CHAPTER 31

THIRD PERSON'S POV

Habang nasa biyahe patungo sa pinakamalapit na hospital which is the Salvo's Hospital ay tinawagan na ni Kyle ang mga magulang nina Cassy upang ipaalam dito ang nangyari at kung saang hospital nila dadalhin si Sassy para doon na dumiretso ang mga ito.

Pagkarating pa lang nila sa entrance ng Salvo's Hospital ay agad na silang sinalubong ng ilan sa mga staff ng nasabing hospital sa pangunguna ni Dra. Salvo hila-hila ang isang stretcher kung saan ay maingat na inihiga ni Zeke ang wala pa ring malay at duguan na si Sassy.

Mabilis na kumilos ang mga staff na sumalubong sa kanila at agad na itinulak ang stretcher na kinalalagyan ni Sassy patungo sa Operating Room. Tahimik namang sumunod sina Cassy hanggang sa labas ng Operating Room kung saan tahimik silang naghintay na lumabas ang Doctor na nag-aasikaso kay Sassy habang pilit nilang nilalakasan ang kanilang loob at nilalabanan ang kakaibang kaba at takot sa mga puso nila dahil sa maaaring mangyari kay Sassy.

Habang naghihintay sa waiting area ay tahimik na nagdadasal si Cassy at impit na umiiyak habang ang katabi niyang si Kyle ay panay lang ang hagod pataas-baba ng likuran niya para hindi siya mahirapang huminga at para na rin palakasin ang loob niya. Samantala si Zeke naman ay hindi mapakali at kanina pa pabalik-balik ng lakad sa harapan nila habang sapo-sapo ang bibig niya na parang bang nananalangin siya na hindi maintindihan.

Nang iluwa ng pinto ng OR si Dra. Salvo ay natatarantang lumapit ang tatlo rito para makibalita sa lagay ni Sassy.

"Doc ano pong nangyari sa kapatid ko? Ayos lang po ba siya? Will she wake up?" Sunod-sunod na tanong ni Cassy na halos hindi na huminga dahil sa kakaibang kaba at takot na unti-unting kumakain sa buong pagkatao niya dahil sa sobrang pag-aalala sa kakambal

Sinalubong ni Dra. Salvo ang namumugtong mga mata ni Cassy bago ito magsalita.

"She'll be fine. Kailangan lang na matahi ang sugat niya sa ulo at masalinan siya ng dugo. The problem is... walang available na type AB blood as of now. At kapag hindi siya agad nasalinan ng dugo, maaaring magkaroon ng kumplikasyon. Baka matagalan bago siya magkamalay. Or worst, baka malagay sa alanganin ang buhay ng pasyente"

Imbes na manlumo at mawalan ng pag-asa dahil sa huling sinabi ng Doctor ay unti-unting nabuhayan nf loob si Cassy dahil sa kaalamang ligtas na sa panganib ang kakambal at tanging dugo na lang ang kailangan nito para tuluyang makaligtas mula sa panganib. At ang dugong kailangan nito ay nananalaytay sa mga ugat niya na nangangahulugan lang na sa mga oras na ito ay walang ibang makapagliligtas sa kapatid niya kundi siya.

"Ako po Doc. I'm type AB. I'm her twin. Sigurado pong match kami" She volunteered right away. Hindi na niya kailangan pang mag-isip dahil sa mga oras na ito ay isa lang ang tumatakbo sa isipan niya. At yun ay ang mailigtas ang kapatid bago pa mahuli ang lahat.

"Good. Ihanda mo na ang sarili mo at gagawin na natin ang blood transfusion after running some tests para masiguro nating match nga kayo ng pasyente"

"Sige po Doc"

Agad namang sinunod ni Cassy ang sinabi ng Doctor. Sinundan niya ito sa kung saan man nito balak pumunta para isagawa ang tests na sinasabi nito habang ang kambal na sina Zeke at Kyle ay nanatili sa waiting area para hintayin ang pagdating ng mga magulang nina Cassy.

Habang nasa isang Operation Room sina Sassy at Cassy at isinasagawa ang blood transfusion ay dumating ang mga magulang nila na agad namang sinalubong naman nina Zeke at Kyle

"Tita, Tito" Salubong nila sa mga ito at iginiya sa upuan na kanina'y inuupuan nila pero nanatili lamang na nakatayo ang mga ito at binalingan sila ng tingin para alamin ang lagay ng mga anak.

