galit
Kabanata 2
galit
Katulad nga ng ipinangako ni Tristan, dumeretso kami sa malapit na Starbucks saka nagkwentuhan doon. Lagpas isang oras din kami roon at kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin since ang tagal naming hindi nagkita.
"Don't tell me, Jr, you don't have a boyfriend pa?" nakataas ang isang kilay na utas niya sa akin habang naglalakad na kami pabalik sa Villa Academy.
Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Bakit masama ba kapag wala pa?" balik-tanong ko sa kanya na kinahagalpak niya ng tawa. Napakunot noo ako sa reaksyon niya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, bakit siya natawa?
"You're unbelievable, Jr! As in wala pa?" nakangising asar niya sa kin kaya na-gets ko na kung bakit siya natawa. Naiinis na hinampas ko siya sa balikat.
"Eh, ano naman? Masama ba kung ganon nga, ha?!" iritang utas ko na lalong kinalakas ng tawa niya. Naiinis na inirapan ko siya dahil pinagti-trip-an niya ko. Oo nga at wala pa akong naging boyfriend pero may rason naman ako. Focus kasi ako sa pag-aaral ko at ang pagbo-boyfriend, makakasira lang siya sa buhay ko.
Patuloy pa rin siya sa pang-aasar hanggang sa makapasok kami sa V.A. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng nasa grounds dahil halos lahat ay nasa kanya-kanyang rooms na. Nagsimula na kasi kanina pa ang klase pero okay lang naman yon dahil first day palang naman. Panigurado puro requirements lang ang dini-discuss.
Napatitig ako sa magandang fountain na madadaanan namin ni Tris. Yung fountain na yon ay nasa pinakagitna ng academy kaya agaw-pansin talaga siya.
"Jr, ano nga palang room number mo? Hatid na kita," aniya ni Tristan sa akin na malagpasan namin ang fountain.
"Uhm, wait..." Ani ko saka nagmamadaling kinuha ang class schedule ko sa backpack. Nakitingin doon si Tristan at bigla na lamang sumigaw. Gulat na napatingin ako sa kanya.
"B-bakit?" Nagtatakang utas ko dahil sa inasal niya. Masaya niya kong tinignan at hinawakan sa magkabilang-balikat.
"Kasama ka sa special class! Are you a scholar?" Tuwang-tuwa na utas niya habang kitang-kita ko pa ang pagkinang ng kanyang itim na mata.
Napatango-tango ako na lalo niyang kinangiti. Nagulat ako ng kabigin niya ako ng yakap.
"I'm so happy! Atleast magkikita tayo lagi dahil iisang class lang ang klase natin although hindi lahat ng subjects," aniya habag magkayakap kami.
Napangiti ako sa sinabi niya at nakaramdam din ng saya. Mukhang magiging masaya ang pag-aaral ko rito sa V.A. kung kabilang din si Tristan sa klase na pinapasukan ko. Atleast kahit papaano ay hindi ako ganoong mahihirapang mag-adjust dahil nandyan naman si Tristan para alalayan ako.
"Let's go! I'm too excited," aniya at hinawakan ang braso ko at hinila na ako papunta sa aming unang klase.
Nakarating kami sa third floor ng building A at doon ay tuloy-tuloy na binuksan ni Tristan ang glass door sa pinakadulo ng hallway.
Agad bumungad sa amin ang mga estudyanteng ang pokus ng atensyon ay sa amin. Nakaramdam ako ng kaba sa klase ng tingin nila pero hindi ko pinahalata.
"Tristan!" gulat na utas ng mga babaeng estudyante saka nagbulungan ng makita ang kamay ni Tristan na nakahawak sa braso ko.
"Mr. Ziamond! Welcome to the class!" masayang bati ng professor na kamukha ni Miss Minchin. Ni hindi siya nag-abalang i-welcome din ako kaya't nag-iwas na lang ako ng tingin.
"Thank you, Miss Elison." magalang na bati ni Tristan saka ako hinila papasok. Mas narinig ko pa ang malalakas na bulungan nila habang ang kanilang mga mata ay deretsang nakatingin sa akin. Ang iba naman ay nagpapa-cute kay Tristan. Napaismid ako at hindi na lang sila pinansin.
"Mr. Ziamond, you can sit on your desk and you, miss, sit at the back row of the room," masuyo ang boses niya ng banggitin ang pangalan ni Tristan pero ng sa akin na ay biglang tumalim. Napangiwi ako. Pati ba naman professor ay humaling sa kagwapuhang taglay ni Tristan? Napailing-iling na lang ako at sinunod ang sinabi niya. Back seat kaya pinili ko na lang na umupo sa tabi ni Tristan since yon ang pinakadulo. May apat kasing upuan sa dulo ng room. Occupied na ang tatlo kaya't isa na lang ang natira at ang upuang iyon ay ang katabi ni Tristan. Nakarinig ako ng singhap sa paligid pero hindi na yun pinansin pa ng professor at nagpatuloy sa pagdaldal.
