TWENTY-SEVEN

"Laurene! Where are you?!" Minulat ko ang aking mata nang marinig ang boses ni Sheriah. Lumiwanag na ang paligid at nasa gitna pa ako ng dance floor. May mga tao rin naman ang nasa dance floor pero para akong tangang pumipikit roon.

Luminga ako sa paligid at umaasang baka nandito pa siya pero ibang mga mukha na ang mga nakikita ko. Nakaramdam ako ng pagkadismaya.

"Nandito ka lang pala!" Agad na sabi ni Sheriah nang makita ako. Nangunot ang noo ko, nanaginip ba ako ng gising? Hinawakan ko ang labi ko at ramdam ko pa rin ang dampi ng labi niya. Alam kong siya iyon.

"A-anong nangyayari?" Wala sa sarili kong sambit.

"Buti natanong mo. May nagturn off ng breaker kanina! Hindi rin alam kung sino pero mukhang sinadya!" She explained with her voice taking on a slightly annoyed tone.

"Sinadya? Pero bakit?" tanong ko. I was trying to focus, to bring myself back to the present, but my mind kept drifting back to that kiss.

"Hindi ko alam pero buti na lang at naayos agad ng mga staff. Ang kaso, nawala ka bigla. Natakot kami na baka hinila ka na ng kung sino diyan!" aniya, habang hawak ang aking kamay.

Napatingin ako sa kanya, naguguluhan. "Nawala? Pero nandito lang naman ako, Sheriah."

Ngumiti siya ng medyo pilit. "Oo, pero parang hindi ka namin nakita kanina. Madilim eh, paano ka namin makikita di ba?"

Oo nga naman. Masyado akong na occupied sa nangyari kanina. Pero totoo ba talaga iyon? O baka naman nag-iimagine lang ako dahil sa sobrang pagod at stress?

Habang iniisip ko ang mga pangyayari, biglang may nagpatugtog ng kanta. "Tara, Laurene! Sayaw tayo!" hinila na naman niya ako at pumwesto sa dance floor. Nakita kong may nagpe-perform ng banda sa stage kaya bumalik ulit ang sigla sa loob.

Napangiti ako at sinamahan siya. Sabi nga nila, 'When in doubt, dance it out.' Kaya sinubukan kong kalimutan muna ang lahat at mag-enjoy ulit. Bumalik rin naman ang mga taong nagsasaya.

Napahawak nalang ako sa buhok ko nang may humila rito.

"There you are bitch!" Bulong nito sa tenga ko. Napangiwi ako sakit at parang matatanggal na ang anit ko dahil sa paghila niya. Sinilip ko ang babae at nakita ko ang mukha ni Eunice. Nanggagalaiti siyang nakatingin sa akin.

"Bitawan mo ako." Mariin kong utos pero hindi siya sumunod at bigla na lamang akong kinaladkad. Napahawi ang mga tao sa ginawa niya. Huminto rin ang ibang nagsasayaw sa nasaksihan.

"Tama nga ako, ikaw ang babaeng ayaw na ayaw kong makita!"Galit na galit siya at parang mapupugto na ang ugat niya sa leeg.

"I said, get your hands off me. Tapos na ang usapan natin last time." Kalmado kong saad at pilit inaalis ang kamay niya sa buhok ko. Tàngina, ang sakit manabunot. Napahila nalang rin ako dahil kapag magmamatigas ako, mas lalo lamang sasakit ang anit ko.

Mas lalo siyang nagalit at sinabunutan ako. Nakita kami ni Sheriah at bigla niyang hinila ang buhok ni Eunice. Napakapit si Eunice sa buhok niya at nabitawan ako.

"How dare you! Sino ka para saktan si Laurene!" Nanlaban si Eunice na may matapang na ekspresyon sa kanyang mukha. Gamit ang buong lakas, tinulak niya si Sheriah na nakatayo sa kanyang harapan. Sa sobrang lakas ng tama, natumba si Sheriah at katawan niya ay biglang nag-crash sa malamig na sahig.

Mabilis na naglakad si Eunice sa stage at inagaw ang microphone ng vocalist na nakatayo lang rin roon at naki tsismis sa nangyayari.

Lumunok ako at ramdam ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Ang mga tao sa paligid ay biglang tumahimik at naghihintay sa susunod na sasabihin niya. Lahat ng music ay biglang naputol at sa kaniya lang nakatingin.