"What happened? Where's my daughters?" Agad na tanong ni Mrs. De Guzman sa kambal

"Sassy is still in the operation room" Si Kyle na ang sumagot dahil alam niyang walang lakas si Zeke na magsalita knowing na maaaring malagay sa panganib ang buhay ng babaeng pinakamamahal nito. Kanina pa ito tahimik at balisa at kagat-kagat ang ibabang labi habang nakatungo magmula nang dumating ang mga magulang nina Sassy.

"What about Cassy?" Mr. De Guzman asked nang mapansing wala si Cassy sa waiting area para salubungin sila

"She's with Sassy. Sassy needs a blood tranfussion. And Cassy is there to donate her blood"

Nanlulumong napaupo sa upuan si Mrs. De Guzman dahil sa narinig. Hindi niya matanggap na ganun kalala ang nangyari sa isa sa mga anak niya na kinailangan pa nitong masalinan ng dugo. At masakit para sa isang ina na wala siyang nagawa para protektahan at iligtas ang anak niya. Si Cassy ang kasama nito sa operation room at nagdodonate mg dugo imbes na siya dahil siya ang ina nito at responsibilidad niyang pangalagaan ang kaniyang mga anak at iligtas ito mula sa kahit na anong panganib.

Dinaluhan ng asawa si Mrs. De Guzman para aluin ito dahil nagsisimula na itong umiyak. Naupo siya sa tabi ng asawa at niyakap ito ng patagilid gamit lang ang isang braso niya.

"Why is this happening? Ba't mga anak ko pa?"

Panay ang iyak ng ginang dahil hindi niya matanggap na sa dinami-dami ng tao sa mundo ay talagang sa mga anak niya pa nangyari ang ganitong karanasan. Wala silang nakaalitan o nakagalit kaya wala siyang maisip na dahilan kung bakit nakidnap ang mga anak niya at ngayo'y nakikipaglaban ang isa sa mga anak niya para hindi mamaalam sa mundong ibabaw.

"Sshhh. They'll be fine. Control your emotion. Wag kang magpapadala sa emosyon mo. Ngayon tayo kailangan ng mga anak natin. Ngayon natin kailangang magpakatatag" Pagpapalakas ng loob ni Mr. De Guzman sa asawa at mahigpit itong niyakap para ipadamang hindi ito nag-iisa at nariyan lang siya sa tabi nito at magkahawak-kamay nilang haharapin ang dagok na ito sa pamilya nila.

Natatakot din siya para sa anak niya pero pilit niyang tinatatagan ang loob niya at itinatago ang takot sa loob niya dahil bilang padre de pamilya ay sa kaniya huhugot ng lakas ang mag-anak niya. At alam niyang kapag pinanghinaan siya ng loob at nagpadala siya sa emosyon niya ay paniguradong matatalo sila ng pagsubok ng buhay nang walang laban. Gusto niyang maging larawan ng isang matatag na indibidwal para lumakas din ang loob ng asawa niya at magawa nitong malampasan ang pagsubok na ito sa kanilang buhay.

Nang matapos na masalinan ng dugo si Sassy at matahi ang sugat niya sa ulo at matiyak na ligtas na siya mula sa panganib ay agad siyang inilipat sa isang private room kasama ang kakambal na si Cassy na nangangailangan ng sapat na pahinga dahil nanghihina pa ito matapos itong makuhanan nang hindi na niya mabilang kung ilang blood bag dahil buong oras ng pananatili niya sa Operating Room kasama ang kakambal ay nakatuon lang dito ang buong atensyon niya at pinakatitigan ang maamo nitong mukha kung saan bakas ang sakit na dulot ng malaking sugat sa bandang kanan ng ulo nito.

Hindi niya pa nakikita ang mga magulang niya dahil may inasikaso raw itong mga dokumento at bills para sa pananatili ng kapatid sa hospital. Kasama niya sa kwarto sina Zeke at Kyle. Tahimik lang na nakaupo si Zeke sa kaliwang side ng kama habang hawak ang kaliwang kamay ni Sassy at dinala ito sa mismong labi niya at masuyong hinalikan ang likod ng kamay nito. Nakatayo naman sa kapatid niya ang kakambal na si Kyle at nakapatong ang isang kamay nito sa balikat niya.

