Chapter 1
Chapter 1
Unlike the past few days, the sky is brighter today as the blue hues burst and filled the endless horizon. Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang kalangitan, naghahanap ng senyales kung uulan ba mamaya dahil sigurado akong sa pagmamadali ko kanina'y naiwan ko na naman ang aking payong sa bahay.
Mabilis ang yapak ko hanggang sa makarating ako sa paradahan ng mga tricycle, iniiwasang magkaputik ang suot na uniporme. Pinara ko kaagad ang unang tricycle na aking nakita at sumakay.
"Sa community college po..." wika ko saka inilabas ang aking phone. I sent a text message to my blockmate, Stella, asking if our professor is already inside the classroom.
Nang umandar na ang tricycle kahit na dalawa lang kaming pasahero ay ipinirmi ko muna ang aking mga kamay. Di tulad noong highschool pa lamang ako na puwede lang lakarin mula sa bahay patungong eskwelahan, hindi ko na magagawa iyon ngayon.
But still, I get to see the rice fields every day. And every time my gaze lands on the forest near the field, the one that leads to the lake, my hearts breaks a little.
Binaon ko na ang mga alaalang iyon sa aking isipan. I've learned to live with the pain, embracing and even wearing it like a skin of mine. Habang umaandar ang tricycle ay hindi napunit ang tingin ko sa maliit na lagusang iyon.
I couldn't even remember the last time I went to the lake. Mapait akong napangiti sa aking sarili.
In order to fill the void and forget about the pain, I've avoided all the places that would remind me of him. I tried to convince myself that it was just young love, and that the time will help me to heal.
Ilang taon na nga ba ang nakalipas, Alas?
Tumingala ako sa kalangitan na tila ba sasagutin nito ang katanungan ko. It's been five years. Five damn years and the pain still feels like someone had stabbed a knife straight to my heart yesterday.
Ironically, I am the receiving end of the hurt I've caused myself. It's because of that stupid decision of leaving him. Kaya ako nasasaktan nang ganito...
"Community college..."
Napaigtad ako nang magsalita bigla si Manong at napakurap-kurap. Nandito na pala ako. Kaagad akong dumukot ng barya at iniabot sa kaniya. Bumalik ako sa reyalidad lalo na nang mag-vibrate ang phone ko.
Stella:
Papasok na. Bilis!
I ran as fast as I could. Napatingin pa ang iba sa akin ngunit bumalik din naman sila sa kung ano ang kanilang ginagawa. Pakiramdam ko'y mauubusan na ako ng lakas sa pagtakbo lamang iyon hanggang sa makarating na ako sa third floor!
Hinihingal pa ako nang pumasok sa aming klase. A few of my blockmates turned to me and grinned.
"Late na naman, ah?"
Hilaw na ngiti ang isinagot ko sa kanila at sinikop ang buhok kong sumabog kanina sa hangin nang tumakbo ako. Tumabi ako sa humahagikhik na si Stella, ngayon ay hawak ang kaniyang cellphone at nagtitipa.
"Joke lang yun! Wala daw si prof ngayon..."
Umawang ang bibig ko at napatingin ako sa kaniya. Tawa na siya nang tawa. Then my stare turned into glare. Pinaghahampas ko siya ng notebook na nakita ko sa desk.
"Alam mo bang tinakbo ko mula sa gate hanggang dito sa third floor?" reklamo ko sa kaniya. Hiningal ulit ako sa panghahampas sa kaniya dahil mabilis siyang makailag.
Humalakhak ulit si Stella at nginisihan ako. "Agahan mo kasi ang gising next time at nang hindi ka natataranta."
Inignora ko siya at inilabas ang aklat para mag-study na sa quiz namin mamaya. Isa ito sa mga minor subjects na hindi ko kaklase si Stella. Thankfully, she allowed me to study in peace as she continued giggling over her phone.
"Oo nga pala, sama ka sa akin mamaya sa Lavigan, ah?" ibinaba na niya ang kaniyang cellphone at sinuri ang aking mukha. "Kay Lola ka pa din magpapatahi ng uniform para sa internship, diba?"
Tumango ako at ibinaba din ang aklat na binabasa dahil wala namang pumapasok sa isipan ko. "Oo..."
"Good. Susukatan ka na daw niya para sa sunod na linggo, puwede mo nang makuha ang uniporme mo."