"Laurenestine Valencia ang babaeng nilandi ang magkapatid-kambal pa! At dahil malandi ka nga ay hanggang ngayon pingsabay mo pa rin sila! Inagaw mo pa ang ama ng anak ko!" Anunsiyo niya at dahil naka mic siya, rinig na rinig ang boses niya sa loob ng bar.

Napasinghap ang lahat sa narinig. Ang mga tawa at kuwentuhan kanina ay napalitan ng mga bulong at tingin ng pagkabahala. Ramdam ko ang bigat ng mga salitang binitawan niya-parang mga bato na ibinabato sa'kin.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Nakita ko ang pagkabahala sa kanilang mga mukha. Si Jorih, na parang gustong tumakbo papunta sa akin pero hindi makagalaw. Si Sheriah, na halatang galit na galit sa babae pero pinipigilan ang sarili. Si Tristan, na tila naguguluhan at hindi alam kung ano ang gagawin.

"Kaya pala, siya yung babae sa video na kumalat dati!"

"Grabe naman siya, kambal pa talaga!"

"Kaya pala familiar yung mukha niya!"

Nag-echo ang mga bulong at tsismis sa buong bar. Napatitig ako kay Eunice na ngayon ay nakangiti na parang nanalo sa lotto.

"Ano? Wala kang masabi? O baka naman gusto mo ring sabihin na hindi totoo ang sinasabi ko? Pero alam naman natin na totoo lahat ng sinasabi ko, 'di ba?" Saad niya habang nakangiti habang ako ay hindi na halos makagalaw.

Pinagsisihan ko naman ang nangyari noon pero ilang taon na ang nakakalipas para ibalik pa ito ngayon. Bakit nalaman niya ito? Paano niya nalaman at sinong nagsabi?

"Ano, Laurenestine? Malandi-"

Naputol ang kanyang sasabihin nang biglang may dalawang lalaki ang sumulpot sa stage. Hinawakan nila siya sa mga braso at dahan-dahang pinababa roon. Kitang-kita ang gulat sa kanyang mukha, lumalaki ang kanyang mga mata habang unti-unting nag-sisink in ang nangyayari.

"Ano ba?!" Sigaw niya, umaalingawngaw ang kanyang boses sa buong bar. "Isusumbong ko kayo sa asawa ko! How dare you touch me!" Punong-puno ng galit at indignasyon ang kanyang boses. Pumalag siya sa mga lalaki, sinisikap na mabawi ang kanyang mga braso sa kanilang hawak. Ngunit matibay ang hawak nila, at patuloy lang silang naglalakad pababa hanggang nakaabot sila sa dance floor. Humawi ulit ang mga tao.

"Eunice! Stop it, that's enough! Nakakahiya ka!" Isang malalim na boses ang nagpahinto sa lahat. Nawala rin ang atensiyon nila sa akin at napunta sa dumating na lalaki.

Parang nakakita ng multo si Eunice nang masilayan ang lalaking parating. Nanginig siya at parang natakot. "P-paano ka napunta dito?! Hindi ka dapat napunta rito!"

Tumingin ang lalaki sa akin at doon ko pa nakilala ito. Siya ang butler ng Don noon. Nilapitan niya ako at yumuko. "I'm sorry, Miss Valencia. ako na mismo ang maghihingi ng paumanhin sa asawa ko."

Nagulat ako sa huling sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Asawa? My eyes darted from Eunice, whose face was as white as a sheet.

"Mordred! Ano bang ginagawa mo! Why are you apologize to that bi-" Singit agad ni Eunice, halos sa kaniya na lahat nakatingin.

"Shut up! Masyado ka ng nakakahiya! Pinaako mo pa ang anak ko kay sir Gavilan. You're unbelievable!" Dumadagundong ang boses ni Mordred, mas lalong tumahimik ang lahat. Eunice looked like she had been slapped, her face was shocked and I know she's embarrassed now. I, on the other hand, was trying to process the information that had just been thrown at me.

"H-hindi kay Zairon ang bata?" Nauutal kong tanong na halos bulong nalang rin.

Tumingin si Mordred sa akin na parang humihingi ng paumanhin. "Pwede ho ba tayong mag usap sa labas, Miss?"

Tumango ako ng dahan-dahan, ngunit para bang hindi ko na kontrolado ang aking katawan. Ang aking isipan ay parang lumutang sa ere at hindi makapaniwala sa mga salitang binitiwan ni Mordred. Kay Mordred ang bata? Kung ganoon...

