang dila ang ibaba nitong labi at saglit siyang nagbaba ng tingin bago muling umangat at tumitig sa akin. Nininerbyos na ako sa mga titig niya kaya napaatras muli ako.
"You look... really familiar." Anito sa napapaos na tinig.
Marahan kong iniling ang ulo ko, unsure of what to say next.
Alas, is this an act? Have you read my letter and completely obliged to forget that I've existed in the first place? Or... something happened in those years that you've started to fade into distant memories at the back of my head?
"H-Hindi kita kilala." Natunugan ko nalang ang sarili kong nagsasalita nito.
He frowned. Para siyang galit na hindi ko maintindihan. And his intimidating height isn't helping either. Kung titingnan kaming dalawa ay para lang akong tuta na puwede niyang tadyakan anumang minuto.
"Are you sure?"
Iling muli ang iginanti ko sa kaniya. Nagbukas-sara ang mga kamao ko, hindi alam kung anong gagawin.
Umawang muli ang kaniyang bibig ngunit bago pa man siya makapagsalita ay isang tinig mula sa di kalayuan ang gumimbal sa amin.
"Engineer!"
Pareho kaming napalingon sa pinanggalinan ng tinig. A young and beautiful woman in gray hard hat waved her hands in the air frantically.
"May problema po dito!" sigaw niya at itinuro ang kumpol ng mga laborers na mukhang may pinagkakaguluhan. "Nahulog si Emilio mula sa third floor!"
Napamura si Alas. Tapos ay binalingan niya ako. His face is a battle between staying here or checking out what happened. Tumitig ulit siya sa mukha ko.
With a heavy sigh, he shook his head, and left.
Pinagmasdan ko ang kaniyang malapad na likod. He jogged the sand and quickly approached the young woman. May takot sa mukha ng babae na ipinapaliwanag kung anong nangyari. Alas nodded his head and approached the group of construction workers who immediately parted when his presence neared them.
Kusang dumako ang mga kamay ko sa aking dibdib. Halos hindi na ako makahinga. I nearly collapsed in the sand as I tried to collect myself.
"Belle?"
Nagtataka nang nakatingin sa akin ngayon si Stella na karga-karga ang kaniyang pinsan. She rose an eyebrow when she saw the horrified expression in my face.
"Ayos ka lang?"
"P-Pasensiya na, Stella. Kailangan ko nang umuwi." I said silently.
She stared at me and studied me for a while before she nodded her head. "Tara... pasasakayin na kita."
Karga pa rin ang pinsan ay bumalik kami sa kanilang bahay. My hands didn't stop trembling. Hundreds of questions attacked my mind. Hindi ako natahimik habang naghihintay kami ng bus hanggang sa makarating ako sa Governor Generoso.
I didn't even know if I bid goodbye to Stella properly. Masyado akong nagulat sa nangyari para makapag-function nang maayos.
"Belle?"
Nang maulinigan ni mommy ang mga yapak ko ay sumilip siya mula sa kusina. I opened the door and dropped my bag to the floor. Weary from what happened, I collapsed on the sofa and started massaging my temples.
"Are you okay, dear?" nag-aalalang tanong ni mommy.
"I'm fine." I croaked. "Si Zeus?"
Iminuwestra niya ang kwarto at tumango. "Tulog na."
I nodded my head and removed my two-inch black heeled shoes. Minasahe ko muna ang aking mga paa bago ko itinabi ang mga sapatos at nagtungo sa kwarto upang siguruhin kung tulog na nga ba talaga si Zeus.
Nang makita kong tulog na siya ay napangiti ako. He can easily remove the stress and weariness from me just by existing. Pumasok ako at inayos ang kumot sa kaniya saka ko siya hinalikan sa noo bago ako dahan-dahang lumabas ng kwarto, afraid that I might wake him up.
"So... how's school?" tanong ni mommy.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga papeles na nagkalat sa kitchen table. The apartment has only two bedrooms. Magkasama kaming natutulog ni Zeus sa iisang kwarto samantalang si mommy naman sa kabila.
