TEN
"Laurene!"
Pagkapasok ko palang ng VIP room ay bibig na agad ni Jorih ang sumalubong sa akin. Tumayo agad siya galing sa pagkakaupo at lumapit sa puwesto ko. Nakatingin rin sina Sheriah at ang nobyo niya.
"Bakit late ka? Kanina pa kita tinatawagan!" Sabay pamewang sa harap ko. Nakasuot siya ng mini dress na tube at ponytail ang mahaba niyang blond na buhok.
"Uh, may ginawa lang pero okay na ngayon." Pagdadahilan ko kahit na alam kong late lang talaga ako nagising.
Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Infairness ah, ang ganda mo ngayon parang unbothered lang 'eh no? Ikaw na talaga haha!" Ngumiwi lang ako habang pabiro niya akong tinampal.
Nakasuot lang naman ako ng fitting black dress na backless pero dahil mahapit ay makikita talaga ang cleavage ko. Katamtaman lang ang buhok ko kaya ay pina wave ko lang ito ng bahagya.
"Hi Laurene, babe!" si Sheriah.
Bumeso ako sa kaniya. "Happy birthday pala, Sheriah."
"Thank you, ang saya ko talaga dahil pumunta ka. Ilang araw kang wala ah."
Napatingin ang mga kasama namin sa room dahil sa mga pinagsasabi nila. Mas marami ang mga lalaki kaysa sa babae kaya ay halos napunta sa akin ang mga mata nila. Napakamot na lang ako ng braso dahil sa kaba.
"Ah, oo.. may ginagawa lang." I answered.
Jorih chuckled, "Well, you made quite an entrance, and I think everyone here appreciates it. Come, have a seat." She gestured to an empty spot beside her.
I walked over and greeted Sheriah's boyfriend, exchanging pleasantries before I saw Tristan in the corner. Umiinom siya ng alak sa corner at parang wala man lang pakialam sa paligid. Gusto ko siyang lapitan kaya ay nagpaalam muna ako kay Jorih na ngayon ay kausap na ang mga bagong dating.
"Tristan."
Bumaling ito sa akin at ngumiti ng matipid. "Hey." Tinaas niya ang kaniyang alak at ininom iyon bago magsalita ulit."Kumusta? Ilang araw ka yatang absent."
Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil awkward parin ang nangyari noong nakaraan. "Ah, ano kasi.. mukhang lilipat ako ng skwelahan."
Tumaas ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin. "You're avoiding him?"Nag alinlangan akong ngumiti. "Umupo ka rito, let's talk. We haven't talked since that night." Dagdag niya pa nang mapansin niyang nakatayo lang ako sa harapan niya.
Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi lang rin niya at pinagmamasdan lang siyang nagsasalin ng alak sa isa pang baso.
"I guess, one shot is okay?" Tumango ako at kinuha ang baso pero hindi ko muna ininom.
"Nasabi ng school na edited lang ang video but I didn't believe that." Kinabahan ako. Lumunok ako at hindi makatingin sa kaniya. "They told us that so they will clear the misunderstanding. Why don't they just announce that the Professor has a twin?"
"Alam mo?"
Sumulyap siya sa akin bago tumungo ang mata niya sa nilalaro niyang alak sa baso.
"Jorih told me," he paused. "If I hadn't forced her to tell me, hindi niya talaga sasabihin. So, what's the reason why they couldn't tell us that the Professor has a twin?"
Nagkibit balikat ako. "I don't know, umalis rin ako pagkatapos roon pero nakipag usap naman si Dean sa akin sa phone na sila na raw bahala magpaliwanag. Hinayaan ko nalang."
"You can't just leave it like that, Laurene. Marami tayo roon, may magsasalita talaga."
"Anong magagawa ko? Kung tatanungin nila ako, 'eh sasabihin ko. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagkaganito."
Nacurious siya sa sinabi ko. "Anong kasalanan mo naman?"