Napatingin ako kay Tristan na gulat na nakatingin sa akin.
"B-bakit?" Nagtatakang tanong ko saka lumipat ang tingin sa dalawang lalaking nakaupo pa sa row na yon.
Yung isa ay singkit ang mga mata at mahaba ang straight na buhok hanggang balikat. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang labi. Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin habang may naglalarong ngisi sa kanyag labi.
Ang isa naman na nasa pinakadulo ay nakapikit at nakikinig sa kanyang headphone. Maamo ang kanyang mukha na parang sa anghel. Mahahaba ang pilik-mata niya at matangos ang ilong. Perpekto rin ang pagkakahugis ng kanyang mapula-pulang labi. Ang ga-gwapo nila!
"The beast is coming" nakangising utas nang singkit na parang may nakakatuwang mangyayari. Naglabas na lang ako ng notebook saka ballpen para isulat na ang mga requirements na kailangan sa subject ni miss Minchin.
Hindi ko napansin ang lumalakas na bulungan sa paligid dahil busy ako sa paghahanap ng letseng ballpen ko! Kabibili ko lang n'on sa tindahan. Six pesos din yun ah!
"Jr..." Narinig ko ang mahinang tawag sa akin ni Tristan kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Naguluhan ako ng makita ang nakangiwi niyang mukha. Anong problema nito?
Babalik na sana ako sa paghahanap sa ballpen ko ng mapansing may lalaking nakatayo sa harapan ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nasalubong ang titig niya.
Napaawang ako ng bibig. Siya yung lalaki kanina sa hallway! Yung hambog na lalaking nasa hallway! Shit! Anong ginagawa niya rito?
Nakita ko ang gulat sa mata niya pero agad ding napalitan ng blangkong ekspresyon. Tinaasan niya ko ng kilay na parang may hinihintay siyang gawin ako. Nang makalipas ang ilang minuto na wala akong ginagawa ay nagsalita na siya.
"Go away. That's my seat," utas niya sa akin kaya agad kumulo ang dugo ko.
"Sino ba nauna? Ako, 'diba? So, sino kailangang mag-adjust?" puno ng inis na utas ko saka siya inirapan.
Mas lalong dumami ang bulungan na rinig na rinig ko naman.
"OMG! What the hell did she do?"
"Is she talking rudely to our Red?!"
"How dare she!"
Nakita ko kung paano siya napangisi sa sinabi ko kasabay noon ang pag-alab ng mata niya sa inis.
"What the fuck did you just say? Don't you know me, lady?" mahinang utas niya pero punong-puno ng panggigil.
"Wala akong pakialam kung sino ka! Bakit kailangan ba kilala ka ng lahat? Hindi porke gwapo ka eh, lahat na ay sasamba sayo!" galit na sabi ko.
"MISS!" napatalon ako sa gulat ng umalingawngaw ang sigaw ni miss Minchin sa buong room. Napatingin ako sa galit niyang mukha na nakatingin sa akin.
"GO TO THE DETENTION! I WILL NOT LET YOUR SHITTY ATTITUDE SLIPPED!" nanggagalaiting sigaw niya na tila sumampal sa akin. Detention?
Teka, bakit ako lang? Hindi ko lang naman 'to kasalanan! Nauna kaya yung hambog na yon, so bakit ako lang ang parurusahan!
Tumayo na ako at sinukbit ang backpack ko. Galit ako. Galit na galit ako. Hindi sa sarili ko kundi sa lalaking hambog na 'to na akala mo kung sino. Darn it! Porke ba gwapo siya ay siya na ang papanigan ng mga professors dito? Isn't that too much and unfair?
Akmang maglalakad na sana ako ng pigilan ako ng mga salita ng hambog.
"I already told you to pray not to cross our paths again, it looks like you didn't pray after all." Puno ng pang uuyam na utas niya.
Matalim kong tinignan ang kulay tsokolate niyang mga mata.
"Don't you dare mess up with me again." Matigas ang tinig na utas niya na nagpasiklab lalo ng galit ko. Hindi na ako nakapag-isip pa at dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Narinig ko ang ingay ng paligid dahil sa ginawa kong pagsampal sa hambog nilang hari pero ako'y nanatili lang nakatingin sa nakatabingi niyang mukha.
"Don't mess up with me also, hindi lang yan ang makukuha mo," I muttered under my breath while gritting my teeth.
Hindi na ako nag-abala pang tignan ang mga mukha nila at baka lalo lang akong mabuwisit.
