twisted

(unedited)

-


Kabanata 49

twisted


Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nagpatianod na lang din ako sa hila niya. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang magkahugpong ang mga kamay namin, natatakot ako na baka may makakita sa amin.


Natigilan ako ng tumigil na kami sa ilalim ng isang mayabong na puno. Madilim ang paligid at tanging ang maliwanag lang na buwan ang tanglaw namin.


Agad nanginig ang mga kalamnan ko nang magsalubong ang tingin namin.


"Happy birthday..." mahina ang tinig na utas niya sa akin. Natigilan ako ng itaas niya ang kanyang kamay at dahan-dahang ibinuka ang kanyang palad. Napaawang ang bibig ko ng malaglag ang isang magandang infinity pendant. Agad iyong kuminang sa tama ng buwan.


It is a gold necklace!


Hindi pa ako nakakahuma sa pagkabigla ng utusan niya akong tumalikod. Nang hindi ko siya nasunod ay siya na mismo ang gumiya sa katawan ko upang tumalikod sa kanya. Nilipon niya ang buhok ko at pinahinga sa may isang side ng aking balikat saka niya dahan-dahang isinuot sa akin ang kwintas na may infinity pendant.


"This means..." utas niya na halatang binitin pa ang mga salita.


"Whatever happens, you and I...just like this twisted infinity pendant, will go round and round...forever...non-stop...we'll still meet repeatedly...just like the infinity," bulong niya sa likod ng aking tainga.


Nanginig ang labi ko habang nag-iinit ang mga mata.


Marahan kong hinaplos ang gold infinity pendant habang malamlam ang mga mata. Dahan-dahan nya akong hinarap sa kanya. Nagtama ang aming mga mata.


"Jakirah, promise me..." utas niya at masuyong hinaplos ang aking pisngi.


"Promise me you will not forget...that sometime in your life, I gave you this pendant and we...somehow loved each other...amidst our bitter fate," mahina ang tinig na utas niya habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.


Kinagat ko ang aking ibabang labi. I don't like this feeling. I don't like the path we are heading...


"Promise me..."


Mabagal akong tumango at pilit pinipigilan ang paglandas ng mga luha sa mga mata.


Why? Why does it feel like...he's saying good-bye?


Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko.


"A-Are we going to forget...what has happened?" mahina kong bulong habang nakatitig sa kulay-tsokolate niyang mga mata.

Tumututol ang puso ko...ang buong pagkatao ko sa isiping kailangan naming kalimutan lahat ng nangyari sa amin...ayoko...ayoko!


Dahan-dahan siyang ngumiti ngunit namumula na ang mga mata niya. Maging siya ay nagpipigil umiyak sa aking harapan.


"Mmh..." utas niya at marahang tumango na kinabasag ng puso ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.


"R-Red..." utas ko ngunit agad niya kong kinabig ng yakap.


Hinayaan kong pumatak ang kanina ko pa pinipigilang luha.


Why does it need to be forbidden?


"I am going to Australia..." utas niya na nagpatigil sa mundo ko.


What?


"I need to go..." utas niya. Akmang kakalas ako sa pagkakayakap niya pero di niya ako pinahintulutuan. Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin.


"Don't," matigas ang tinig na utas niya kaya't nanatili akong nakayakap sa kanya habang patuloy ang pag-aagos ng aking luha.


Nakakabibinging-katahimikan ang sumalubong sa aming dalawa. Gusto kong pumalahaw ng iyak at magmakaawang wag niya akong iwan. Na sana wag na siyang umalis. Ayoko...hindi ko kayang wala siya rito..


"B-Babalik ka pa ba?" maliit ang tinig na tanong ko.


"H-Hindi ko alam..." sagot niya na nagpalamig ng buong katawan ko.


I can't foresee what will happen. I can't accept this is happening.


"R-Red...b-bakit ka aalis? Bakit kailangan mong umalis?" utas ko at akmang lalayo sa kanya ngunit hinigpitan niya ang yakap sa akin. Ayaw niyang bumitaw....


"Business...and Yumirah..." iyon lang ang sagot niya.


Natigilan ako. Ibig sabihin, kasama niya roon si...Yumirah?


Parang kinurot ang puso ko sa nalaman.


"And of course...I need to let go of you...that is the main reason," utas niya na muling kinadurog ng puso ko.


Paano kung sabihin ko sa kanya na ayokong gawin niya iyon? Hindi na ba siya tutuloy?


"R-Red..." utas ko. Gusto ko siyang pigilan pero...


"It's okay, Jakirah...I just wish you happiness..." utas nito at dahan-dahan na akong binitawan.