Umiwas ako ng tingin at ininom ang alak kaya lang ay nagulat ako dahil may humablot sa baso. Tumalsik pa iyon kaya ay napatayo agad ako.
"Tsk, you're not allowed to drink."
Parang lahat ng alaala ko noong mga nakaraang araw at ang nararamdaman kong galit ay bumalik nang marinig ang boses na iyon.
Bumaling ako rito at nakatayo na pala siya dala ang basong alak na hinawakan ko kanina. Tumaas ang kilay niya at siya mismo ang uminom rito at saka nilagay agad sa mesa. Nakatingin lang kami sa kaniya at pati ang mga tao sa loob ay napahinto rin.
Sinigurado ko pa dahil baka nagkamali ako pero dahil iba ang fashion style niya ay nalaman ko agad na siya ang kambal ni Professor Zaiden. Wala siyang suot na eye glasses ngayon at nakaayos ang buhok niya. Napansin ko rin na may kulay ng kunti ang noo'y itim niyang buhok.
Dinilian niya ang kaniyang labi at lumapit sa harapang upuan upang umupo at saka nag diskwatrong nakatingin lang sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" Mahinahon kong tanong kahit sa loob ko ay gusto ko na siyang sigawan.
"I invited myself. What's the occasion?"Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to para pumunta tapos hindi pala alam.
"Bakit ka nandito kung hindi mo naman pala alam kung anong okasyon? Bobo ka ba?"
Napasinghap ang lahat sa sinabi ko. Tiningnan ko sila at ngayon ko pa naalala na wala silang alam na may kambal ang Professor. Akala ko ay magagalit siya pero nawiwili lang siyang nakatingin sa akin. Nakalumbaba pa siya at inobserbahan ang reaksiyon ko. Nakaramdam ako ng inis at kahihiyan dahil sa lalaking 'to. Ang kapal ng mukha niya.
"I didn't know. I just thought it was a regular party," he replied with a smirk, seemingly unfazed by my frustration.
"Regular party? You barged in like you own the place!" I retorted.
Zairon leaned back in his chair, crossing his arms. "Well, it's not every day that I get invited to a celebration. I figured I'd check it out."
Pinagmamasdan niya ang kabuuan ko at may kumislap sa mga mata niya. "By the way, nice dress. Really accentuates your, uh, assets," dagdag niya na may kumpas ng tingin sa cleavage ko.
Napakunot-noo ako sa kilos niya. "Seriously? Hindi ako interesado sa mga flirty moves mo, especially after what happened. Kapal ah." Mabuti nalang at bumalik sa kung ano ang ginagawa ang mga kasama namin tapos si Tristan naman ay biglang nawala. Hindi ko siya napansin dahil sa lalaking 'to.
Tumawa siya ng bahagya. "Come on, relax. I'm just here to have a good time. No need to be so uptight."
Hindi ko matanggihan ang init ng ulo. "Uptight? Ikaw nga 'yung bigla-bigla na lang dumating dito nang walang imbitasyon! What's your agenda?" Duda ako sa lalaking 'to, masyado na siyang papansin.
Napalapit siya ng kaunti, at sa malamlam na ilaw ng lugar, mas lalong naging nakakainis ang kanyang ngiti. "Agenda? Wala naman, just wanted to see if the rumors about a gorgeous lady making the party more interesting are true."
"Wow, flattery. As if that's going to work for me," sabi ko, binubukas ang cellphone ko para kunwari'y may kailangang gawin at umupo ulit sa upuan.
He grasped my cellphone, raising it in front of him. With one hand firmly gripping the chair's armrest, he leaned in and bringing his face closer to mine.
"Why don't we just enjoy the party, Laurene? No need to make things complicated."
Tumayo ako at kahit alam kong magkakalapat ang mukha namin ay hindi ako nagpatinag at inangat ang aking kamay upang maabot ko sa kaniya ang cellphone ko. Hindi ako umiwas ng tingin at isang pulgada nalang ay mahahalikan ko na siya. Ngumisi siya habang nakatitig rin sa akin.
