Chapter 13
Chapter 13
"I don't know, man. This is an indie film." Nagkakamot na ulo na wika ni Sir Patrick. "Having someone as famous as you..."
"Are you saying that we're overrated?" ipinag-krus ni Jayden ang kaniyang mga kamay. Tahimik lang kaming nakikinig sa likod. Jayden surprised us by visiting our shooting and even presented to be one of the characters since we're short on staff. Ang balak ni Sir Patrick ay mag-scout ng mga talent sa Davao pero ngayong dumating na si Jayden ay parang mas lalo pa siyang namroblema.
"No, no, no." ungot ng kaniyang pagtanggi. He glanced at me, clearly asking for help. Iniwas ko kaagad ang tingin ko at inabala ang sarili kay Zeus. Ayaw kong sumali sa pag-uusap nila pero kung tatanungin ako, mas makakabuti siguro kung huwag nang sumali si Jayden.
Now that it is clear to Alas that I am committed to him... I need to distance myself from men like him. Now that I have Alas' trust, the next thing that I should do is to tell him about our son.
Iniisip ko pa kung papaano ko ito sasabihin pero buo na ang desisyon ko na sa pag-uwi namin ay malalaman na niya ang tungkol sa aming dalawa ni Zeus. Damn Zero and his cemented principles. He may be the receiving end of this assholery I'm about to do but this is our life. I've got to be the captain of my own ship. And I've already made up my mind!
"Okay... para naman maiba. What if you take the role of one of the minor characters? I don't want to put you under spotlight, Jayden. Mawawala ang essence ng film kong ito."
"That's okay," he shrugged then grinned before he turned to me. "Does that mean that I got to work with you, Belle?"
Tumaas lang ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Wala akong sinagot sa kaniya. Binalingan niya din pabalik si Sir Patrick at nagpatuloy na sila sa pag-uusap tungkol sa magiging role niya.
"When are we going back to see Dada?" inosenteng tanong sa akin ni Zeus habang binibihisan ko siya. Pawisan na siya dahil sa mainit na sikat ng araw kahit na hindi naman siya umalis sa kinauupuan kanina. Tabi siya ni Sir Patrick na nakatutok ngayon sa computer at hindi siya pinapansin.
Alam kong nababagot na siya.
"Uh..." I trailed off. Wednesday pa naman ngayon. Alas isn't going to see us until the next two days as what he promised. "Sabado, anak. Baka bumalik at bumisita ulit ang Dada mo..."
He groaned and threw his head back. Tumaas ang kilay ko sa inakto at kinuha ang cellphone mula sa bulsa nang mag-vibrate iyon.
Alas:
Why are you still not texting me?
Kumunot ang noo ko sa nabasa. Nag-text na ako sa kaniya kanina! Magtitipa pa sana ako ng sagot nang mapansin ang exclamation mark sa sinend kong text kanina. I groaned. Wala na pala akong load.
Sinulyapan ko sina Jayden na ngayo'y umaarte na sa harap ng camera. Ang scene na ishino-shoot namin ngayon ay sa bahay ng bida na ginanap sa Roxas Boulevard. Sir Patrick have already asked permission from the owner of the house but that didn't stop them from staring curiously at us, especially the equipment we have with us.
"Ano bang ginagawa ni Jayden? He's wasting his time!" rinig ko ang mahina ngunit galit na paratang ng kanilang manager na hindi ata napansin na nasa likuran lang nila ako, nag-aayos ng mga wire.
"I don't know. He postponed the band show for this?" napailing ang drummer nilang si Ariel. "That's insane."
"Is he here because of..." he trailed off. "Because of that girl Belle?"
Hindi ako umimik at tahimik nang umalis. I didn't bother eavesdropping the continuation of their conversation.
Habang inaayos ko ang tripod at flash na nagkaputik na dahil sa tindi ng eksena ay bigla nalang lumapit si Jayden sa akin. Wala naman siyang masyadong ginagawa sa film. His role is the mute brother of the protagonist. Hindi siya nagsasalita at pasunod-sunod lang sa kaniyang kuya.
