EPILOGUE

THIRD PERSON'S POV

Ngayong araw lalabas ng hospital si Sassy. Naasikaso na ng mga magulang niya ang lahat ng kailangang asikasuhin at bayaran para sa paglabas niya ng hospital. Nakapag-impake na rin sila ng kakambal niya ng mga gamit nila sa hospital at hinihintay na lang nila ang mga magulang nila dahil may pinuntahan lang ang mga ito saglit. Wala sina Zeke at Kyle dahil may inaasikaso rin daw ang mga ito. Sa mahigit isang linggong pananatili ni Sassy sa hospitak ay isang beses lang itong dumalaw dahil sa kung ano mang inaasikaso nila. Kung ano yun, hindi nila alam. Ayaw din naman kasing sabihin ng dalawa kaya hindi na sila nagtanong pa.

Masaya lang silang nagkukuwentuhang magkapatid sa ibabaw ng kama katabi ang mga gamit nila na nakalagay sa dalawang traveling bag habang hinihintay ang mga magulang nila. Agad naman silang napalingon sa may pintuan nang may magbukas nito sa isiping ito na ang hinihintay nila. Lihim namang nadismaya ang magkapatid nang isang babaeng nurse ang pumasok sa silid na may hawak na dalawang starbucks coffee sa right hand niya habang may hawak naman itong isang malaking paper bag sa kaliwang kamay na naglalaman ng food for breakfast which are two slices of cake, two jack burgers, pancakes and a box of cookies.

Nang mapansin ng magkapatid ang hawak ng nurse sa magkabilang kamay nito ay agad na nagsalubong ang kanilang kilay at naguguluhang sinalubong ang tingin ng ngayon ay nakangiti ng nurse na nasa harapan na nila malapit sa side table.

"What's that?"

Hindi naman na napigilan ni Cassy ang pagtaasan ng kilay ang kapapasok lang na nurse dahil sa mga agahang dala nito at idagdag pa ang malawak nitong ngiti na parang kinikilig na naiihi na ewan.

"Your breakfast" Tipid na sagot nito at maingat na inilapag sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama ang mga dala-dala nito

"Our breakfast? Wala akong maalalang nagpabili ako o nagpadeliver ng breakfast para samin ni Sassy"

"Of course because you're not the one who asked me to deliver this to you" Sagot ng nurse na hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa mga labi

"Then who?"

This time ay binalingan naman niya ng tingin ang katabi niyang si Sassy na nakatingin na rin pala sa kaniya kaya agad na nagtama ang tingin nila at kinunutan siya nito ng noo

"What?" Naguguluhang tanong ni Sassy dahil sa paraan ng pagtitig sa kaniya ng kakambal niya na para bang may ginawa siyang isang krimen

"Ikaw ba ang nagpabili ng mga yan?" Tanong ni Cassy at muling binalingan ng tingin ang mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa

"Oh? Ba't ako tinatanong mo? Kanina pa kaya tayo nagkukwentuhan pagkagising na pagkagising ko. I don't have the time to call anyone to buy us some foods"

Napaisip naman si Cassy sa sinabi ng kakambal and naisip na tama nga ito. Magmula ng magising ang kakambal niya ay hindi na niya ito nilubayan ng tingin. Kanina pa sila nagkukwentuhan at ni minsan ay hindi niya nakitang humawak ng phone si Sassy. Isang beses lang din itong bumaba ng kama para maligo sa banyo saglit.

Inis namang binalingan ni Cassy ang nurse.

"See? Neither of us order a food"

"I'm well aware of that ma'am. I was just ask by someone to deliver this to your room" Pormal na sagot nito

"Who?" Hindi na napigilang itanong ni Sassy

"Hindi ko rin po alam. May nag-iwan lang po niyan sa information desk with a note on it saying that we should deliver it to Ms. Sassy's room" The nurse explained to them "And by the way ma'am. There's a note inside. May be there's some clue on it that will help you know who the sender is"

"Note?"

"Yeah. A note" Sagot nito at marahang tumango "I'm sorry Ma'am but I have to go. I still have some stuffs to do. I just drop by to deliver your breakfast. Enjoy your meal" Paalam ng nurse at agad nang umalis kaya naiwan sina Sassy at Cassy na naguguluhan pa rin

Dahil wala naman na silang mapagtatanungan at wala rin namang alam ang nurse kung sinong nagpadeliver ng meal sa kanila ay minabuti na lang nilang buksan ang paper bag at hanapin ang sinasabi kanina ng nurse na note.

Agad namang tumambad sa kanila ang dalawang maliit na card na magkaiba ang kulay pagkabukas nila ng paper bag. Kinuha nila ang card at binasa base sa favorite color nila. Pink ang kinuha ni Sassy habang light blue naman ang kay Cassy.

"Special breakfast for my special someone :) Dig in. There's a long day ahead. Enjoy... --- Z" Basa ni Sassy sa card na hawak niya

"Be sure to eat this and satiate yourselves. Today will be a long day to the both of you. Enjoy... Hope you'll like it --- D" Basa rin ni Cassy sa card na hawak niya

Agad na nagkatinginan ang magkapatid dahil sa nabasa.

"Who's Z/D?" Sabay na tanong nila sa isa't-isa matapos mabasa ang nakasulat sa mga card na hawak nila

"I dunno" They both shrugged their shoulders

Hinalungkat ni Cassy ang laman ng paper bag at isa-isang inilabas ang laman nito at ipinatong sa ibabaw ng kama sa pagitan nilang magkapatid habang tahimik lang na nanonood sa ginagawa niya ang kakambal.

