CHAPTER 4

CASSY'S POV

I'm on my way to the restroom when suddenly, I saw someone who puts something on my locker. I can't see her face dahil nung makita ko siya mula sa dulo ng hallway ay ang siya namang pagtalikod niya sakin at tuluyan na siyang naglakad paalis sa opposite direction.

When I saw her left, I immediately went to my locker and open it to find out what she put inside. Malay ko ba kung prank yun.

The moment I open it, what I saw is a letter na nakapatong sa laptop ko.

The letter says:

Ate Cass, I know you're mad at me. I'm so sorry for what I did. I really don't mean to hurt you, Ate. I made this letter dahil alam kung ayaw mo akong makausap and I respect that. Kaya nga ako na mismo ang lumalayo sayo dahil ayokong nakikita kang nagagalit sakin dahil nasasaktan ako. Sa bawat pagkakataong binabalewala mo ako ay parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko. Pero mas nasasaktan ako na makitang galit ang nararamdaman mo tuwing makikita ako.

Sana dumating yung araw na mapapatawad mo rin ako at bumalik ang dating samahan natin. I love you Cass and I'm willing to do and sacrifice everything for your happiness. Dati ikaw ang parating nagtatanggol at pumuprotekta sakin. Kaya maybe, it's my turn to make you happy.

-Love,
SASSY

I'm sorry Sassy. Now that you mentioned it. I think I really need to do what I must have done a long time ago. But, this is not yet the right time. Maybe on some other time. I'm not yet ready for it. Nasasaktan pa rin ako tuwing naalala ko ang nangyari at tuwing isasampal sakin ang katotohanang kaagaw kita sa lahat ng bagay, from the love of our parents, attention of the people around us and the love of the guy that I loved for the first time in my life.

I went to our private parking lot to get my car. Nagdrive lang ako papuntang malapit na Mall. I'm not in the mood right now to attend my remaining classes for today. I have to clear up my mind for me to think clearly and have the guts to do the right thing.

While on my way to the mall ay may nadaanan akong isang park kaya huminto muna ako. Hindi ko alam kung anong nasa isip ko pero namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad palapit sa isang bench dito sa park.

What I can see in the park right now are some children playing around and laughing and having fun together that made my mind go back to the past where everything were still fine. Before the truth slaps me.

FLASHBACK

10 years ago

Nasa garden kaming dalawa ni Sassy. Naglalaro as usual dahil yun lang naman ang libangan naming dalawa rito sa mansion.

"Ate, laro tayo ng habulan" Masiglang aya sakin ni Sassy

"Sassy, hindi pwede..." I refused

"But why?*pout*" Nagtatampong tanong niya

"Baka madapa ka pa. Lagot ako kina Mommy. Let's just play na lang a different game. Basta wag lang yung habulan" Malambing ko sagot sa kanya habang isinusumping ko ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tumatabing sa kaniyang maamong mukha

"But what I want is habulan. Let's play habulan Ate... Pleaseeee? Pretty pretty please my pretty Ate?" Pacute niya na siyang kahinaan ko. Yan na nga ba ang sinasabi ko ehh. Alam na alam pa naman ng makulit na 'to ang kahinaan ko

"Hayy naku. Binola pa ako. Eh alam ko namang alam mo na yang pagpapacute mo na yan ang kahinaan ko. Sige na nga. Let's play. Ako ang taya" I said in defeat na siyang ikinaningning ng mga mata niya

"Yeheyyy!" Masigla niyang sigaw habang tumatalon-talon pa

Napailing na lang ako nang bigla-bigla na lang siyang tumakbo palayo matapos kong pumayag.

"Ate, habulin mo ko!" Sigaw niya kaya hinabol ko naman siya

Naghahabulan lang kami paikot ng garden when suddenly ay nadapa si Sassy at umiyak siya ng pagkalakas-lakas.

Natataranta akong lumapit sa kanya to check her.

"Sissy! Are you alright? Where does it hurt? Do you want me to call Mom and Dad?" Nag-aalala kong tanong kay Sassy nang makalapit ako sa kanya

"Ayos lang ako, Ate... Don't worry about me... I'm fine..."

Pinilit niyang tumayo pero natumba lang siya ulit. Aalalayan ko na sana siyang tumayo nang saktong dumating bigla sina Mom.

"My God! Sassy baby, are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Mom at maingat na itinayo si Sassy mula sa pagkakaupo nito sa damuhan

"Ayos lang po ako, mommy..." Mahinang sagot ni Sassy na halata mong may iniindang sakit

"Ano ba kasing pinaggagagawa niyo, Anak?" Nanny ask too worriedly

Bigla na lang lumapit sakin si Dad na seryoso ang mukha.

"What have you done this time, Cassy? Alam mo namang mahina ang kapatid mo at bawal siyang mapagod o magtatatakbo" Pinilit ni Dad maging kalmado pero halata namang galit siya. I can see it through his eyes.

"Dad, it's not Ate's fault... Ako po ang pumilit sa kanya na makipaglaro sakin" Pagtatanggol sakin ni Sassy sa maliit niyang boses

"Kahit na! Di ka pa rin dapat pumayag Cassy. Alam mo naman na sa inyong dalawa, si Sassy ang kailangan ingatan at alagaang mabuti dahil mahina ang pangangatawan niya" Galit na sigaw ni Dad sakin which hurts me a billion times

Palagi na lang siya. Kailan ba magiging ako? I'm doing the best I can to be a good sister and at the same time to be a good daughter. But why can't they see it? They only see my flaws not the effort I made just to be the best daughter that they dreamed of.

