drunk

(unedited)

-

Kabanata 45

drunk


Giniya ako ni Ryzen paupo sa isang mahabang sofa sa gitna ng malaking library ng mga Villamor. Mayroong bilog na carpet iyon at may dalawang magkaharap na sofa sa pagitan ng isang center table. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ang mukha ni Mr. Villamor. Nanlalamig ang kamay ko kaya't pinagsalikop ko ito.


Nanatili ang katahimikan sa pagitan namin ng marinig ko ang pagpapaalam ni Ryzen. Marahas akong napaangat ng tingin sa kanya dahil ayoko sanang magpaiwan dito mag-isa. Nginisihan niya lang ako at binigyan ng reassuring smile. Tila sinasabi niyang magiging maayos din ang lahat.


Hindi ko alam kung bakit napakabait sa akin ni Ryzen. Pakiramdam ko ay may alam na siya kaya't ganito ang pakikitungo niya...


Nang sumara ang pinto at maiwan kami ni Mr. Villamor sa tahimik na library ay mas lalong tumindi ang pagtibok ng aking puso.


"So..." he said after clearing his throat.


"Did...Rina tell you?" Napaigtad ako ng marinig ang pag-mention niya sa pangalan ng tita ko. Tama nga akong alam niya na anak niya 'ko sa labas...


I think there's no point in hiding anything. I've been waiting for this, right? At noong una palang, pinipilit na ako ni tita na kausapin siya...


So, I think this is just right.


Mabagal akong tumango. Nakita ko kung paano niya diniinan ang kanyang labi at pinagsalikop ang mga kamay.


"When?" kalmado pa ring utas niya.


"When I turned 18.." kiming utas ko.


"That was couple of months ago," utas niya na kinalaki ng mga mata ko.


What? He knows my birthday?


Mukhang nakita niya ang pagkagulat na rumehistro sa mukha ko pagkasabi niya n'yon kaya't muli siyang nagsalita.


"Ever since you were born...I am watching you grow, Jaki..." masuyo ang tinig na utas niya. Nakaramdam ako ng kirot ng makita ang banayad na ekspresyon sa kanyang mga mata.


Ever since I was born, I thought my father was dead.


"You really have grown like your mother...you looked almost like her!" Kinagat ko ang aking ibabang labi ng marinig ang saya sa kanyang tinig ngunit sa kanyang mga mata ang pangungulila. Nag-init ang gilid ng aking mga mata at nanatiling tikom ang bibig.


"But why didn't you come to me after you knew the truth?" naguguluhang utas niya sa akin.


"We had a deal ni Rina...and she promised me she would tell you when you turned your legal age...and I expected you'll talk with me," aniya.


Yumuko ako, hindi alam ang sasabihin. Paano ko sasabihin na dahil anak niya at kapatid ko ang dahilan?


Mapait akong ngumiti at nag-angat ng tingin. "H-Hindi ko lang ho alam k-kung paano ka harapin..." utas ko.


My relationship with Red before should be buried until I die. It doesn't matter now anymore because he has a fiancee and they are getting married in the near future. We are siblings now. Our past relationship doesn't matter now because it will just ruin everything.


Nakita ko kung paano siya bumuga ng hangin na tila nabunutan ng tinik sa dibdib. "I really thought you and my son had a relationship before..." aniya sa akin na kinatulos ko sa kinauupuan.


What?


Halos hindi ako makahinga sa isiniwalat niya. Tumawa pa siya nang marahan sa harap ko at umiling-iling.


"Maybe you just gone really close, huh..." utas niya nang muli akong tinignan. Pilit akong ngumisi dahil nakangiti siya sa akin. Mukhang ang saya niya nang malamang walang namagitan sa amin ni Red...


Syempre, dahil kung malalaman niyang mayroon, baka ngayon palang pandirihan niya na kami. 


I will never let down Red. Kahit na sinasaktan ko siya dahil sa pagtulak ko sa kanya palayo, God knows how much I care for him. I will always care for him...


"That will make it easier for him to accept you..." utas niya habang nagniningning ang mga mata sa tuwa.


Natigilan ako sa sinabi niya.


"W-What do you mean...?" kapos ang hiningang tanong ko. Mabilis ang takbo ng utak ko...tila alam na kung saan ito patungo.


"I will not hinder you anymore, Jaki. I want to show you to the world...God knows how much I controlled myself to approach you before...because I've waited for this time...to finally be your father," utas niya at nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.


Nagiging emotional na siya.


Ako naman ay hindi malaman ang gagawin. Hindi ko inaasahan lahat ng ito...na gusto niya akong ipakilala bilang isang Villamor...


Nararamdaman ko ang saya na bumabalot sa aking puso dahil hindi niya ipagkakait sa akin na maramdaman na may tatay ako...pero at the same time natatakot ako..


Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? Ng mga kaibigan ko?