There's a small kitchen, a small dining room, and one bathroom for the three of us. Maliit lang ang apartment na iyon at ito din ang pinakamurang nakita namin. Not that I could afford a bigger one. I could barely supply our necessities.
"I'm worn out, as always..." naupo ako at itinabi ang mga papel na nagkalat. I know my mother wants to start a small business again. It's her passion. Ngayon nga lang ay nangangapa pa rin siya dahil sa eskandalo ng governor kung saan siya nadawit.
"Still gonna work tonight?" nagtaas siya ng dalawang kilay habang isinasalin ang nilutong pansit sa ceramic bowl.
"Yeah..."
Loneliness flashed in my mother's eyes. Nang matapos isalin ay tinanggal niya ang suot na pot holder at itinabi ito. Tapos ay sumandal siya sa may sink at hinarap ako.
"I'm really sorry you still have to work after school, darling." Aniya. "If only I could finance your tuition..."
"It's okay, mommy..." mahina kong wika. Nakasabit at plantsado na ang aking uniporme sa convenience store na pinagtatrabahuan.
"Don't worry, dear. As soon as I get this business going, you won't have to work so hard. Gusto ko ding magkaroon kayo ng oras dalawa ni Zeus. I don't want the two of you drifting apart..."
Isang matamlay na ngisi ang inialay ko sa kaniya. "That'll never happen, mom."
Isang alanganing tingin ang kaniyang ibinigay sa akin. Then she sighed. "Gusto kang kausapin ni Mallory."
Tumigas ang tingin ko pagkabanggit pa lang sa pangalan niya. "Mommy, you know how it is—"
"Napatawad ko na siya, Belle." May halong pagod ang kaniyang tinig. "In fact, wala siyang kasalanan. It was Leon's love that delivered him to death with open arms. Anak... mag-iisang taon na simula nang mawala si Leon. Hanggang ngayon ba ay mananatili ka pa ring tahimik?"
My heart clenched. I know it's stupid and immature of me to refuse talking to her but I am deeply hurt. I didn't say to her face that I hate her but my silence is powerful enough for her to make out how I feel about what happened. My silence, vis-à-vis my loneliness resulted into almost a year of not talking to her and refusing to talk to her in the first place. Wala siyang kasalanan, all right. I know I shouldn't loathe her this much. Minahal lang siya ni Leon.
Pero hindi niya nagawang mahalin pabalik ang kapatid ko na ibinigay ang lahat sa kaniya, I thought bitterly inside of my head.
"You were silent all throughout Leon's wake and funeral." My mom continued. "Ayaw mong kausapin ang kahit na sino. Nag-aalala na ako para sa iyo, Belle. I know how much you love your brother. Mabait na tao si Leon. Mahirap ang hindi siya mahalin."
Tears threatened to burn at the back of my eyes again. "Then... why can't Mallory love her back?" halos pabulong kong tanong. "He would've been alive by now."
Nilapitan ako ni mommy at kinuha ang aking kamay. She gently squeezed it. "Honey, you can't force yourself to love someone you don't. It may be the hardest pill that you have to swallow but Belle, you need to understand. You just can't teach your heart for who it beats for..."
Pumatak na ang unang luha mula sa aking mga mata. Mahina akong humikbi pero kaagad na pinakalma ang sarili. Leon took his own life because Mallory couldn't love him back. And it happened while I'm on the other side of the country, studying! Napauwi lang ako sa Pilipinas nang malaman ko ang nangyari sa kaniya.
And the second time I went home, I never saw the university again. Doon na nagsimulang magkandaletse-letse ang buhay namin. The Monterio's are now the governor's greatest enemy. Si Mallory... even the heir of the family, Sage must've loathed us.
"Learn to forgive, Belle..." satinig ni mommy. Pinalis niya ang mga luha ko. "Mallory is dying to talk to you. If you'll only give her a chance..."
"I-I'll see what I can do... but not now, mom."
