again

(unedited)

-

Kabanata 28

again


Pumayag si tita nang magpaalam ako. Kaya ngayon ay kausap ko si Chaser.

"Really? I'll fetch you--" Agad ko siyang pinutol.

"H-Hindi na. Red is with me...is that okay with you?" utas ko.

Natigilan siya sa kabilang linya. "Is he really need to come? Is he your boyfriend?" mahina ang tinig na tanong niya.

"O-Oo. Don't worry, he just want to accompany me there...but I will go with you alone sa wedding ng ate mo," ani ko sa kanya.


Narinig ko ang buntong hininga niya. "Okay..then I'll just text you the venue?" utas niya.

Tumango ako kahit na di niya naman ako nakikita. "Yeah..."

"Okay! See you, Jakirah! ingat kayo.." masaya na uling utas niya sa akin at pinatay na ang tawag.

Pabagsak akong humiga sa aking kama. Nang malaman ni Red iyon ay hindi siya pumayag na ako lang mag isa ang pupunta roon sa venue ng wedding. Ayoko namang lumawig pa ang usapan at maulit ang pagtatalo namin. 

At saka ayoko ring maiwang mag isa kasama si Chaser, though he is really a good guy, pero ayokong isipin ng mga relatives niya na mayroong something sa aming dalawa.

Maaga akong nagising kinabukasan. Naghanda lang ako ng isang bag para may pamalit akong damit kung saka-sakali. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko sa mismong wedding ng ate ni Chaser dahil siya na raw ang bahala sa lahat. Napaigtad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Isang message kay Red ang nag-pop up sa screen.


From Red

I'm here.


Isang sipat ko pa sa aking repleksyon sa salamin bago tuluyang lumabas at bumaba. Marami-rami ngayon ang customer sa Coffee Bean. Agad kong nakita si tita sa may counter, kausap si Miya.

"'Ta, alis na po kami." paalam ko kay tita na abala sa pag asikaso at pag utos kay Miya.

Tumango lang ito at sinabihan akong mag ingat. These days napapansin ko na panatag na siya na payagan akong lumabas-labas dahil alam niyang kasama ko si Red. Hindi lang ako ang unti-unti nang nasasanay sa presensiya ni Red ngunit maging si tita.


Inayos ko muna ang laylayan ng suot kong puting dress na abot sa tuhod bago naglakad palabas. Agad nagsalubong ang tingin namin ni Red na cool na cool na nakasandal sa kanyang itm na Jaguar.


Nakita ko kung paano kumislap ang kulay-tsokolate niyang mga mata. Sinuksok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na pantalon habang sinusundan ako ng tingin habang palapit sa kanya.


Hindi siya nagsalita nang magkaharap na kami at nanatili lang na nakatitig sa akin.


Ngumisi muna siya bago ako pagbuksan ng pintuan sa may shotgun seat. Iningusan ko siya bago sumakay. Sinundan ko siya ng tingin nang umikot siya para makaupo sa driver's seat.


"Saan daw yung venue?" tanong niya sa akin ng makaalis na sa parking lot ng Coffee Bean ang sasakyan niya. Ni-check ko ang phone ko kung may message na ba ni Chaser.


"Sa Palawan daw..." utas ko at binasa sa kanya ang whole address. Isa iyong beach wedding dahil sa isang private beach resort sa Palawan iyon gaganapin.


Hindi ito tumugon at nag-focus sa pagda-drive. Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe ngunit sa tingin ko ay aabutin kami ng gabi. Sabi naman ni Chaser na hapon sa Linggo gaganapin ang wedding kaya Sabado palang ay dapat paalis na kami.


Nakita kong may kinausap siya sa kanyang cellphone. Hinayaan ko lang siyang makipag usap habang inaaliw ko ang mga mata ko sa mga nadaraanan namin.


"Yes. We're on our way...yes...just get it ready," utas nito bago binaba ang kanyang phone at nilagay sa may dashboard.


Humikab ako at sumandal sa may upuan. Medyo late na rin ako nakatulog kagabi dahil ang tagal naming magkausap ni Red sa telepono...


"You can sleep if you're sleepy," untag niya sa akin kaya nalipat ang tingin ko sa kanya.


Tumango ako sa kanya at pinikit na ang mata.

"Here," napaigtad ako ng may kuhain siya sa may backseat at ibigay sa akin ang isang pillow car at ang kanyang gray jacket.


"Malamig ba?" tanong niya at tinutok na ang tingin sa daan.


"M-medyo.." ani ko at niyakap sa aking sarili ang mabango niyang jacket. Naghanap ako ng komportableng posisyon. Naramdaman kong hininaan niya ang aircon.


"Your hand..." mahina at masuyong utas niya kaya muli akong napadilat at napatingin sa kanya. Kagat niya ang ibabang labi habang nakalahad ang isang kamay niya sa kanyang hita. Nag inita ang pisngi ko at tila may mga paru parong kumawala sa loob ko. Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya at muli nang pinikit ang mga mata. Tinago ko ang aking mukha sa jacket niya.


So embarrassing..


Hinila na ako ng tuluyan ng antok.  Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas. Nang idilat ko ang mga mata ay medyo blurry pa ang paligid. Kumurap-kurap ako bago napokus ang tingin sa may labas. Wala si Red sa may driver's seat at nakatigil na ang sasakyan. Nang i-check ko ang oras ay tatlong oras din akong nakatulog.


Napansin ko na nasa isang open space kami. Ang ingay na naririnig ko ay ang helicopter sa may di-kalayuan. Lumabas ako habang hinahanap ng mata si Red. May nakita akong isang lalaking kausap ni Red. Matangkad ito at naka-all black. Seryoso ang mukha niya at may katandaan na.