"Do you want some water?" alok niya sa akin.
I blinked at him and stared at the mineral water he's offering. Tapos ay marahan kong iniling ang ulo ko.
"Salamat, pero ayos lang ako..."
Sinulyapan ko si Zeus na nakatulog na sa kakahintay sa akin. Nasa tabi siya ng lights director naming napagpasyahang manuod sa shooting namin ngayong araw.
"Are you sure? Because you look really tired—"
Naputol ang kaniyang sasabihin nang bayolenteng mag-ring ang aking phone. Buti nalang at break namin ngayon kaya wala akong nadisturbo. Binitawan ko ang tripod na hawak at dali-daling kinuha ang cellphone mula sa bulsa.
Napailing ako nang makita ang tumatawag. It's Alas...
"Hello—"
"Why are you not replying to any of my text messages?" may bahid ng iritasyon ang kaniyang boses pagkasagot ko sa tawag.
I adjusted the phone on my ear as I sauntered towards my son, when I saw that he's waking up.
"Busy ako tsaka... wala din akong load,"
"What?" he asked, as if my excuses were made by an idiot 10-year old kid.
"Yeah. It's true. Busy nga kasi kami sa set," nang tuluyan nang malapitan si Zeus ay kinarga ko siya nang makitang hinahanap ako. He sleepily rested his head on the crook of my neck and grumbled something I didn't understand.
"Papaload-an kita," seryoso nitong wika.
Namilog ang mga mata ko sa narinig. "What?"
"So you have no excuse not to text me back," aniya.
Napailing ako. "Kaya ko namang magpaload para sa sarili ko, Alas." Mahina kong protesta. "Naging busy lang talaga kami. I sometimes man the camera in some scenes and Sir Patrick relies on me for the storyboard."
"Still. I'm going to give you some load. You can text me later on when you're free."
"Alas—"
"Just a second," he said and hang up. Nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi at pinagmasdan ang basag na screen ng aking phone. Wala pang limang minuto ay may pumasok na text.
AutoLoadMax:
P1000.00 prepaid credits was loaded to ur mobile# 091234567. Trace No: 1234000. 05/13/15 02:34PM.
Nanlaki ang mga mata ko. Isang-libong load?! Nababaliw na ba talaga si Alas?
Bago pa man ako makapag-tipa ng reply sa kaniya ay tumunog ulit ang cellphone ko. I shook my head and accepted the call.
"One thousand-peso load? Really?"
"Yeah..." he drawled lazily. "So you have no excuses anymore of not texting me back."
I bit my lower lips. It's sweet but... unpractical. Saan ko naman kasi gagamitin ang isang-libong load? Bukod sa kaniya ay wala na akong ibang ka-text. Abot naman ng Wi-Fi connection ang room namin kaya hindi ko din kailangan ng data.
"Mummy, is that Dada?" Zeus asked sleepily.
"Huh? Ah, yeah...." Wika ko. "Do you wanna talk to him?"
"Talk to what?" Alas asked from the other line.
Dali-daling tumango si Zeus.
"My son wants to talk to you," wika ko sabay lagay sa cellphone sa tainga ni Zeus.
"Hi Dada! I miss you!" Zeus greeted enthusiastically. "Will you be here tomorrow with mummy? Yes, Dada... Yes! Okay! I'll tell mummy right away..."
Napangiti ako sa pag-uusap ng mag-ama. Nang ibalik sa akin ni Zeus ang cellphone pagkatapos ng ilang minuto ay pinangakuan na siya ni Alas na babiyahe bukas patungo rito sa Davao upang makasama kaming dalawa.
It seemed to lift Zeus' spirits. Naglikot na ito sa mga kamay ko at pinilit na makawala. I let him go and watched him approach our lightsd director who instantly smiled at the sight of him.
"Hindi pa naman weekend bukas, ah?" tanong ko kay Alas habang pinagmamasdan si Zeus.
"I just made a promise to the boy. I can't break it," I could almost hear the boyish grin in his tone. Nailing ako at bahagyang natawa.
