EIGHT

Napakapit ako sa pader nang maramdaman ko ulit ang hilo. Grabe, kagabi lang ininom ko 'yong ini-alok sa akin ni Sheriah, pero hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin. Ayoko na talagang subukan ang kakaibang alak sa susunod.

"Baby?" Rinig ko galing sa pamilyar na boses.

Bumukas ang mata ko at nakita ko siyang nag-alalang tumingin sa akin. May bitbit siyang pagkain at mukhang galing siya sa kusina dahil may suot pa siyang apron. Napalapit siya ng kaunti, ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala habang tinititigan ako.

Napaayos ako ng tayo at nginitian siya nang matipid. "P-prof.." Pero naputol ang boses ko dahil ramdam ko ang panghihina ulit.

His eyebrows furrowed, and he placed the tray of food on the bedside table. "Are you feeling alright? What did you drink last night? You look pale."

Nilapit niya ang kamay niya sa noo ko para tingnan kung may lagnat ako. Hindi naman ako mainit pero feel ko, magkakasakit ako dahil sa naramdaman ko ngayon. Resulta kaya ito ng pag skip ko ng meals?

Lumapit siya ng kaunti at sinipat ang kabuuan ko bago tumingin ulit sa aking mga mata.

"Pale?" I asked, napaupo ako sa kama para mawala man lang kahit kaunti ang pagkahilo ko. Inalalayan niya ako, ang kamay niya'y nasa likod ko para siguruhing hindi ako matumba.

He arched his eyebrows, "Yes, what did you drink?"

Nilagay ko ang aking kamay sa noo ko at marahang hinilot ito dahil pakiramdam ko'y hindi pa rin nawala. Ramdam ko rin ang asim na nararamdaman ko sa sikmura. "I don't know its name. Just one glass, but it was stronger than I expected."

Napalapit siya at tinignan ang aking mukha, halos idikit ang kanyang mukha sa akin para masiguradong okay ako. "You should've been more careful," he said softly, pero ramdam ko ang diin ng bawat salita niya.

Umupo siya sa tabi ko sa kama, ang isang kamay niya'y nakapatong sa balikat ko at marahan akong hinihimas. "You need to eat something to help settle your stomach."

"Okay," sagot ko habang nakayuko, pilit na nilalabanan ang hilo. Tumayo siya ulit at kinuha ang tray ng pagkain, inilagay ito sa harap ko.

"Eat, even just a little," sabi niya, ang kanyang tinig ay puno ng lambing at pag-aalala. "I made your favorite soup. It should help."

Napatingin ako sa kanya at nagpasalamat, kahit na nahihilo pa rin ako. Dahan-dahan akong nagsimulang kumain, ang bawat kutsara ay ramdam ko ang init at ginhawa na dala nito.

"Drink plenty of water and I bought a medicine for your dizziness," Tumango lang ako bilang pagsang ayon, "Uuwi muna ako dahil maaga ako ngayon."

He kissed my forehead before he headed outside my room. May sasabihin pa sana ako sa kaniya pero mukhang nagmamadali siya. Balak ko sanang sabihing pupunta ako sa kanyang opisina mamaya. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan na naman niya ako.

Tiningnan ko ulit ang pagkain at nilagay sa study table ko na malapit lang sa aking higaan.

I invited him to sleep with me in my apartment, and unexpectedly, we didn't do anything-just sleeping. Surprising, isn't it? But he really didn't make a move, and he ended up sleeping in the living room.

But I know he's just stopping himself. Ngayon pa bang umamin siya sa akin at doon pa siya nagpipigil?

I roamed around, a satisfied smile plastered on my face. My room no longer had any sign of Professor Zaiden's face. I removed it two weeks ago. Tinanggal ko ulit ang aking salamin at nag ayos ng maigi. I know he's early today dahil umalis naman siya ng maaga ngayon rito at dapat maaga rin siya sa University.