"Well, mukha namang sealed pa 'tong mga 'to. I think it's safe to eat it" Kibit-balikat na sabi ni Cassy matapos niyang mailabas lahat ng laman ng paper bag at makitang lahat ito ay mga bagong bili at mukhang freshly made pa ang mga ito

"Seryoso? Eh paano kung may lason pala yan or whatsoever?" Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Sassy

"Imposible" Pagkontra ni Cassy "Walang kahit anong sign na ginalaw na 'tong mga 'to kaya I guess there's no way that someone could possibly put something inside it" Cassy explained at ipinakita pa kay Sassy ang sealed ng mga food packages to convince her

"Sabagay. You have a point"

*Grrruuuu*

Nagkatawanan na lang silang magkatapatid dahil sa pagtunog ng tiyan ni Sassy which is a sign na gutom na ito.

"Looks like agree din yung tiyan mo Sissy" Tumatawa pa ring sabi ni Cassy

*Gruuuuu*

This time ay tiyan naman ni Cassy ang tumunog at mas malakas ito compare kay Sassy kaya mas lalo pang lumakas ang tawanan nila.

"Yours too" Tumatawang wika ni Sassy na nakahawak na sa tiyan niya dahil ngayon lang niya unti-unting nararamdaman ang gutom

"I know right" Cassy agreed at humagalpak ng tawa pero agad din siyang tumigil at muling nagsalita "Ano? Magtatawanan na lang ba tayo o sisimulan na nating pagsaluhan 'tong mga pagkaing nakahain sa harapan natin bago pa tumunog ulit ---"

*Grruuuuu*

Hindi na naituloy pa ni Cassy ang sasabihin niya nang muling tumunog ang tiyan nila.

"Well. Looks like we don't really have a choice. Besides, masama ang tumanggi sa grasya lalo pa't nag-aalburuto na ang tiyan natin"

"Then let's eat!" Tili ni Cassy at nauna na niyang nilantakan ang mga pagkaing nakahain sa harapan nila

Nang matapos silang kumain ay sakto namang bumalik ang nurse na nagdala ng breakfast nila para ligpitin ang pinagkainan nila na siyang ipinagtataka nilang pareho dahil hindi na naman parte ng trabaho nito ang paglilinis. Pero mas pinili na lang nilang hayaan ito at panoorin na lang hanggang sa lumabas ito ng silid kaysa magtanong dahil alam naman nilang hindi sila nito bibigyan ng sagot na gusto nila. Just like a while ago.

Nung pagkaalis ng nurse ay sakto namang dumating ang mga magulang nila na kanina pa nilang hinihintay.

"Mom! Dad!" Masayang tawag nila sa mga magulang na kakapasok lang at nakangiting lumapit sa kanila at ginawaran sila ng halik sa ibabaw ng mga ulo nila

"Hindi ba kayo nainip?" Malambing na tanong ng Mommy nila sa kanila

"Slight" Nakangusong sagot ni Cassy

"What took you so long?" Nakasimangot namang tanong ni Sassy

Bahagyang ginulo ng mga magulang nila ang mga buhok nila dahil sa inaakto nila.

"May inasikaso lang kami ng Mommy niyo. Pero okay na. We had already made sure that everything will go as planned" Their Dad explained which made them frowned

"Plan? For what?" Takang tanong ni Cassy

Agad namang napaiwas ng tingin ng Daddy nila at ang Mommy na nila ang sumagot sa tanong ni Cassy.

"It's a business matter"

"Oh. I see" Nakasimangot na sagot ni Cassy na napansin ang pag-iwas ng tingin ng Daddy niya na mukhang hindi nito inaasahan ang tanong niya and he was caught off guard. Pakiramdam niya ay may tinatago sa kanila ang Daddy nila. Pero hindi na niya inabala pa ang sarili niyang magtanong dahil alam niyang may dahilan kung bakit ayaw nitong sabihin sa kanila ang totoo. Ayaw niya itong pangunahan.

"Mom uwi na tayo. I want to go home na" Sassy pouted

"Me too" Cassy pouted too at yumakap pa sa bewang ng Mommy niya

"Sure babies. Did you already packed your things?"

"It's all done"

"Great!" Their Dad exlaimed "So, hon? Let's go?" Pagbaling ng Daddy nila sa Mommy nila at binigyan ito ng kakaibang tingin

Napansin ng magkapatid ang kakaibang tinging namamagitan sa mag-asawa pero ipinagkibit-balikat na lang nila ito at nagsimula ng maghanda para sa pag-alis nila. Tig-isa sila ng traveling bag na binitbit pero bago pa man sila makahakbang palapit sa may pinto ay kinuha ng Daddy nila mula sa kanila ang mga hawak nilang bag at ito na ang nagdala nito at nauna na itong maglakad palabas katabi ang Mommy nila kaya sumunod na lang din sila.

Palabas na sila ng hospital nang bigla silang huminto sa paglalakad dahil sa pagsigaw ng isang nurse nang dumaan sila sa information desk.

"Ms. De Guzman!"

Halos sabay na napalingon ang magkapatid sa nurse na tumawag sa kanila na nasa information desk. Ganun din ang ginawa ng mga magulang nila dahil mukhang narinig din ng mga ito ang sigaw ng nurse.

"Whom are you referring to?" Cassy inquired dahil wala naman itong pinangalanan sa kanila ni Sassy

"The both of you"

Tuluyan nang lumapit ang magkapatid sa information desk at ganun din ang mga magulang nila na tahimik lang na nakasunod sa kanilang likuran.

"Why did you call us?" Sassy asked the moment na makalapit sila sa information desk kung saan naroon ang nurse na tumawag sa kanila

May kung anong kinuha ang nurse sa ilalim ng desk niya na agad namang napansin ng magkapatid kaya nagsalubong na naman ang kanilang mga kilay.

