behave

(unedited)

-

Kabanata 21

behave

Hindi ko alam kung paano na siya pakikitunguhan matapos ang nangyaring iyon. Halos hindi ako makatingin sa kanya nang dahan-dahan niyang ilayo sa akin ang kanyang mukha. Nag init ang aking pisngi ng makita ang kanyang nakapanindig balahibong ngisi.

"Let's go back there," paos ang tinig na utas niya sa akin.

Di ko alam kung bakit ang bilis-bilis niya akong napapasunod. Kung bakit ang bilis-bilis niya kong napapaluhod. Nakakainis.


"You behave," utas niya sa akin pero dahil sa halik niya ay medyo wala pa ako sa aking sarili. Napakurap-kurap ako ng hubarin niya ang kanyang coat at iyakap sa aking katawan. Kitang kita ko sa maroon polo shirt niya ang bakat at matipuno niyang katawan. Nag iwas ako ng tingin. Napatingin ako sa kamay niyang humila sa braso ko pagkakuwan. Should I let myself just forget? Should I just let myself get flowed?


Gulong-gulo na ako at sa totoo lang, habang tumatagal ay mas lumalalim at lumalakas ang nararamdaman kong kakaiba kay Red. Hindi ko iyon gusto. Hindi ko gustong manginig na parang timang sa harap niya. Hindi ko gustong maging sunud-sunuran na lang ako sa kanya. Alam kong may mali...alam ko dahil ginagawa ko ang lahat para lang huwag itong maituloy..pero habang tumatagal unti-unti akong nakakain ng nararamdaman kong ito.


"San kayo? Kanina pa kayo hinahanap ni Kate?" nakangising tanong ni Cade na siyang bumungad sa amin. Medyo hindi na gaanong maingay at tanging mellow music ang naririnig ko.


"D-dyan lang," utas ko at nilibot ang tingin sa paligid. Kakaunti na lang mga bisita. Hindi iyon nakapagtataka dahil malalim na rin ang gabi. Wala na ang iilang oldies sa may harapan kanina at tanging mga kasing edad na lang namin ang naiwang nagsasaya.

Nakita ko si Nadine na pasuray-suray na sa paglalakad. Namumula ang kanyang pisngi at namumungay na ang mga mata.

"May after pool party pa," utas ni Niccolo habang nakatingin kay Cade na ine-escort na si Nadine sa kausap nitong foreigner.

"Just let me go!" narinig kong piglas ni Nadine sa hawak ni Cade. Ngumisi si Cade pero wala iyong laman. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Bakit naglasing si Naddie?" tanong ko sa kanila. Bumuntong hininga si Kasey na mukhang medyo tipsy na rin habang si Niccolo ay nangalumbaba. Wala si Tristan at Kate.

"B-baka uuwi na ako, wala akong dalang pang swimming," ani ko.

"What?! Wag muna, Jaki!" Napaigtad ako ng marinig ang masayang tinig ni Kate sa aking likod. Pagkalingon ko ay naabutan ko nga silang dalawa ni Tristan.

"B-baka hanapin na rin ako ni tita--"

"Oh don't worry about tita. Nakapagpaalam na ko sa kanya kanina...so," anito at nginitian ako.

"You'll stay with us.." dagdag niya kaya wala kong nagawa.

Nag-stay muna kami rito habang inaayos ang pool. Nililigpit na rin ng mga tauhan nila Kate ang mga gamit sa garden.

"You'll swim?" napaigtad ako ng humaplos ang mainit na hininga ni Red sa tainga ko. Nag init ang aking mukha ngunit di ko iyon pinahalata.

"Siguro.." ani ko ng hindi siya tinitignan. Paano ko siya matitignan kung ang lapit-lapit niya sa akin?!


"it'll be better if you won't," utas niya uli na kinaikot ng mata ko.


"Tara na guys!" Kami-kami na lang ang natira sa pool dahil nagsiuwian na ang kanyang mga bisita. Ipinahanda pa talaga ito ni Kate exclusively lang sa amin at sa The Curse.


Malaki ang pool nila Kate at nakakaanyaya ang tubig. Kitang kita ko ang ganda ng bilog na buwan na nire-reflect ng tubig.

"Girls, palit na tayo," anyaya sa amin ni Kate. Si Nadine ay nakaidlip saglit kaya medyo nahimasmasan.

"I told you just sleep," narinig kong pag aaway nila ni Cade. Nahuhuli si Nadine dahil ayaw siyang pasamahin ni Cade.

"I'm not a baby girl anymore, Cade. Chill," utas ni Nadine at iniwan na ito upang sumabay sa amin sa pag akyat sa hagdan.

"You sure you're okay, Naddie?" tanong ni Kasey, nag-aalala ang kanyang tingin.

Pilit na ngumiti si Naddie. "Yeah. Don't worry. It's Kate's day, after all! We should celebrate and be joyful!" nakangising utas niya sa amin ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiti.


Pagkarating sa taas ay agad kaming tinulungan ni Kate makapili ng swimsuits. Hindi kasing lakas ng loob nina Kate at Nadine ang loob ko upang mag two-piece. Kami lang ni Kasey ang hesitant sa suot naming one-piece swimsuit. Sa akin ang may pinaka-conservative dahil hindi talaga ako sanay na magswimming kasama ang ibang tao bukod sa tita ko.

Low-cut ang likod ng swimsuit at kulay black ito. May cut din ito sa bandang tagiliran ngunit hindi gaanong malaki kaya sa tingin ko ay kaya kong suotin.

 Itinali ko ang aking buhok at nagpatong ng puting roba. Napatitig ako sa coat ni Red na nakatupi sa tabi ng white gown ko. Hindi ko alam pero nakaramdama ako ng mainit na haplos sa aking puso. 


