CHAPTER 8

THIRD PERSON'S POV

Nasa may garden lang si Ethan at nakaupo sa isang bench habang hinihintay si Sassy. Second week of school na ngayon. Its monday. At napag-usapan nila na sabay na silang pumunta ng room nila kaya maaga pa lang ay hinintay na ni Ethan si Sassy sa paborito nilang tambayan.

Habang tumatagal ay napapalapit sila sa isa't isa. Kahit weekends ay magkasama pa rin sila at namamasyal kung saan nila mapagkasunduan. Sabay silang kumakain, sabay pumapasok at sabay din silang nag-aaral. Dahil malaki ang tiwala ni Sassy sa kanya ay di na inilihim pa ni Sassy ang tunay niyang pagkatao sa kanyang matalik na kaibigan.

Kahit papano ay gumaan na ang dinadala ni Sassy dahil sa tulong ni Ethan na palaging nandiyan para pakinggan at damayan siya sa kaniyang mga nararanasan sa kamay ng sarili niyang kapatid.

'Tagal naman ng isang yun...' Reklamo ni Ethan sa kanyang isipan habang panay ang sulyap sa kanyang relo dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase nila. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang hinihintay niya.

"Ethan!" Agad na napalingon si Ethan sa may bandang gilid niya nang marinig niya ang tawag sa kaniya ni Sassy mula rito.

"Sorry ah. Natagalan ako. Traffic kasi eh" Paghingi agad niya ng paumanhin nang sandaling makalapit siya kay Ethan

"Ayos lang yun. Ano? Tara na?" Aya ni Ethan sa kaniya

"Wait lang. Samahan mo muna ako sa locker room. Kukunin ko lang ang ibang gamit ko dun. Pleaseee?" Pagpapacute ni Sassy habang pinagsasalikop niya ang kaniyang mga palad at pinapupungay ang kaniyang mga mata

Napangiti na lang si Ethan dahil nakapout na si Sassy at patuloy pa rin sa pagpapacute niya. Agad na inakbayan niya ito at inagaw ang mga dalang libro ni Sassy at siya na ang nagdala nito.

"Tara na nga" Nakangiting pagpayag ni Ethan

Masaya silang naglakad ng magkaakbay habang panay ang kanilang asaran at kulitan na siyang palagi nilang ginagawa tuwing magkakasama sila.

"Ethan, ang bigat ng kamay mo" Reklamo ni Sassy at inaalis ang pagkakaakbay nito sa kaniya

"Mabigat ka diyan. Ang sabihin mo sadyang payatot ka lang talaga kaya nabibigatan ka sa kamay ko" Biro ni Ethan sa kaniya at muling ibinalik ang braso niya sa pagkakaakbay kay Sassy

"Payatot pala ah..." Bulong ni Sassy pero rinig naman yun ni Ethan

"Akin na nga yan!" Kunwaring galit na sigaw ni Sassy kay Ethan at basta na lang niyang inagaw ang mga aklat niya rito at walang sabi-sabing ipinampalo niya ito sa ulo ni Ethan nang ubod ng lakas

Nang magsawa na siya kakapalo dito ay agad siyang tumakbo papalayo kay Ethan habang tumatawa dahil sa kalokohang pinaggagagawa niya.

"Oyy! Bumalik ka rito! Lagot ka talaga sakin!" Tumatawang sigaw ni Ethan kay Sassy. Pero dire-diretso pa rin sa pagtakbo niya si Sassy kaya di niya namalayan na may naglalakad na isang lalaki pasalubong sa direksyon niya

"Aray!" Daing niya nang mapaupo siya sa sahig at nagkalat lahat ng gamit niya

"Sassy!" Gulat at alalang sigaw ni Ethan mula sa malayo

Dahil sa labis na pag-aalala ay mabilis na tumakbo si Ethan para lapitan ang natumbang si Sassy.

"Miss, are you okay? I'm sorry. I didn't see you coming" Paghingi ng tawad ng lalaking nakabanggaan niya sabay lahad ng kamay niya para tulungang tumayo si Sassy. Pero instead na tanggapin ni Sassy ang kamay nung lalaki ay mas inuna niyang pulutin ang mga nagkalat niyang gamit sa sahig.

Tinulungan naman siya nito sa pagpulot ng mga nagkalat niyang gamit. Nung pupulutin na ni Sassy ang huling aklat na nakakalat pa ay naunahan siya nitong pulutin ito bago nito inilahad ang ilang mga aklat niya na pinulot din nito.

"Here"

Kinuha niya ang aklat sa lalaki nang nakatungo pa rin. Nang makuha niya na ang lahat ng aklat niya ay saka lamang siya nag-angat ng tingin para tingnan kung sino man yung nakabangga sa kaniya.

"Kuya Kyle?" Gulat na sambit ni Sassy habang sinusuring mabuti ang mukha nung lalaki

"Do I know you?" Nagtataka at naguguluhang tanong ng lalaki at bahagya pa siyang pinaningkitan ng mata para suriin ang mukha niya

"Kuya, it's me. Sassy!" Puno ng siglang pakilala niya sa kanyang sarili

Sinuri nung lalaki ang itsura ni Sassy at doon niya nakumpirma na nagsasabi nga ito ng totoo.

"Ikaw nga. Sissy, how are you?" Masiglang tanong ni Kyle na hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon na si Sassy ang nasa harapan niya. Malayong-malayo ito sa Sassy na kilala niya na maganda at maayos manamit.