I took my phone before I went to the kitchen to grab the medicine he placed there. Before I swallowed it, I noticed that it had no label. Anong gamot ba 'to? Hindi ko nalang pinansin at ininom.

I will asked him about Shannon. If he really falls in love with me, he should have break up with her.

Matapos kong maghanda, agad akong nagtungo sa University. Maaga pa, kaya't kakaunti pa lamang ang mga estudyante, at ilan sa kanila ay kasali sa mga sports activity ng paaralan.

I immediately went to his office at nang makita ko siya sa loob ay agad akong kumatok upang mapansin niya ako dahil kaharap niya ang kaniyang laptop. Sumilip siya sa pintuan at nang makita ako ay sumalubong ang kaniyang kilay.

"Ms. Valencia?" Tumaas naman ang kilay ko, nagtataka sa kanyang pormal na tono.

"Wala pang estudyante dito, Prof. Why are you still calling me that?" Matigas kong sinabi at may halong tampo pa ang boses ko.

Hindi siya maka-react nang sinirado ko ang pintuan at kumandong sa kaniya. Napansin ko ang gulat sa kanyang mukha nang bigla ko siyang halikan sa pisngi at ilapit ang ulo ko sa kanyang dibdib, ang mga braso ko'y mahigpit na nakayakap sa kanya. Ramdam ko ang paghinga niya na tila naging mabigat.

"Why didn't you enter my room last night? Hinintay pa naman kita," malambing kong tanong at nilapat ang kamay sa leeg niya.

Sinubukan kong halikan siya, ngunit nabigla ako nang itulak niya ako. Napakapit ako sa mesa sa lakas ng pag-urong ko. Inatras niya ang upuan, kaya't tumayo ako habang naguguluhan. Kitang-kita ko ang tensyon sa kanyang mukha, ang mga mata niya'y nagliliyab sa galit at pagkabahala.

"What are you doing?" Mariin at matigas niyang tanong.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" Pagtataka ko at pilit iniintindi ang kanyang reaksyon.

"Why did you kiss me?" Unti-unting napansin ko ang galit sa boses niya. Hindi ako makaimik at tinitigan lang siya, ang puso ko'y bumibigat sa bawat sandaling hindi ko siya maintindihan.

Nagtitigan kami, at sa pagtangkang intindihin ang kanyang damdamin, nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang pisngi. "Why are you so upset? I thought... I thought you wanted me too. Hindi ba nag confessed ka pa sa akin kagabi? Wala pa namang tao, we can talk normally like we usually do," sabi ko.

Ngunit mabilis niyang kinuha ang kamay ko at umatras,"Get out, Ms. Valencia," matigas niyang utos.

"P-prof? Ano bang nangyayari?" I feel panic and fear, while staring at him and hoping he will explain.

"I said get out!" he shouted loudly.

I felt scared and quickly left the office. I ran outside, my eyes filled with tears and my heart seemed to be breaking.

Dumiretso ako sa Cafeteria at nag-order ng kakainin. Nang dumating ang pagkain, tahimik lang akong kumakain, pilit nilulunok ang bawat subo kahit na parang bumabara ito sa lalamunan ko. My thoughts are playing in my mind, questions and doubts are pounding in my heart.

While sitting, I noticed that my hands were shaking. Every bite of bread and every sip of coffee seemed tasteless. My whole being was anxious and restless, trying to understand what happened in the office.

"Is she that girl?"

"Where?"

"That wearing nursing uniform. Siya hindi ba?"

Napatigil ako sa pagsubo nang kinain ko. I looked at my sorrounding and most of the students were looking at me.

They were all staring at me, and I felt the weight of my eyes watching my every move. I swallowed and looked around, until I noticed people looking at me while holding cellphones.

"Hala, siya talaga oh. Hindi ba si Professor Zaiden 'to?"

"Impossible, iba naman hairstyle 'eh."