They knew our almost-relationship...tiyak pandidirihan nila ko...


And how about Mrs. Villamor?


At higit sa lahat, paano ang magiging reaksyon ni Red pag nalaman niyang kapatid niya 'ko?


Nag init ang gilid ng mga mata ko lalo na ng kuhain ni Mr. Villamor ang mga kamay ko at ikulong sa kanya. His hands are warm...the warmth feeling I get was too familiar to me.


"I am sorry, anak, for not being there for you when you needed me the most...God knows how much I want to be with you as your father...but I-I can't do that. R-Raki didn't want me to know that you are my daughter..." nahihirapang utas niya.


Hindi ko alam ang kwento nila ni mama pero pakiramdam ko ay iyon ang naging dahilan kung bakit kami umabot sa ganito.


Pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Halu-halo na ngayon ang nararamdaman ko.  Saya...pangungulila, takot, lungkot...


"Let me be your father, Jaki. Gusto kong maging ama sayo...to make it up for all the years we've spent separately...I want to fulfill my duty to you..to be your loving father," naginginig ang tinig na utas niya at yumuko saka yumugyog ang mga balikat. He is deliberately crying in front me.


My father is crying for all the years we aren't together.


I could feel his longing and despair. He can't do anything about that deal...and so he accepted our fate. Nagtiis siya...until the right time comes.


And this is the right time.


Hinayaan ko siyang umiyak habang paulit-ulit na nagso-sorry sa akin habang ako naman ay pinagmamasdan siyang umiiyak. Hindi rin maawat ang mga luha ko sa pagpatak.


It hurts seeing your father cries...


"Be a Villamor, Jaki...you are my own blood and flesh," seryosong utas niya habang namumula ang ilong at mga mata.


I've been longing to be with my father.


I grew up wondering what it feels like.


But does people's opinions greater than my love for my father?


Kinagat ko ang aking ibabang labi ng makita ang nakangising mukha ni Red sa utak ko. Napayuko ako ng hindi ko na mapigilan ang paghagulgol.


Ang sakit pero kailangan kong tanggapin.



We aren't meant for each other.


Maybe...maybe we are really connected. But we aren't meant to be together in this lifetime.


Kasi kahit anong pilit ko, kahit anong pakiusap ko, kay God man yan o kahit kaninong spirits...bakit hindi pa rin pwede?


Kasi hindi talaga pwede.


You can't force a wrong puzzle piece to complete a puzzle if it cannot fit. It doesn't just add up anymore. Maybe you just have to let go.


Let go of idea that we can be. Because it's clear that we can't.


I need to let him go.


But damn, it hurts...it is breaking my heart into pieces.


Naramdaman ko ang paghagod ni Mr. Villamor sa likod ko habang umiiyak ako.


Hindi ko mapigilan. Sobrang sakit nang nararamdaman ko.


Kapag um-oo ako kay Mr. Villamor ngayon, there's no turning back. I will be a certified Villamor...but not Red's but as his sibling...


Hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Seeing my father's eyes earlier when he told me that...


I can't..I can't say no to him anymore. He sincerely wants me to be with him...and I also want that too.


"I-I'm sorry...h-hindi dapat kita binibigla..." natatarantang utas niya. Naririnig ko ang pag-aalala sa kanyang boses.

Nag-angat ako ng tingin at pinunasan ang luha sa mga mata.


Ilang beses akong humugot ng hininga bago tumango.


Napaawang ang bibig niya.


"W-What?" hindi makapaniwalang utas niya sa akin.


"I-I've been also w-waiting to be your daughter, s-sir..." nangangatal ang tinig na utas ko.


Nakita ko kung paano nanginig ang kanyang ibabang labi sa sinabi ko.


"T-Thank God..." halos hindi marinig na utas niya at kinabig ako sa isang mainit na yakap.


This is different from Red's calming hugs that feels home to me but this also makes me feel like I am home...finally.


I feel belong to his arms...my father's arms.


Duon ako umiyak ng umiyak. I don't need to be selfish anymore to achieve  Red's love because whatever things I pull to make us be together, it won't work anyway because simply, we can't.


I just have to accept it and be happy because I have now my father beside me.


"I love you so much, anak..." naiiyak na utas ni Mr. Villamor habang marahang hinahagod ang aking buhok.


Sometimes, love isn't about fighting for your counterpart but learning to let go in order for the both of you not hurt each other anymore.


The more I grasp the idea of being together, the more painful it gets 


because it is forbidden.


I cannot do anything about it. I just have to accept the truth and love him in silence.


It is way better than hurting him as I love him.


"You will be a Villamor soon..." nakangiting utas sa akin ni Mr. Villamor ng ilayo ako sa kanya. Kumikinang ang kanyang mga mata sa tuwa.


That's enough for me now...seeing him happy because of the decision I made. i am happy...but I can't help but to also feel scared...


what will happen in the next few days?


