CHAPTER 6
SASSY'S POV
"Ouch... Ang sakit ng ulo ko" Reklamo ko pagkagising na pagkagising ko dahil parang binibiyak ang ulo ko sa sakit
Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid.
Wait. Am I in the clinic? Anong ginagawa ko rito? Think. Think.
Now, I remember. Nawalan ako ng malay tapos may sumalo sakin at.... at may narinig akong boses bago ako tuluyang mahimatay nun.
'Chelsea, don't worry. I will take care of you. Hindi kita pababayaan' Yan ang huling narinig ko before everything went black
Sino kaya yung lalaking yun? Siya ba nagdala sakin dito? Teka. Where's my eyeglasses?
Maya-maya lang ay may narinig akong yabag na naglalakad palapit sa pinto ng room na 'to. Agad akong bumalik sa pagkakahiga at nagkunwari akong tulog.
I don't know why I did this silly act of mine imbes na salubungin na lang kung sino man yung parating. May something kasi sa loob-loob ko na nagtulak saking gawin 'to. And here I am, waiting for the door to open.
*Iiikkkk*
Narinig ko nang bumukas ang pinto. Ramdam ko ang pag-upo ng taong kakapasok lang sa bandang kanan ko kung nasaan ang side table.
Muntik naman na akong mapamulat nang may humaplos sa kanang pisngi ko. Pero buti na lang at nakapagpigil ako. Hinintay kong magsalita kung sino man yung katabi ko ngayon.
"Mas maganda ka pala pag wala kang salamin....*sigh* Haist. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nung una pa lang kitang makita. Di ka na mawala sa isip ko. Nandun ako kahit san ka magpunta. Para na nga akong stalker sa ginagawa ko" He said in frustration. But I also heard him chuckle at the same time.
Dahil sa mga sinabi ng lalaking nasa tabi ko ngayon ay bigla akong gumalaw ng wala sa oras.
Naramdaman ko namang inalis niya agad ang kamay niya sa pisngi ko kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mata na kunwari ay kagigising ko lang. Haist! Kung may award lang talaga para sa mga magagaling umarte, malamang ay nakatanggap na ako sa pinaggagagawa ko ngayon😂
"Gising ka na pala. Binili na kita ng pagkain because according to the nurse who checked you ay wala ka pang kain kaya ka nawalan ng malay" Masayang bungad sakin ng lalaking nasa may right side ko pagkamulat na pagkamulat ko
Napansin kong may nakalapag ng noodles sa mesa na mukha ngang kakabili niya lang dahil umuusok pa ito dahil sa sobrang init. May katabi rin itong bottled mineral water.
"Sa...Salamat... I-ikaw ba nagdala sakin dito? Pasensya ka na ah. Naabala pa kita" Naiilang kong sabi sa kaniya
Ghad! Bakit ko ba naman kasi narinig yung sinabi niyang yun kanina? Naiilang tuloy ako. Kasi naman eh.
"Wala yun. And yes, I'm the one who brought you here. Sige na kumain ka na. Masama para sa kalusugan mo ang pagpapalipas ng gutom" Masayang alok niya ulit sakin at maingat niyang inabot sakin ang noodles na nasa isang mangkok. Tinaggap ko naman 'to agad at sinimulan ko ng kainin bago pa ito lumamig.
"Here. Wear your eyeglasses"
Nakangiti niyang isinuot sakin ang salamin ko habang kumakain ako na siyang nakapagpatigil sakin sa pagsubo.
Nginitian ko na lang siya bilang ganti dahil nahihiya ako sa ginagawa niya. One more reason is hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya sakin habang inaakala niyang tulog ako.
Tanungin ko kaya siya about dun kung anong ibig sabihin nun? Ay wag na lang pala. Nakakahiya namang i-open up yung topic na yun.
Nang matapos na akong kumain ay inilapag ko na ang mangkok sa mesa at humarap ako sa kaniya para kausapin siya dahil ang awkward sa feeling ng sobrang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
"Salamat pala sa pagdala mo sakin dito, Kuya?" Alangan kong tawag sa kaniya. Yan na lang tinawag ko sa kaniya dahil di ko naman alam pangalan niya eh.
Makakuya naman ako wagas!😅 Baka nga magkasing-edad lang kami since we're classmates.