"Jr! I will accompany you!" narinig kong utas ni Tris ng palabas na ako ng room pero nilingon ko lang siya saka nginitian bago umiling.
Kaya ko namang maglakad papunta sa detention at harapin ang parusa lalo na ngayong nakabawi naman ako sa hambog na yon. Napangisi ako saka mabilis na nagpunta sa detention. Sana naman hindi ganun kabigat ang punishment. Napabuntong-hininga ako sa naisip.
Pagkarating sa detention ay agad bumungad sa akin ang mga estudyante ring may kakaharaping parusa. Umupo na lang muna ako sa waiting area doon habang hindi pa tapos ang iilang estudyante.
Nang ako na ang kakausapin ay tumayo na ako at umupo sa harapan ng matandang lalaki na napapanot na ang ulo. May makapal siyang salamin sa mata at puno na ng wrinkles ang mukha.
May binigay siya sa aking detention slip at doon ako nag fill up ng ginawa kong 'mali'. Napaismid ako habang nagsasagot.
Binasa niya yun at may isinulat sa makapal na detention records.
"Clean all the comfort rooms in building A for one week." Matigas ang tinig na utas niya sa akin na kinangiwi ko.
"You should do your punishment because staffs will monitor every comfort rooms in your building. You don't have any escape. I will mark you in the record if you fail to do the assigned punishment." Dagdag pa niya na mas lalong napasama ng pakiramdam ko. Maglilinis ng ng CR for one week?! What the hell? Wala naman na akong choice dahil bawal akong mamarkahan sa record dahil scholar lang naman ako dito!
Napailing iling na lang ako habag naglalakad sa hallway. Umaapaw pa rin ang inis ko sa lalaking hambog kanina. Shit! Edi isaksak niya sa baga niya yung upuan na yun! Letse!
Naglabasan na ang mga estudyante sa kani-kanilang rooms kaya sa tingin ko ay oras na ng break. Napabuntong-hninga ako at bumaba na papunta sa grounds.
"Miss!" Nagpatuloy ako sa mabagal na paglalakad, naiinis pa rin ako dahil kailangan kong maglinis ng CR. Ano na lang ang ipapalusot ko niyan kay tita? Tiyak na magagalit yun sa akin kapag nalaman na first day na first day ay may na detention agad ako!
"Miss!" Napatigil ako ng may humarang sa daraanan ko. Napakunot noo ako sa magandang babae na humarang. Matangkad siya at nakasisilaw ang kinis at puti ng kanyang balat. Mahaba ang kanyang itim na buhok at bilugan ang mga mata. Matangos ang kanyang maliit na ilong at mapula ang labi. Ang ganda niya, para siyang may lahi.
"Hi! I'm Kate Angela Lee," masayang pakilala niya sa akin at naglahad ng kamay. Kimi ko yung inabot saka ngumiti.
"Jakirah. Jakirah Reyes," ani ko habang napapanganga sa kagandahan niyang taglay. Mukha siyang dyosang bumaba sa langit.
"Kate!" sabay kaming napalingon sa dalawang magaganda ring dyosa na tumatakbo papalapit sa amin. Tila gusto ko na lang kumaripas ng takbo dahil nanliliit ako rito.
"Omg! Siya yung kanina, right?" gulat na utas nung babaeng may halong brown ang buhok at kulot ang dulo. Masisigla ang mata niya at malalantik ang mga pilik-mata na parang sa manyika. Matangos ang kanyang ilong at kissable ang labi.
"Oo nga. Hello, ako nga pala si Kasey Alejandrino," nakangiting utas naman ng maamo ang mukha. Hanggang balikat ang buhok niya at may maninipis siyang bangs na nalalaglag sa kanyang noo. Mapupungay ang kanyang mata, matangos ang ilong at mapula ang manipis na labi.
"Jakirah Reyes," ani ko habang di pa rin maka-get over sa nakakasilaw nilang ganda. Parang lahat sila ay may dugong bughaw. Para silang mga dyosa sa sobrang ganda.
"I'm Nadine Meg Montelejar. Nice meeting you, Jaki!" masayang utas niya saka ako hinawakan sa braso na akala mo best friends na kami.
"Let's go! Sama ka sa amin mag lunch! Alam namin na kakawawain ka ng mga grupo ni Krishina dahil sa ginawa mo kay Red kanina," nakangising utas sa akin ni Nadine na hindi ko naman naintindihan.
Kinuha rin ni Kate yung braso ko sa kabila na agad sinang-ayunan ang sinabi ni Kate. Si Kasey naman ay ngumiti at kinindatan ako. Hindi na ako nakahuma ng dalhin nila ako sa cafeteria.
Well, I think it's better to have friends like them rather than to be alone in the sea of sickening people...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top