"Iba nga pero sinuklay lang naman 'yan pataas. At saka, kamukha kaya. Wala naman akong narinig na may kambal si Professor."

Lumunok ako at nilibot ang paningin sa paligid. Nakatingin sila sa akin talaga at dahil sa curiousity ko ay kinuha ko lang rin ang cellphone ko at binuksan ang social media ko at unang bumungad talaga sa akin ang isang video.

Hindi ko pa naiplay ay alam ko na kung sino ang nasa video dahil sa mga pamilyar na suot. Sumiklab ang takot at kaba sa dibdib ko at pinindot ang play button.

Sa video ay nag uusap kami ni Professor at saka, hinalikan niya ako at kitang-kita iyon sa video. Masyadong klaro ang ginawa namin. Binaba ko ang pag scroll at umabot na ng thousand likes at shares ito.

"She's flirting with a teacher! Akala ko sa libro ko lang 'to nababasa!"

"I was shocked too specially when the Professor is engaged!"

"Hala, oo nga no! This is trouble. The dean will surely be mad at this."

Matapos kong makita ang video, hindi ko napigilan ang sarili ko at lumabas ng Cafeteria patungo sa corridor kung saan naroroon ang opisina ni Professor Zaiden. Ang ingay ng mga chismis na kumakalat sa paligid ay parang kidlat sa aking tenga.

Binuksan ko ang pinto ng opisina niya nang mabilis, halos mabangga ko ang pinto sa lakas ng pagkatok ko. Hindi ko inisip kung may kausap siya o wala, kailangan ko siyang makaharap ngayon.

"Prof.." Pag aagaw ko nang pansin.

Nakita kong may kausap siya sa phone at nang marinig niya ang boses ko ay agad siyang humarap at mabilis akong hinila papasok sa loob, mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napangiwi ako dahil sa sakit.

"Anong ginawa mo? Did you upload that video so you can get rid of my engagement?" He said angrily. His hand tightened even more on my arm, almost leaving a mark.

"No, hindi ko ginawa 'yon," sagot ko, pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.

"Sinong niloloko mo? Hindi ba't baliw na baliw ka sa akin? Kaya gumawa ka na naman ng makakasira sa pangalan ko!"

Hinila ko ang braso ko mula sa kanya at sinampal siya ng malakas. "Ikaw ang humalik sa akin kagabi. Nag-confess ka pa nga, 'eh. Anong gusto mong gawin ko? Nasa public tayo, Professor, at ikaw ang hindi nag-iisip!"

My voice was shaking with anger, and I could clearly see the shock and pain from my slap on his face. He glared at me, but I didn't move.

"Ano? Huwag mong sabihing ide-deny mo na naman?!" Galit kong bulyaw, ang boses ko'y umaalingawngaw sa loob ng maliit na opisina.

Nanlilisik ang mga mata niya, ngunit kitang-kita ko rin ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha.

"Calling for Sir. Contreras and Ms. Valencia. The dean requested your presence. Please head to the office now."

Napaiwas siya ng tingin at napahilamos ng mukha gamit ang dalawang kamay, halatang hirap na hirap sa sitwasyon.

"This is trouble," bulong niya, at saka tumingin ulit sa akin. "Ano ba kasi ang nasa sa'yo kung bakit hindi man lang--" Tumigil siya, parang may kung anong pinipigilan sa sarili, at kumuyom ang kamao sa galit. I could feel the tension in his body, as if at any moment he would explode.

Biglang nag-ring ang intercom at narinig namin ang boses mula roon. "Calling for Sir. Contreras and Ms. Valencia. The dean requested your presence. Please head to the office now."

Nagmura siya nang marinig ang anunsyo, at nakita ko ang pagngiwi niya habang umiiling. "Damn it," bulong niya, bago mabilis na tumalikod at lumabas ng opisina.