"Pero hindi ako magtatagal, ah? Alam mo namang..."
"Hinihintay ka ni Zeus." Tumawa nang bahagya si Stella. "He really can't live without you, huh?"
I shrugged and dragged my gaze back to the book I was reading. "Seems like it."
Nang hindi pumasok ang aming professor sa MC 16 ay napagdesisyunan naming dalawa ni Stella na magpunta sa cafeteria upang kumain. Panay pa rin ang kuwentuhan naming dalawa, tutal ay bakante naman kami ng tatlong oras dahil sa lumiban na propesor.
"Belle..."
Nagulat ako sa biglang pag-upo ni Hector sa tabi ko. Ni hindi ko namalayan ang presensiya niya hanggang sa sumulpot nalang siyang bigla dito. He offered me again his kind smile, one that I've grown fond over the years.
"Good morning, Belle!" masigla niyang bati sa akin.
"G-Good morning, Hector..." hindi pa rin ako nakabawi sa gulat so I cleared my throat.
"Good morning din, Hector! Ako, hindi mo ba babatiin ng good morning?" may pahapyaw na sarkasmo sa tinig ni Stella. She smirked at Hector who blushed and rubbed the back of his neck.
"G-Good morning din..."
"So, anong ginagawa mo dito?" ipinagkrus ni Stella ang kaniyang mga kamay. "Unless you're going to buy us some drinks, you're not welcome in our table."
Pinandilatan ko ng mata si Stella at sinipa pa ng bahagya ang kaniyang paa sa ilalim ng lamesa. She's just rude and crass! Nagkamot ng ulo si Hector at tumayo.
"Sige, bibilhan ko kayo."
"Huwag ka nang mag-abala, Hector—"
"It's okay, Belle." Ayan na naman ang ngiti niyang mabait. He stared at me, longer than necessary before he gestured towards the counter. "Ano pang gusto mo?"
"Wala siyang gustong bilhin. Wala din siyang gusto sa iyo. Pero ako gusto ko ng Nova! Puwede mo ba akong bilhan nun?"
Gusto kong iuntog ang ulo sa mararahas na salita ni Stella. Hector nodded his head and smiled politely before he left our table. When he was out within our earshot, I turned to my friend and glared at her.
"You don't have to be so rude to him, Stella!" asik ko sa kaniya.
Kumuha siya ng isang French fry at mabagal itong nginuya. Bored siyang nakatingin sa akin at humalumbaba pa.
"Sinasabi ko kasi sa iyo, Belle, nakabuntis na yang si Hector! Naku! Huwag kang magpapadala sa kabaitang ipinapakita niyan sa iyo..."
"He already told me about it." I murmured.
"Eh yun naman pala! Busted-in mo na para tumigil na sa kakabuntot sa iyo..." tugon pa niya.
"Hindi naman siya nanliligaw, Stella. Atsaka, pagkakaibigan lang ang gusto niya. Yun lang din ang maiaalay ko sa kaniya. Alam mo namang nariyan si Zeus..." I murmured the last part.
"Oo na, oo na! Alam ko, no..." umirap pa sa ere si Stella at kumuhang muli ng French fry. "Naiirita lang ako sa pagmumukha ng Hector na iyan—"
Pinandilatan ko ulit ng mata si Stella nang mamataang papalapit na si Hector, dala-dala ang tatlong softdrinks at isang malaking bag ng Nova. Kaagad namang huminto sa pagsasalita si Stella.
"Ito na..." inilapag niya ang pinamili sa lamesa at tumabing muli sa akin.
I smiled at him. Despite what she says, Hector is really a good man. Nakabuntis siya at handa naman siyang panagutan ang babae. Ang sabi niya'y hindi niya ito mahal at bunga lang daw iyon ng tulak ng alak. But he never said that he'd abandoned his child and the woman.
Matagal ko na ding nakausap si Hector tungkol dito. I told him I could offer nothing but friendship. Tanggap naman niya. I like his company but I don't want him to think that our friendship will bloom into something more than that. At isa pa, alam din niya ang tungkol kay Zeus...
Hindi siya tinigilan sa paggisa ni Stella sa buong oras na magkasama kami sa cafeteria. Umalis lamang siya nang sumapit na ang alas nuebe dahil may klase na siya.