"Well... whatever."
"I guess I'll see you tomorrow, then." Aniya.
"Yeah. I'll see you."
"And please reply to my text messages later, okay?"
I giggled. "Okay."
Nang ibaba ko ang tawag ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. His baritone voice lingered in my head for a while after the call. Ilang beses pa akong nasigawan ni Sir Patrick dahil wala ako sa isipan habang nagtatrabaho.
God. Nababaliw na naman ako sa isang Ferrer!
The next morning, Zeus was thrilled by the fact that we're going to the beach again. Ang next naming venue ay ang isa sa mga sikat na tourist attractions sa Samal Island, ang Canibad cove.
Sir Patrick instructed me the day before to bring a pair of aqua shoes. Mabato daw ang dagat at matulis ang mga bato para magkasugat ka. So before we went home that night after shooting, I bought two pairs of Aqua shoes from Abreeza. Binilhan ko na din si Zeus ng kaniyang swimming trunks dahil paniguradong magmamaktol ito kapag hindi nakaligo ng dagat.
"Wear that blue swimming trunks, honey..." wika ko habang pinapatuyo ang buhok. Kakaligo ko lang at kanina pa tunog nang tunog ang cellphone kong hindi ko mapansin dahil sa sobrang busy ko.
I slipped on a yellow sundress and started blow-drying my hair. Nakatitig ako sa salamin habang ginagawa iyon. Nakikita ko naman si Zeus sa likod na nagtitiyagang bihisan ang sarili at napangiti sa sarili.
When I finished my hair, I applied a thin coat of mascara and lip tint. Kinuha ko ang malaking itim na sunglasses at isinuot iyon. I know we're going to shoot today but wouldn't be inappropriate if I wear jeans in the beach?
Isang katok ang pumukaw sa atensiyon ko. I smoothened the crinkles in my dress and headed towards the door. Nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin si Alas, nakasimangot na naman.
I chuckled nervously, already sensing the source of his foul mood. "I forgot to check my phone... I'm sorry,"
He didn't answer, though. He licked his lower lips and raked a hand through his hair. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I've already told him about going to the beach today and he's dressed in a black boardwalk shorts and shirt as well. Nakapatong ang kaniyang aviators sa ibabaw ng ulo.
"P-Pumasok ka muna..." I said, my eyes feasting on his bare tattoos on his left arm. He looks like a badass and acts like one. I couldn't help but squirm like a little girl. "Tatapusin ko lang ang pagliligpit."
Alas grumbled something I couldn't hear before he welcomed himself in my small room.
"Hey, buddy..." anito nang makitang hanggang ngayon ay hirap pa rin si Zeus sa pagsusuot ng kaniyang swimming trunks. "Lemme help you."
Hinayaan ko na si Alas na bihisan si Zeus habang inaayos ko ang tinapos na storyboard kagabi. If I don't finish this, I'll probably get yelled by Sir Patrick again. Alas tres na akong nakatulog dahil sa lintik na storyboard na ito.
I glanced at myself in the mirror. Kinuha ko ang concealer at naupo. I applied it under my eyes to at least conceal my eye bags. Kung hindi naman makakaya ay magsusuot nalang talaga ako ng sunglasses sa buong araw.
"What the hell are you doing here?" tanong ni Sir Patrick na naniningkit ang mga mata nang sumilip siya sa bukas na pintuan ng kwarto namin.
"Hey, Pat. Nice to see you again," itinaas ni Alas ang isa niyang kamay at inayos ang suot na shirt ni Zeus. He patted the boy's head when he was done.
Ang iritadong mata ni Sir Patrick ay dumapo sa akin. "Isabelle?" his tone is asking for an explanation.
I shrugged, still holding the concealer. "Gusto niyang sumama, eh. What can I do?"
Sir Patrick groaned and left the door, reminding us that we only have a few minutes left. Tinapos ko na ang aking make-up. I saw Alas staring darkly at me, his reflection in the mirror too hard to ignore. It made me feel uneasy and so I placed my sunglasses on again before standing up.