"Here" May inabot itong dalawang paper bag sa kanila na kaagad naman nilang tinaggap kahit na nag-aalangan pa silang tanggapin ito

"Ano 'to?" Naguguluhang tanong ng kambal nang tanggapin nila ang paper bag na inabot nito

"Isuot niyo raw bago kayo umalis mg hospital"

"What? Why would we?"

"Because it's an order from above. You can't leave this hospital with what you are wearing right now. So, if you want to go home, you have no choice but to change into what's inside that paper bags"

"No way!" Cassy yelled in extreme protest

"Do we really have to change?" Salubong ang kilay na tanong ni Sassy na nanatili pa rin kalmado unlike her twin sister na mukhang napipikon na sa nurse at kaunti na lang ay susugurin na ito sa inis dahil sa pagiging demanding nito

"Yes Miss" Tipid na sagot ng nurse at ngumiti

"Tss! Whatever. Hindi ko pa rin susuutin 'to. So stop making a fool out of us. Bitc ---"

"Ehem" Their father coughed para putulin ang kung ano mang sasabihin ni Cassy

Napatungo na lang si Cassy dahil narealize niya na umiiral na naman ang pagkamaldita niya.

"I'm sorry Dad. It's just that she's making us do something against our will. Tsaka wala namang ganiyang rule sa hospital" Cassy defended herself

"Ate's right" Pagsang-ayon ni Sassy sa sinabi ni Cassy "It's so weird. Tsaka gusto ko na rin pong umuwi"

"I know. Kaya sundin niyo na lang yung sinabi ni Ms. Liezel" Sabi ng Daddy nila na tumingin pa sa nurse para siguro tingnan ang I.D nito kung saan nakasulat ang pangalan nito

"Oo nga naman mga anak. Wala namang mawawala di ba kung susunod kayo?" Pagsang-ayon din naman ng Mommy nila sa sinabi ng Daddy nila

Cassy heaved a sigh dahil mukhang wala na naman silang choice dahil mga magulang na nila ang nagsabi.

"Fine" Napipilitang sagot ni Cassy "Sissy let's go"

Mabilis na hinigit ni Cassy ang kakambal papuntang banyo para magbihis. Agad na nagtungo sa comfort room si Cassy habang hila-hila sa kamay ang kakambal na katulad niya ay may bitbit ding paper bag sa kanang kamay niya.

Pagkapasok na pagkapasok nila ng banyo ay agad silang naghiwalay ng landas at nagtungo sa dalawang magkatabing cubicle para magbihis. Matapos ang halos limang minuto ay magkasabay na lumabas ang dalawa at nang magtama ang tingin nila ay hindi nila maiwasang mapatulala ng ilang segundo bago nila pasadahan ng tingin ang isa't-isa mula ulo hanggang paa. Hindi pa sila nakuntento sa ginawa nila at talagang pinaglipat-lipat pa nila ang tingin nila sa mga suot nila. They will look at their own dress and after a second or two ay mag-aangat sila ng tingin to look at the other's dress. They were like that for almost five minutes before they decided to go in front of the wall mirror on their side to confirm what's on their mind. And h*ll yeah! They are wearing the same dress. A simple, plain white off-shoulder above the knee dress that looks like a beach dress.

Nang ma-confirm na nila na hindi nga sila pinaglalaruan ng paningin nila ay muli silang nagkatinginan at napakibit-balikat na lang saka sila nagmamadaling lumabas ng banyo para balikan ang mga magulang nila kung saan nila ito iniwan. Pero malayo pa lang sila sa information desk ay nagkasalubong na ang mga kilay nila dahil wala na doon ang Mommy't Daddy nila. Agad naman silang nagpanic dahil baka iniwan na sila ng mga ito dahil sa tagal nilang bumalik. Tinakbo na lang nila ang daan patungong information desk at humahangos na hinarap ang nurse na nagbigay sa kanila ng damit na suot nila ngayon. Abala ito sa pagsusulat ng kung ano sa desk niya.

"Where's our parents?" Humahangos na tanong ni Cassy sa nurse

Nawala ang atensyon ng nurse sa ginagawa nito at agad itong nag-angat ng tingin sa kanila.

"Hey. You're back. And oh..." Napako ang tingin nito sa suot nila at bigla na lang itong ngumiti afterwards "You look great!"

"Thanks. But where's our parents? Did they go somewhere?" Ulit ni Cassy sa tanong niya kani-kanina lang

"Ah... You're parents? They already left" Casual na sagot nito

"What?" Gulat na tanong ng magkapatid na may namimilog na mga mata

"Something came up. Someone called them at nagmamadali na silang umalis after that. But they asked me to relay a message to the both of you"

"What was it?"

"They said someone will came here and pick you up" The nurse relayed their parent's message for them

"Who?"

"Yan ang hindi ko alam" The nurse shrugged her shoulder at bumalik na sa ginagawa niya

Agad namang binalingan ni Cassy ang kakambal.

"May idea ka ba kung sinong susundo satin?"

Sassy just shrugged her shoulder kaya napasapo na lang sa noo niya si Cassy at muling hinigit ang kakambal papuntang exit ng hospital.

"Where are we going?" Nagtatakang tanong ni Sassy habang nagpapatangay na lang din sa paghila sa kaniya ng kakambal niya

"Outside. Baka nandoon na yung susundo satin whoever he or she is"

Hindi naman na nagtanong pa si Sassy at tahimik na lang siyang nagpahatak sa kakambal. Panay ang linga niya sa paligid habang papunta silang exit sa pagbabakasakaling may makita siyang pamilyar na mukha na maaaring siyang sundo nila. Nagulat na lang siya at napahawak sa ilong niya nang tumama ang mukha niya sa likod ng kakambal dahil sa biglaang pagtigil nito. At dahil nasa likuran siya ng kakambal ay hindi niya makita ang kung anong nasa unahan na dahilan ng pagtigil nito.