Nanlumo ako, ramdam na ramdam ang bigat sa aking dibdib.Napatingin ako sa kawalan, hindi makapaniwala sa mga pangyayari. Sinaktan ko si Zairon, sinabihan ko siya ng mga salitang hindi ko na maaring bawiin. Sa bawat salitang binitawan ko, ramdam ko ang pagsisisi na unti-unting kumakain sa'kin.

Nang makalabas na kami ay sinigurado muna ni Mordred na makapasok si Eunice sa kotse at ihatid ito sa mga kasama niya bago siya bumaling sa akin. Humingi rin siya ng paumanhin kay Jorih dahil sa gulo. Habang ako ay hindi na makaimik at gusto ko nalang na hanapin si Zairon.

Sumunod ako kay Mordred at doon kami sa gilid lang nakatayo na wala masyadong taong dumaan. Lumalamig na rin ang gabii, marahil ay malapit ng mag madaling araw.

"P-paanong naging asawa mo si Eunice? Sa naalala ko kasi ay girlfriend siya ni Zairon noon?" Unang bungad ko agad na tanong. Napahinga ng malalim si Mordred pero kahit namomroblema na siya ay pormal na pormal pa rin ang tindig niya.

"Pilit lamang ang relasyon ng dalawa dahil sa kay Don, Miss. Lahat naman ng naging girlfriend ni Sir. Gavilan ay mga pinipili ng lolo niya pero nakipaghiwalay agad si Sir kay Eunice ng ilang araw pagkauwi nila sa Pampanga," huminto muna siya saglit at parang nagdadalawang isip pa siyang ituloy. "May gusto na ako noon pa kay Eunice kaya nasaktan ako nang malaman iyon pero hindi ko lang inaasahan na siya mismo ang pumunta sa bahay ko at... may nangyari sa amin."

Sa totoo lang, gwapo talaga si Mordred. Parang kaedaran lang rin siya nila Zairon kung tutuusin. Si Eunice naman ay mukhang mas matanda pa sa akin ng ilang taon pero maganda si Eunice, morena beauty at parang model ang kaso lang hindi ko talaga gusto ang ugali niya noon pa.

"Akala ko ay wala talaga siyang gusto kay Sir. Gavilan kaya ay nasabi ko lahat ng hindi dapat sa kaniya. May plano na pala siya dahil nalaman niya rin na may nagugustuhan si Sir na babae at sinadya talaga ni Sir na pumunta sa Pampanga para makita ang babaeng iyon." Sabay tingin ni Mordred sa akin na parang tinuturo niya kung sino ang babaeng sinasabi niya.

"Nang malaman ng lahat na buntis si Eunice, akala ng lahat ay galing kay Sir pero sa panahong iyon, nasa ibang bansa si Sir. Pinaako ni Eunice ang bata sa kaniya pero malaki rin ang hinala ko na ako ang ama kaya pagkatapos niyang manganak, nag pa DNA test ako sa bata at nalaman rin ng magulang ni Eunice ang nangyari at agad kaming pinakasal. Walang magawa si Eunice at kahit masakit sa akin na binalewala lang ako ni Eunice, masaya pa rin akong nagpakasal kami."

Mas lalo lamang akong nanlumo. Unti-unti ko ring napagdugtong ang lahat.

"Nagkausap na rin kami ni Sir. Gavilan noong isang araw at sinabi ko sa kaniya ang lahat. Akala niya raw kasi ay may ginawa na naman si Eunice sa kaniya dahil sa lahat ng mga babaeng umaaligid kaniya, si Eunice ang masyadong desperada. Dalawang beses niya na rin plinanong painumim ng drugs si Sir. Gavilan at mabuti nalang ay nalalaman agad ni Sir kaya hindi na siya nabiktima ng ganoon."

Nangunot ang noo ko. Bakit parang may mali? Hindi na nabiktima? Pero bakit noong sa birthday party ni Justine ay ininom niya?

"Talaga bang alam na niya kung may ganoong pangyayari siyang na e-encounter? I mean putting drugs on his drink?" I asked, confused.

Tumango si Mordred. "Yes, Miss. Alam niya kahit hindi niya pa nainom ang juice o pinaghalo ay nalalaman niya agad." Sagot niya na nagpagulo sa akin.

"Nalalaman niya agad? Paano?" Tanong ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya.

He shrugged, "He has his ways, Miss. He's always been good at reading people, at sensing when something's off."