Napansin ni Red ang presensiya ko kaya't napalingon siya sa direksyon ko. Umilaw ang mukha niya nang makita ako at agad nagpaalam sa kausap.


"Gising ka na sa wakas," utas niya at ngumisi.


"K-kanina pa ba tayo nandito?" usisa ko sa kanya. Ngumiti ito na nagpahulog sa puso ko.


"It's okay. Pinuyat kasi kita kagabi eh..." may panunudyong utas niya sa akin. Gusto ko siyang sakalin dahil narinig ng lalaki sa may likod niya ang sinabi niya. Nag iwas ang lalaki ng tingin sa amin.


Agad nag init ang mukha ko at tinaliman si Red ng tingin.


"Shut up." utas ko at inirapan siya. Humalakhak ito at inutusan na ang kaninang kausap na ilabas ang gamit namin sa may compartment ng sasakyan at ilagay na sa helicopter.


"S-sasakay tayo dyan?" hindi makapaniwalang utas ko habang unti-unting bumibilis ang kabog ng dibdib ko.


"Don't tell me you're scared?" naghahamong utas niya sa akin kaya't agad ko siyang tinignan.


"H-hindi 'no!" tanggi ko at napalunok habang tinitignan ang helicopter. Ngayon palang ako makakasakay roon! It's given that I'm really nervous!


Napaigtad ako nang hapitin niya ko sa aking baywang at ilapit sa kanya.

"Don't be afraid, Jaki, I'm here," cool na utas niya at mabilis akong hinalikan sa tuktok ng aking ulo. Napatda ako sa ginawa niyang iyon. What the heck! Bakit bigla na lang niyang ginagawa ang mga sweet gestures na iyon!


"Let's go," utas niya na tila wala lang sa kanya ang kanyang ginawa at hinawakan na ang kamay ko at hinila. Hindi ako makapaniwalang napaka-natural na sa kanya ng lahat. Parang sanay na sanay na siyang gawin iyon sa akin...


May iilang lalaki pa ang nandoon na umalalay sa amin sa pagsakay. Actually, gusto lang ni Red na siya ang umalalay sa akin. He's so stubborn...


"You ready?" maluwang ang ngisi tanong niya sa akin. Nasa harapan ang magmamaniobra ng helicopter habang nasa tabi nito ang kausap na lalaki ni Red kanina. Kami ni Red ay nasa likuran.


Mabagal akong tumango habang nakatingin sa magkahawak naming kamay. His hands are warm.


Napapikit ako nang mariin nang dahan-dahan nang tumaas sa ere ang helicopter. Tiyak akong naramdaman ni Red ang paghigpit ng hawak ko sa kamay niya.


"Hush. I'm here, just look at me," masuyong bulong ni Red sa tapat ng tainga ko nan nagpakalma sa mabilis na tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nasalubong ko ang kulay tsokolate niyang mga mata. Tila ako nalulunod sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon habang nakatitig sa mga mata niya.


Sumabog ang aking buhok sa hangin. Kitang kita ko ang pag iba ng tingin ni Red. His eyes are explicitly beautiful. Kitang kita ko ang ganda ng kanyang kulay tsokolateng mga mata habang natatamaan ng sikat ng araw...kitang kita ko ang repleksyon ko sa mga mata niya.


"You're beautiful.." he breathtakingly said. Hindi siya kumukurap, maging ako rin. Para aking na-wrap sa isang magical world na kami lang ang nakakaalam.


Napapikit ako ng maramdaman ko ang dahan-dahang pag-ipit niya ng mga nakawala kong buhok sa likod ng aking tainga. Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat sa bawat hawak niya. My heart is singing. 


"Open your eyes...it's beautiful," untag niya pagkalipas ng ilang sandali. Nang tignan ko siya ay nakangiti siya sa akin. "Come on..." aniya at sinenyas ang nasa may ibaba. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya at sinunod ang kanyang sinabi.


Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa ibaba. Sobrang ganda ng view mula rito sa may itaas...kitang-kita ang lahat...


"I told you it's beautiful.." rinig ko ang saya sa kanyang tinig. Tumango ako bilang pag sang-ayon.


"I've been riding an airplane or a helicopter my whole life multiple times but I never get to appreciate such view...until you're here beside me, Jakirah..." Napaigtad ako ng paglaruan niya gamit ang kanyang hinlalaki ang kamay ko.


Napatingin ako sa kanya. His eyes are damn beautiful. Ilang beses ko na bang sinabi iyon? They are so expressive--- I cannot take what I am seeing right in his eyes. It's so huge...so powerful.


So intense.


"You made me see the beauty of everything." mahina ang tinig na utas niya pero sapat na upang makarating sa aking tainga. Sapat na upang magbigay init sa kaibuturan ng aking puso.


"Me too..." halos hindi marinig na utas ko.


Ngumiti siya at hinalikan ang kamay ko ng dalawang beses habang nakapikit ang kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang mahahba niyang pilik-mata at ang matangos niyang ilong.


"I'm so lucky to have you. I don't know what I did on my past life to deserve this overflowing happiness. I don't deserve you...but fuck, I'm willing to do everything just to have you. To be deserving for you..." paos ang tinig na utas niya at muling nag angat ng tingin sa akin.


Nagsitaasan ang balahibo ko sa batok ng makita ang intensidad ng kanyang titig. 


"I won't let anyone, or anything, take you away from me...again," seryoso ang tinig na utas niya.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top