Ako naman ay nanatili muna saglit, pilit na kinakalma ang sarili. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko, at ang kaba sa dibdib ko'y halos magpatigil ng hininga ko. Wala na akong magagawa kundi sundan siya. Lumabas ako ng opisina, at nakita ko siyang naglalakad sa hallway nang mabilis, halos hindi na ako makasabay sa kanya.

Habang naglalakad kami papunta sa dean's office, hindi ko mapigilang isipin kung ano na ang mangyayari. Kalat na kalat na ang iskandalo, at sigurado akong magiging malaking usapan ito.

Nang makarating kami sa dean's office, nakita ko siyang huminto sa tapat ng pinto. Huminga siya ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili bago siya kumatok. Sumunod ako, at tumayo kami sa harap ng pinto, parehong kinakabahan sa mangyayari.

Pagkapasok namin sa opisina, nakita namin ang dean na parang nag expect siyang dadating agad kami. Hindi pa nga siya umupo sa upuan niya.

"Sit down," utos niya, at pareho kaming naupo sa mga upuan sa harap ng mesa. Ramdam ko ang bigat ng tensyon sa hangin, at nakita ko sa gilid ng mata ko si Sir. Contreras na parang hindi mapakali, ang mga kamay niya'y nakakuyom sa kanyang kandungan.

"This is a serious matter," panimula ng dean "I want to hear both sides of the story."

Umupo si Dean sa kaniyang upuan at inayos muna ang kaniyang salamin bago nagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa. Nakatungo lang ako at naghihintay ng sasabihin niya.

Binuksan niya ang kaniyang laptop at pinaharap sa amin. Hindi maatim na tingnan ni Professor Zaiden ang video kaya umiwas nalang siya at napapikit.

"Let's get straight to the point. There's a video circulating on social media showing an intimate moment between the two of you," sabi ng dean, habang nagpapatugtog ang kanyang laptop ng video."Can you explain this?"

Nagmumula sa mga mata ni Professor Zaiden ang pagtatangkang pigilan ang galit habang iniipit ang kanyang mga kamay.

"Kayo ba?" tanong ng dean sa akin, ngunit wala akong ibang magawa kundi umiling at pigilang umiyak. "Ms. Valencia, please answer. Are you in a relationship with Professor Zaiden Contreras?" mariing tanong ng dean.

Umiiwas ako ng tingin, ngunit sa halip na sagutin, sumama na lang ang loob ko. "No," mariing sagot ko. "I'm having an affair with Professor Zaiden."

We're not officially in a romantic relationship. We don't have labels, but I acknowledge that what we did was an affair.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng dean. "You're having an affair?" dagdag niya. "Affairs between students and teachers are strictly forbidden in this university, and both of you know that very well."

Tumahimik ang lahat sa opisina, at naririnig ko ang halakhak ng ilang faculty members pa sa labas, marahil ay hindi alam ang nangyayari sa loob.

"Stop this nonsense, Laurenestine. We're not having an affair!" biglang sambit ni Professor Zaiden at halata na ang galit sa boses niya.

"Professor Zaiden, it's best to be honest. This video is clear evidence," sabi ng dean habang tinitingnan si Professor Zaiden. "Are you denying it?"

"I am denying it, Dean. Wala kaming ginawa." mariing sabi niya at ramdam ko ang galit sa bawat salitang binitiwan niya.

Napakunot-noo si Dean Hernandez bago muling nagsalita. "I will have to call your parents to discuss this situation further. This is a violation of the university's policies."

"No, Dean, huwag. Huwag niyo tawagan ang parents ko. Ako ang may kasalanan," pakiusap ko, ngunit hindi ako pinapansin.

"I categorically deny any involvement with Ms. Valencia. This is a misunderstanding," mariing sabi ni Professor Zaiden, ngunit mas lalo akong nanginig sa kaba.

"The evidence is right in front of us. This video clearly shows an intimate moment between you and Ms. Valencia," sagot ni Dean Hernandez. "We need to address this issue seriously."