"Let's go." Kinuha ko ang maliit na bag na may lamang damit ni Zeus at mga kakailanganin namin para mamaya. Naunang lumabas si Alas, karga si Zeus habang ako naman ay ini-lock ang kwartong tinulugan.
Nang makalabas kaming dalawa ay kami nalang ulit ang hinihintay sa loob ng van. Nakasimangot si Sir Patrick at nakahalukipkip habang naghihintay sa amin.
Lalapitan ko na sana siya nang higitin ni Alas ang palapulsuhan ko, dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
"She's riding with me, Pat." Anito.
"Tss." Sir Patrick rolled his eyes and got inside the van. Isinarado na nila ang pintuan at pina-andar ito.
I glared at Alas. "I'm gonna lose my job because of you."
He shrugged. "Great, then. You can work at our firm and be my... secretary..." he said the last part sensually, making my cheeks burn. Sumama ang tingin ko sa kaniya at tinampal ang kaniyang dibdib.
Alas chuckled. He placed his hand at the small of my back and guided me to where he parked his Ford. Nauna kaming pinapasok niya ni Zeus at sumunod na din siya.
His manly scent punched my nose now that I am an enclosed space with him. Zeus squirmed on my lap and frowned. Napatingin ako sa kaniya.
"What is it, Zeus?"
Iling lang ang isinagot niya at ihinilig ang kaniyang ulo sa aking braso. Alas adjusted his aviators before he started the engine. Naka-convoy na kami ngayon sa van lulan sila Sir Patrick. Tatlong van na ang dala namin at ang isa ay alam kong sakay si Jayden.
Nag-aalala kong tiningnan si Alas. He still has no idea that Jayden is part of the team now. Baka mag-away na naman sila kapag nagkita silang dalawa dito? I sighed.
Traffic noong umagang iyon at kapag nagtagal pa ito ay paniguradong tanghali na kami makakarating sa Canibad. Napaigtad ako nang maramdaman ang mainit na palad ni Alas sa aking hita pagkatapos niyang magkambyo.
Tumaas ang kilay ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. He's concentrated on the road ahead of us. He squeezed my thighs. Mahina kong kinurot ang kaniyang kamay.
Napatingin si Alas sa akin, nagtaas din ng kilay. Pasimple kong itinuro si Zeus na nasa kandungan ko. Nginisihan niya lang ako at hindi nag-abalang tanggalin ang kaniyang kamay! Now he's driving one-handed...
Hinayaan ko na lang ang mga kamay niya dahil hindi naman napapansin ni Zeus. He'll remove it when he has to take turns but then again, his warm and calloused hands would immediately find its way home after maneuvering the steering wheel.
"Ang taas ng pila..." napailing ako nang dumugtong kami sa mataas na pila ng mga sasakyang papunta sa Samal Island at sasakay sa barge. Huminto na din ang van sa aming harapan at lumabas si Sir Patrick. Naglakad siya papunta sa entrance at nawala na, probably to talk to someone with authority.
Sinulyapan ako ni Alas. Nakatulog na si Zeus sa kandungan ko. wala akong sinabi kundi ang bahagyang pagtaas lamang ng aking kilay. A ghost of smile appeared on his lips before he leaned back to grab his small duffel bag. Kinuha niya ang isang mineral water doon at ininuman.
"Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Mayroon," kaswal niyang sabi.
Lumipad na naman ang kilay ko. "Eh bakit ka nandito?"
"Because someone is not answering any of my text messages..."
Umawang ang bibig ko sa kaniyang sinabi. makikipagtalo pa sana ako sa kaniya nang umusad na ang mga sasakyan. Ibinalik ni Alas ang kaniyang tubig sa bag at nagmaneho na.
Sir Patrick did something because we were pulled out of the queue. Diretso ang apat na sasakyan sa barge. We crossed the sea for at least 15 minutes before we reached the Samal Island. Sinundan ulit ni Alas ang tatlong van na bumyahe pa ng mahigit kumulang isang oras bago namin narating an gaming destinasyon.