Stella snorted out loud as we both watch him head out of the cafeteria.
"I seriously hate the guy," she muttered under her breath.
Sinipat ko ng tingin ang kaibigan at napailing. "Give him a chance, Stell. Mabuting tao si Hector,"
Inikot niya ang kaniyang mata sa ere at ang kaniyang bibig ay kumurbang paibaba, tanda ng kaniyang pagkadisgusto sa lalaki.
"I just hate it when boys put up on that soft and tender façade to get into girl's pants. Alam ko namang hindi ka tanga na bubukaka lang sa harapan niya. Kahit mayaman si Hector, mas mayaman ka rin naman siguro no!" she said with her nose high. Then her eyes turned mischievous as it twinkled. "Assuming hindi nakulong ang tatay-tatayan mo..."
I sighed. Just a year ago, I woke up to the sound of the blaring siren in the mansion. The next thing I know, the governor is being escorted by the police because of a crime that happened years ago. The attempted bombing of the Monterio mansion, corruption, bribery, and sexual harassments to some of his secretaries.
Hanggang ngayon ay tumitindig pa rin ang balahibo ko sa tuwing naaalala ko ang araw na iyon. The media feasted on the news and feed it to the public. Usap-usapan na pinakasalan lang ni mommy ang governor dahil sa pera.
It happened on winter break and I decided to go home for a little while. At iyon pa ang naabutan ko.
Mabilis na nawala sa governor ang mga ari-arian niya at lupa. We were evicted out of the mansion. Because of what happened, I was forced to stop studying. Wala nang pantustos si mommy sa akin. In the next painful months, we lived like street rats until I finally found a job.
Ngayon, imbes na sa mansion kung saan ko ito nakasanayan, ay sa maliit na apartment kami nakatira. The Armendanez family loathed us. Ang sabi nila'y kami daw ang may dala ng malas at sigalot sa kanilang pamilya.
My mother did not once talk back to them. Nor she filed divorce against the governor. Hanggang ngayon ay nanatili siyang kasal at legal na asawa ng gobernador na nasa likod na ng mga bakal na rehas.
I shook my head, trying to erase those painful memories from the past. As if Leon's death wasn't enough, this problem fell heavy on our shoulders. I could feel the clandestine glances of my blockmates when I first introduced myself last semester. Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang issue. Heck, it even snaked its way up to the national news!
Kasama ko si Stella buong araw bukod sa minor subject kong hindi ko siya kaklase. When I was done with my class, I found her talking to a guy from Political Science animatedly. Nang makita niya ako'y nagpaalam siya at nilapitan ako, hindi matanggal ang ngisi sa mukha.
"Sino yun?" kunot-noo ang aking tanong nang maglagi ang tingin ng lalaki sa amin. Matangkad at may hitsura. Nagkamot siya ng batok at mabilis na nag-iwas ng tingin nang mahuli ko ang kaniyang mga mata.
"Nanghihingi ng number mo..." ngisi niya. She linked her arms with me and started walking, so I was forced to walk too. "Nakita niya kasi ang picture nating dalawa sa Facebook. Kilala ko yun. Mabait yun."
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni Stella. Sinipat ko siya ng tingin.
"Earlier you wanted to send Hector to hell and now you're shoving me to another guy's throat?" umarko ang kilay kong nakatingin sa kaniya.
Humagikhik si Stella at hindi pinalampas ang tricycle na dumaan sa aming harapan. Pinara niya kaagad ito. "Mabait yun, Belle..."
Sumakay kaming dalawa sa tricycle. "Sa bus stop po, Manong..." wika ko bago binalingan ang kaibigan. Pinagsingkitan ko siya ng mga mata nang makitang nakangisi pa rin siya.
Nang mapagtanto ko kung ano ang ugat ng kaniyang pilyang ngisi ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa gulat. "You did not...?"
Ngayon ay tuluyan nang humalakhak si Stella. "Ayos lang, Belle. Puwede mo namang hindi replayan kung hindi mo type!"
I groaned out loud, my thoughts drifting back to Zeus once again. Me, having a damn textmate, at this age, and at this situation, is so out of the context! Marami pa akong dapat problemahin at wala akong balak na mang-entertain ng kung sinu-sinong lalaki!