Tumango siya at nagsimula nang ayusin ang lamesa. Gusto ko mang tumulong ay pinaupo nalang niya ako. My shift starts 30 minutes from now. Binilisan ko ang pag-kain at nilinis ang katawan bago ako nagsuot ng uniporme.
As I buttoned my yellow collared shirt, bumalik muli sa isipan ko ang hindi inaasahang pagtatagpo namin ni Alas.
What is he doing here in Governor Generoso again? I admit that will all those years, I've never tried to contact him but I know his whereabouts. Nanatili ang kaniyang pamilya sa Makati matapos niyang ma-operahan.
Ipinikit ko ang mga mata ko. A sad memory suddenly entered my mind.
Isla and Leon... until now I still can't believe that they're both gone.
Itinukod ko ang mga kamay sa tukador sa aking harapan at hindi napigilan ang paglandas ng mga luha sa mata. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin kaya isinubsob ko nalang ang mukha ko sa mga palad.
I have learned how I get to live my life sans their presence. They both are good people. Hanggang ngayon ay sising-sisi ako na wala ako sa mga tabi nila nang mawalan sila ng buhay. Sa mga huling sandali nila... I could've been there! But I choose to stay and be a coward. Pakiramdam ko ay napakawalang kuwenta kong kaibigan at kapatid sa nangyari.
"Mommy... are you crying?"
My shoulder tensed when I heard Zeus talked. I cleared my throat and swiped my tears away. Sinulyapan ko ang sarili at nakitang namumula ang mga mata at ilong sa aking pag-iyak.
"I-I'm okay, baby..." pinunasan ko ulit ang mga luha. I cleared my throat and pulled myself up. "Bakit gising ka pa? Go to sleep, Zeus."
His big doe eyes stared at me. Nilapitan ko ang anak at hinawi ang bangs nitong tumatakip sa kaniyang nangungusap na mga mata. Then I smiled and kissed him on the cheeks.
"Your eyes are red... and puffy..." aniya. His chubby arms reached out to touch my cheeks. My heart melted at his little gesture. "Are you ok, mommy?"
"I'm fine, sweetheart." Nahiga ako sa kama at niyakap siya. Isiniksik ni Zeus ang kaniyang sarili sa akin at niyakap din ako pabalik. "Mommy's just a little tired."
"Do you want a massage, mommy?"
Tumawa ako sa kaniyang sinabi. "Zeus, four-year old kids don't do things like massaging someone..."
"I know how to massage!" bigla nalang siyang bumangon kaya nagulat ako. "Lola showed me..."
Napailing ako at dumapa. Then I glanced at my little boy. "Okay, you show me..."
He grinned, revealing his pearly white teeth. Sinakyan niya ang likod ko. Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang maliiit niyang kamay sa aking balikat. He pressed some parts of my shoulder with all his strength and then he started pounding it gently.
Napangiti ako sa kaniyang ginagawa. Zeus had always been sweet, this boy. I couldn't imagine life without him. Siya nalang ang natitirang pag-asa sa puso ko sa tuwing binabalot ako ng matinding kalungkutan.
My heart ached some more. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag sa kaniya kung bakit hindi na niya nakikita si Leon. Until now, he thinks Leon is on a vacation and will go home anytime soon.
I don't want to break a tiny and pure heart like him. I want to preserve his innocence and purity as long as I can. The world is cruel and the life per se. All I ever want for my son is a fun childhood that he could look back when he grows up.
"Isabelle!" napapitlag kaming dalawa nang bumukas ang pintuan. My mother's voice boomed in our little room. "Mali-late ka na, anak..." lumapit siya at binuhat si Zeus palayo sa akin.
The boy whimpered. He gave me his puppy-eye look again that almost made me want to miss the attendance in my work tonight.
"It's okay, sweetie. Magkikita pa naman tayo mamaya." Bumaba ako mula sa kama bago pa ako hilahin muling nito at hindi na bumangon sa sobrang pagod. Itinukod ko ang isang tuhod at hinalikan ang anak bago ako tumayo.
I smoothened out the crinkles in my uniform and smiled at him.
"I'll bring you some ice cream later, okay?" I winked.