"Hindi ako interesado sa kahit anong gusto mong gawin. Maghanap ka ng ibang babaeng parausan mo." Hinablot ko ang aking phone at tinulak siya upang lumuwag ang pagitan namin dalawa. Masyado kaming malapit, nawawalan ako ng hangin lalo na sa mga mata niya.
Ngumiti siya lalo at tumingin sa paligid. "Mukhang masarap ang selection dito. Pero mas maganda pa rin kung ikaw ang pipiliin ko." Damn this jerk, hindi ko siya kayang makasama.
"Zairon, just stop!" Mariin kong singhal at matalim siyang tinitigan. "I don't need this right now," sabi ko, tinatabi ang cellphone ko at iniwasan ang mata niya at umupo ulit ngunit sa ibang upuan naman dahil unti-unting nawawala ang mga tao sa loob, mukhang lumabas para sumayaw.
He leaned in where I sat and whispered, "Relax, I'm just having a bit of fun. No harm in that, right?"
"I doubt your idea of fun is harmless," sabi ko, napipilitang ngumiti. Gaano ba siya kawalang pakealam? Parang wala lang nangyari ah? He's really pissing me off.
Lumapit ulit siya sa akin at bigla niyang hinawakan ang pulso ko at hinila ako patayo. Hindi agad ako nakadepensa nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa leeg ko. I felt the tip of his nose tracing my skin until it reached my cheek.
"Ang bango mo, Laurene. I miss smelling you." Nangilabot ako sa ginawa niya at kahit nanghihina ako dahil sa presensiya niya ay buong lakas ko siyang tinulak.
Isang hakbang lang ang naging resulta ng pagtulak ko pero sapat na iyon upang hindi niya ako malapitan pa dahil agad akong lumayo ng ilang metro. Iginala ko ang aking tingin at wala sila Sheriah at Jorih, pero may mga tao parin naman kaso mukhang walang pakialam sa paligid at may naghahalikan pa sa gilid.
"Naiinggit ka ba sa kanila?" Nabigla ako nang hinawakan niya ang baywang ko habang nasa likod ko na siya. "Gusto mo gawin din natin 'yan, baby?" Malambing niyang sabi.
Habang hawak niya ang baywang ko, naramdaman ko ang init ng galit sa aking dibdib. "Huwag mo akong hawakan ng ganyan, Zairon. Hindi ako natutuwa sayo."
Ngumiti siya ng malandi at nagpatuloy sa pambubuyo. "Relax, Hindi naman kita sasaktan. Just trying to have some fun."
Napailing ako at tinanggal ang kanyang kamay mula sa aking baywang. "I don't find your idea of fun amusing. Stay away from me."
Pero hindi siya natitinag. Lumingon siya sa akin ng may pag-aasar sa mga mata. "Come on, don't be so uptight. I'm just being friendly. Friendly with a little flirt." Ngisi niya pang sambit. Bakit ganito siya kakulit? Hindi naman ganito si Professor Zaiden.
"Friendship doesn't involve invading someone's personal space," mariin kong sinabi, pinipilit na itago ang galit na bumabalot sa akin.
Hinawakan niya ang aking braso at pinilit na bumaling ako sa kanya. "I know you're still upset about what happened at University, but can't we just enjoy the night? Forget about the past, Laurene."
"Hindi mo ba naiintindihan ang salitang 'no'? I don't want anything to do with you," sigaw ko sa mukha niya.
Naglakad ako palayo mula sa kanya, subalit sunod siya ng sunod. Umiinit ang dugo ko at malapit nalang ay mapuputol na ang pasensiya ko.
"You can't avoid me forever, Laurene."
Huminto ako at matalim siyang tinitigan. "I can avoid you eternally, Zairon. Hindi ka importante sa akin kaya wala akong pakialam sa'yo. Please lang, lubayan mo na ako."