"Why did you stop?" Tanong niya sa kakambal

"Carpet" Wala sa sariling sagot ni Cassy sa tanong niya habang nakatungo at may kung anong tinitingnan sa bandang harapan nito na agad namang napansin ni Sassy kaya marahan niyang tinabig ang kakambal para makasilip siya at makita niya kung ano mang tinitingnan ng kakambal. Halos lumuwa naman ang mga mata ni Sassy sa nakita. There's a carpet on the stairs. Yung carpet ay kasinglapad lang ng isang normal na pinto. At dahil may kahabaan ang hagdan sa exit ay may kahabaan din ang carpet dahil hanggang dulo ng hagdan ang carpet. Napapalamutian ng white roses ang magkabilang gilid ng carpet na mukhang nakatahi or somewhat nakadikit dito dahil hindi ito gumagalaw kahit pa may kalakasan ang ihip ng hangin sa labas dahil open area ito.

"Anong meron?" Inosenteng tanong ni Sassy nang makabawi siya sa gulat. At katulad niya ay nakabawi na rin sa pagkagulat niya si Cassy na ngayon ay nakatingin na sa gawi niya.

"I dunno. Maybe it's for a VIP or a head in this hospital. Grand entrance I guess" Hindi siguradong sagot ni Cassy and she just shrugged her shoulders

"Siguro nga. Haist! Yaan na nga. Ano namang pakialam natin diyan?" Sassy paused nang may maalala siya "Wait. Yung sundo pala natin. Did you already found him or her?"

"Hindi pa nga eh. Tara punta tayong parking area" Pag-aya ni Cassy at muling hinawakan ang kakambal sa kamay nito saka siya nagsimulang humakbang pababa ng hagdan kasunod si Sassy. Nung nasa panghuling baitang na sila ng hagdan ay bigla ulit silang tumigil nang may pumaradang itim na van sa mismong harapan nila. The same van na ginamit sa pagkidnap noon kay Sassy kaya agad na napakapit si Sassy sa braso ng kakambal at nagtago sa likuran nito dahil sa takot, trauma to be exact.

"Why? What's wrong?" Nagtatakang tanong ng kakambal na si Cassy na naweweirduhan sa ikinikilos niya

"Ya...Yan yung van na ginamit nung m-mga kumidnap sakin" Kinakabahang sagot ni Sassy at mas humigpit pa ang hawak sa braso ng kakambal mula sa likuran nito

"What?" Gulat na tanong ni Casssy at mas itinago pa siya sa likuran nito "Stay there. Don't be scared. They won't hurt you nor touch even the tip of your finger as long as I'm here. I'll protect you no matter what"

Kahit papaano ay nabawasan ang takot niya dahil sa sinabi ng kakambal at sa paraan ng pagprotekta nito sa kaniya. She know that she's safe in her twin's arms.

Tuluyan nang nawala ang takot niya nang bumukas ang side door ng sasakyan sa driver's seat at iluwa nito si Luke at biglang sumulpot si Ethan sa tabi nito na mukhang galing ng passenger's seat.

Dahil mga kaibigan niya ang bumungad sa kaniya imbes na ang mga taong nakabonet na dumukot sa kaniya noon ay umalis sa pagkakatago niya si Sassy at hinarap ang mga ito.

"Ethan? Luke? Anong ginagawa niyo rito? At ba't gamit niyo yang van na ginamit ng kidnappers?" Naguguluhang tanong ni Sassy sa mga kaibigan niya habang nanatili na lang na tahimik si Cassy sa tabi niya kahit naguguluhan na rin ito sa mga nangyayari dahil kilala naman na niya sina Luke at Ethan at alam niyang kaibigan ito ni Sassy

"Long story short. I rented this van" Bigla namang nagsink in sa utak ni Sassy na may kinalaman nga pala si Luke sa pagkakakidnap sa kaniya kaya gamit nito ang kotse na ginamit ng kidnappers

"And to answer your other question. We're here to pick you up" Ethan stated

"You mean, kayo ang inutusan nina Mommy na sumundo samin?" Naguguluhan pa ring tanong ni Sasst sa dalawa

"Sort of" They both answered and shrugged their shoulders

"Why? Ah. I mean, bakit kayo? How about Tay Luis?"

"He's still on leave. Nakaleave siya magmula ng mahospital ka since wala naman na siyang ipagmamaneho dahil maging ang parents mo ay halos dito na natutulog para bantayan ka. And bukas pa ang balik niya. Kaya obviously ay walang susundo sa inyo. That's why we're here" Ethan explained to answer her question

"Ah. Okay" Nag-aalangang sagot ni Sassy

Mabilis na lumapit si Luke sa side door ng sasakyan at pinagbuksan sila ng pintuan and gesture them to enter habang si Ethan naman ay nasa kabilang side ng pinto at inaalalayan silang pumasok.

Nang makasakay na sila ng van ay agad ding sumunod sina Ethan at Luke na ngayon ay magkatabi sa driver's seat at passenger's seat. Agad na binuhay ni Luke ang mahina habang binuksan naman ni Ethan ang stereo at nagplay sa background ang music na 'Can You Be My Girl' by Bailey May.

Habang nasa biyahe ay bigla na lang nakaramdam ng antok ang magkapatid dahil na rin siguro sa wala silang sapat na pahinga at tulog magmula ng mahospital si Sassy. Imbes na labanan ang antok ay hinayaan na lang din nilang tuluyan silang tangayin ng antok.