My son's face lit up like a Christmas tree. "Really, mummy?"
"Of course!"
"Only on Friday nights." Nakabusangot na ang mukha ni mommy na sobrang protective sa apo. Tumawa ako at tumango.
"Yes, mom. Only on Friday nights."
Lumabas ako ng kwarto at kinuha ang bag ko. Kinarga ni mommy si Zeus palabas at hinatid ako. Habang nagsusuot ako ng sapatos ay nakatingin lang si Zeus sa akin. I know he doesn't want me to leave. My mother did a good job in making him understand that I am the de facto head of the family right now and I need to work my ass off for us to survive.
"Don't wait for me, Zeus, okay?" wika ko pagkatapos maisuot ang itim na sapatos. I suppressed a wince when I realized that it's a size smaller than my actual foot size. Hindi ko pa lang mapalitan dahil wala pa akong budget. "Go to sleep already. We'll have your ice cream tomorrow..."
Tumango si Zeus. Nilapitan ko siya at hinalikan ang pisngi. "Bye, sweetie."
"Bye, mummy..." marahan niyang wika.
I bid goodbye to my mom as well when I headed out of the door. The convenience store is not that far from our apartment, which is good because I can save money from riding the tricycle every day when I go to work.
The campestral beauty of Governor Generoso blessed my eyes as I walked. Sunsets in the country is never the same with sunsets in the city, albeit it is the same sun that we are talking about. Mas malamig ang simoy ng hangin, mas payapa ang pakiramdam, at higit sa lahat, walang nakakasulasok na usok ang malalanghap mo kapag tinititigan mo ang paglubog ng araw.
I relived the days when I was still in the university. My first year was the hardest part of my life. They allowed me to continue my studies even though I was pregnant but it didn't make it any easier. College students are mature, yes, pero kahit sa Toronto ay hindi pa rin ako nakaligtas sa tsismis at panghuhusga ng ibang tao.
My mother accompanied me when I gave birth to Zeus. Pinauwi nila ako ng Pilipinas. It was so hard for me, leaving my newborn son just to finish my second term in the university.
And now, I'm on my last semester. Maipasa ko lang ang internship ay makakapagtrabaho na din ako nang maayos. We could never buy our old house again, but I am still planning to reside here in Governor Generoso.
Ang ino-offer sa aking trabaho ni Kristoff ay sa Davao. So I guess I have to take the three-hour trip every day for a while because I wouldn't miss a day spending with my son, even if I'm dead tired.
"Hi Belle!" bati sa akin ni Mika nang makapasok ako mula sa employee's entrance. Ibinaba ko ang bag ko at nakitang nagsusuot pa siya ng uniporme.
"Hi." Tipid kong sagot sa kaniya.
Nginisihan niya ako. "Tired?"
I nodded my head. "A little..."
"Tatlong buwan na lang din naman ang titiisin mo." Aniya at tinapos na ang pagsuot sa kaniyang sapatos. Sabay kaming lumabas dalawa. Kaagad akong nagtungo sa counter kung saan ako naka-assign habang si Mika naman ay hinanap ang box ng mga sigarilyo na kaniya pang idi-display. "You're almost there."
"I wish." I muttered and took a seat. Malapit nang dumilim sa labas. Dagsa na din ang mga customers na namimili ng mga inumin at sigarilyo habang hindi pa sila naabutan ng curfew hours.
By 7:30 pm, a black Ford pulled up in front of the store. Ngunit hindi bumaba ang driver. A young woman, the same woman I've seen earlier, climbed out of the car. Mukha itong mabait at binati pa ang security guard namin sa kaniyang pagpasok.
"Mika!" she beamed when she saw my friend.
Malaking ngisi ang iginanti ni Mika sa kaniya pagkakita. "Krista, ikaw pala!"
Akmang bubunot na ng sigarilyo si Mika nang itaas ng babae ang kaniyang kamay.
"I'm not here to buy cigarettes. May curry powder ba kayo?"
Nagtaas ng kilay ang kaibigan ko at inginuso ang shelf #10. "Nandoon, bakit?"