Tahimik akong nanatili sa aking upuan, ngunit nararamdaman ko ang pag-ikot ng mundo sa paligid ko. Gusto ko nang mawala sa sitwasyon na ito.

Professor Zaiden, still in denial, retorted, "Dean, I have no involvement with Ms. Valencia. I don't know why she's saying this."

"Enough!" The dean's patience was wearing thin. "We have evidence, Professor, in the form of that video. We need to address this issue accordingly."

I glanced at Professor Zaiden, who avoided my gaze, frustration evident in his clenched fists. The dean continued, "We will conduct a thorough investigation, and based on the findings, appropriate actions will be taken. This involves both of you, and it's a serious breach of university policies."

Sa sandaling nakatanggap si Dean Hernandez ng tawag mula sa mga magulang ko, nadama ko ang lamig na dumapo sa aking puso. Hindi ko alam kung ano ang kanilang sasabihin o kung paano ko ipaliwanag ang nangyari.

Walang imik kami sa loob habang naghihintay ng ilang minuto roon. Nanlalamig na ako dahil sa kaba dahil alam kong magiging disappointed ang mga magulang ko. Ako ang bunso at ako nalang ang nag aaral dahil nabuntis ng maaga ang ate ko habang ang nakakatandang kapatid ko naman ay nagtatrabaho upang mabayaran ang tuition ko sa University. Ako nalang ang inaasahan nila ngayon pero dinissapoint ko sila.

Nag angat kami ng tingin nang bumukas ang pinto. Dumapo agad ang mata ni Papa sa akin. Ramdam ko ang tingin ng galit at disappointment mula sa kanilang mga mata. Hindi man lang nila pinapansin ang mga tao sa loob.

"Ano 'to, Laurene?" galit na tanong ng aking ina. "Ano bang kahibangan ang ginagawa mo dito?"

Nang hindi ko kayang sagutin ang kanyang tanong, naglakad siya palapit sa akin at hinarap ako. "Iniintindi mo ba ang kahihiyan na dala ng video na 'yan? Ano bang klaseng relasyon 'to, ha?"

"Tinuruan kita nang maayos, Laurene. Hindi ganyan ang pagpapakita ng respeto sa sarili," sabi ng aking ama.

Napayuko lang ako at hindi maatim na tingnan sila sa mata. "Ma, Pa, pasensya na po. Kasalanan ko po ito," sabi ko habang bumabagsak ang aking mga mata. "Mahal ko po si Professor Zaiden."

Nagulantang ang aking ina, at ang galit sa kanyang mukha ay nadagdagan. "Ano? Mahal mo siya? Laurene, nasa tamang pag-iisip ka ba? Paano mo naisipang gawin 'to?"

"Ilang beses na kitang itinuro kung paano ang wastong pakikisama sa tao, Laurene," sabi ng aking ama. "Hindi ko matanggap na ikaw, ang aming anak, ay gagawa ng ganitong kahibangan. Ano nalang ang masasabi ng ate mo?"

Hindi ko kayang tignan ang kanilang mga mata, ngayon lang ako nahiya dahil nandito si Professor Zaiden at tinitingnan pa kami ng Dean. Hindi ko matanggap ang galit at pagkadismaya na nakikita ko sa mga mata ng aking mga magulang.

"Dahil sa nangyari, kailangan mong harapin ang kaukulang parusa sa mga nilabag mong patakaran ng paaralan," sabi ng dean. "At si Professor Contreras, hindi rin siya ligtas sa mga kinakaharap natin na konsekuwensya."

Bago pa siya makapagsalita ay may kumatok ulit. Napatingin kaming lahat sa pintuan nang nagsalita ang Dean para ipapasok kung sino ang nasa labas at umiwas agad ako ng tingin nang makilala ang pumasok.

"L-love.." Nauutal na sambit ni Professor Zaiden sa babae.

Hindi tumingin si Shannon sa kaniya at lumapit sa akin. Wala akong makitang expresyon sa mukha niya at hindi na dapat ako nagugulat kung sasampalin niya ako.