Nagising ang magkapatid dahil sa marahang pag-alog nina Ethan at Luke na ngayon ay nasa magkabilaang pinto ng sasakyan at nakadukwang sa kanila.

"Hmmm?" Inaantok pa ring sagot ng magkapatid at pilit na nagmulat ng mata. Kinusot-kusot nila ang mga mata nila at tumingin sa labas to make sure kung nakarating na ba sila ng bahay nila. Nawala naman bigla lahat ng natitira pa nilang antok sa katawan at napaayos sila ng upo habang may namimilog na mga mata nang mapag-alamang wala sila sa tapat ng bahay nila kundi nasa tapat ng isang beach resort.

"What are we doing here? I though you're going to drive us home. But why did you bring us here instead?" Naguguluhang tanong ni Cassy na hindi na maipinta ang mukha dahil sa dami ng mga nangyari ngayong araw na hindi nila maintindihan. Yung breakfast, ang tinginan ng parents nila bago sila lumabas ng silid na inookupa ni Sassy, ang pilit na pagpapasuot sa kanila ng dress ng nurse, ang pag-iwan sa kanila ng parents nila sa hospital, ang van na ginamit nina Luke sa pagsundo sa kanila at ang pagdala sa kanila nina Luke sa isang beach resort imbes na sa bahay nila na hopefully ay sana siya nang huli.

"We didn't tell you that. We never told you that we'll bring you home. And to answer your question. We're here because this is our destination" Sagot ni Ethan na mas lalong ikinagulo ng utak ni Cassy habang si Sassy naman ay palipat-lipat na ang tingin sa kanilang dalawa ni Ethan habang nag-uusap sila

"Destination? Ano namang gagawin namin dito?" Naiinis nang tanong ni Cassy na kanina pa nagpipigil

"Swimming?" Sarkastikong sagot ni Ethan at nagkibit-balikat

"Tss. Nice answer" Cassy rolled her eyes in irritation

"Ahm. Luke, can you bring us home? We aren't supposed to be here you see" Pagbaling naman ni Sassy kay Luke na katulad niya ay kanina pang tahimik sa tabi niya habang nakikinig sa sagutan ng dalawa

"No. Sassy my friend. You are supposed to be here"

"And me? Sabit lang ako dito ganun?" Asar na tanong ni Cassy na nakaturo pa sa sarili niya

"Nope. Just like Sassy. You're supposed to be here"

"Then what are we gonna do here?"

"That's not our problem anymore. We already did our job. We brought you two here on time"

"How about us? Iiwan niyo kami rito matapos niyo kaming dalhin dito without even telling us?" Nagsimula nang magpanic si Cassy dahil mukhang balak pa yata silang iwanan ng dalawa

"Precisely, yes" Kibit-balikat na sagot ni Luke at ngumiti "So, now you may step outside and enter that resort in front of us" Sabi nito sabay turo sa entrance ng resort "So we can leave"

"Fine. Just don't you dare show your faces in front of me ever again or I'll make sure that you'll regret this day"

Padabog na lumabas ng van si Cassy dahil sa sobrang inis habang tahimik lang namang nakasunod sa kaniya si Sassy.

"I doubt that. Baka nga pasalamatan mo pa kami after this" Pagkontra ni Ethan sa sinabi niya at nginitian siya ng makahulugan. There's something on his smile that Cassy can't figure out. So, she just shrugged it off.

"Are you being sarcastic right now?"

"I'm not. I'm being practical"

"Whatever" Cassy rolled her eyes at aalis na sana para lumapit dun sa entrance pero pinigilan siya ni Luke

"Wait" Pigil nito sa kaniya "Change into this first before you went to that resort" May iniabot itong isang pares ng tsinelas sa kaniya at ganun din kay Sassy na agad naman niyang tinanggap kahit na nag-aalangan siya at di niya alam kung bakit kailangan pa nito

"What's this?"

"Slippers?"

"Alam ko. What I'm asking is what's this for?" Bakas na ang pagkaasar sa boses ni Cassy dahil sa pamimilosopo sa kaniya ni Luke

"Haist!" Napasabunot na lang si Luke sa sarili dahil sa hindi maubos-ubos na tanong ni Cassy "Stop asking so many questions. Just do as I say"

"Fine!"

Kahit na labag sa loob nila ay hinubad pa rin nilang magkapatid ang suot nilang white sneakers at nagpalit sila ng tsinelas. Nang makapagpalit sila ng tsinelas ay agad nilang binalingan ng matalim na tingin ang dalawa na may malawak ng ngiti sa mga labi.

"Perfect. Now give us your shoes and those paper bags. Kami nang bahalang mag-uwi niyan sa inyo" Inilahad ng dalawa ang mga kamay nila sa harapan nilang magkapatid kaya hindi na sila nagreklamo o nagtanong pa at iniabot na lang din nila sa mga ito ang mga bitbit nilang sapatos at paper bags dahil hindi rin naman nila gugustuhing bitbitin yun hanggang sa resort

"Weirdos" Cassy murmured and the guys just chuckled

"Why do people keep on acting weird today?" Sassy muttered

"Because the weirdest thing is just about to happen" Nakangiting turan ni Ethan na may kakaibang kislap ang mga mata

"What do you mean?" Magkapanabay na tanong ng kambal na salubong na ang mga kilay at hindi na maipinta ang mga mukha

"See for yourself" Tanging sinabi ng dalawa at sumakay na ng van at basta na lang silang iniwang nakatanga sa tapat ng resort

Para malaman ang sagot sa tanong nila at para malaman kung ano ang tinutukoy ng dalawa ay nagsimula na silang maglakad palapit ng entrance kung saan sinalubong sila ng dalawang taong hindi nila inaasahang makikita pa nila ulit after what had happened.