"I'm Nathaniel Cruz" Nakangiti niyang inilahad ang kamay niya kaya tinanggap ko naman 'to ng walang pag-aalinlangan. Marunong naman akong makisama no kahit papaano😂
"Nice to meet you, Nathaniel. By the way, I'm Chelsea De Guzman" Pagpapakilala ko rin sa sarili ko. Ang rude naman kasi kung siya lang ang magpapakilala tapos ako hindi.
"Call me Ethan. Nga pala, pwede ka na raw umuwi sabi ng nurse" He informed me nang bumitiw na kami sa shakehands namin
"Anong oras na nga pala Ethan?" Pagtatanong ko sa kaniya dahil baka mamaya nag-aalala na sina mommy sakin. Lalo na't di ko naman sinabihan kaninang umaga si Tay Luis na wag na ako ngayong sunduin.
Tumingin muna sa wristwatch niya si Ethan bago siya muling tumingin sakin ng nakangiti pa rin.
"It's already 6pm. And we are the only students left here"
Napabalikwas ako ng bangon sa kama dahil sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang mga gamit ko.
"Sorry, Ethan. But I have to go" Nagmamadaling paalam ko sa kaniya at naglakad na ako papuntang pinto para sana umalis na. Pero bigla niya akong hinawakan sa wrist ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Hatid na kita. Baka kung mapano ka pa sa daan. Let's go" He offered
Hindi na ako nakasagot pa nang bigla na lang niya akong hinila habang hawak pa rin niya ang wrist ko. Dinala niya ako sa parking lot kung saan nakapark ang isang itim na kotse na sa tingin ko ay sa kaniya.
Tahimik lang ako buong biyahe. Ayoko kasing magsalita dahil di ko naman alam ang sasabihin ko at baka madulas pa ako at matanong ko pa yung about sa narinig kong sinabi niya kanina.
Nung nasa may isang maliit na tindahan na kami malapit sa entrance ng subdivision namin ay pinili ko nang bumaba dahil hindi niya pwedeng malaman na dun ako nakatira sa subdivision exclusive for those prestigious personnels and families dahil baka magtaka siya. Dahil sino ba namang isang scholar ang maaafford na tumira sa isang napakasocial na subdivision na tanging mga mayayaman at kilalang personalidad lang ang nakatira.
"Sigurado ka ba talagang dito ka bababa? Baka may mga tambay diyan na lumapit sayo" Nag-aalalang sabi niya habang nakasilip sa bintana ng kotse niya
"Okay na ako dito, Ethan. Wag ka nang mag-alala. May bibilhin pa kasi ako" Pagsisinungaling ko para lang tigilan niya na ako
I feel sorry for him. But I have to lie. I can't tell him the truth. It's for the sake of everyone.
"Ganun ba? I'll just wait for you here. Bilhin mo na ang dapat mong bilhin" He insisted
I can see how worried he is kaya mas nagi-guilty ako sa ginagawa kong pagsisinungaling sa kaniya. But I have to do this. I need to do this.
"Sige na, Ethan. Okay na talaga ako dito. Salamat sa paghatid" I refused for the nth time as I wave at him at tuluyan na akong lumabas ng kotse niya. Wala na siyang nagawa kung hindi umalis dahil kahit ano namang gawin niya hindi niya ako mapipilit.
I immediately get my phone from my pocket after he left and dial someone.
[Hello anak. Asan ka na ba? Ayos ka lang ba? Alalang-alala na kami sayo rito] Agad na bungad sakin ni Tay Luis nang sagutin niya ang tawag ko
[Tay, ayos lang po ako. Nandito po ako ngayon sa isang tindahan malapit sa entrance ng subdivision natin. Sa ***** Store] Agad kong sabi kay Tay Luis para di na siya mag-alala pa at para masundo niya na rin ako dahil natatakot ako sa lugar na 'to. Wala ng katao-tao. Tapos pundi na yung mga street lights. Baka kung sino pang tambay ang mangtrip sakin dito.
"Okay anak. Diyan ka lang ah. Wag kang aalis diyan. Pupuntahan na kita diyan ngayon din" Mahigpit na bilin ni Tay Luis bago pinatay ang tawag
Third Person's Pov
Habang naghihintay si Sassy sa susundo sa kaniya ay di niya alam na kanina pa nakamasid sa kaniya si Ethan at nagtatago lamang ito sa isang madilim na parte ng lugar na pinagbabaan nito sa kaniya. Di siya kita ni Sassy kahit malapit lang siya rito dahil itim ang gamit niyang kotse at nakapatay ang ilaw nito. Idagdag mo pa ang punding street lights na tanging liwanag sa madilim na lugar.
