beast

(Unedited)

Kabanata 9

Beast


Nasa kabilang row ang kinauupuan ni Kristina. Mula ng makita niya ako ay natuliro na siya. Parang wala siya sa sarili sa buong durasyon ng klase. At ako rin. Nakikinig ako pero lumalabs din agad ito sa kabila kong tainga. Lutang na lutang ako.

I didn't expect to see her again. I never expected that we will see each other again.

After what happened before...

Pinilig ko ang aking ulo para mawala ang mapait na senaryong iyon sa aking utak. Nang mag dismiss ng klase ay agad akong niligpit ang aking gamit.

"Nagmamadali ka ata, Jaki?" puna ni Kate sa akin ng makita ang ginagawa kong pagligpit ng gamit.

"B-baka mauna na ako sá cafeteria. See you na lang sa usual table," aligagang utas ko at agad sinukbit ang backpack ko sa aking balikat.

"Hintayin mo na kami. Ilalagay lang namin yung books namin sa locker," marahang utas ni Kasey.

"Oo nga, Jr, may lakad ka ba?" singit ni Tristan na nakataas pa ang isang kilay.

Pilit akong ngumiti sa kanila at umiling.

"W-wala. Na-ccr lang siguro ako. Bye," ani ko at di na pinansin ang pagtawag nila at agad ng lumabas ng classroom.

Mabilis ang lakad ko. Malalaki ang bawat hakbang. Alam kong pinapanood ako ni Kristina kanina. Ramdam ko ang tingin niya pero wala akong pakialam. Gusto ko siyang iwasan. Ayoko siyang makita.

"Jakirah!" umalingawngaw ang pamilyar na boses na iyon sa mataong hallway. Kilala ko na agad ang tinig na iyon.

Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Don't talk to me. Don't come near me.

Halos mahulog ko na ang librong hawak ko at halos maitulak ko na ang mga estudyanteng nakaharang sa hallway sa sobrang pagmamadali ko. I want to escape. I want to run away.

"Jakirah, wait!" mas lalong lumakas ang tinig kaya lihim akong napamura at lakad takbo na ang ginawa.

Nakababa na ako ng building at papunta ng school grounds pero bago pa mangyari yon ay nahila na ako ni Kristina.

"Ano ba!" malakas na sigaw ko habang hinihila niya ako sa parte ng grounds na walang tao. Puno lang ang nasa paligid at may malapit pang kerubin fountain.

"Please talk to me, Ira..." nagmamakaawang utas niya ng masiguradong walang makaririnig sa amin.

"Pinlano mo ba 'to, Kristina? Na mag transfer dito para ipamukha sa akin ha? Para sa tuwing nakikita kita, maaalala ko ang ginawa mo ha?" di ko na napigilang utas habang nanginginig ang kamay ko sa galit.

Sunod-sunod ang iling na ginawa niya habang nangingilid ang luha sa mata niya.

"I-I'm sorry, Jakirah...I'm so sorry..." umiiyak na utas niya sa akin na lalong nagpainsulto sa akin.

"Ngayon ka lang nag sorry? After two years?" puno ng pait na utas ko at natawa.

"Alam mo, kung talagang you feel sorry, wag mo na akong kausapin uli! Just stay away from me!" utas ko at maglalakad na sana palayo ng magsalita uli siya.

"Klyde is also here..." utas niya na nagpatigil sa akin.

"So you're still together, congratulations," puno ng sarcasm na utas ko bago naglakad palayo kahit nanginginig ang tuhod ko sa naging engkwentro namin ni Kristina.

Somehow, I feel less heavy because of what happened. Because finally, I voiced out what I've been keeping for so long.

Noon, I kept everything to myself. Hindi ko sila pinagsalitaan ng masama. Hindi ko isinigaw lahat ng sakit na naramdaman ko. Kaya siguro ngayon takot akong harapin ang mga taong sumira ng tiwala ko. Kaya siguro ngayon kaya ko ng ilabas ang lahat. I was 15 years old that time when my heart got bruised because of people whom I loved and treasured so much.

Sila lang at si tita ang mundo ko noon.

Not until they betrayed me.

Kaya siguro nahihirapan akong mag adjust kina Kate, Kasey at Nadine. Kaya parang I can't tell everything to them. Because that scar keeps on haunting me. That scar of betrayal will always remain in my heart wherever I go or whoever I will meet. It will never go away. It will never fade away.

Maybe it's a lesson. The scar I have in my heart will always be a lesson that I will never forget. Because that scar will forever be there in my heart. Every scar is a lesson you'll never forget in your entire life.

That's the good of it in a way.

"Where have you been?" Bungad sa akin ni Nadine ng makarating na ako sa table. Nandoon na silang lahat at ako na lang ang hinihintay. Napangiti ako.

These people...they will not do it to me, right? They won't betrayed me, right?

It's hard for someone to give his trust again to people once he got betrayed. But inspite of that, you can't close the door of your life for those people who want to come in because that's how life moves. Life moves and goes on even though you got betrayed. You can't shut your world and be alone yourself. Trusting people means opening your life to them and letting them mark you in some ways. You just have to trust them and believe that they will not be the same person who broke your trust.

"Uhm, mahaba ang pila sa CR." palusot ko at ngumiti saka umupo na sa tabi ni Kasey na mahinhing kumakain ng sandwich.