Nakita ko ang lungkot na nakabalatay sa kanyang mga mata. Malamlam ang mga mata niyang nakatitig sa mukha ko.


"Why...are you crying?" mahina ang tinig na utas niya at pinunasan ang pisngi ko.


Nanginig ang labi ko dahil pinipigilan kong mapahagulgol sa harap niya.


"K-Kailangan mo ba t-talagang..." hindi na ako makahinga dahil sobra ang pagpipigil kong humagulgol sa kanyang harapan.


"Do you want me to stay?" paos ang tinig na utas niya at itinaas ang baba ko ng yumuko ako para iwasan ang tingin niya.


Fuck. God knows I want you to say forever...


Pumatak ang luha sa aking pisngi habang magkasalubong ang tingin namin.


"Can't you..?" bulong ko.


Ngumiti siya sa akin na lalong kinasakit ng dibdib ko. "No matter how much I want to...you know, I can't, right?"


"Unless you want to..." utas niya at nginisihan ako.


"elope with me?" ngisi niya at nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya.


He knows I can't do that.


"See? I know you can't...so I am going away for us," magaan ang tinig na utas niya at hinalikan ang kamay ko nang paulit-ulit.


"I love you so much..." buong pusong utas niya na kinatunaw ko.


"You know that, sis, right?" nakangising utas niya sa akin.


Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niyang 'sis'.


Fuck.


Huminga siya nang malalim. "When the time comes...that I go back here and we meet again," aniya sa akin at pinisil ang kamay ko habang malamlam na nakatitig sa akin.


"I hope this feelings has already fade away...." mahina ang tinig na utas niya at nginitian ako.


Kumirot ang puso ko habang pinagmamasdan siya. He wishes...that tonight will be the last time he will feel this feelings towards me...


He doesn't want to love me again the way he loves me now.


It fucking hurts.


"I think this is good-bye..." aniya at dahan-dahang binitawan ang kamay ko.



Umiyak ako buong gabi. Wala na. Tapos na talaga.



//


"Wow! Ang dami mong gifts!" utas ni Frairie sa akin habang iniisa-isa ang mga regalo ng mga bisita sa akin kagabi.


Nginitian ko lang siya kahit na wala akong nararamdamang saya ngayon. Hindi ko pa nakikita si Red. Nakaalis na kaya siya?


Tila may balisong na sumaksak sa puso ko habang iniisip iyon.


"Ba't di ka na umakyat sa rooftop, Jaki? Hinintay ka pa namin..." nakangusong utas ni Emerald. Gustong-gusto ko ang kulay-Emerald niyang mga mata.


"S-Sorry...napagod na kasi ako," ani ko.


Hindi ko na nakayanan kagabi. Hindi ko kayang harapin silang lahat ng ganun ang nararamdaman ko.  Ang bigat-bigat ng dibdib ko.


Nagtagal pa kami ng ilang minuto roon bago bumaba. Ang ilang pinsan ko ay maingay sa sala at nagkukwentuhan. Wala akong gana sa lahat ng bagay kaya't hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin.


"Jakirah!" Napatingin ako sa nakangising mukha ni Nadine. Ah, dito nga rin pala sila natulog...


May nabasa akong kung ano sa mga mata nila. Alam ko ang iniisip nila...


Huminga ako nang malalim. "Maya na lang," utas ko na agad naman nilang nakuha.


Nag-aalala akong nginitian ni Kate at Kasey.


"Where the heck is Red?" untag ni Cade at luminga-linga pa sa paligid.


Muli akong nakaramdam ng sakit sa aking dibdib ng marinig ang pangalan niya.


"Oo nga...di ko pa siya nakikita mula kanina..." utas ni Tristan.


Nagtama ang mga mata namin ni Niccolo ngunit nag iwas na lang ako ng tingin.


"Jakirah, iha!" Napatingin ako kay papa, pilit ko siyang nginitian.


"Maganda ba ang tulog mo?" nakangiting utas niya sa akin.


Napangiwi ako sa aking isip dahil sa tanong niya. Halos hindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Red.


Every time na naaalala ko ang nangyari ay humahapdi ang puso ko.


"Can I borrow my daughter, guys?" untag ni papa sa mga kaibigan ko na agad namang nagsi-sang ayunan. Wala na akong lakas para sumagot pa kaya't nagpatianod na lang ako sa hila ni papa. Nakarating kami sa dining hall kung nasaan ang mga relatives ko at si Mrs. Villamor.


"Princess!" nakangiting utas sa akin ni Ryzen at agad akong pinaghila ng upuan sa tabi niya. Nagpasalamat ako. Halos lahat sila ay nasa akin ang atensyon ngunit wala talaga akong gana ngayon. Pakiramdam ko ay patay ako ngayon.