Napaisip ako. Kung alam ni Zairon na mayroong drugs sa inumin niya, bakit niya ito ininom sa birthday party ni Justine?

But a realization hit me. Sinadya niyang inumin iyon- to lure me in.

I should have known in the first place. He told me that he stalked me, followed me and now he always plans something so I could talk to him again. Bakit ba hindi ko man lang iyon binabase sa mga ginagawa niya? It's hard to admit but he's obsessed with me. And now, I didn't even believe him. Kahit alam kong hindi healthy na magiging ganito siya sa akin pero naginhawaan ako. I have to apologize to him even though I don't like what he is always thinking pero kung hindi ko siya kakausapin, baka may gagawin na naman siyang hindi ko inaasahan.

Suddenly, a question popped into my head. "Mordred, this is a bit personal but can you be honest with me, please?"

Nagdadalawang isip siya dahil parang seryoso akong nakatingin lang sa kaniya pero bumuntong hininga na lamang siya kalaunan. "Yes, but I will answer it depende sa itatanong niyo. I can't leak something that might ruin Gavilan's name."

"I.. I just want to ask kung totoo bang naglagay rin ng druga ang lolo ni Zairon upang inumin niya. Iyon ba ang rason kung bakit naging ganoon ka defensive si Zairon ngayon?"

Matagal siyang nakasagot pero mukhang wala rin naman siyang choice kung hindi sagutin ang tanong ko.

"Yes, Miss. Lahat kasi ng mga babaeng pinapasundo kay Sir.Gavilan ay umuuwing luhaan. Hindi naman niya sinasaktan physical pero masakit po talaga magsalita si Sir. Gavilan lalo na kapag galit siya. Nang malaman ng lolo niya na ayaw niyang magpakasal, naging desperado ang lolo niya at hinahayaan ang mga babaeng akitin lang siya ng akitin hanggang sa naging immune na lamang ang katawan ni Sir. Naputol lang ang ganoon nang hiniwalayan niya si Eunice. Hindi ko ho alam kung ano ang sinabi ni Sir sa lolo niya kung bakit hindi ko na nakikitang may mga babaeng dinadala ang Don para sa kaniya."

"Alam ba ito ng pamilya niya? Kahit sa mga kapatid niya na ganoon ang nangyayari sa kaniya?"

"Hindi po ako sigurado kung nalaman nila pero hindi po kasi masyadong nagsha-share ang Don at si Sir ng mga kaganapan sa Mansiyon pero huwag niyo po sanang isipin na masama po talaga ang Don. Ayaw niya lang po talagang mag isa nalang sa buhay ang apo niya lalo na at hindi naman close si Sir kahit sa pamilya niya."

"Hindi yun sapat na rason para pilitin si Zairon na magpakasal sa hindi niya gusto o hindi niya mahal. Hindi ba niya naisip na mas lalong magiging malungkot si Zairon kung ipipilit niya yun?" Sagot ko, hindi mapigilang maging emosyonal.

Tumango siya. "Tama po kayo, Miss. Pero hindi naman po natin mababago ang mga pangyayari. Ang mahalaga ngayon, alam na natin ang totoo at maaari na nating itama ang mga mali."

Napabuntong hininga ako. "Oo nga, pero hindi ko alam kung paano ako haharap kay Zairon. Ang dami kong sinabi sa kanya, hindi ko alam kung paano ko mababawi yun."

"Hindi naman po huli ang lahat. Ang importante, handa kayong humingi ng tawad at ituwid ang mga mali. Sigurado ako, maiintindihan ni Sir Zairon yun." Sagot ni Mordred, na may kasamang ngiti.

Napangiti rin ako, "Mordred, salamat sa pagiging open sa akin. Alam kong hindi madali ang lahat ng ito para sa iyo. Pero, may isa pa akong tanong. Saan ko mahahanap si Zairon ngayon?"

Umiling lamang siya. "Matagal ng hindi umuuwi si Sir sa bahay ng Don Miss. Bumibisita lang siya minsan pero hindi rin naman siya nagtatagal. Masyado po kasing masekreto ang senyorito kaya hindi po namin alam kung saan siya ngayon."

With a heavy heart, I bid Mordred goodbye. I needed to find Zairon. I needed to apologize. I needed to talk to him.

Nasa kalsada lang ako at kinuha ang phone ko. Alam kong siya ang yumakap sa akin kanina. At sana nandito pa rin siya. Gusto ko siyang makita.