Nakahinga ako nang maluwag ng di na nila pinagtuunan ng pansin ang alibi ko dahil nagsimula ng muli ang maingay na kwentuhan. I think I should be grateful to those people who betrayed me because if not of them, I will not meet these wonderful people. I'm so lucky to have them.

Isa-isa kong ginala ang tingin sa mga kasama ko sa table. Mula sa malokong mukha ni Cade na panay ang pagrereklamo sa boring na Philosophy professor namin. Kay Tristan na nakangiti at umiling iling habang sumisipsip sa mango juice niya. Kay Niccolo na usual poker face lang na nakikinig at tahimik na kumakain ng burger. Kay Red na naka-earphones at minumura si Cade dahil naiirita sa ingay. Kay Kate na natatawa habang pinakikinggan ang mura ni Red. Kay Nadine na binabatukan si Cade. Kay Kasey na nakangisi at kumakagat sa kanyang sandwich.

They are all so priceless.

Iba-ibang ugali, iba-ibang personalities but look, we all clicked with each other.

"You shithead! Napakaingay ng bunganga mo, Tolentino! Di ka ba makakain ng di nagsasalita?!" Malakas na utas ni Red at binato pa si Cade ng tissue paper.

"Dammit! Those legs are really gold, Red! Hey dude! Follow her IG, talagang mag iinit ang--"

"Stop it, Cade Kevin! May girls dito!" Inis na utas ni Nadine at pinagkukurot si Cade.

"Ouch!" Reklamo ni Cade habang sinasangga ang bawat kurot ni Nadine.

Napailing iling ako at inatupag na ang pagkain ko.

"Hoy," napaangat ako ng tingin kay Red na kaharap ko.

"Bakit?" Ani ko at sinimangutan siya.

"Akin na lang yan," utas niya at walang sabi-sabing kinuha yung kinagatan kong cheeseburger saka mabilis na kinagatan.

Agad nag init ang ulo ko sa ginawa niya at binato siya ng kauubos ko lang na yakult.

"Sayo ba yan? Akin yan diba?" Iritang utas ko.

Sapul ang noo niya kaya agad niya kong sinamaan ng tingin.

"Nagpaalam ako diba!" Inis ding sigaw niya kaya lalo akong nabwisit.

Aba! Siya pa ang galit!

"Mayaman ka diba? Bakit di ka bumili?" Nag uusok ang ilong na utas ko.

"Tinatamad ako!" Magkasalubong ang kilay na utas niya.

"Bwisit!" Ani ko at padabog na tumayo.

"Ano ba yan, Red?" Seryosong untag ni Tristan.

"Red! Ang imma mo!" Inis na utas ni Nadine.

"You're so cool, dude," nakangising utas ni Cade at nag thumbs up pa.

Napailing iling ako.

"Bibili lang ako." Paalam ko sa kanila habang masama pa rin ang tingin kay Red na nakangisi lang at tila walang pakialam sa sinasabi ng mga kasama namin sa mesa.

"Samahan na kita." Natigilan ako ng biglang tumayo ang kalmadong si Niccolo.

Napaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan siya.

"Ubos na ang burger ko," utas niya habang deretso ang tingin sa akin.

Mabagal akong tumango bago siya naglakad palapit sa akin.

Nahagip ko pa ang masamang tingin ni Red kay Niccolo. Hindi ko na lang pinansin iyon at naglakad na papuntang cafeteria kasabay si Niccolo.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. First time ito na magkasama kami ng kaming dalawa lang. It's so awkward...

"Pagpasensyahan mo na si Red." Natigilan ako ng magsalita siya.

Napalingon ako sa gwapo nyang mukha na deretso lang ang tingin sa dinaraanan namin.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at ginaya ang ginagawa niyang pagtingin sa daan. Mamaya mapansin niya pang tinitignan ko siya. Nakakahiya yon!

"Uhm...ganoon ba talaga siya? Para siyang walang pinag aralan. Walang manners. Ang rude! Antipatiko! Mayaman nga pero ang sama ng ugali---" Agad kong natikom ang bibig ko ng lumingon siya sa akin.

Oops...mukhang nasobrahan ako. Bakit ko ba nakalimutan na magkaibigan sila ng taong nilalait ko?

"Uh...s-sor--" Naputol ang sasabihin ko ng tumawa siya ng marahan. Nanlaki ang mata ko habang pinagmamasdan ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin. No doubt, he's totally handsome. Near perfection ang kagwapuhan mula sa kilay hanggang labi.

Pinakagusto kong feature ng mukha niya ay ang mata niya. Napaka expressive kasi nito. Yung tipong kahit hindi siya nagsasalita ay parang may binabasa ka sa mata niya.

"You hate him that much, huh?" natatawang utas niya at umiling iling.

Napangiti ako at tumango. "I've never hate someone like that. Ewan. Sobrang naiirita lang ako sa Red na 'yon. He's so arrogant, so rude."

"Do you know that I'm his best friend?" marahang utas niya at tinignan ako. Nagtama ang tingin namin at nakita ko ang tipid na ngiti sa kanyang labi.

He looks happy.

"And I know why he's like that. I watched him grow...and turned to a beast like that," utas niya at ngumisi sa akin na nagpaawang ng aking bibig.

What a sight! He smirked! He's so gorgeous!

"Beast. Yes, he is indeed a beast," nakangiting utas ko at iniwas ang tingin sa malalim at itim niyang mga mata.

A bruised beast.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top