"Kaya pala pamilyar ka. You're in that picture. Ikaw ang nag send sa akin ng picture na 'yon." Yumuko lang ako. Nahihiya at kinabahan. "Narinig ko sa fiancé ko na may gusto ka sa kaniya. Lagi ka niyang nakikita kahit saan at may picture ka pa. I don't believe that video kung ako tatanungin mo."

I didn't even move and just let her speak. "I believe this girl edited that video, Dean."

Umangat ang tingin ko nang makita si Shannon na humarap na sa Dean. Bakit masyado siyang confident na edit ko lang talaga iyon?

"I heard that she's famous dahil sa bansag niya. Crazy nurse? She's obsessed with my fiancé kaya posibleng siya ang babae sa video pero iba ang lalaki."

"Paano mo nasabi ang bagay na 'yan, Ms?"

"Call me Shannon, dean," humarap siya sa fiancé niya at nakita ko pang ngumiti siya rito. "The video took last night, right?"Tumango ang Dean. "Magkasama kami ng fiancé ko sa bahay ng magulang ko kaya alam kung hindi siya ang lalaking 'yan."

Kumurap ako at prinoseso ang narinig. Anong ibig niyang sabihing magkasama sila?

"Can you tell us the truth, Ms. Valencia? Sino ba talaga ang kasama mo sa video?"

Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Professor na ngayon ay natahimik lang rin."No, si Professor talaga ang kasama ko. Hindi ako pwedeng magkamali." Nahihirapan kong sagot.

Nagkaruon ng masamang ekspresyon sa mukha si Shannon. "Dean, don't believe her. She's manipulating the situation. I can vouch for my fiancé, and I have proof that we were together last night."

Dean Hernandez sighed and rubbed his temples, clearly frustrated with the conflicting narratives. "Ms. Valencia, you need to understand the gravity of the situation. If you're lying, it will only worsen your case."

"I'm not lying, Dean. I know what happened," I insisted.

Shannon smirked, crossing her arms. "Well, if you're so sure, then prove it. Show us evidence that it was indeed Professor Zaiden in that video."

I fumbled for words, realizing I had no concrete proof. The room fell into an awkward silence, and I could feel the weight of everyone's judgment on me.

"Ms. Valencia, I suggest you think carefully before you speak," the dean warned.

"I... I can't prove it right now, but I swear it's Professor Zaiden in the video," I stammered.

Shannon chuckled condescendingly. "Looks like she's caught in her own web of lies, Dean. I told you, she's just obsessed with my fiancé."

Hindi ko alam kung paano ako makakasagot. I felt betrayed by Professor Zaiden, and the weight of the situation was suffocating.

"I-I don't know, Dean. Maybe it's just a misunderstanding. Pero si Professor talaga ang kasama ko," ang matamlay kong pagsagot.

Hindi nagustuhan ni Dean Hernandez ang sagot ko. "This is a serious allegation, Ms. Valencia. If you still insist on your claims, mas magiging delikado ang reputasyon mo."

Pinilit kong itago ang takot at hiya sa aking mata. Nang muling magsalita si Shannon, puno na ito ng galit. "Please take appropriate actions. I won't let her ruin my relationship with Professor Zaiden."

Sinamaan ako ng tingin ni Shannon. "Tumahimik ka na. Hindi na kita dapat makita sa harap ng fiancé ko," sabi niya.

Professor Zaiden finally broke his silence. "Dean, I can vouch for Ms. Valencia. We were together last night."

Shannon scoffed, rolling her eyes. "Oh, please. You're just protecting her because she's infatuated with you."

"I'm protecting her because it's the truth. We were together, but I never expected things to turn out like this," Professor Zaiden said firmly.

Gulat akong napatingin kay Professor Zaiden. Hindi man lang siya tumingin sa akin at nakatutok lang ang mata sa Dean. Pati mga magulang ko ay naguguluhan rin. Kanina ay todo deny siya tapos ngayon ay inamin niya.