Even though I didn't block him, he didn't call for days. Nagsimula na akong mag alala dahil masyadong masakit ang mga sinasabi ko. Hindi man lang ako naniwala sa kaniya pero hindi rin naman niya ako masisisi, nasaktan rin ako sa nalaman ko tapos ganito pala.

Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi pa rin siya sumasagot. Mas lalo akong nakonsensiya. Hindi ko naman alam kung saan siya ngayon at masyado na ring gabi. Tumawag nalang ako kay Zaiden at tatlong ring lang ay sinagot na niya.

"Zaiden.." biglang tumulo ang luha ko. Mas lalong bumibigat ang puso ko dahil naalala ko pa ng lubos ang mga sinasabi ko sa kaniya.

"Laurenestine? Where are you? I heard cars. Are you outside?"

"Z-zaiden.. alam mo ba kung saan ang kapatid mo?"

Hindi agad sumagot si Zaiden pero narinig kong may tumunog sa kabilang Linya. Mukhang may ginagawa siya.

"Na-nadistorbo ko ba pagtulog mo?"

"No, no. I'm still up. Chineck ko lang ang bahay sa Manila kung nandoon ba si Zairon. You're in Manila, right?"

"Yes.. Pero nasa bar ako ng kaibigan ko ngayon."

"What? Who's with you? May hahatid ba sayo?"

"Wala, ako lang mag-isa. I need to talk to Zairon, Zaiden. It's important," I said, my voice trembling.

"Okay, okay. Calm down, Laurenestine. Let me check if he's home. But you should not be alone right now. Where's your friend? Can't she drive you home?"

"Hindi, Zaiden. I need to see Zairon tonight. I need to apologize to him. I need to fix things," I insisted, tears streaming down my face na agad ko ring pinunasan. Lumalamig na ang paligid pero parang nawalan na akong pakialam.

There was a pause on the line, and I could hear Zaiden sigh. "Alright, I understand. Let me just confirm where he is, and I'll get back to you. But please, stay safe. Don't go anywhere alone."

"Thank you."

"Don't thank me yet, Laurenestine. We still need to find Zairon. I'll call you back as soon as I have any information, okay?"

"Okay," I replied.

Pagkatapos kong binaba ang tawag ay hindi pa rin nawawala ang guilt sa dibdib ko. My love is not enough in the first place because I didn't trust him but he surely did love me and it's obvious, ako lang talaga ang mali.

I returned to the bar, hoping to distract myself while waiting for Zaiden's call. The loud music and the crowd didn't do much to ease my anxiety, but at least it kept my mind off things for a while. Parang walang nangyari sa loob pagkatapos ng komusyon kanina at hindi rin naman sila nagtanong sa akin kung ano ba ang nangyari sa amin.

Hindi ko na pala namalayan na nakarami na ako ng alak. Imbis na damayan ako ng dalawang babae, mas lalo silang nag alala sa akin dahil kanina pa ako nag iinom.

"Hala, ngayon ko lang nakitang ganito kawasted si Laurene. Ano bang nangyari? Bothered pa rin ba siya kanina?" hindi ko na alam kung sino ang nagsalita dahil napapikit na ako habang ang isang kamay ko ay nakahawak pa sa baso. Naramdaman kong may kumuha sa baso kaya nakipag agawan ako rito.

"A-ano... ba.. bi-bitawan mo nga!" Napatakip ako ng bibig dahil nasisinok na ako. Bakit ba kasi hindi pa tumawag si Zaiden? Hindi ako uuwi kapag walang tawag akong makuha galing sa kaniya.

"Girl, tama na. Lasing ka na oh. Mapapatay tayo sa parents mo ih."

Hinila ko pa rin ang baso at umiling ng umiling. Dinuro ko siya kahit nanlalabo na ang paningin ko.

"Hi-hindi ako titigil k-kapag walang tawag galing sa kaniya.. okay?" Napasinok ulit ako ng ilang beses pero mas nainis ako dahil hindi man lang niya binitawan ang baso.

"Tigilan mo 'ko, okay?" I slurred, trying to pull the glass from her grip. "K-kailangan kong ma..makausap si Z-zairon."

"Ay, Zairon na naman. Girl, hindi healthy 'yan ah," she said, shaking her head. "Nag-aalala na kami sa'yo."

"Alam kong... nagkakamali ako, ka-kaya nga gusto kong humingi ng.. tawad sa k-kanya," nabasag ang boses ko at mabilis nangilid ang luha ko. Sising-sisi ako sa sinabi ko sa kaniya.