"We'll have some lunch for 30 minutes and then we'll start." Istriktong wika ni Sir Patrick. Nag-inat inat ako nang makalabas sa sasakyan. Zeus refused to be carry so I held his hand instead.
"You look good today, Isabelle!" untag sa akin ni Jayden. nakasuot din siya ng sunglasses at shorts. Isinilid niya ang kaniyang kamay sa bulsa at pinasadahan ulit ako ng tingin. "I can't even remember the last time you wore a dress."
"Uh—"
"Thanks for the compliment, but I think my girlfriend already knows that she's beautiful." Alas sneered. Bigla nalang itong sumulpot mula sa aking likuran at ipinulupot ang kaniyang kamay sa aking beywang. Nagulat si Jayden sa nakita.
"Alas—"
"Let's go..." hinila ko na siya bago pa man sila magkasagutan ni Jayden. Alas still has no memory of me and if Jayden opens his mouth about the past, masisira lang ang plano kong sabihin sa kaniya na ako mismo pagkatapos ng shooting na ito.
The Canibad Cove is still untouched by the cruel hands of man. Wala pa akong nakikitang malalaking establishment sa lugar. Ang mga resort naman ay low-key at simple lang. Even the entrance fee is only at Php 50!
Naghanap kami ng karinderya na puwedeng makainan. Dahil sa sobrang dami namin ay naubos ang ulam na ibinibenta ni Manong. The old man happily served us and talked about the wonders of this island.
"Baka gusto niyong subukan ang cliff jumping?" aniya habang inilalapag ang inihaw na isda sa aming lamesa. "Isa ito sa mga pinaka-popular na activities dito sa Canibad."
"Sure—"
"Shooting first." Tinaliman ng tingin ni Sir Patrick si Alas bago tinusok ang kinakain nitong adobong pusit. "Anong akala mo sa amin, nagbabakasyon lang?"
Tumawa si Alas at ibinigay sa akin ang kaning iniabot ni Manong sa kaniya. "Right. After your shooting, then."
Napailing nalang ako at sinubuan na si Zeus. Dahil nagmamadali si Sir Patrick ay na-pressure ang lahat na bilisan ang kanilang pag-kain. Nang matapos na ay nagpunta kami sa resort kung saan kami magsho-shooting para sa next scene.
The crescent-shaped beach greeted us. I kicked the rocky sand beneath my Aqua shoes, letting the salty air caress my cheeks. Bahagya nitong dinuduyan ang aking mahabang buhok.
Iniabot ko kay Sir Patrick ang ginawang storyboard habang busy sa pagsi-set up ang iba. Si Alas ay prenteng nakaupo sa puting recliner. Naka'y Zeus na naman ang kaniyang cellphone at pinaglalaruan ito.
"Hmm. This is acceptable." He said as he flipped a page. "Alright, then. We'll follow your storyboard."
Inipit ko ang pang-ibabang labi gamit ang ngipin upang pigilan ang pag-ngiti. This must've been the first time he complimented me on my work!
Nang magsimula na kami ay hindi ko na gaanong nasulyapan sina Alas at Zeus. Busy ako sa tabi ni Sir Patrick. Nasanay na din ako sa pagsigaw-sigaw niya hindi lang sa akin, kung hindi pati na rin sa ibang members ng aming team. Pati si Jayden ay nasigawan niya rin nang hindi pumasok sa kaniyang panlasa ang pag-akto nito.
I glanced at Alas again. He's staring darkly at me. kumunot ang noo ko kaya bahagya niyang iniling ang kaniyang ulo. Then, a slow alluring smile appeared on his lips na para bang may iniisip siyang hindi dapat isipin. Inirapan ko nalang siya at binalingan si Sir Patrick na nag-iinstruct sa pag-control ng drone para sa bird's eye view ng scene.
Hindi pa natatapos ang shoot ay namataan ko na si Zeus na naliligo ng dagat. Tamad na nakasunod sa kaniya si Alas at maiging binabantayan ang bata. Napailing nalang ako.