Mabilis kong inihakbang ang paa ko at lumabas ng VIP room. Tumataas ang dugo ko sa kaniya lalo na at nakikita ko siya. Ayoko siyang makita, naririndi ako sa boses niya at naiirita ako kapag nakikita ko ang mukha niya dahil naalala ko lang ang panloloko nila sa akin.
Bumagal ang paglalakad ko nang nakaramdam na naman ako ng panghihilo. Wala pa naman akong nainom, ano bang nangyayari sa akin?
"Baby!"
Kahit nahihilo ay tinuloy ko ang paglalakad ko at hindi na siya nilingon pa ngunit napakabilis ng paglalakad niya at agad niya akong naabutan.
"Hey, why are you leaving me?"
Tinulak ko siya dahil mas lumalapit siya sa akin at ayokong lumalapit siya lalo na at naiirita ako sa pabango niya. Ibang iba ang bango ng perfume niya kaysa sa pabango ni Professor Zaiden at mas gusto ko pang amoyin iyon kaysa sa amoy niya.
"Ano ba? Hindi ka ba nakakaintindi? Please lang naman, ayaw kitang makita at makasama, hindi ikaw ang gusto kong kasama, Zairon. Hindi ikaw ang lalaking gusto ko. Naiintindihan mo ba ako?" Dahil sa pagkainis ko ay bigla na lamang uminit ang sulok ng mata ko at nagtagpuan ko nalang ang sarili na umiiyak.
"B-baby.." masuyo niyang saad pero mas lalo lamang akong naiinis.
"Don't call me baby! Huwag mo na akong pakialaman pa. Maghanap ka ng ibang babaeng parausan mo dahil hindi mo na ako makukuha pa!" Galit kong bulyaw.
"You want me to find another woman?" Parang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.
"Oo! Wala ka rin namang mapapala sa akin. Hindi kita kayang mahalin!" I shouted out of frustration.
"You can just pretend that I'm Zaiden, Laurene. Wala akong pakialam kung siya ang babanggitin mo kapag magkasama tayo pero huwag mo akong utusan na layuan ka. Hindi ko na kaya 'yon." Seryoso niyang sambit.
"Hindi mo kaya pero nakakaya mo naman akong lokohin? Ano 'yon?" I snapped back.
"Hindi ko pa rin babawiin ang sinabi ko sa'yo, hindi ako magsisisi sa ginawa ko. Kung tatangkain mo akong layuan, hahanapin kita kahit saan, Laurene kaya huwag ka ng magplano pa dahil magiging useless rin naman."
Hindi ko natiis ang mga sinasabi niya at mas lalong uminit ang ulo ko. "You're unbelievable, Zairon. I don't want anything to do with you, not now, not ever!"
"Hindi mo talaga ako matitiis, Laurene. You can push me away, but you make me crazy. I'm crazy Laurene, you can't push a crazy person like me."
"Zairon, you're not crazy. You're just selfish," sabi ko, pinipigilan ang sarili na maging emosyonal. "You only care about what you want, not what I want or need."
"Laurene, I--"
"No, Zairon," putol ko sa kanya, ang aking mga luha ay tumutulo na sa aking mga pisngi. "You don't get to speak. You don't get to spin this situation into something where you're the victim. You lied to me, you deceived me, and you expect me to just forgive and forget?"
"Laurene, please," pakiusap niya.
Tumalima ako ng mas malalim na hininga at iniwas ang tingin sa kanya. Pinupunasan ko ang luha ko dahil bakit ba ako iiyak sa lalaking 'to?
"Alam mo ba talaga kung ano ang gusto mo, Zairon? Kasi parang hindi eh. Mukhang hindi mo maintindihan na ayaw ko sa 'yo," sabi ko na bahagyang may suklam sa boses ko. "Hindi ikaw ang gusto ko, Zairon alam mo 'yan pero bakit tinutulak mo pa rin ang sarili mo sa'kin?"