"What are you two doing here?" Tiim-bagang tanong ni Cassy sa dalawang taong dahilan ng pagkakaospital ng kakambal

"We're here as your guide" Casual na sagot ni Trixie na may ngiti pa sa mga labi niya na mas lalong ikinainit ng dugo ni Cassy

"Guide? Are you kidding me? Aren't you supposed to be in jail?"

"Ahm. Ca...Cassy... Didn't Mom and Dad tell you?" Nag-aalangang tanong ni Sassy dahilan para balingan niya ito ng nagtatanong na tingin

"Tell me what?" Salubong ang kilay na tanong ni Cassy sa kakambal na ngayon ay kagat-kagat na ang ibabang labi at hindi magawang tumingin sa kaniya ng diretso

"Na inurong na ni Sassy at ng mga magulang mo ang demanda" Fiona is the one who answered and what she said made Cassy furious

"What?! Sassy is that true?" Tanong niya sa kakambal to confirm it

"Yes" Mahinang tugon ni Sassy at marahang tumango

"Why did you do that? They kidnapped you and you almost get killed because of them"

"I know. But they didn't mean to hurt me. And about the kidnap thing. They only did that to get back on you. But after what happened, they realized their mistake and they promised to never mess with us again. They promised to ---" Fiona cut her off

"C'mon girls. It's not time to make a scene" Fiona interfered

Tatarayan niya sana ulit si Fiona nang may bigla siyang maalala kaya kalmado niya pa rin itong hinarap para tanungin.

"Do you know why we are here?" Walang emosyong tanong niya rito

"Of course. But I can't tell you. But if you want to know why you're here. Come with us. We have something to show you"

Kahit naguguluhan ay sumunod na lang din ang magkapatid kung saan man sila balak dalhin ng magpinsan dahil napupuno na ng tanong ang mga isip nila at makukuha lang nila ang sagot na hinahanap nila kapag sumunod sila rito. All they have to do is to go with the flow. And that's what exactly they are doing right now.

Nang makarating sila sa dalampasigan ay basta na lang silang iniwan ng magpinsan. But before that ay may ibinigay ang mga ito na white flower crown na agad naman nilang sinuot para matapos na 'to at malaman na nila kung sinong may pakana ng lahat ng 'to.

Lumapit sila sa isang floating cottage medyo may kalayuan sa kanila na nakaagaw ng pansin nila dahil sa iba't-ibang klaseng bulaklak na napapalamuti rito. Kinakain din sila ng curiosity nila dahil di nila makita ang loob nito mula sa kinatatayuan nila dahil natatakpan ng isang makapal na kulay puting kurtina ang nag-iisang daanan nito papasok. Iba kasi ito sa normal na floating cottage dahil enclosed ito at isa lang ang daanan papasok.

Pagpasok nila ay sumalubong sa kanila ang napakagandang loob ng cottage. May mga nakadikit na iba't-ibang klaseng bulaklak sa dingding, may fairylights na nakaorganized sa dingding na tanging nagsisilbing liwanag sa loob nito dahil hindi makapasok ang sinag ng araw sa loob sa sobrang enclosed nito, at may mga nakasabit na mga pictures nilang dalawa noong mga bata pa sila sa ceiling. Karamihan sa mga pictures ay picture nila habang masayang naglalaro at magkayakap na natutulog sa iisang kama. Napayakap na lang si Cassy sa kakambal habang may isang butil na ng luha ang tumulo mula sa kaliwang mata niya dahil ngayon niya mas napatunayang tama ang naging desisyon niya na alisin ang galit at inggit sa puso niya dahil mahal na mahal niya ang kakambal at ganun din ito sa kaniya. Masyado na silang maraming pinagsamahan at pinagdaanan ng magkasama para sukuan ang isa't-isa.

Makalipas ang ilang minuto ay kusang bumitaw sa yakap si Cassy at marahang tinuyo ang pisngi at mata niya dahil sa pagtuloy-tuloy ng agos ng luha niya.

Inalis niya ang tingin sa mga larawang nakasabit sa ceiling. Nagbaba siya ng tingin dahilan para mapako ang tingin niya sa tanging kasangkapang nandito. Walang kahit anong kagamitan sa loob maliban sa isang low table na siyang nakaagaw ng atensyon niya dahil may nakapatong na red heart shaped pillow sa ibabaw nito kung saan nakalagay ang dalawang bracelet na magkatabi at bahagyang magkapatong na parang sign ng infinity. Nagkalat din ang white rose petal sa ibabaw ng mesa na nakapalibot sa white heart shaped pillow na nasa pinakagitna ng mesa.

Binalingan niya ng tingin anng kapatid. At katulad niya ay nasa mesa na rin ang atensyon nito. Nakita niya sa peripheral vision niya na unti-unting lumalapit sa mesa ang kakambal niya kaya ganun din ang ginawa niya.

Maingat na kinuha ni Sassy ang bracelet na nasa kaliwa na mas maliit kompara sa isa kaya kinuha na lang din ni Cassy ang bracelet na natira at pinakatitigan ito.

Gawa sa iba't-ibang klase ng mamahaling bato ang bracelet at sa pinakagitnan nito ay mas isang maliit na shell kung saan ay may nakasulat dito na siyang nakakuha ng atensiyon nila.

'Kielsy' ang nakasulat sa bracelet na hawak ni Sassy habang 'Syniel' naman ang sa kay Cassy.