"Sorry po, Dad... I promise di na po mauulit..." Nakayuko kong tugon dahil ayokong makita nila ang luhang nagbabadya ng umagos sa mga mata ko

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. Di ako yung tipong showy sa emosyon ko dahil ang alam ng lahat ay malakas ako kaya sinasarili ko na lang lahat ng bigat ng nararamdaman ko. Tulad na lang ngayon.

Ako na lang palagi ang nakikita nila. Mali ko na lang palagi ang napupuna nila. Pero ang mga tama kong ginagawa hindi nila napapansin.

Para sa kanila napakalakas ko kaya siguro iniisip nila na hindi ako nasasaktan sa mga salitang binibitawan nila sa mga oras na 'to. But deep inside my heart, para akong pinatay ng ilang beses😩

"Talagang di na dapat maulit to! Yaya, pakidala si Sassy sa kwarto niya at gamutin niyo na rin ang mga galos niya" Baling ni Dad kay Yaya at umalis na silang lahat kaya naiwan akong mag-isa sa playground

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

"I'm sorry, Sassy...*sob* Dahil sakin napapahamak ka. Don't worry. From this day forward, I will make it up to you. Lalayuan na kita..." Humahagulhol kong sambit

Bigla na lang bumalik sa alaala ko ang naging reaksiyon kanina ni Dad.

"Ganyan naman kayo palagi ni Mommy eh...*sob* Mas mahal niyo si Sassy. Palagi na lang ako ang mali sa mga mata ninyo. Di ko din naman ginusto yung nangyari ah. Di ko ginustong masaktan si Sassy. Pero bakit ako ang sinisisi niyo? Sana pala ako na lang ang naging mahina para mahalin niyo rin ako tulad ng pagmamahal niyo kay Sassy"

END OF FLASHBACK

May kung anong mainit na likido ang dumadaloy sa pisngi ko. Di ko alam na umiiyak na pala ako. Hinayaan ko lang na patuloy na umagos ang mga luha ko dahil nalimutan kong magdala ng panyo at useless lang din naman kung pupunasan ko ito dahil patuloy pa rin naman itong aagos lalo na't ako lang mag-isa at pwedeng-pwede kong ilabas ang tunay kong nararamdaman dahil walang makakakita o makakapansin sakin. Masyado akong malayo sa ibang mga nandito sa park para mapansin nila ako.

"Wag mong sarilinin ang problema mo. Walang masama sa pag-iyak. But make sure na after that ay magiging malakas ka na and that you've realize something" Rinig kong sabi ng isang boses lalaki mula sa aking likuran

May nakita akong panyo na nakalahad sa bandang gilid ko. Pag-angat ko ng tingin ay may nakita akong isang lalaki na nakangiti sakin na siyang may hawak ng panyo. Gwapo siya, matangos ang ilong, chinito ang mata, pinkish lips, brownish hair, fair skin, tall and he looks like someone I know.

"C'mon. Tanggapin mo na yung panyo. Nangangawit na ako eh. Just stare at me later on" Natatawa nitong sabi na siyang nakapagpabalik ng isipan ko sa tamang huwisyo

Nakakahiya. Nakita niya pala akong pinagmamasdan siya. D*mn you Cassy and your silly acts! Feeling ko tuloy umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

Inabot ko na lang ang panyo saka ko pinunasan yung luha ko. But it's just my excuse para di niya mapansin ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"Thanks" Tipid kong sabi habang patuloy pa rin ako sa pagpupunas ng luha ko

"You're welcome" Nakangiti niyang tugon

Naupo ito sa tabi ko sa may bench. At ang sunod niyang ginawa ay ikinagulat ko. Inipit niya sa likod ng tenga ko ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko dahil bahagya itong nagulo kanina.

Kahit gulat pa rin ako ay napangiti na lang din ako sa ginawa niya dahil feeling ko may karamay ako at medyo gumaan na ang pakiramdam ko. For the first time in my life, naramdaman kong hindi ako nag-iisa and that I have someone to cry on. I don't know why but I feel comfortable with him even though it's my first time to meet him. Maybe because of his good boy looking face. Idagdag mo pang palagi siyang nakangiti na para bang wala siyang kahit anong problema sa buhay.

"Much better. Mas bagay sayo ang nakangiti. What's your name by the way?" He asked out ogf the blue

"I'm Cassy. And you are?" Tanong ko pabalik sa kanyia matapos akong magpakilala

"What a beautiful name. It suits you. By the way, I'm ---" Di na niya natuloy pa ang sasabihin niya dahil bigla na lang tumunog ang phone niya

"I'm sorry but I have to go. Hope to see you again. Bye" Nakangiti nitong paalam

Pinagmasdan ko lang siyang umalis. Ni hindi ko man lang nalaman kung anong pangalan niya😞

Napangiti na lang ako nang makita ko siyang kumaway habang nakatalikod at naglalakad palayo.

"Hope to see you again. And it was meeting you" I just uttered to myself while seeing him leaving

***********************************
Sino kaya yung lalaking lumapit kay Cassy? Tingin niyo?

Makita niya pa kaya ulit yung guy na yun?

Eto na ba ang magpapahilom sa sugatang puso ni Cassy?

What do you think? Okay lang ba yung update ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top