PROLOGUE
SASSY'S POV
Cassy and I are twins. Pero walang nakakaalam nun maliban sa pamilya namin at sa mga taong malapit samin. Ang alam ng lahat at maging sa school is that we are not blood-related at nagkataon lang na magka-apelyido kami.
Sa unang tingin naman kasi di mo talaga maiisip na kambal kami because we are a fraternal twin which only means na hindi kami magkamukha and idagdag mo pa na completely opposite kami pagdating sa maraming bagay. Kung anong ikinamanang at ikinabadoy ko ay ang siya namang ikina-fashionista at ikina-sophisticated ng kakambal kong si Cassy which made her famous and popular at our school. While me? I'm just a nobody. Parang hangin lang ako kung ituring ng lahat sa campus. Isang hangin na napapansin lang kapag wala silang ibang mapagtripan.
But it is okay with me kahit pa hindi kami tanggap ng ibang tao bilang magkapatid. Pero sana naman, kahit sarili ko man lang kapatid ay matanggap ako. All I'm asking is for her to accept me in her life again. Kahit wag niya na akong mahalin tulad ng dati. Basta't bigyan niya lang ako ng pagkakataong ipakita at iparamdam sa kaniya how much I misses her and how much I wanted to be with her just like the old times.
Ginagawa ko naman lahat para matanggap niya ako or kahit mapansin man lang niya. Pero wala pa ring epekto yun sa kaniya. Galit na galit siya sakin dahil inaagaw ko raw ang lahat sa kaniya, especially Mom and Dad. Ayaw na ayaw niya ring kinokompara kami ng mga taong nakapaligid samin. Kesyo raw matalino ako at honor student, siya puro shopping lang ang alam, sobrang bait ko raw(which is not true dahil may pagkamaldita rin ako, minsan nga lang lumalabas kapag ayoko sa isang tao) samantalang siya ay sobra sa katarayan at napakasungit, ako simple lang at isa lamang ordinaryong estudyante sa sarili naming school. While siya? Sikat at kilala saang mang sulok ng school mula high school papuntang college building. Siya is sakit sa ulo lang ang dala kina Mommy, while ako ay wala raw ibang ginawa kundi magpabibo sa kanila kaya proud sina Mommy at Daddy sakin.
Oo maaaring tama ang sinasabi niya dahil completely opposite naman talaga kami. Pero simula umpisa pa lang ay never ko siyang itinuring na isang kakompetensiya para makipag-agawan ako sa atensyon nina Mommy. I'm just doing the best I can to make them proud and be the best daughter because that's the least I can do para sa lahat ng pagmamahal at pag-aaruga nila sakin for more than 16 years.
Pero sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin akong matatanggap niya rin ako sa huli dahil kahit ayaw na ayaw niya ng presensiya ko ay mahal na mahal ko pa rin siya bilang nag-iisa kong kapatid na siyang pinakauna kong naging bestfriend.
Pero ang tanong, matanggap niya pa kaya ako? Magawa ko kayang burahin lahat ng hinanakit niya sakin at palitan ito ng pagmamahal?
If you want to know the story behind her hatred towards me and what will happen between the two of us in the future, then you can proceed to the next chapter and kindly support this story of mine 'til the end.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top