Napasapo nalang ako sa ulo at bahagyang hinilot ang sentido. Stella is just... I don't even know how to describe this woman. I know she meant no harm, this girl is sweet, but to give my number away like a bus ticket! Napailing ulit ako...
Nang makarating na kami sa bus stop ay si Stella ang nagbayad sa tricycle. Sakto namang may nakaparada na na bus nang makarating kami. Dali-dali kaming sumakay bago pa kami maubusan ng mga upuan at naupo.
Sa may bintana ako nakaupo habang si Stella naman ay katabi ko at nakasilip na sa aisle, pinagmamasdan ang pagdagsa ng mga pasahero kahit wala nang bakanteng upuan. Ang iba sa kanila'y nakatayo nalang, bitbit ang mga bag at kumapit sa upuan ng ibang pasahero nang umandar na ang bus.
I stared out the window. I could never get used to a view like this. Sa ilang taong pamamalagi ko sa Toronto ay ni minsan hindi ko naisipang mamasyal at magpakasasa. I studied hard. The tuition is not a joke. Isama na rin natin ang apartment na tinirhan ko ng mga panahong iyon. I promised my mother that as soon as I graduated, uuwi ako ng Pilipinas, maghahanap ng trabaho, and maybe... set things right.
Ilang beses huminto ang bus. I was caught in awe as coconut trees blurred on the sides of the road. Nang makababa ang ibang mga pasahero ay umupo na iyong mga nakatayo.
"Tara na..." kinalabit ako ni Stella nang huminto ang bus. Sumunod ako sa kaniya bitbit ang aking shoulder bag. Nagpatiuna si Stella at dire-diretso ang lakad patungo sa kanilang bahay na hindi naman kalayuan sa highway.
Nahagip ng tingin ko ang malawak na lupain sa tabi ng kanilang bahay. It seems like a construction is going on. May dalawang truck ang nakaparada sa labas. Men in yellow hard hats milled around the area.
"Anong mayroon dito?" tanong ko kay Stella habang sinusundan siya patungo sa kanilang bahay. The last time I went here, hindi ko naman ito napansin. Payapa at walang umuukopa sa lupang katabi ng kanilang property. In fact, the family used it as their own private resort. Wala namang sumisita sa kanila kapag naliligo sila sa dagat. And the beach is clean and well-maintained.
"Someone bought the land, now they wanted to build a resort here." Paliwanag sa akin ni Stella.
Tumango-tango ako.
"The owner even wants to buy our property, too!" Stella snorted. Nagpakawala siya ng mapaklang ngiti. "Maybe he doesn't want a ratty shack next to his expensive resort."
Napailing nalang din ako sa kaniyang sinabi. Her 66-year old grandmother greeted us with warm coffee's. Kahit na hindi ako umiinom ay napilitan ako para sa matanda. Her hands trembled every now and then, making me wonder if she could really sew the uniforms. Matagal na siyang mananahi and I think it's time for her to retire.
"Hello, Belle... beautiful as ever..." she said and kindly gestured me to the chair. "Diyan ka muna at kukunin ko ang tape measure ko sa loob."
"Sige po." I smiled at her. Naglakbay ang paningin ko sa bukas nilang bintana. Naglaho si Stella sa isa mga kwarto at nang lumabas ito'y nakasuot na ng jersey shorts at puting t-shirt.
Lumabas din ang kaniyang Lola dala-dala ang tape-measure at kinuhanan na ako ng sukat.
"Kumusta naman ang mama mo, Belle?" tanong niya habang nililista ang sukat ko sa dibdib.
I glanced at her. She didn't bother dying her silver locks compared to other aging women. And I must admit, she looks kinder and welcoming in her hair.
"Ayos naman po..." sagot ko sa kaniya. Hinila ulit ang tingin ko ng dagat sa di kalayuan. "She's trying her hard to start a business but ever since..." I trailed off. "Ever since the issue, no one dared to invest with her. Pati ang mga amiga niya'y naglaho nang parang bula."
Her grandmother nodded her head. Ibinaba niya ang tape measure sa aking beywang at isinuot muli ang reading glasses.
"Why not apply in the local accounting firm? I heard they're looking for a bookkeeper."
Tipid na ngiti ang iginanti ko sa kaniya. "Alam niyo naman po si mommy... She's used to being obeyed than obeying. I highly doubt she'd like the repetition of a routine job like that."