"Why is he here?" tanong sa akin ni Jayden nang magkaroon siya ng pagkakataong lapitan ako. Abala pa si Sir Patrick sa pagsesermon sa mga cameraman nang hindi nila sundin ang gustong shot niya para sa scene 54.
"Who are you talking about?" pagmamaang-maangan ko.
"Alas!" he hissed, and sounded frustrated too. "Bakit siya nandito, Belle? At ano iyong sinabi niya na girlfriend ka niya? Totoo ba yun?"
Binalingan ko siya at pinaningkitan ng mga mata. "Eh ano naman kung totoo iyon, Jayden?"
For a brief moment, he looked disheartened. Umawang ang kaniyang bibig na kaagad din naman niyang isinirado kasabay ng pagkuyom ng kaniyang mga kamao.
"Wala. Congrats." He said bitterly and stalked away.
Umangat lamang ang kilay ko sa kaniyang inakto at ibinalik ang tingin sa binabasang script. I glanced at our scriptwriter. She's a fresh graduate and had always been nervous. Lalo pa kapag pati siya ay nasisigawan din ni Sir Patrick.
"Ayusin niyo yan!" he blurted angrily as he went back to my direction. Tahimik kong ibinigay sa kaniya ang script nang tumabi na siya sa akin.
"Inexperienced fools..." he grumbled and shook his head. "I never signed up for this."
Itinikom ko nalang ang bibig ko habang nagsh-shooting kami dahi mukhang badtrip talaga si Sir Patrick. Mag-aalas singko na kami natapos. His foul mood lifted when he received a call from his girlfriend. Sir Patrick sauntered away from us, rubbing his temple, and talked to her in a kind way.
Nagsisitawanan na ng mga camera man na para bang hindi nasigawan kanina. Napailing na lang din ako at nakisali sa biruan nila.
"Hindi ako inform ha, sinama mo pala talaga ang pamilya mo dito!" tukso sa akin ni Venice.
Namula ang buong pisngi ko sa kaniyang sinabi. "I d-didn't know—"
Naputol lamang ang sasabihin ko nang lumapit si Alas. Nagsimula nang magsikuhan sina Venice at Ayesha.
"Can I help?" tanong niya sa mababang boses.
"Yeah... S-Sure..." itinuro ko ang nagkalat na tripod sa di kalayuan. "Pakikuha nalang ako nun," palusot ko para makalayo sa kaniya. Ewan ko pero bigla akong kinabahan sa kaniyang presensiya, lalo na sa sinabi ni Venice.
Alas nodded and stalked away. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang badtrip na mukha ni Jayden habang umiinom ng tubig sa di kalayuan. Nang matapos kaming magligpit at napagkatuwaan ng team na maligo sa dagat at tumalon sa cliff.
May ibang kinukunan pa ng litrato ang pagtalon. The sun casted streaks of orange light in the sky as they climb towards the cliff. Inutusan ako ni Venice na kunan ko daw ng litrato ang gagawin niyang pagtalon para may mai-post daw siya sa Instagram.
Iiling-iling akong natawa at sumama sa kaniya paakyat. Si Zeus ay matagal nang tulog. Alas is with him on the recliner, talking to our lights director casually.
"Shit! Ang taas pala!" aniya nang marating na namin ang tuktok ng talampas.
I was thankful having to wear a pair of Aqua shoes dahil tama nga ang sinabi ni Sir Patrick, matutulis ang bato sa talampas. Venice started taking off her shirt and then glanced below. Nakita ko ang paglunok niya. Mga 200 feet ata ang taas mula sa talampas hanggang sa tubig sa baba kung tatalunin niyang talaga.
I turned the camera into manual mode and adjusted the ISO. Tapos ay itinutok ko ito kay Venice na handa nang tumalon anumang oras.
Isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan ni Venice nang tumalong siya mula sa Sabang cliff. Umani iyon ng mga hiyawan mula sa mga lalaking nauna nang tumalon at lumalangoy na sa baba. I laughed and took some pictures.
