CHAPTER 7
THIRD PERSON'S POV
Maagang pumasok si Sassy kinabukasan kaya pagkarating niya sa room nila ay wala pang ibang tao maliban sa kaniya. Naisipan na lang muna niyang magbasa ng isa sa mga librong dala-dala niya.
Tahimik lang siyang nagbabasa sa upuan niya sa pinakadulo malapit sa may bintana kung saan siya lang mag-isa ang nakaupo. Wala naman kasing may gustong tumabi sa isang tulad niyang manang, nerd at bookworm. But it was okay with her. Nasanay na rin naman siyang mag-isa ever since na lumayo ang loob sa kaniya ng kambal niya at iniwan niya ang sarili niyang kaibigan for the sake of her family.
Napatigil siya sa pagbabasa nang maramdaman niyang may umupo sa katabi niyang upuan. Nang balingan niya ng tingin ang katabi niyang upuan para tingnan kung sino ang tumabi sa kaniya ay mukha ng nakangiting si Ethan ang bumungad sa kaniya.
"Good morning" Masayang bati nito
"Good morning" Masaya niya ring bati pabalik
"Kanina ka pa ba rito?" Tanong ni Ethan habang pilit na sinisilip ang librong binabasa ni Sassy
Tinago na muna niya ang librong binabasa niya bago niya muling hinarap si Ethan at sinagot ang tanong nito.
"Yhup" Tipid niyang sagot dito
"Are you now feeling well? Nakatulog ka ba ng maayos? Kumain ka na ba ng breakfast? Baka mamaya mawalan ka na naman ng malay" Sunod-sunod nitong tanong sa kaniya na muntik na niyang ikatawa because of the thought na daig pa nito ang tatay niya kung makapag react
"Ayos lang ako. Wag kang mag-alala. Saka kumain na ako dahil pinagbawalan ako nina Mom --- Ahh. I mean, Mama na pumasok ng school nang di kumakain" Nakangiting sagot ni Sassy to assure him that she's really fine and there's nothing to worry about
'Naku! Muntik na ako dun ahh. Dapat siguro maging maingat ako sa pagsasalita at bawas-bawasan ko muna ang kadaldalan ko. Baka matulad pa ako sa isda na nahuli sa sarili niyang bibig' Nasambit na lang ni Sassy sa kaniyang isipan ng muntik na siyang madulas at magbigay ng clue ng tungkol sa totoo niyang pagkatao
'Hanggang kailan mo ba balak itago Sassy ang tunay mong pagkatao?' Malungkot na tanong ni Ethan sa kanyang isipan
"Oyy. Ayos ka lang? Bigla ka yatang natahimik diyan" Untag ni Sassy kay Ethan nang bigla na lang itong natahimik dahil sa lalim ng iniisip nito na tulala lamang habang nakatingin sa kaniya
"Ye...yeah. I'm perfectly fine. Tara. Punta muna tayo sa garden. Maaga pa naman eh" Aya nito na hindi na naman tinanggihan ni Sassy dahil masyado pang maaga para sa klase nila at gusto rin niyang maglibot-libot muna para marelax ang isip niya
Habang papunta sila nang garden ay panay lamang ang kuwentuhan nila ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang mga buhay, hilig, childhood at kung ano-ano pa na maisipan nilang pag-usapan tungkol sa kani-kanila nilang buhay.
Panay lang sila sa kwentuhan kaya hindi nila inaasahang may mababangga si Sassy.
"Ouch!" Daing ng babaeng nabangga niya habang nakayuko at nakaupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabangga sa kaniya ni Sassy
"I'm sorry. Di ko po sinasadya" Paghingi niya ng tawad sa babae at hinawakan ito sa braso nito
Lumapit na rin si Ethan sa babae at hinawakan din ito sa kabilang braso nito at maingat na itinayo.
Nang maitayo na nila ang babae ay doon lang napansin ni Sassy na ang babaeng nabangga niya ay walang iba kung hindi si Cassy na laman ng kaniyang isipan sa mga nakalipas na araw.
Nang mapansin din ni Cassy na ang kakambal niya ang nakabangga sa kaniya ay agad niyang tinabig ang kamay nilang dalawa ni Ethan na nakahawak sa magkabilang braso niya.
"Don't you dare touch me! Oh. By the way, try to look where you're walking at. And don't you ever block my way ever again. Or else, you'll be dead!" Mataray na sambit ni Cassy sa kaniya
Kagat-labi siyang umalis sa tabi ni Cassy at nakatungong naglakad palayo sa kakambal niya. Ngunit mabilis na iniharang ni Cassy ang kaniyang isang paa sa daraanan ni Sassy. Hindi niya ito napansin kaya hindi niya naiwasang mapatid rito. Buti na lang at nasalo siya ni Ethan kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa lupa. Inirapan lang siya ni Cassy bago ito umalis at iwan si Sassy sa ganoong posisyon.
"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Ethan habang inaalalayan siyang makatayo ng maayos
"Ayos lang ako" Tanging sagot niya. Pero sa loob-loob niya ay di siya ayos dahil nasaktan siya sa ginawa at sinabi sa kaniya ng sarili niyang kapatid.
"Akala ko pa naman napatawad mo na ako, Ate Cassy. Hindi pa pala" Mahinang sambit ni Sassy sa kaniyang sarili na sakto lang para marinig ni Ethan na nasa tabi niya nang hindi inaasahan. Marahan nitong hinagod ang kaniyang likuran para aluin siya.
'Bakit ba ganun na lang ang trato sayo ng kakambal mo? Kung saktan at pagsalitaan ka niya ng masama ay parang di kayo magkakilala' Nais sana itong itanong ni Ethan sa kaniya. Ngunit hindi niya ito maisatinig dahil ayaw niyang makisali sa away nilang magkapatid. Dahil unang-una ay wala siya sa lugar at baka lalo lamang lumaki ang gulo sa pagitan ng magkapatid. At yun ang iniiwasan niyang mangyari.
"Ethan, may sinasabi ka?" Nagtatakang tanong ni Sassy nang marinig niya ang bahagyang pagbulong ni Ethan na hindi naman niya naintindihan dahil sa sobrang hina nito na halos bulong na lang sa hangin
"Ahh. Wala. Ang sabi ko tara na sa garden para marelax ka" Pagpapalusot ni Ethan at basta na lang nitong hinigit si Sassy papunta sa may garden para kahit papano ay malimutan nito ang ginawa sa kaniya ng kaniyang sariling kapatid
Nang makarating sila sa garden ay agad na pumitas si Ethan ng rose na nakatanim sa paligid at iniabot ito kay Sassy.
"For you" Sabi ni Ethan sa malambing na boses
"Salamat" Nakangiting tinanggap ni Sassy ang bulaklak mula sa kamay ng nakangiting si Ethan
"You're always welcome" Masiglang sagot ni Ethan habang titig na titig sa kaniya
Tahimik silang dalawang naupo sa lilim ng isang puno at doon na lamang ipinagpatuloy ang kanilang naudlot na kuwentuhan habang hinihintay nila ang pagtunog ng bell.
***********************************
Si Ethan na kaya ang magpapahilom sa pusong sugatan ni Sassy?
Tuluyan na nga bang makakalimutan ni Sassy si Zeke?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top