"Keilsy/Syniel?" Magkapanabay na tanong ng magkapatid at nagkatinginan pa sila nang mag-angat sila ng tingin sa isa't-isa

"Wait" Cassy gave Sassy a knowing look

"Are you thinking what I'm thinking?" Halos sabay na tanong ng magkapatid

Wala sa sariling tumango ang kambal habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa isa't-isa.

"Should we put this on?" Kapagkuwan ay tanong ni Sassy

"I think so" Kibit-balikat na sagot ni Cassy at nauna na niyang isuot ang bracelet na hawak niya kaya ganun na rin ang ginawa ni Sassy

Napako ang tingin nila sa isa pang pinto ng cottage na natatakpan din ng puting kurtina katulad ng pinasukan nila kanina nang may marinig silang ingay mula sa labas nito na parang tunog ng isang yate.

Kagad nilang hinawi ang kurtina nang makalapit sila dito at sumilip sila sa labas kung saan nakita nila ang isang yate sa bandang kaliwa nila na medyo may kalayuan sa kanila na mahinang naglalayag papunta sa direksyon nila.

"Akala ko noong una sa pelikula lang nangyayari ang ganito
Hindi ko inakalang darating ako sa punto
Na ako mismo ang makakapagpatunay na ito'y totoo.

Tunay ngang may mga hindi pangkaraniwang pangyayari sa mundo
Na hindi magawang paniwalaan ng tao
Pero nararamdaman ng ating mga puso.

Kambal kami, kambal din kayo
Mahal kita at mahal din ng kakambal ko ang kakambal mo
Ang hiling ng kakambal ko ay siya ring hiling ko
Hiling namin na sana'y hayaan niyo kaming mahalin kayo
At kung pwede, sana'y masuklian ninyo ang pagmamahal namin para sa inyo" Rinig nilang sabi ng dalawang boses na agad nilang nakilala at nakumpirmang ito nga ang mga lalaking nagpapalakas ng tibok ng kanilang mga puso dahil kasabay ng pagtatapos ng kanilang tula ay ang pagtigil ng sinasakyan nilang yate sa harapan nila mismo

Nakatingin sa kanila ng diretso ang kambal na sina Zeke at Kyle habang sila naman ay mga nakatingala sa kanila para salubungin ang mga titig nito since nasa top deck ang dalawa habang may hawak na wireless mic sa right hand nila habang bouquet of white roses naman ang nasa kaliwang kamay nila na nakatago sa mga likuran nila. They're wearing a hawaiian shorts and a white polo na open ang tatlong botones sa taas.

"Sassy, mula pagkabata ay magkasama na tayo. Marami na tayong pinagsamahan. Saksi ako kung paano kang tumawa at lumuha dahil sa iyong mga naging karanasan sa buhay. I was your companion, your crying buddy, your listener and your clown who made corny jokes just to make you happy. We we're friends ever since. But I treat and see you more than that. You were not just a friend. You're the girl I love. The girl I want to spend my life with. The girl I want to be by my side when I reach my dreams and goals in life. You're the girl that I can't afford to lose. Because losing you means losing my happiness and eventually my life. You're my everything. My life wouldn't be worth living for without you. You were like the sun, the moon and the stars. My life is dark and lifeless without you. So here I am, asking you a question" Zeke cleared his throat before he continued "Would you like to spend the rest of your life with me as your boyfriend and not just as a friend?"

Hindi na napigilan pa ni Sassy ang maluha dahil pakiramdam niya ay siya na ang pinakamaganda at pinakamaswerteng babae sa buong mundo dahil ang lalaking inakala niyang kailan man ay hindi na niya muli pang makakasama at makikita dahil sa pang-iiwan niya rito nang walang dahilan ay ngayon ay nasa harapan niya at nagtatapat ng pag-ibig nito para sa kaniya sa pangalawang pagkakataon. And this time ay alam niyang wala nang kokontra pa sa pag-iibigan nila at walang na siyang masasaktan sa kung ano mang desisyon niya dahil alam niya sa sarili niya kahit di man sabihin ng kakambal niyang si Cassy na si Kyle na ang mahal nito at wala na itong nararamdaman pa kay Zeke.

Bago pa man maibuka ni Sassy ang bibig niya para magsalita ay naunahan na siya ni Kyle.

"Cassy, we just met recently but you already stole my heart. One glance and you made my heart beat loud in an extraordinary speed. The first time our eyes met was also the first time that I started to feel something weird. I felt an emotion deep inside my heart that I am not familiar with. It was the first time that someone made me feel uncomfortable all of the sudden. Your mere presence is more enough to make me feel weak and nervous. It feels like I'm melting. You made my defenses weak. And before I could even realize it, my life already depends on you. My day is not complete anymore without you. You became the reason why I smile a lot. You became the air that I breathe. Without you, I feel dead and worthless. I can't live a day without you anymore. So, I'm asking you a question. Would you like to spend the rest of your life with me so we could get to know each other better? Will you allow me to call you My Ms. Taray?"

Tahimik lang na nakatingin ang magkapatid kina Zeke at Kyle habang may sinusupil na ngiti sa mga labi at may namumuo nang luha sa mga mata.

"Hey. Wht aren't you two answering? Don't you feel the same way?" Untag sa kanila ni Kyle na lihim nilang ikinatawa

Sa itsura ni Kyle ay mukhang kinakabahan ito sa maaaring maging sagot ni Cassy kaya naman ay nakaisip ng kalokohan si Cassy para asarin si Kyle dahil natutuwa siyang makita ito sa ganoong sitwasyon lalo pa't alam niyang siya ang dahilan nito.