"Ipagluluto ko kasi ng hapunan si Engineer." Sagot niya.
Upon the mention of the word Engineer, my heart started racing again. Right. I remember she called Alas an Engineer earlier. Siya rin baa ng Engineer na kaniyang tinutukoy ngayon?
"That's weird." Bubulog-bulong si Mika kaya napalingon ako sa kaniya.
"What's weird?"
She shrugged. "Palaging instant ramen noodles, alak, at sigarilyo ang kaniyang binibili dito. O di kaya'y yung pizza..." turo niya sa maliit na stand ng Alberto's sa loob ng store. "Ngayon lang siya nagluto ng hapunan para sa Engineer na yun."
Naglakbay ang tingin ko sa nakaparadang Ford sa labas. Kahit tinted ang salamin ay kinakabahan pa rin ako. Could it be him inside the car?
Nang bumalik si Krista dala-dala ang curry powder at ilang sangkap na kaniyang nakita ay nahagip ko ang biglang pagbukas ng pintuan mula sa driver's seat.
Muntik na akong atakihin sa puso nang lumabas ang kaniyang matangkad na bulto mula sa sasakyan. He had changed into a simple black v-neck shirt but it didn't make him look less intimidating.
Alas sauntered towards the store. Pati ang security guard ay biglang napatuwid ng tayo at natarantang pinagbuksan siya ng pinto nang makalapit na siya.
Krista blinked and turned to see him. Nanlaki ang kaniyang mga mata at nawala ang ngiti sa labi. Alas' thin lips are set into a thin line and his eyes are as stoic as ever.
"Pasensiya na po kung natagalan—" hinging paumanhin ni Krista ngunit naputol ito nang bigla siyang magsalita.
He rested his elbows on the counter and stared at me. Ngayon ay kitang-kita ko na ang pagsakop ng tattoo sa kaniyang kaliwang braso. The muscle indentions in his arms are begging to be noticed.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Mahigpit ang hawak ko sa puncher.
"You work here?"
Sinipat ako ng tingin ni Mika na tumigil sa pag-aayos ng mga sigarilyo sa natunghayan. Hindi ako sigurado kung ako ba ang kinakausap niya kaya nilingon ko pa ang likod ko kahit alam ko namang walang tao.
Now, I feel so stupid.
"Ah... y-yes..." mautal-utal pa ako.
"What's your name?"
I stared at him, not believing my ears. I don't understand the game he's playing, or if he wants me to be part of the game in the first place. Naghahanap ako ng sagot sa nangungusap niyang mga mata pero wala akong makita.
"Belle." Tipid kong sagot.
Tinitigan niya ulit ako at sinuri. Hindi na ako naging komportable sa mga titig niya so I cleared my throat to shoo the awkwardness away.
"A-Akin na, miss..." baling ko sa babaeng kaniyang kasama na hanggang ngayon ay nagtataka sa ikinikilos ni Alas.
Ipinagkrus ni Alas ang kaniyang mga braso sa likod habang pinagmamasdan akong i-punch ang mga items. Nanginig ang mga braso ko. It feels like the manager himself is watching me and waiting for me to make mistakes. Halos hindi ako makapag-concentrate!
"Krista."
"P-Po?"
"Throw in some Red Dunhill king size cigarettes..." utos niya sa baritonong boses bago tumalikod at lumabas ng store. His voice is mighty enough that will dare you to disobey or all hell breaks loose.
"Dunhill cigarettes na din..." nanghihinang wika ni Krista saka inabutan ako ng isang-libong piso.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Mika nang makasakay na si Alas sa naghihintay na sakyanan. Tumayo kaagad ang kaibigan ko at inusisa ang babae.
"Ano yun?"
Umiling-iling siya. "Hindi ko alam."
Pinangsingkitan ako ng mga mata ni Mika at bumaling sa akin. "Kilala mo si Engineer, Belle?"
Marahas na iling ang sagot ko. "No. I've only seen him today." I lied.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maproseso ang mga nangyayari. It makes sense, in some ways, because Alas have never seen me before. Hindi niya alam ang mukha ko.
