luck
(unedited)
-
Kabanata 22
luck
Maaga ako nagising kinabukasan. Napangiti ako habang nag-aayos para tumulong na sa Coffee Bean. Masyado pa kasing maaga para pumasok sa Villa Academy.
"Jakirah," Napatigil ako sa akmang pagsi-serve ng marahan akong tawagin ni tita. Nilingon ko siya at nagtataka siyang tinignan.
"Nakausap mo na ba si Mr. Villamor?" tanong niya na nagpatigil sa akin.
Napaangat ako ng tingin kay tita na seryoso ang tingin sa akin. "H-hindi pa po eh." ani ko at nag iwas ng tingin.
Bumuntong-hininga siya. "Mas mabuting makausap mo na siya nang maaga.." anito na sinagot ko lang ng isang tango.
"Siya..sige..maghanda ka na sa pagpasok mo," utas nito pagka kuwan.
"Opo." ani ko at mabagal na umakyat sa kwarto.
Habang nag-aayos ay di ko maiwasang hindi mabagabag. Naguguluhan ako sa dapat kong gawin at ilang linggo ko na rin itong pinag iisipan...hindi pa rin ako nakakapag desisyon..
"Jakirah!" Napaigtad ako sa tawag ni tita mula sa ibaba. Mabuti na lang at nakaayos na ako kaya agad na akong bumaba. Naabutan ko si tita at ang ibang crew na may pinagkakaguluhan sa labas. Nagmamadali akong lumabas dahil akala ko ay may away or something.
"Hala ang gwapo!"
"Sino yan?!"
"Ang yaman! Tignan mo milyones yan!"
Iilan lang iyon sa mga narinig ko. Unti-unting luminaw sa akin ang lahat ng makita si tita na nagpapa-cute sa preskong presko na si Red na nakasandal sa kanyang bagong linis na black jaguar car.
"Oh! Ayan na pala ang napakaganda kong pamangkin!" masayang utas ni tita ng makita ko. Sinampal ako ng kahihiyan sa sinabi niya. Ano ba tong nakain ni tita?
Nakita ko kung paanong nanunudyo akong tinignan ni Red. Sinamaan ko lang siya ng tingin at pinagtaasan ng isang kilay.
"Anong ginagawa mo rito?" mataray kong tanong sa kanya.
Ngumisi siya. "Sinusundo ka," walang gatol na sagot niya. Nag init ang pisngi ko.
"Nakalimutan mo na b--" Naputol ang sasabihin niya dahil agad na akong sumakay sa shotgun seat.
"Fine," ani ko para di na malaman ng lahat ang kung ano pang isiswalat niya. Ako ang kinakabahan para sa reputasyon ko dito sa amin!
Napapalakpak sa tuwa si tita habang ako naman ay napairap na lang sa ere.
"Good girl," narinig kong utas niya at nagpaalam pa siya kay tita. Kinawayan ko si tita sa may bintana habang si Red ay umikot para makaupo sa driver's seat.
"Ano na naman tong trip mo?" untag ko sa kanya ng nasa main road na kami.
Hindi ko maiwasang panoorin siya ng tumawa siya at ang tawa niya pumuno sa apat na sulok ng kanyang sasakyan. Damn Red.
"Sabi na nakalimutan mo eh," nakangising utas niya sa akin.
Agad akong nairita. "Anong nakalimutan ko?"
"I said I'll be courting you, right? No matter what it takes?" utas nito at arogante akong tinignan.
"Drop it." utas ko at nag iwas ng tingin. Oo nga at sinabi niya iyon sa akin ngunit akala ko...
Nginisihan niya lang ako. Naiinis ako. Hindi sa kanya pero sa sitwasyon namin. Naapabuga na lang ako ng hangin habang nakatunghay sa labas.
"I want you to be prepared, Reyes...you'll be a Villamor soon..." utas pa nito na nagpabilis sa tibok ng puso ko. Bakit ang dinig n'on sa akin ay double meaning? Kinakabahan ako...natatakot ako..
"I will make you mine," puno ng determinasyong utas niya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi na lang ako umimik. Gustung-gusto kong sabihin sa kanya lahat...kung paano ko alam na nagkaroon ng affair ang papa niya at mama ko. Kung paanong nakalagay iyon sa journal ng mama ko. Kung paanong ang hirap pigilan ng nararamdaman ko..kung gaano ka rin kagustong sumugal sa pag-ibig na ito...pero delikado...
Mali..
maling-mali.
Nakarating kami sa Villa Academy ng wala ng umimik kahit isa man sa amin. Umibis na ako ng kanyang sasakyan at ganoon din ang ginawa nya pagka-park niya ng kanyang kotse sa parking lot. Nauna akong maglakad kaysa sa kanya dahil ayokong isipin ng mga estudyante na malapit kami sa isa't isa.
"Iniiwasan mo na naman ba ako?" Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ng mahabol niya ako. Ang kulit niya. Mas makulit pa siya sa nuno. Napabuga ako ng hangin at nilingon siya.