Si Cassy naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi niya magawang pigilan ang mga luha niya lalo pa't nakikita niya ang kapatid niya sa ganoong kalagayan dahil sa kagagawan niya. Pero kumpara kanina ay parang medyo humina na ang pag-iyak niya. Ngunit tuluyan na siyang humagulhol ng iyak nang pumasok ng kwarto ang mga magulang niya na bakas ang pag-aalala sa mukha at halatang galing sa pag-iyak ang Mommy niya dahil bahagya nang namumugto ang mga mata nito katulad nang sa kaniya.

Mabilis niyang tinawid ang distansiyang pagitan niya sa mga magulang niya habang wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak at sinalubong ang mga ito ng isang mahigpit na yakap saka niya hinayaang ilabas lahat ng sakit na kinikimkim niya dahil sa nangyari sa kapatid.

"Mom! Dad!"

Agad naman siyang niyakap pabalik ng mga ito at marahang hinagod-hagod ang likuran niya para tulungan siyang mapagaan ang paghinga niya.

Si Cassy ang unang kumalas sa yakap at sinalubong ang mga mata ng ina nang may luha pa rin sa mga mata niya.

"Mom I'm so scared. Paano kapag may masamang nangyari kay Sassy? Paano kung hindi na siya magising?" Pag-amin niya sa bagay na ikinatatakot niya na dahilan kung bakit kanina pa panay ang iyak niya na para bang wala ng bukas

"Shh... Don't say that. Magiging maayos din ang lagay ng kapatid mo. She'll be fine. Manalig ka lang" Papapalakas ng ginang sa loob ng anak kahit ang totoo ay pati siya ay unti-unti na ring kinakain ng takot kahit pa sinigurado na sa kanila ng Doctor na ligtas na ito sa panganib. Hindi kasi siya mapapanatag hangga't hindi nagigising ang anak.

"Tito, sa labas lang po muna kami. Mukhang kailangan niyo pong mag-usap" Paalam nina Kyle kay Mr. De Guzman para mabigyan ng privacy ang mag-anak. Tango lang ang naging tugon ng ginoo at marahang tinapik ang balikat nila. Tuluyan nang umalis ang kambal kaya naiwan ang pamilya De Guzman sa loob ng silid.

Iginiya ng ginang si Cassy paupo sa upuang nasa right side ng kama habang siya naman ay lumuhod sa harapan ng anak para makapag-usap sila ng maayos.

"Cassy ano ba talagang nangyari? Anong ginagawa niyo ni Sassy sa isang abandonadong bodega des oras ng gabi?" Kalmado pa ring tanong ng Daddy niya na kanina pang tahimik habang nakatingin sa kanilang mag-ina. Hawak siya nito sa magkabilang balikat habang nasa may gilid niya ito.

"Hon, save that for later. Hayaan mo munang makapagpahinga si Cassy. Mamaya mo na siya tanungin about sa nangyari"

Sa kabila ng sinabi ng ginang ay pinili pa rin ni Cassy na sabihin sa mga magulang ang talagang nangyari. They have the right to know afterall. At hindi rin siya mapapakali hangga't hindi niya nasasabi sa mga ito ang totoo. She doesn't want to keep a secret from them. She don't want to lie. At mas lalong ayaw niya na sa iba pa ng mga ito malaman ang kaugnayan niya sa nangyari sa kapatid. Baka mawalan na siya ng chance na makapagpaliwanag kapag nagkataon.

"Ka...Kasalanan ko po... Sa...Sassy was there because of me"

Her mother frowned by what she said habang ang Daddy niya ay wala pa ring emosyong mababakas sa mukha at mga mata nito habang nakikinig sa usapan nilang mag-ina.

"Anong ibig mong sabihin? Paanong naging kasalanan mo?" Naguguluhang tanong ng Mommy niya na hindi makapaniwala sa sinabi niya at hindi alam kung anong tinutumbok niya

"She was being kidnapped because of me... Dinukot siya nina Fiona at ginawang pain para makaganti sila sakin"

Mas lalo namang kumunot ang noo ng Mommy niya at naging isang linya na ang kilay nito dahil mas lalo lang naging magulo ang lahat para rito dahil sa binanggit niyang pangalan na kumidnap sa kapatid niya sa kadahilanang gusto siya nitong paghigantihan. Wala nang pakialam si Cassy kahit mangyari pa ang kinatatakutan niya which is ang malaman ng mga ito ang lahat ng ginawa niya sa kapatid sa tulong nina Fiona. Alam niyang hindi mapapanatag ang Mommy niya hanggat hindi nito nalalaman ang totoong dahilan ng pagkakakidnap ni Sassy kaya naman ay hindi na niya ipagkakait pa sa ina ang katotohanan. Her mother deserves to know the whole truth.