But when he asked for my name... I couldn't see the recognition in his face either. Walang bakas ng kung anumang pangungulila o pagkakilala nang sabihin ko sa kaniya ang pangalan ko.
Tahimik na binayaran ng babae ang kaniyang pinamili. Nagtatanong ang kaniyang mga mata but her lips remained sealed until she headed out of the store.
Binalingan ko si Mika na ngayo'y patingin-tingin sa akin habang nag-aayos pa rin ng sigarilyo.
"Kilala mo yung Alas?" mahina kong tanong sa kaniya.
Nagulat pa siya sa tinanong ko. "Gaga, sino ba namang hindi makakakilala doon? He's a handsome bachelor! Professional and stable. As if that isn't enough, he's young and fit, too. A man like him couldn't live in this small town of Governor Generoso and not be known."
Tumitig ako kay Mika at pinroseso ang kaniyang mga sinabi. Then I sighed.
"
Engineer, huh?"
"Every girl's man of dreams..." Mika sighed. Then her face turned into a scowl. "But we've got to snap it out. May girlfriend na yang si Engineer."
Biglang sumikip ang lalamunan ko sa sinabi ni Mika. "G-Girlfriend?"
"Rumored girlfriend." She corrected. "But it isn't hard to believe. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kaniya?"
Tumahimik ako at itinuon ang atensiyon sa cash register sa aking harapan.
Of course, I don't blame him. Five years apart, I'm sure he'll find a woman in his life. Sino ba namang hindi? I can't expect him to get stuck dwelling in the past like I did. Some people wear their painful past like my favorite shirt on a lazy Saturday morning. The only difference is that I wore it every day, wherever I go, whoever I talk to, and whatever I do.
Pinasadahan ko ng dila ang pang-ibabang labi at pinilit na ngitian ang customer na lumapit sa counter upang bayaran ang pinamili.
Because of the loneliness, time dragged on by. Nahuli ko nalang ang sariling maya't-mayang sinusulyapan ang relo.
Nang sumapit ang ala-una ng madaling araw ay dumating na ang kapalit ko sa duty.
"Ako na dito, Belle..." ani Marie habang inaayos ang butones ng kaniyang uniporme. "Pwede ka nang umuwi."
"Salamat, ah?" I told her. Before leaving, I picked up a small tab of ice cream for my son. Isinilid ko iyon sa plastic kasama ang iba pang pagkain para agahan at tanghalian namin bukas.
The streets are deserted when I headed out of the door. May nakasalubong pa akong customer na mukhang bibili din naman ng alak. The security guard nodded kindly at me when I walked passed him.
"Ingat ka, Belle..." anito na may sinserong ngiti sa mukha.
"Sige, kuya. Salamat." Wika ko at in-adjust ang strap ng suot na bag sa aking kaliwang balikat.
The cold breeze blew. Huminto muna ako at pinakiramdaman ang malamig na hangin sa aking pisngi saka ako nagpatuloy sa paglalakad. The surf shops, coffee shops, and the small merchandising store are all closed by now.
Tanging ang dilaw na liwanag mula sa convenience store ang nangingibabaw sa lugar na iyon. Tinanaw ko itong muli habang naglalakad ako.
My toes ached with every step I take. Masikip na talaga ang sapatos na ito. Nakababa ang tingin ko sa sapatos na suot habang naglalakad ako nang makarinig ako ng tunog ng makina.
I quickly turned around only to greet the glaring lights of a vehicle. Huminto muna ako upang hayaan itong makalampas sa akin pero hindi iyon nangyari.
My heart raced when the vehicle slowed down in front of me. Tiningnan kong muli ang aking sapatos. If I run now, I wouldn't make it. Masyadong masakit sa paa ang mga sapatos ko. But if I don't, I'll land with tomorrow's headline as the girl who had been brutally murdered by the rice fields at one in the morning.