He moved closer, his grey eyes piercing the dimly lit space between us. It was dark where we stood, but the faint glimmers of light were enough to illuminate our faces.
The music from the dance floor echoed around us, but it felt distant, irrelevant. I didn't care if anyone saw us arguing. Suddenly, he lifted my chin, forcing our eyes to meet. I wanted to pull away, but a strange weakness overcame me.
"I know what I want, Laurene," he said, "And it's you. It's always been you."
"Stop involving me in your delusions," I retorted, my voice laced with bitterness. "I don't love you and I don't want you. Accept that."
"Hindi kita susukuan hanggang hindi mo ako inaamin na minahal mo rin ako." He responded.
Marahas kong binawi ang mukha ko at tinulak siya palayo sa akin pero dahil malaki ang katawan niya, parang nagtutulak lang ako ng poste.
"Hindi mo ba talaga maintindihan? Hindi kita mahal! Hindi ko kailangan ng taong tulad mo sa buhay ko!" Singhal ko. "At pwede ba, lumayo ka sa akin!" Sabay talikod ko pero nagulat ako nang mabilis niya akong nahila at nasandal ako sa pader. Napapikit ako dahil sa impact ng pagtama sa aking likod pero mas nagulat ako nang dumampi ang kamay niya sa likod ko at hinimas iyon na parang sinigurado niyang walang masakit sa akin.
Tiningnan ko siya sa mata at lumunok. "Tama na Zairon. Pakawalan mo na ako." Pagod kong sambit.
No," he replied, his voice is hard as steel. "You love me, Laurene. And I'll do everything to prove that to you." His grip on my arms tightened and his thumb gently ran over my skin.
"Wala nga, ano ba? Hindi kita mahal, okay? Bakit ba pabalik-balik ka ha?" Naiinis kong sagot at iniwas ang aking tingin dahil sa lapit ng mukha namin.
"You can deny it all you want but deep down, you know the truth. You're just trying to convince yourself otherwise."
I clenched my fists."You're insane if you think I'll ever love you. You're nothing but a manipulative, delusional jerk!"
Umigting ang panga niya. "Watch your mouth, Laurene. You wouldn't want to provoke me." Banta niya.
Tinulak ko siya at pilit lumayo ng distansiya. Hindi ko kaya ang paglapit ng katawan namin dahil nakaramdam ako ng kabaliktaran.
"Hindi ako natatakot sayo," Matigas kong sambit at nagtagis ang bagang ko dahil sa inis. Masyado siyang makulit. "Baliw ka na talaga." Tila naiiling kong bulong sa sarili at napasapo na lamang sa noo.
"You're not crazy too? It's just that it's for my brother," he shot back, a bitter edge to his voice. "Kung galit ka dahil niloko at ginamit kita, don't mind if gamitin mo rin ako, Laurene. Mas mabuti na 'yon kaysa lagi mo akong iniiwasan. Hindi ako sanay ng iniiwasan ng taong nagugustuhan ko."
Nagkatitigan kami at ito na naman ako, nanghihina sa mga walang emosyon niyang mata.
"Use me, Laurene," mahina niyang wika. "Kahit hindi mo ako mahalin katulad ng pagmamahal mo kay Zaiden basta, hayaan mo na ako. Hayaan mo lang ako."
Lumunok ako at habang tumatagal ay nasasaktan lang ako kapag mas tumitig pa ako sa mata niya. Hindi ko alam kung bakit humaplos ang mga salita niya sa puso ko at lumalambot ang nararamdaman ko pero tinatak ko na sa sarili kong si Zaiden lang ang nasa puso ko at wala ng iba pa kahit na ikakasal man siya, kahit magkapamilya siya ay hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya pero hindi ko lang alam kung bakit nanghihina at natutuliro ako sa mga salita, presensiya at haplos ni Zaidon.