Binabati nila akong lahat na agad ko namang sinagot ng pagbati rin. Tuwang tuwa si papa. Hindi ko maalala ang mga pangalan ng mga tao sa mahabang hapag ngunit sinusubukan kong alalahanin lahat.


"Maayos na ba ang mga papeles niya?" utas ni Uncle Jordan kay papa, ang pinakapanganay sa kanilang magkakapatid.


Tumango si papa. "Nasa akin na lahat ng dokumento..."


Tumango si Uncle at nginitian ako. "So mula ngayon dito ka na uuwi, hija.." ani Uncle na kinagulat ko.


"Po?" ani ko.


"Bakit? Ayaw mo ba rito?" utas ni papa. Agad lumipad ang tingin ko kay Mrs. Villamor na tahimik lang na kumakain. Hindi ko alam para parang may mali.


"Kung ayaw mo rito sa mansion...duon ka na lang sa Villamor Building..doon din naman ako naglalagi," utas ni papa na kinalipat ng tingin ko sa kanya.


"What! That's a great idea uncle!" sabad ni Diamond na kararating lang sa dining hall.


"Ano ba, D! You aren't supposed to be here!" saway ni Tita Dionyses.


Ngumisi lang ang gwapong si Diamond at kinindatan ako.


"I think it's also a great idea, Jack..." sabad naman ni tita Lany.


"Since nandoon ang kanyang mga pinsan, she won't be lonely..." utas muli niya.


"Yeah! And it's an opportunity to get to know her relatives.." ani Uncle Yuler.


Tinignan ako ni papa nang mataman. "So, what do you think, Jakirah?" nakangiting utas niya sa akin.


"A-Ahm...yeah, I think it's a good idea," ani ko at nagbaba ng tingin.


Pumalakpak sila na mukhang tuwang-tuwa sa sinabi ko.


"And it'll be hard for her to stay here since this is her step-mom's mansion..." utas ni tito Everest na kinatigil ko. Napaangat ako ng tingin kay Mrs. Villamor na tahimik lang.


Why? Why isn't she fighting or something? This isn't so her...


"Buti na lang sa building ka mag-s-stay, little sis! Lagi na kitang makakasama," aniya sa akin.


Natigilan ako sa sinabi niya. So, he's staying to that building and not in this mansion? Why?


Why does it feel like...something's off?


//

Nagsialisan na rin lahat sila pagkatapos ng lunch. Humikab ako habang nakatunghay lamang sa veranda. Marami akong iniisip kaya't di ko napansin na may taong nasa likod ko.


"I never expected you are my husband's mistake." Napatigil ako ng marinig ang matalim na tinig na iyon mula sa aking likuran. Agad kong nakita ang nanlilisik na mga mata ni Mrs. Villamor.


Nanatili lang akong kalmado habang nakatingin sa kanya.


"Are you happy now? You are a multi-billionaire heiress! Hindi mo na kailangan pang pikutin ang anak ko dahil anak ka rin pala sa labas ni Jack!" utas niya sa akin at nginisihan ako na tila nang uuyam.


Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya ngunit hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin.


"Parehas kayo ng kaladkarin mong nanay! Mahilig mang-pikot!" utas niya na kinakulo ng dugo ko.


"Wala kang karapatang bastusin ang nanay ko!" inis na utas ko sa kanya at akmang iiwan na siya roon ng mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.


Napa-"aray" ako sa sobrang sakit.


"Wag mo kong masigaw-sigawan porke Villamor ka na! Ako pa rin ang asawa ni Jack...at hindi ko hahayaan na ang anak ni Raki ang mas papaboran niya!"


"Rouella!" Sabay kaming napatalon sa gulat ng marinig ang galit na tinig na iyon.


Agad niya akong binitawan at napaharap sa galit na mukha ni papa.


"Who are you to insult my daughter?" matigas ang tinig na utas niya at hinila agad ako ni papa papalapit sa kanya. I feel secure now..


"Gusto mo bang ipaalala ko sa 'yo kung sino ang unang nagloko? Ikaw!" galit na utas ni Papa at mas hinigpitan ang hawak sa akin.


"Ikaw ang sumira ng lahat! Dapat kami ni Raki...kaming dalawa! Hindi ikaw!" sigaw ni Papa at mabilis na akong hinila palayo roon. Muli kong nilingon si Mrs. Villamor at nakitang umiiyak siya habang nakatakip ang kanyang mga palad sa mukha.


What happened before? Why does this feel so twisted?


Twisted like Red and I's story.


Marahan kong hinaplos ang infinity pendant habang inaalala ang mukha ni Red.


We are all twisted.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top