Minabuti niyang wag munang umalis dahil gusto niyang masigurado na ligtas na makakauwi si Sassy na kilala niya bilang Chelsea.
Nakita niyang may humintong isang magarang kotse sa harap ni Sassy. May bumaba ritong isang lalaki na nasa mid 40s na nakauniform ng pangdriver.
"Tay Luis!" Rinig niyang tawag ni Sassy sa lalaking bumaba sa kotse at niyakap ito ng mahigpit
'Tay Luis? Siya kaya yung papa ni Chelsea?' Tanong ni Ethan sa kaniyang sarili habang patuloy na pinagmamasdan ang dalawang nasa harapan niya na magkayakap
"Halika na anak. Alalang-alala na kami sayo" Rinig niyang sambit ng tinawag ni Sassy na Tay Luis bago sila sumakay ng kotse
'San sila pupunta? I thought dito nakatira si Chelsea. Teka. Kung di siya rito nakatira. Eh san siya nakatira? At bakit dito siya nagpababa sakin kung malayo pa pala ang bahay niya?' Nagtataka at naguguluhan nang tanong ni Ethan sa isip niya na gulong-gulo na sa mga nangyayari at sa mga natutuklasan niya
Dahil sa curiosity at pagkalito niya sa mga nangyayari at sa nasakhisan niya ay sinundan niya ang kotseng sinakyan ni Sassy. Laking pagtataka niya nang makitang pumasok ito sa isang exclusive subdivision. Pero mas laking gulat niya nang makitang pumasok ito sa isang gate ng isang napakalaking mansion na siyang pinakanakakaakit sa lahat ng bahay na nandito.
Naiwang nakabukas ang gate kaya ipinarada ni Ethan ang kaniyang kotse sa lugar na medyo malayo sa gate ng mismong mansion. Pagkapark niya nito ay dali-dali siyang bumaba ng kotse at agad siyang tumakbo palapit sa may gate nang hindi gumagawa ng ano mang ingay. Bigla na lang nanlaki ang mga mata niya sa gulat at pagtataka dahil sa nasaksihan niya.
Magkayakap si Sassy at ang mag-asawang sina Mr. and Mrs. De Guzman na isa sa pinakakilalang personalidad saang man sulok ng bansa dahil sa mga kilalang business nito at iba't-ibang parangal na kanilang natatanggap bilang isa sa mga negosyanteng naging matagumpay sa murang edad.
'Di ba sila yung may-ari ng university? Bakit nila niyakap si Chelsea? And why is she here anyway? Magkakilala ba sila?' Ilan lamang yan sa mga katanungang tumatakbo sa isipan ni Ethan sa mga oras na ito na agad namang nasagot dahil sa narinig niyang usapan ng mga ito
"Sassy baby, ayos ka lang ba? Alalang-alala kami sayo ng Daddy mo" Nag-aalalang sambit ng Mommy ni Sassy nang humiwalay na ito sa yakap
"Oo nga, baby. Sana kasi sumabay ka na lang sa kapatid mong si Cassy" Her dad added na mas lalong nagpalinaw ng lahat para kay Ethan
"Don't worry about me Mom, Dad. I'm fine" Sassy assured them
"Ano ba kasing nangyari sayo at ginabi ka, baby?" Alalang tanong ng Mommy niya habang marahang sinusuklay ang buhok niya gamit lamang ang mga daliri nito
"It's a long story Mom. Let's just talk about it inside" Sassy suggested at pumasok na silang mag-anak sa loob
Nang makita ni Ethan na may papalapit sa gate ay dali-dali siyang bumalik sa kotse niya.
'Kung ganun, si Chelsea na scholar at si Sassy na anak ng may-ari ng University ay iisa? Pero bakit siya nagpapanggap bilang Chelsea?' Nalilitong tanong ni Ethan sa sarili niya habang kunot na kunot na ang noo niya dahil sa mga nalaman niya
"Siguro naman ay may dahilan si Sassy kung bakit siya nagpapanggap. But don't worry Sassy hindi pa rin magbabago ang tingin ko sayo kahit naglihim ka pa and your secret is safe with me" -tanging sambit ni Ethan sa sarili niya bago siya tuluyang umalis sa subdivision nina Sassy
***********************************
Ano kayang magiging role ni Ethan sa buhay ni Sassy?
May magbago kaya sa buhay ni Sassy ngayong may nakakaalam na ng sikreto niya?
Ano kaya ang ibig sabihin ni Ethan sa binulong niya kay Sassy?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top