Kinuha ko ang kamay niya at binaba iyon.
"I can't.. Zairon. Hindi ako ganoong babae. I can damage my own name, embarassing myself in front of everyone but I never used anyone. Please.. just stop this."
Pumikit siya at nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. "Why are you making this so difficult? I'm not used to being rejected like this."
I squared my shoulders, trying to stand my ground. "I've made it clear that I want nothing to do with you. Please respect that."
Marahas niyang sinuklay ang buhok niya paitaas at binasa ang sariling labi bago niya ako tiningnan ulit.
"Respect? You think I don't respect you? It's not about disrespect, Laurene. It's about not being able to control what I feel."Naging desperado ang kilos niya at expresyon. "I've never felt like this before. I can't sleep, can't focus, and it's all because of you. Hindi ko maintindihan! I'm so fucked up!"
"Your a doctor right? Kaya mo na ang sarili mo, hindi ako ang solusyon sa nararamdaman mo ngayon."
Iniling niya ang saliring ulo at tumawa ng mapait. "Do you think therapy can fix what's happening here?" He pointed to his chest. His desperation turned into anger as he took a step closer and closing the gap between us again. "You're just like the others, Laurene. Always pushing me away, treating me like I'm some kind of problem."
I raised my voice. "Bakit, hindi ba?" Nagsalubong ang kilay niya. "Ikaw lang naman nagpalaki ng problema. If you could just leave me alone, wala ka sanang problema ngayon."
"You're not considered a problem to me, Laurene," Natahimik ako at tinitigan lang siya. "Ikaw lang ang babaeng hindi ko magawang paalisin sa buhay ko. Ikaw lang ang bumaliw sa akin ng ganito at wala akong pakialam kung may nararamdaman ka sa kapatid ko dahil gagawa ako ng paraan para hindi ka maagaw ng kung sino kahit kamuhian mo pa ako habang buhay!"
Suminghap ako nang may inis. "Hindi mo ba alam ang salitang rejection, Zairon? Gusto mo bang ipakita ko sa'yo na kung gaanong wala akong pakialam sayo?"
His jaw tightened and his teeth grinding together. His lips, which usually held a confident smirk, were now pressed into a thin, stern line.
"Laurenestine? Zairon?" Sabi ng pamilyar na boses at alam ko kung sino iyon. Napapikit ako sa iniisip ko ngayon.
Hindi niya ako napigilan nang umalis ako sa harap niya at lumapit sa lalaking dumating. Naguguluhan itong nakatingin sa amin pero wala na akong pakialam pa sa mangyayari. Hinablot ko ang necktie nito at agad kong hinalikan ang lalaki.
Tila na estatwa iyon sa ginawa ko. Pumikit ako at namalayan ko nalang na lumuluha na ako. Nagulat na lang ako nang hinapit ako nito sa baywang at tinutugon na niya ang mga halik ko. Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko matagalan na lumapat ang labi niya sa akin dahil hindi ito ang hinahanap ko.
Nagkatinginan kami at siya ang unang pumutol ng tinginan namin at saka bumaling kung saan ang puwesto ni Zairon.
"He's already left." Anunsiyo niya.
Tila nanghihina ako kaya ay hinawakan niya ako sa braso at pinatayo ng maayos.
"I'm sorry.." iyon lang ang tanging nasabi ko. Kitang-kita sa expression niya na namomroblema rin siya sa nangyari.
Napakamot na lang siya sa batok. "I guess, kailangan ko ng maghanda sa galit ng kambal ko."
"Mas namomroblema ka pa sa kapatid mo kaysa sa fiance mo." Nagkibit balikat siya.
"Well, I broke up with her."
Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko nagustuhan ang nararamdaman ko ngayon. I should be happy now dahil hindi na siya magpapakasal, maagaw ko na siya at magiging akin pero wala akong maramdaman. I hate this feeling, I hate this.
"Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita."