Nang bumagsak siya sa tubig ay ibinaba ko na ang camera. Ganun nalang ang gulat ko nang makita si Alas, paglingon ko sa likod. Nakasakay si Zeus sa kaniyang balikat at walang kahirap-hirap silang naglalakad sa mabatong talampas.
"What are you guys doing here?" bigla akong kinabahan para kay Zeus. Nakasunod sa kanila si Sir Patrick na mukhang good mood na, pero hindi pa sapat upang ayain itong maligo ng dagat.
"Do you want to jump?" tanong ni Alas.
I glanced at the dark blue sea below. Kinilabutan ako sa taas at kaagad na iniling ang ulo ko.
"C'mon, Isabelle. It'll be fun." Aniya at ibinaba si Zeus.
"C'mon, mummy! Dada said it's going to be fun!" panggatong naman ni Zeus sa kaniya.
"But I'm not wearing a—"
"Just take it off." He said and waved his hands dismissively. "You've got a great body. There's nothing to be ashamed of."
Namula ang buong mukha ko sa kaniyang sinabi. Nakarating na si Sir Patrick sa kinaroroonan namin at sinilip ang lalim ng talampas na tatalunin kung saka-sakali.
"Hey, Pat. Can you watch over Zeus for a while?"
Tumaas ang kilay ni Sir Patrick sa sinabi ni Alas. "I'm not a babysitter," suplado niyang sagot.
"C'mon, man. We just have to try this..." Alas grinned. In one swift move, he took off his shirt in front of us. Hindi na matanggal ang tingin ko sa maskulado niyang dibdib kung saan nakaukit ang kaniyang tattoo. The sweat lingered in his muscle indentions. Itinapon ni Alas sa kung saan ang shirt na suot at binalingan ako.
Nag-taas siya ng kilay. The sides of his lips rose a bit. "What are you waiting for?"
Nag-aalinlangan kong inangat ang suot na dress at dahan-dahang naghubad. I'm wearing matching black bra and panties. Seamless ang panty kaya mukha na din itong bikini kung titingnan sa malayo.
Uminit ang pisngi ko nang mag-angat ng kilay si Sir Patrick. Wala din siyang nagawa kung hindi kargahin si Zeus.
Hinawakan ni Alas ang kamay ko at sabay kaming nagpunta sa dulo ng talampas. Nang makita kami ng mga ka-team ko ay naghiyawan ulit sila.
"Talon, Belle! Go! Wohooo!" sigaw ni Venice na lumalangoy na sa baba.
Nalula ako sa nakita. I know how to swim but to jump 200 feet from the cliff? I don't think so...
"What if—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nalang akong itulak ni Alas. A deafening scream left my throat. Rinig ko ang halakhak niya habang mabilis akong bumubulusok mula sa ere.
I closed my eyes and closed my mouth when my body hit the water. I sank for a few seconds before I got into my senses and quickly swam to surface.
Hindi ko pa lubusang nakikita ang sikat ng araw ay naramdaman ko din ang pagbagsak ng bulto sa aking tabi. Water splashed everywhere, followed by a series of laughter. Naramdaman ko nalang ang malakas na paghigit ng mga braso ni Alas sa beywang ko.
"You idiot!" malakas kong hinampas ang kaniyang dibdib. He smirked at me and pulled me closer. "May balak ka bang patayin ako!?"
"You didn't die, though." Swabe niyang sagot sa akin. Nakalutang na kaming dalawa sa tubig ngayon at hawak niya ang aking beywang. "I'm here..."
Tinitigan ko si Alas. As if he isn't hot enough, the water droplets made way to his temple and down his chin. He stared intensely at me before he furrowed his brows. Ipinikit niya ang mga mata at bahagyang lumayo.
"Bakit?" nag-aalala kong tanong sa kaniya. Hindi ba niya nabagok ang ulo niya sa pagtalon o kung anuman?
"Nothing..." he murmured as his lips tugged downward. Hinilot niya ang kaniyang sentido na para bang masakit ang ulo nito. "I just thought I remembered something..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top