"So, you're denying our engagement, Zaiden? You're willing to lie just to protect her?" Mahinang sabi ni Shannon ngunit ramdam ko ang galit roon.

"Shannon. Noong gabing iyon, wala akong ibang kasama kundi si Laurene," mariing sagot ni Professor Zaiden. "We didn't see each other last night, you don't have to lie."

Ngunit lalong sumudhi ang galit ni Shannon. "Hindi ko lubos akalain na gagawin mo ito sa akin, Zaiden. After everything we've been through, ikakasal tayo, pero ipinagpalit mo lang ako sa isang estudyante mo!"

I didn't react anymore. I understand Shannon's anger and my parents' disappointment. The only thing left to do is to listen to it all and accept the consequences.

"Ms. Valencia, Professor Zaiden, dahil sa kaganapang ito, kinakailangan nating sumailalim sa isang imbestigasyon," deklara ni Dean Hernandez. "Hanggang hindi malinaw ang lahat, pansamantalang sususpindihin kayo sa paaralan."

Napapikit ako, at parang isang bangungot ang nagaganap. Hindi ko maipaliwanag ang sakit at panghihinayang sa aking puso. Nanghihinayang ako dahil may inaasahan akong mangyari. Hindi ko matanggap na ganito nalang.

Two weeks ago, when I discovered that the video I wanted to send to Shannon was deleted, I lost control. I found myself removing his pictures and anything that reminded me of him. Eventually, I remembered that I was the one who deleted the video, realizing slowly that I couldn't force everything.

I talked to Jorih about this. Alam niya ang relasyon ko kay Professor Zaiden at kahit siya ay naguguluhan narin sa pinapakita ni Prof sa akin kaya ay sinabi kong kailangan naming magplano kung paano namin malalaman ang nangyayari kay Professor Zaiden. She told me that Professor Zaiden has a disorder dahil sa pabago-bago ng ugali niya. Kilala niya ang pamilya ng Professor kaya impossible na may kapatid pa siyang kamukha nito. Ako naman ay naniniwalang magkaiba sila at para mapatunayan ay kailangan kong mag sakripisyo. Kailangan kong isugal ang kahihiyan ko para malaman ko ang lahat.

I requested her to take a video of us kapag mag uusap kami. Hindi lang namin inaasahan na sa bar iyon mangyayari dahil ang unang plano namin ay sa loob talaga ng opisina ng Professor. Ako rin ang nag upload ng video gamit ang dummy account ko. Ako mismo ang sumira sa pangalan ko para lang makumpirma ko lang ang hinala ko.

Jorih didn't expect that I'm serious with my plan. Nakaya ko ngang lagyan ng druga at akitin ang Professor, ito pa kaya? I can do unexpected things kahit na, masisira ang pangalan ko dahil alam kong malulusutan ko parin 'to.

But I failed now. Hindi ko makompirma at baka tama nga si Jorih na may problema si Professor Zaiden dahil umamin naman siya. Kumuyom ang kamao ko, hindi ko kayang tanggapin 'to.

"No, you deny it earlier, Professor Zaiden. Bakit inamin mo?" Tumingin ang lahat sa akin. Napako lang ang titig ko kay Prof. "Ano ba talaga? Bakit umiiba ang mga sagot mo?"

Dean Hernandez sighed, clearly frustrated with the situation. Naglakad ito patungo sa pintuan at bumukas ito. "Both of you are suspended until further notice. We will conduct an investigation to clarify the circumstances surrounding this incident. Please cooperate with the process. Pati ako ay hindi alam kung ano ang totoo kaya mas mabuti pang maghanap ng ebedensiya. Hindi ito masusolsyunan ng ganito lang."

Ngunit bago pa siya makalabas ng pintuan ay may lalaking humarang sa harap niya.

"No need for that, Dean."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top