Lumingon ako pabalik sa kaniya at ngumiti ng matipid. "Magpapaalam muna ako sa mga kaibigan ko."
"Okay, I'll wait."
Bumalik ako sa VIP room dahil baka nandoon ulit sila Jorih pero iba ang nakita ko. Kitang-kita ng mata ko kung paano hinahawakan siya ng babaeng kasama namin kanina sa room at hahalikan na dapat siya nito kaya lang ay tinulak niya ang babae at napaupo ito sa sahig.
"You're disgusting."
Dumiretso ang tingin niya sa puwesto ko at napansin ko ang pamumula ng kaniyang mata ngunit umiwas agad siya at uminom ng alak. Nakita ko pa si Jorih na lumapit kay Zairon at saka sa babae kaninang napaupo sa sahig at nakatulog na. Lasing na pala ito.
"Ang babaeng 'to talaga. Kung sino-sino hinahalikan kaya nasasaktan eh." Reklamo ni Jorih at saka tinapik ang mukha nito. "Huy, Les! Umuwi ka na. Hinahanap ka ng ate mo sa akin!"
Humakbang na ako papasok at iniwasan na tumingin kay Zairon na ngayon ay nakatigilid at umiinom. May lumapit na ibang lalaki sa kaniya at may sinabi na hindi ko narinig. Tumayo at umupo siya sa mga nagkukumpulang lalaki at hindi man lang magawang sumulyap sa akin man lang.
"Laurene! Saan ka ba nagpupunta?"
Tumingin ako kay Jorih nang magsalita siya. "Ah, sa labas lang. Magpapaalam na sana ako."
"Agad-agad? Wala ka pa ngang isang oras rito."
"Sorry, Jorih. Nahihilo kasi ako. Hindi ko matagalan ang naaamoy ko sa paligid."
Totoo naman. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to, Lalo na kapag masyadong matapang ang naamoy ko. Nahihilo agad ako.
"Hindi kaya buntis ka, Laurene?" mahina lang naman ang pagkasabi ni Jorih pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan akong tumingin kay Zairon. Nagpasalamat akong hindi niya iyon narinig.
"Kasi di ba, noong nag bar rin tayo one week ago ay ganiyan ka rin. Hindi ka naman uminom pero nahihilo ka. Baka nakaligtaan mong uminom ng pills?"
"Impossible, hindi ako buntis."
Tumaas lang ang kilay niya. "Sinasabi mo bang hindi mo natikman ang isa sa mga kambal?" Umismid ako. "What? Hindi naman siguro pupunta ang isang kambal rito kung wala ka. Halata namang ikaw ang pinunta niyan rito. Apo siya ng Don di ba? Malamang, busy 'yan."
"Wala akong pakialam sa kaniya, Jorih. Choice niya 'yan. Uuwi na ako. May naghihintay sa akin sa labas."
"At sino naman ang naghihintay sa'yo?" Hindi ko talaga matakasan ang mga tanong niya.
Bumuntong-hininga ako. "Si Professor Zaiden.."
Nanlalaki ang mata niya. "Ano? Pinatulan ka na ni Professor?!"
Ang lakas ng boses niya at alam kong nakatingin na si Zairon sa puwesto namin. Tinampal ko ang kaniyang braso. "Ang ingay mo, ihahatid niya lang ako."
Humalukipkip lang siya. "Sana hatid lang niyan ah. Iba ka pa naman mag isip. Baka nalaman ko nalang may viral ka ulit at hindi na halikan ang mangyayari."
May pumasok na waiter sa room kaya ay nabaling ang atensiyon ni Jorih. "Ay, nandito na pala. Sige Laurene, tatawagan nalang kita mamaya dahil baka mainip na ang Professor mo kakahintay sa labas."
Bumeso siya sa akin at doon narin ako naglakad palabas. Hindi na ako muling tumingin sa puwesto niya at dumiretso kung saan naghihintay sa akin si Professor Zaiden.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top