"Laurenestine, hindi ka namin mapipigil kung gusto mo talagang makipag-usap kay Zairon. Pero hindi healthy 'yung ginagawa mo ngayon. Lasing ka na, hindi mo na alam ang ginagawa mo," she said.

I tried to argue, but my words were slurred, and I could barely keep my eyes open. I covered my face because I felt a sudden emotion. Umiiyak na ako dahil naaalala ko na naman ang expresyon niya noong nag away kami. I even said that I don't want to see him again. He just needs me but I'm always abandon him. Ako dapat ang palagi niyang kasama pero ako pa ang unang tumataboy sa kaniya.

Zaiden's story about him makes me even more guilty. I tried to put my trust in him but I'm still doubting him.

"I-I'm so-sorry.. Zairon.. I'm sorry for hurting you again.." hikbi ko at sumuksok na ako sa upuan.

I was vaguely aware of the concerned voices around me, but everything seemed distant and blurry. My heart ached with regret, and I felt the tears streaming down my face again and again.

"Laurenestine, you need to go home. You're not in a good state," one of my friends said. I don't know if she's Jorih or Sheriah. Hindi ko na inaalala iyon.

"No.. I need to see Zairon.." I insisted, trying to stand up but my legs felt like jelly.

"You can't even stand properly. Let's just go home, okay?" Another friend suggested, trying to help me up.

"No.. I need to apologize.." nasinok pa ako ulit at parang masusuka na ako.

Just then, my phone buzzed. I quickly grabbed it, hoping it was Zairon.

"He-hello?" I answered with a shaky voice.

"Laurenes-" Hindi ko na narinig pa ang sasabihin nito nang may humablot sa phone ko. Napasimangot ako at kinuha ang phone sa kung sino ang humablot.

"A-ano ba! Akin na ang phone ko! Bu-bumili ka ng sayo!" Naiinis kong wika at pilit kinukuha ang phone ko sa kamay niya. Mas nilayo niya ito kaya muntik na akong matumba kung hindi niya lang nahawakan ang balikat ko. Bigla niya akong sinandal sa katawan niya kaya mas lalo lang yatang uminit ang katawan ko. Bakit ba ang init?

"I'm here.. yeah, don't disturb us for days.. ikaw na bahalang magsabi sa pamilya niya.." Rinig kong saad ng kasama ko. Nangunot ang noo ko, bakit yata pamilyar ang boses ng magnanakaw ng phone ko?

"Shut up Zaiden.. She's mine." dagdag na naman niya. Naramdaman ko pang hinahaplos niya ang buhok ko habang ako ay pilit pinapalinaw ang mata ko. Nahihilo rin ako at hindi ko na halos makita ang paligid.

"Zairon?" I mumbled, my vision starting to blur. I tried to focus on the man holding me, but I felt so weak and dizzy.

"Yes, it's me, baby.. I'm here," malambing niyang sambit. I could feel his arms around me, supporting me.

"Zairon.. I'm sorry.." I whimpered. Tumulo na naman ulit ang luha ko.

"Shh.. It's okay. We'll talk about it later. For now, let's get you home," he said, wiping away my tears at inayos ang mga buhok na tumatabon sa mukha ko. "You're still beautiful even if you're haggard."

Sumimangot lang ako at tinapik ang kamay niya. He chuckled when she noticed what my reaction was but he lifted me up in his arms. Nakapulupot ang braso ko sa leeg niya at tinago ang sariling mukha sa kaniyang dibdib.

"I have to apologize.. I should have.. believe you. I should have trusted you.." Bulong ko.

"We will, baby.. We will. But not now. You need to rest," his voice was firm yet gentle. I wanted to argue, to tell him that I needed to apologize now. That I couldn't wait. But my eyes were heavy, and I could barely keep them open.

"Promise..?" I mumbled, halos naging bulong nalang rin iyon.

"Yes, I promise. Now, let's get you home," Hindi ko na alam kung saan na kami pero unti-unting nawawala ang maingay na paligid at biglang tumahimik. Narinig ko rin ang pagbukas ng pintuan ng kotse.

I felt a sense of relief washing over me. I knew I had a lot to apologize for, a lot to make up for. But for now, all I needed was to be with Zairon. To know that he was here with me.

Ngunit bago pa naging madilim ang paligid narinig ko pa ang boses niya.

"Nagtatampo ako, Laurene kaya kailangan mo akong suyuin hanggang kailan ko gusto."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top