"What was your question by the way?" Pabirong tanong ni Cassy na sinadya niya pang lakasan para talagang marinig ni Kyle mula sa top deck ng yate

"Ang dami niyo kasing sinabi eh. Di na namin masyadong nasundan" Gatong naman ni Sassy sa sinabi ng kakambal na mukhang katulad ni Cassy ay may balak ding pagtripan si Zeke

"We're asking if will you be ours" The guys answered

"Whom are you asking?" Pang-aasar pa ng kambal habang pilit na pinipigilang kumawala ang tawa mula sa mga bibig nila dahil sa itsura nina Zeke at Kyle na parehong hindi na maipinta

"Tss. Fine" Kyle hissed saka binalingan ng tingin ang kakambal na si Zeke "You go first Zeke"

Agad namang tumalima si Zeke at mabilis niyang sinalubong ang tingin ni Sassy at nagsimula na ulit siyang magsalita.

"Sassy can you be my girl? Can I be your boyfriend and not just a guy friend? Pwede na ba tayong maglevel up?"

Sassy chuckled because of the word level up.

"Cassy, can you be my Ms. Taray for life? Can you be mine?" Tanong naman ni Kyle kay Cassy

"Para ka namang nagpopropose niyan. For life talaga?" Natatawang tanong ni Cassy na mukhang enjoy na enjoy na makitang unti-unti nang naaasar si Kyle dahil sa ginagawa niyang pagliliko ng usapan

"Argh! Can you just answer our f*cking question? You're making a fool out of us" Asar nang turan ni  Kyle na napasabunot na sa sarili niya gamit ang kamay niyang may hawak ng mic

"Alam niyo bang pinaghandaan namin ang araw na 'to? Tiniis naming hindi magpakita sa inyo for almost a week just for this day. Tapos tatawanan niyo lang kami. You're hurting us" Pagdadrama naman ni Zeke na mas lalong ikinatawa nina Sassy at Cassy

"Ang drama mo!" Tumatawang pang-aasar ng magkapatid kay Zeke

"D*mn it! Just answer it. Is it a yes or a no?" Asar na ring tanong ni Zeke na katulad ng kakambal na si Kyle ay naiinip na rin sa sagot nila

Pinilit na lang nina Sassy at Cassy na pigilan ang sarili nilang matawa para hindi na mas lalo pang mainis sina Zeke.

"Do you think we'll put this on if the feeling is not mutual?" Kaagad na itinaas nina Sassy at Cassy ang kanang kamay nila kung saan nakalagay ang bracelet na kinuha nila kanina mula sa low table na nasa likuran nila

Agad na nanlaki ang mga mata nina Zeke at Kyle when the realization hit them.

"Does that mean ---" Hindi na natuloy pa ni Kyle ang sasabihin niya nang biglang tumili sina Cassy at Sassy

"YES!"

"Oh God! They said yes!" Hindi makapaniwalang sigaw nina Zeke at nagyakapan pa sa sobrang tuwa kaya hindi naman nakaligtas sa paningin nina Sassy ang mga bouquet na hawak nila sa kaliwang kamay

"Hoy! Ba't kayo ang nagyayakapan? Aren't you two supposed to hug us?" Kunwaring nagtatampong sigaw sa kanila ni Cassy na halatang nagpipigil na ng tawa dahil sa ginawang pagyakapan ng dalawa

"Hindi niyo naman yata kami totong love eh" Sassy pouted at saka binalingan ng tingin ang kakambal "C'mon Ate. Umalis na tayo rito"

Before they could even turn their back ay sumigaw na ang dalawa mula sa top deck.

"Stay there! We're coming to get you!"

Mabilis na binitawan ng nina Zeke ang hawak nilang bouq at walang sere-seremonyas na tumalon ang dalawa sa dagat mula sa top deck at lumangoy palapit sa cottage.

Nang makasampa sila sa cottage ay tatangkain sana nilang yakapin sina Sassy at Cassy pero agad itong umatras palayo sa kanila.

"Stop. Mababasa ako"

Imbes na makinig ay nagkatinginan ang dalawa at ngumisi ng nakakaloko. At bago pa man makatakbo ang dalawa palayo para tumakas ay mahigpit na nila itong niyakap.

"Kyaah!" Tili ni Sassy at Cassy nang maramdaman nila ang lamig dulot ng basang damit at katawan nina Zeke ar Kyle "Layo! Lumayo ka!" Pagtataboy nila sa mga ito na tinawanan lang ng dalawa at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanila kaya tuluyan na silang nabasa

"I love you. I love you. I love you" Paulit-ulit na sambit ng mga ito habang yakap-yakap pa rin sila

"I love you too Zeke/Daniel"

Sina Zeke at Kyle ang unang kumalas sa yakap. Nang maghiwalay ang mga katawan nila ay mabilis na hinawakan ni Zeke sa Sassy sa right hand niya at ganun din ang ginawa ni Kyle kay Cassy.

"Let's go! Come with us" Masiglang sigaw ni Zeke at hihilahin na sana si Sassy pero hindi ito nagpatangay sa kaniya

"Where to?" Naguguluhang tanong ni Sassy

"To the island nearby. We have a suprise for the both of you" Kyle was the one who answered dahil napansin din nito na salubong na ang mga kilay ni Cassy

"What? Surprise? Hindi pa ba ito yun?" Naguguluhan na ring tanong ni Cassy

"Of course not. We prepared somehing more special. Kaya tara na"

Hindi naman na nagtanong pa sina Sassy at Cassy at sumama na lang din sila sa isla kung saan naghihintay sa kanila ang mas malaking sorpresa na inihanda ng kambal especially for them.

...THE END...

A/N: Hope you enjoyed reading my story 'till the end. If you liked my story, don't forget to vote. And you can also leave a comment below para naman alam ko kung anong feedback niyo. Thank you ng marami☺ Love you Twinnies💞💕😘😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top