"Kuya, I told you not to call me Sissy. It sounds like sisiw. But by the way, I'm fine" Parang batang sagot ni Sassy

Bigla na lang niyakap ni Kyle si Sassy sa sobrang tuwa na muli itong makita.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. I miss you, Sissy" Natatawang sabi ni Kyle habang nakayakap pa rin kay Sassy. Niyakap naman agad siya nito pabalik.

"I miss you too, Kuya" Masayang tugon ni Sassy

Si Kyle ang unang kumalas sa yakap. Natatawa nitong ginulo ang buhok ni Sassy na wala pa ring ipinagbago sa kaniyang pag-uugali.

"What happened to you? Bakit ganyan itsura mo? Halos di na kita makilala" Nagtatakang tanong nito at tiningnan pa si Sassy mula ulo hanggang paa na puno ng pagtataka

"It's a long story, kuya" Pag-iwas ni Sassy sa usapan

"Sassy!" Sabay silang napalingon sa tumawag sa kaniya which is si Ethan na humahangos na lumapit sa kanila

"Sassy, are you alright?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Ethan nang makalapit na ito sa kanila

"Yeah. I'm okay. Oh. By the way, Ethan this is Kuya Kyle. Kuya this is my friend, Ethan" Pagpapakilala ni Sassy sa dalawang lalaking malapit sa puso niya at ngayon nasa magkabilaan niya

"Nice to meet you, Ethan" Masayang sambit ni Kyle habang nakalahad ang kamay nito

Tinanggap naman ito ni Ethan saka sila nagkamayan.

"Nice to meet you too" Ethan said at siya na ang unang bumitaw sa shakehands nila

"By the way Kuya, what are you doing here?" Masiglang tanong ni Sassy na wala ng mapagsidlan ng tuwa dahil sa muli nilang pagkikita ng itinuring niyang Kuya buong buhay niya. Samantala, si Ethan naman ay nanatili na lang na tahimik sa tabi at hinayaan na lang na mag-usap ang dalawa kahit na may ilang tanong pa siya sa kaniyang isipan patungkol sa lalaking nasa harapan niya at kausap ni Sassy.

"I'm going to study here. And its my first day" Nakangiti nitong sagot

Bigla namang napangiti si Sassy sa narinig dahil sa talagang miss na miss na niya ito. Pero bigla din siyang nalungkot sa loob-loob niya dahil nang may naalala siya.

"Kuya, nandito rin ba siya?" Sassy asked in a worried voice

"He's not yet here. But he'll be here soon. But I don't know exactly when he'll be having his flight. He's still fixing something abroad" Kyle answered kaya kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Sassy dahil sa kaalamang wala pa rito ang taong pinagtataguan niya

"Ganun ba? Is he angry with me?" -
Sassy asked hoping for Kyle to answer no

"No, he's not. You knew him well. Hindi siya yung tipo ng tao na madaling magalit at hindi rin sya mapagtanim ng galit. And I know him. He can't have any hatred against you" Nakangiting sagot nito para mabawasan ang pag-aalala ni Sassy

Bigla namang nakaramdam ng guilt si Sassy kaya napayuko na lamang siya sa sobrang kirot ng puso na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Nasaktan niya ito pero hindi pa rin nito magawang magalit sa kaniya sa kabila ng pag-iwan niya rito.

"Sassy, I have to go. I still have to settle everything with regards to my stay in here. But before I leave, let me tell you something" Pahabol ni Kyle ng akmang aalis na ito para asikasuhin ang paglipat niya rito

"What is it Kuya?" Nagtatakang tanong ni Sassy

"He's been searching for you ever since the day that you left. And nothing has change about what he felt for you. He's still the same guy that he used to be and the guy you used to know" Kyle added and left her dumbfounded

Hindi namalayan ni Sassy na may tumulo ng luha mula sa kaniyang kanang mata. Marahang pinunasan ni Ethan ang mga luhang nasa pisngi niya.

"Hey. Are you okay? Ba't ka umiiyak?" Alalang tanong ni Ethan sa kaniya na natataranta na at di na makapag-isip ng maayos sa kung anong dapat niyang gawin para aluin si Sassy

"Ayos lang ako. May naalala lang" Sassy answered before she wipes her tears on her own

"Sigurado ka?" Paniniguro ni Ethan na hindi kumbinsido sa naging sagot niya sa tanong nito

Tango na lang ang naging sagot ni Sassy sa nag-aalalang si Ethan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang sinabi ni Kyle.

"Tara na. Baka ma-late pa tayo" Pag-aaya ni Sassy para hindi na magtanong pa ng kung ano-ano si Ethan na hindi niya naman kayang sagutin sa ngayon

Wala nang nagawa si Ethan kung hindi ang sumunod kay Sassy kahit na marami siyang tanong sa kaniyang isipan na gusto niyang mabigyan ng kasagutan.

***********************************
Sorry sa so tagal na update. Naging busy lang for this past few weeks. But I was still hoping that you will going to support my story until the end.

'Sino kaya yung tinutukoy nila Kyle at Sassy na naghahanap sa kanya?'

'Sino kaya si Kyle sa buhay ni Sassy?'

'Bakit kaya umiyak si Sassy at bakit siya nakaramdam ng guilt?'

Just leave your comment below😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top