"Bakit ako?" deretsang tanong ko sa kanya. Saka ko lang napagtanto na sobrang gwapo niya pala. Average lang ako. Andoon siya, andito lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako hinahabol. Kung bakit siya nagkakaganito. Hindi ako worth it.
Naguguluhan niya akong tinignan. Alam ko na nakakaagaw kami ng atensyon. Lagi naman basta involve si Red. Lagi na lang agaw-atensyon.
"Bakit ikaw?" tanong niya pabalik. Mariin kong tinikom ang aking bibig habang pinagmamasdan siya.
Maybe I did a very great thing in my past life to have this guy in love with me right now. A very goddamn thing for giving me such a perfect man.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita kung paano pumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Damn, bakit hindi ikaw?" mahina at mababa ang tinig na balik tanong niya. Gusto kong pumalahaw ng iyak. Kahit anong gawin kong laban sa nararamdaman ko mas malakas pa rin ito. Damn. Gustung-gusto ko siyang yakapin ngayon. Sabihin, isigaw kung gaano ko nararamdaman ang nararamdaman niya pero di ko magawa. Para akong tuod dito na nakatingin lang sa kanya.
Damn it. Masama bang sumaya? Masama bang piliin na maging masaya?
Napailing-iling ako habang pinipigilan ang aking mga luha. "C-CR..." utas ko sa kanya at lumiko na sa kabilang hallway. Kung hindi ko pa gagawin iyon ay mapapaiyak ako sa harapan niya.
Hindi ko napansin ang babaeng nasa kabiang cubicle ng CR dahil masyado akong preoccupied sa pag-iyak kanina. Kailangan ko lang talagang ilabas iyon dahil ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko habang tinitignan kanina ang mga mata ni Red. Ang hirap-hirap makaalam ng katotohanan...ang hirap bitbitin lalo na't ako lang ang may alam.
"You cried." It is a statement. Napatingin ako sa maamong mukha ni Kristina. Siya pala ang nasa kabilang cubicle.
Wala akong nararamdaman sa kanya habang nakatingin ako sa kanyang magandang mukha. Walang kahit anong galit, inis o grudge. Ang at peace lang ng nararamdaman ko...and it feels somehow weird dahil noong nakaraan pa nga ay galit ako sa kanya.
Pero ngayon nawala na lang iyon na parang bula. Napalitan na lahat ni Red. Si Red na lahat.
"Is it because of Red Villamor?" casual pa ring utas niya. Hindi ako nainis sa pagtawag niya sa pangalan ni Red. Naging dahilan pa nga iyon para bumilis ang kabog ng aking dibdib.
Hindi ko siya sinagot dahil alam kong alam niya naman na "oo" ang sagot ko. Hinayaan ko lang ang sarili kong pakatitigan siya.
"Now I know why you didn't tell me before your relationship with Klyde.." utas ko habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.
Nakita ko na napalingon siya sa akin sa sobrang pagkabigla.
"I understand now, Tine...that there are some things you can't just say to someone...especially if it would hurt them so bad..." nahihirapang utas ko.
Nakita ko kung paano niya pinigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
"I-I'm still so sorry a-about what happened, Jakirah. I-I didn't mean to hide things from you...I-I was just s-so scared that time..." nanginginig na utas niya sa akin.
Agad ko siyang kinabig upang yakapin. Inalo-alo ko siya habang siya ay napaiyak sa aking bisig.
"Sorry...I've been so close-minded. Hindi ko man lang naisip yung side mo," taos pusong utas ko.
It is true. Masyado akong nabulag sa pain na nararamdaman ko dahil nakita ko lang ang betrayal na ginawa nila. Buong akala ko mutual ang feelings namin ni Klyde ngunit bandang huli ay makikita ko sila ng best friend kong si Tine na masayang magkasama. Buong akala ko, friends lang din sila. Alam ni Tine kung gaano ko kagusto si Klyde noon. Siya lahat ang may alam...ngunit bandang huli ay siya pala ang tatraydor sa akin.
But I never see her side. Ni hindi ko man lang naisip na hindi iyon kailanman gagawin ng best friend ko sa akin. Na never niyang aagawin sa akin si Klyde dahil in the first place, hindi naman talaga sa akin si Klyde. Ako itong assuming. Ni hindi ko naisip kung gaano kasakit para sa kanya na itago ang relasyon nila ni Klyde para lang hindi ako makitang nasasaktan. Hindi ko man lang naisip kung gaano kahirap para sa kanya na itago ang feelings niya para kay Klyde dahil sa akin. All along ako ang antagonist sa napakaganda nilang istorya...dahil all along ako ang nagfi-feeling bida kahit na extra lang naman pala ko sa storya nila.
Dahil ang totoo, may sarili pala akong storya...
"Let's go?" Napaangat ako ng tingin sa nakangising mukha ni Red.
I will make this last. I will try til the end. I will push all my luck.
Tumango ako at nginitian sya.
Maybe at the end, it won't be that bad...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top