Bumaba na kami matapos magbihis ang lahat. Naabutan namin ang The Curse na nakaayos na rin. Si Niccolo ay naka-white V-neck shirt at board shorts. Si Cade ay ready na mag swimming pati si Tristan dahil naka topless na sila at tanging short na lang ang suot.


Nakarinig ako ng mahinang sipol ng lumabas kami sa backdoor at dumeretso sa may pool. Nagpapasalamat ako dahil gabi ngayon at madilim ngunit dahil sa mga lampposts ay naaaninag pa rin kami. Agad kong naramdaman ang nakapapasong titig ni Red sa may recliner. Naka-black loose sando siya at board shorts. Kitang-kita ko kung paano siya napatuwid sa pagkakaupo ng makita ako. Shit.......


"Let's go swimming!" malakas na utas ni Nadine na tila hindi pa rin nababawasan ang ka-hyper-an. Napapalakpak kami ng biglaan siyang mag dive. Natatawang kumaway siya sa amin ng magpakita muli siya.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Ayoko pang tanggalin tong robang suot ko dahil alam kong pinanonood ako ni Red.


"Tara na, Jaki! Kasey! Ang sarap ng tubig!" anyaya sa amin ni Kate na nasa pool na rin. Maging si Cade at tris ay nandoon na habang si Niccolo ay tahimik lang na nagmamasid.


"Let's go, Jaki," nakangiting utas sa akin ni Kasey at hinubad na ang robang suot niya. Nag init ang pisngi ko dahil nahihiya ako.

"Jakirah!" muli nilang tawag sa akin kaya muli akong napasulyap kay Red na deretso lang ang tingin sa akin habang pinaglalaruan ang kanyang labi. Argh! Nakakainis! Hindi ba siya nahihiya man lang sa akin?!


"O-oo.." ani ko at dahan dahang tinanggal ang pagkakabuhol ng tali ng aking roba. Nanginginig ang mga kamay ko kaya't nahirapan pa ako magtanggal. Nang sa wakas ay bumagsak na ang roba sa sahig ay agad akong naglakad papunta sa pool.

"Sexy.."Nag init ang pisngi ko at napalingon kay Niccolo ng marinig ang malamig niyang tinig. Nakangisi siya sa akin ngayon. Tila natamaan na siya ng alak.


Umupo lang ako sa may gilid ng pool habang pinaglalaruan ang aking paa sa ilalim ng malamig na tubig. Nagkakasayahan na sila roon at nagpapaunahan sa pag-swim.

"hey," napaangat ako ng tingin sa mapupungay na mata ni Niccolo. Umupo siya sa tabi ko habang nasa isang kamay niya ay isang beer-in-can.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha na nakatingin lang sa iba naming kaibigang nagsasaya roon sa pool.

"may dumi ba ako sa mukha?" natatawang utas niya sa akin ng mapansin ang pagtitig ko. Muli niya akong nilingon.

Umiling lang ako. Napanguso siya at muling uminom sa beer in can.

"He's watching.." naaliw na bulong niya sa akin. Nagtaka pa ko noong una kung sino ang tinutukoy niya ngunit nalaman ko rin kaagad.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa aming mga paa.

"Niccolo...a-ako ba?" mahinang utas ko habang unti-unting namumungay ang mga mata ko. Gusto kong malaman. Gusto kong ikumpirma. Kung tama. Na baka sakaling may tama..

"Ikaw bang ano?" tanong niya pabalik.

Humugot ako nang malalim na hininga.

"A-ako ba..yung tinutukoy n-niya?" halos hindi na ko humihinga sa kabang nararamdaman ko. Baka...baka mayroon naman palang tama...

Nag angat siya ng tingin sa akin at sa gulat ko ay bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko habang parang natuklaw ng ahas na hindi alam ang gagawin.

"Ask him." nakangising bulong niya sa tapat ng mukha ko.

Hindi pa ako nakakahuma sa ginawa niya ay bigla na lang may tumulak kay Niccolo sa pool. Nahulog si Niccolo kaya napasigaw ako. Gulat akong napatingin sa madilim na mukha ni Red. Nakakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa akin ang kulay-tsokolate niyang mga mata.

"Did I tell you to just fucking behave?" mahina iyon ngunit mariin. Ramdam na ramdam ko ang galit sa tinig na kanyang ginamit.

Nag init ang gilid ng mga mata ko. Naguguluhan na ako.Alam ko ang tama ngunit gusto kong sumugal sa mali. Fuck. Napaka-messy ng lahat. 

Nanghina ako ng makasalubong ang malamlam niyang mga mata. Nanghihina ako sa tuwing ginagawa niya iyon. Pakiramdam ko pag ganyan na siya ay susunod na lang ako. Susugal na lang ako. Makalilimot na lang ako...


"Jaki! Let's swim!" Hindi ko sila pinansin. Gusto kong namnamin yung mga oras na nakakatitigan ko siya nang ganito ka-intense. Gusto kong namnamin lahat...sa tuwing kasama siya.


"You are always...always, Jakirah, making me jealous," paos na utas niya sa akin sapat lang upang marinig ko. Napaigtad ako ng maramdaman ang kamay niya sa likod ko. Low-cut iyon kaya para akong nakuryente nang magtama ang balat namin.

"What can i do about you?" dagdag niya pa habang dahan-dahang ginagalaw ang kanyang kamay sa aking likod.


"R-red..baka makita nila tayo.." tila nakikiliting utas ko.

"Damn...who cares? I only care about you.." utas niyang muli. Napapikit ako ng maramdaman ang init niya. You are illegal. How can you make me feel this way, Red?

Hindi na ako nakaimik. Nakakabaliw ang mga sensasyong pinaparamdam niya sa akin.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top