Noon pa man ay sanay na si mommy na ang mga tao ang sumusunod sa kaniyang utos. That's why she decided to build her own small business after she'd graduated instead of looking for a job.
"Atsaka, tatlong buwan nalang ay gagraduate na ako. May kakilala ako sa media na puwede akong ipasok sa oras na makagraduate ako."
"Si Kristoff ba yun, Belle?" usisa ni Stella sa akin na ngayo'y isinasawsaw ang tinapay sa kaniyang kape.
I nodded my head. "He offered me a job already. Hinihintay nalang niya akong makagraduate at tutulungan niya akong makapasok sa trabaho."
"Aww. Lucky you!" Stella pouted before taking a bite from her coffee-dipped bread. "Sabihan mo naman sa kaniya na baka puwede kako akong isama!"
"Stella!" mahinang sita sa kaniya ni Lola. "Napag-usapan na natin ito, hindi ba? Pupunta ka ng Maynila pagka-graduate mo dito..."
"And leave you here alone? No way!" agap nitong tugon.
I smiled. Kahit na ganito magsalita si Stella ay mabuti siyang tao. She's a sweet girl, especially to her grandmother. Ang totoo'y may pamilya siyang naghihintay sa Maynila ngunit mas pinili niyang manatili rito sa Davao Oriental kasama ang kaniyang Lola.
"Pagkatapos mo diyan, Belle, gusto mong silipin ang ginagawang resort?" pag-iiba nito ng topic. I saw the desperation in her eyes, begging to be noticed. Kaya naamn wala akong ibang magawa kung hindi ang tumango. She doesn't want to dwell with this topic. O kung gusto man niyang pag-usapan ay iyong sila lang dalawa ng kaniyang Lola.
Napailing nalang ang Lola ni Stella at tinapos ang pagkuha ng mga sukat sa akin. Ibinaba niya ang tape measure na hawak at sinuring muli ang notebook kung saan niya isinulat ang mga sukat ko sa dibdib, beywang, at braso. Pati na rin ang haba ng magiging palda ko.
"O siya, ubusin niyo na muna ang kape niyo bago kayo lumabas..." aniya.
I nodded my head and sipped from the cup. It isn't bad, but I'd still choose tea over coffee any time of the day. Inalok ako ni Stella nang kinakain niyang tinapay.
When we were done eating, we went outside of their house. Abala pa rin ang mga tao kahit na magdadapit-hapon na. I followed Stella down the tiny trail that leads to the shore.
"Pasensiya ka na, Belle." Hinging paumanhin nito habang naglalakad kami. "Ayaw ko lang talagang pag-usapan ang pag-alis ko." sinulyapan niya ako na malungkot ang mga mata.
"It's okay..." I said silently. Zeus, even if he's miles away from me, suddenly entered my mind. Hindi pa kami nakakaabot sa dalampasigan ay iniisip ko na kung paano ako magpapaalam kay Stella.
"This whole leaving thing is just bullshit," she muttered angrily, her voice laced with sheer hurt and annoyance towards her family in Manila. "I would never leave my grandmother alone!"
Tinadyakan niya ang puting batong nakita nang sa wakas ay marating namin ang dalampasigan. Mula dito ay tanaw ko na ang mga nagtatrabaho sa di kalayuan.
Iginala ko ang paningin. Mukhang malaking resort itong itatayo nila. Kung talagang gustong bilhin ng may-ari pati ang lupa nila Stella, he'd have to pay them a hefty price. And knowing Stella, she'd probably just raise them an eyebrow and ignore the deal.
"You could use the money when you go to Manila..." biglang nasabi ko nalang, hindi inaalis ang tingin sa mga lalaking nag-aalsa ng mabibigat na kagamitan upang ilipat sa shed. "Have you ever think about it?"
Marahas n ailing ang isinagot sa akin ni Stella. "No. And besides, my grandmother likes her house, even if she doesn't say it out loud. Gusto niyang nakikita ang dagat. Tsaka, bakit ko naman ibebenta ang bahay namin para lang sa resort na ito?" she threw the construction a disgusted look before she dragged her gaze back to the sea.
Nagkibit ako ng balikat, knowing that I couldn't convince my friend. Naupo ako sa kaniyang tabi at pinagmasdan din ang dagat. Wala pang limang minuto ay narinig kong may tumatawag sa kaniyang pangalan.