//


Nangako si Mr. Villamor na magkikita muli kami. May aayusin lang daw siya sa mga susunod na araw. Hindi ko alam kung ano iyon ngunit pakiramdam ko ay preparasyon iyon sa nalalapit na pag-introduce sa akin bilang isang Villamor.


Kinakabahan ako...pero masaya ang puso ko.


Nasabi ko na kay tita ang lahat pagkarating ko. Naging maayos na ang relasyon namin mula nuon. Mukhang napanatag na siya na talagang winala ko na ang namumuong relasyon namin ni Red dati...which is totoo naman.


Masaya ako sa mga nangyayari dahil nagiging okay na ang lahat. Hindi na kasing gulo ng dati. Hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko ang nangyari pero malalaman din naman kasi nila...for now, gusto ko lang enjoy-in ang pagiging okay ng lahat.


Nagkaayos na kami ni Naddie. Pagkapasok ko ay kinakausap niya na ulit ako at nag-sorry sa pagiging exaggerated ng reaksyon niya.


"I'm so sorry Jaki. I shouldn't have done that. Masyado akong nanghimasok sa relationship n'yo like I was always there. Hindi ko naman talaga alam ang kung anong meron sa inyo..." aniya habang naglalakad kami sa garden ng V.A.


Naiintindihan ko siay dahil alam ko namang gusto iya lang ang best para sa aming dalawa ni Red. And somehow, fault ko rin naman yun kung bakit siya nag-act ng gano'n since I never informed them things about our relationship. They were all so clueless about that, so I think that's why she overreacted.


Maayos na ang lahat...tahimik ang buhay ko sa paaralan at maging sa bahay. Hindi na muling nagpakita si Ryzen after...hindi ko alam kung saang lupalop na siya ng mundo..at si Red...


"Wala bang balita kay Red?" nakataas ang isang kilay na utas ni Tristan habang kumakain kami ng lunch. Tahimik lang akong nakikinig habang nakayuko sa aking pagkain.


"He's absent for damn three days!" utas ni Cade at mukhang badtrip ang itsura.


"Hindi ko rin siya ma-contact.." malamig ang tinig na utas ni Niccolo, diretso ang tingin sa akin.


"Yeah...and when I went to their mansion, he wasn't there..." nag-aalalang utas ni Kasey. Nakita ko ang pagtingin ni Niccolo kay  Kasey na agad nagbaba ng tingin.


"That jerk! He's gone missing when Jakirah's birthday is so near!" iritadong utas ni Nadine habang may tinitipa sa kanyang cellphone. Natigilan ako sa sinabi ni Nadine. Saka ko lang naalala na malapit na nga ang birthday ko...


Two days from now.


"Naddie!" saway ni Kate kay Nadine. Napaangat ng tingin si Nadine at napangisi at nag-peace sign.


"Sorry 'bout that.." aniya.


We all know Red has a fiancee but Naddie and others still want me for Red.


For sure kapag nalaman nila ang totoo...baka kasuklaman  pa nila 'ko...


Hindi ko muna iyon inisip at nag-focus sa pagkain para ma-divert ang attention ko sa usapan tungkol sa pagkawala ni Red.


Nag-aalala ako...pero pakiramdam ko kasama niya lang si Yumirah...


Napatitig ako sa number ni Red sa aking phone. Gusto ko sannag tanungin siya kung nasaan ba siya...


Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Wala na naman ni anino ni Red ang nagpakitaan sa amin. Bumuga ako ng hangin.


Tanungin ko kaya si Ryzen?


I am worried...but maybe...he's just with Yumirah...


Damn, I don't know!


Nagpalit na ako ng pambahay pagkarating. Pabagsak akong humiga sa kama at pinakatitigan ang cellphone ko. Dammit, I missed him so much.


Natigilan ako ng may biglang tumalon sa may bintana ko. Napabalikwas ako ng bangon at muntik ng mapatili sa nakita kung hindi ko lang naulinigan ang pamilyar niyang tinig.


"Hey..." paos ang tinig na utas niya na naghatid ng libu-libong paru-paro na magwala sa loob ng sistema ko.


This thing will never change at all cost, I fucking swear.


This is original.


Madilim ang kwarto ko dahil balak ko nang matulog ngunit kahit sa kadiliman ay nakikita ko pa rin ang pagkinang ng kulay tsokolate niyang mga mata. Kung hindi pa sa buwan ay hindi ko yun makikita.


"Red...what are you doing here?" nahihirapang utas ko ngunit hindi niya ako sinagot at hinila niya lang ako palapit sa kanya.


Damn.


Nag-init ang balat ko ng ikulong niya ako sa kanyang mainit na yakap. Dahil sobrang lapit niya ay agad ko siyang naamoy. Mariin akong napapikit.


Fuck. He's drunk.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top