Muntik na akong atakihin sa puso nang bumaba ang bintana mula sa passenger seat. From the dark, I could barely make out the features of the driver but his strong and familiar scent tingled my nose. Alam ko na kaagad kung sino iyon.
"Get in the car, Belle." Mahina ngunit puno ng otoridad ang boses nito. He clicked something and the weak yellow light flooded inside the car, making me see his face.
Tumitig lamang ako. He tapped the steering wheel impatiently before he turned to me again. Nag-angat siya ng kilay.
"Are you going to get in, or not?"
Ngayon ay sobrang naguguluhan na ako. Why is he acting like this? Asking me to climb inside his car all of a sudden?
"H-Hindi kita kilala..." mautal-utal kong sagot sa kaniya. "Why would I get in a stranger's car?" I lifted my chin arrogantly just to show him my bravery.
"Flavian Alas Ferrer." Anito at nilahad pa ang kaniyang kamay. Tinitigan ko lang ang malaki at magaspang nitong mga kamay na nakalahad sa akin. Nang hindi ko ito tinanggap ay umigting ang kaniyang panga at panandaliang dumaan ang iritasyon sa kaniyang mukha.
"You don't trust me, do you?"
Marahang iling ang isinagot ko sa kaniya, still confused as to where this is leading.
"Well, I can't let you walk alone in the dark in an ungodly hour kaya kita pinapasakay sa kotse ko."
"How do I know you're not a serial killer?" I stupidly ask. Gusto kong malaman kung ano ang isasagot niya at base sa magiging sagot niya, malalaman ko kung nagpapanggap pa rin ba siyang hindi niya ako kilala o hindi.
"I'm not a serial killer." Natunugan ko ang nauubos niyang pasensiya sa kaniyang boses. With a heavy sigh, he killed the roars of the engine and climbed out of his car. Muli na naman akong binalot ng kilabot sa tuwing nakikita ko kung gaano kalaki ang kaniyang katawan at ang kaniyang itinangkad sa nagdaang panahon.
He was a little bit scrawny back then, but his muscles are developing. I just never expected that he'd look like someone who'd been spending the entirety of his day in the gym.
"Fine." He huffed. "Kung ayaw mong sumakay, I'll just walk you to your house. Where do you live?"
Kusang itinuro ng kamay ko ang madilim na daanan patungo sa aming apartment na nirerentahan. He followed my finger. Sumeryoso ang kaniyang mukha at nabahiran ulit ng panandaliang galit.
"Why are you walking alone at this time of hour?" he asked through gritted teeth. Nagsimula na akong maglakad at inignora siya.
"I work at the convenience. My shift is until 1 am." Ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong magpaliwanag. Gulong-gulo ang isipan ko sa inaakto niya ngayon.
"And you walk here every goddamn day?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.
I shrugged.
Narinig ko pa siyang mahinang nagmura habang nakasunod sa akin. His footsteps are fast and heavy. Kahit hindi ko siya lingunin ay ramdam na ramdam ko ang presensiya niya sa likod.
Upang ibsan ang paghuhurementado ng puso ko ay binilisan ko nalang ang paglalakad hanggang sa makarating na kami sa compound. Patay na ang lahat ng ilaw maliban sa amin. My mother must still be waiting for me.
"So you live here?" tumitig siya sa maliliit na apartment na magkakatabi. Ibinulsa niya ang kaniyang kamay kung kaya't napansin ko ang nakaipit na sigarilyo doon na mukhang durog na.
"Yeah... S-Salamat."
Alas gazed down at me, blessing me with his dark orbs. For a moment, I thought it looked hazel green when the moonlight shone on it. I blinked and it was back to jet black again.
Isang tango ang kaniyang isinagot bago siya tumalikod. Kabado pa rin ako habang naglalakad papasok sa aming apartment. I instantly removed my shoes and locked the door behind me.
Ilang minuto ang ginugol ko upang pakalmahin ang sarili. Nang medyo humina na ang tibok ng puso ko ay sumilip ako sa bintana, only to find him still standing in front of our apartment, basking in the moonlight that made his features sharper when he tipped his head and closed his eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top