Pareho kaming napalingon. Stella grunted when she saw her five-year old cousin, treading through the tall grasses and on his way here.
"Teka lang, Belle..." aniya at mabilis na tumayo upang salubungin ito.
Hindi ako umimik at nanatiling nakaupo. I stared at the sea for a while, wondering where I would be sitting three months from now. Ang mundo ng media ay magulo. I've had my fair share of disheartenment when I encountered people from the media. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ang magiging trabaho gayong gusto ko naman ng tahimik na buhay.
Then my thoughts drifted to Leon. My heart ached once again. I've spent at least four more months in the Philippines, processing my papers. Nakapag-aral pa ako saglit sa community college bago ako tuluyang umalis papuntang Toronto.
I gathered my knees and rested my chin on it. I still can't believe that he's gone... sana pala ay sumama ako sa kanila sa Japan noong inaya nila ako. I was too engrossed with studying that I could barely go home and be with my family. Sising-sisi ako na hindi ko nasilayan si Leon sa huling pagkakataon.
Years of setting myself in the fire of frustration, sadness, and isolation made me who I am today. I am no longer the naïve girl who can't stand her grounds. I've learned to still myself to the ground and revolve alongside the ever so changing world.
The erratic rise and fall of my shoulders due to my racing heart made me pant. Inilagay ko ang isang kamay sa dibdib at pinilit na pakalmahin ang sarili. I've spent so many nights crying over Leon's death. Hanggang ngayon ay tila hindi pa yata nauubos ang mga luha ko.
I heard heavy footsteps from behind. My head turned to the source of the visitor at muntik na akong mabuwal sa nakita.
Ang matangkad niyang bulto ay nagpatuloy sa paglalakad, seryoso itong nakatingin sa akin at nag-aaalab ang mga mata. Para akong sinisilaban sa aking nakita.
Napatayo kaagad ako, awang ang bibig at hindi makapagsalita. Words I've learned from years of studying left my mouth. Biglang nanginig ang mga kalamnan ko sa nakita.
He continued to sauntered towards my direction. Even with the distance between the two of us, I could sense the authority and power that he radiates. Like he owns the fucking place and he's walking on the grounds of his holy kingdom
A white hard cap sits on top of his head, covering his crew cut hair. Instead of looking like someone who'd work in a construction, mas lalo lamang nadepina ng hard hat ang hugis ng kaniyang mukha at tangos ng kaniyang ilong. The white undershirt barely covered his bulging muscles. Sumilip pa ang itim nitong tattoo sa kaliwang kamay.
And his eyes...
Gusto kong maiyak sa nakikita. He still has the same deep-set eyes, menacing and tantalizing. Those orbs that has the power to still me to the ground. Hindi niya binitawan ang titig sa akin hanggang sa makalapit siya.
"Alas..." I could barely hear my voice.
Tila wala siyang narinig. Dire-diretso ang kaniyang paglalakad. Doon pa ako tinamaan ng matinding kaba at takot. Tumalikod ako at akmang tatakbo papalayo nang maramdaman ko ang mahigpit niyang hawak sa aking braso.
My chest exploded by the mere touch. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso. Then I shut my eyes close as my heart continued to hammered its way out of my chest.
"Hey..." his cold baritone voice is enough to make my knees go weak. Iniwas ko ang aking tingin at hindi siya nilingon.
"Hey, lady..." pag-uulit niya at walang kahirap-hirap na iniharap ako sa kaniya. His whiskey-scented breath filled my nostrils. Titig na titig siya sa mga mata ko. Bahagyang nakaparte ang kaniyang mga labi.
Staring at his lips and how close it is from mine, I remembered the days when I was free to touch and kiss those luscious lips. Ngayo'y halos hindi ko na siya makilala dahil sa katangkaran at kalakihan ng kaniyang katawan.
Kumunot ang noo niya at sinuri ang aking mukha. Nang inilapit niya ang mukha sa aki'y para na akong papanawan ng ulirat. With my remaining strength, I managed to pull him away from me.
Albeit he didn't budge, he let me take a step away from him. I didn't realize I was holding my breath until I've manage to put some distance between the two of us. Hindi pa rin tumitigil sa paghuhurementado ang aking puso.
Then, in his raspy voice, he said ever so slowly in my face. "Miss... have we met before?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top