"Wait. Who's this Fiona? At bakit ka naman nila paghihigantihan?"

Humugot si Cassy nang malalim na hininga bago muling nagpatuloy. This is it! Aaminin na niya ang totoo. Bahala na kung anong maging reaksiyon ng mga magulang niya. Ang mahalaga sa kaniya ay masabi niya sa mga magulang niya ang totoo. Ayaw na niyang maglihim pa. She'd have enough.

"Fiona is one of my lackeys. Siya ang inuutusan kong pahirapan si Sassy before. Yung incident sa cr, yung sa locker at yung sa canteen. Lahat yun kagagawan nila. And I'm paying them in exchange for those. Pero nung pinagbawalan ko silang saktan si Sassy at pinahiya ko sila nang hindi sila sumunod ay nagalit sila sakin. That's why she want to take her revenge"

Marahas na napatayo ang Mommy niya dahil sa mga nalaman nitong ginawa niya sa kakambal niya. Bakas sa mga mata nito ang galit dahil sa narinig kaya mabilis siyang nagbaba ng tingin para wag salubungin ang mga titig nitong punong-puno ng galit at disappointment because of what she did.

"What?! Ang ibig mo bang sabihin ay ikaw ang nasa likod ng lahat ng pagpapahirap na nararanasan ng kakambal mo? That's unbelievable! I didn't expect you to be this immature! Paniwalang-paniwala pa naman ako na talagang tinutulungan mo ang kapatid mong mahanap ang mga nagpapahirap sa kaniya. Yun pala ikaw ang totoong may sala! Tapos ngayon ano? Dahil sayo nakaratay ang kapatid mo!"

Hindi na niya napigilan pa ang maluha dahil kahit pa alam niya sa sarili niya na talagang may kasalanan siya sa nangyari sa kapatid ay hindi pa rin maiaalis sa kaniya ang masaktan na marinig ito mula mismo sa kaniyang ina. Masakit para sa kaniya na maging dahilan ng pagkapahamak ng kapatid niya. Pero wala nang mas sasakit pa sa pagpapamukha ng Mommy niya sa kasalanan niya. Imbes na intindihin siya at bigyan ng pagkakataong magpaliwanag kung bakit niya nagawa ang bagay na yun ay mas pinili nitong husgahan siya. Ni hindi man lang nito inalam muna ang side niya bago ito magbitiw ng masasakit na salita. Parang pinunit ang puso niya at nilagyan ng alcohol sa sobrang hapdi dahil sa salitang lumabas ss bibig ng ina na paulit-ulit na sumasaksak sa kaniya.

"Hon, don't say that. Hayaan mo munang magpaliwanag si Cassy. Don't judge her yet" Her Dad tried to calm her mother. Nakalipat na ito sa tabi ng Mommy niya at hawak ito sa magkabilang balikat para pakalmahin at pigilan ito sa ano man ang maaari nitong gawin sa kaniya dahil sa bugso ng damdamin.

Sa kaalamang may isang tao pang handang makinig sa kaniya at sa paliwanag niya ay kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Cassy at lumakas ang loob niyang ipagtapat sa mga magulang niya ang dahilan ng lahat ng kasamaang ginawa niya sa kakambal. Sa kabila ng basang-basa niyang mga mata at pisngi dahil sa walang tigil na pag-iyak ay nag-angat pa rin siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ng ina niyang ngayon ay malamlam na at mababakas mula rito ang sakit sa mga nalaman.

Tinangka niyang abutin ang kamay ng Mommy niya pero mabilis nitong tinabig ang kamay niya. Nasaktan siya sa ginawa nito pero hindi pa rin siya nagpadala sa sakit na nararamdaman niya at muli niyang sinalubong ang tingin ng Mommy niya.

"Mom... I'm sorry... Hindi ko alam na aabot sa ganito... Hindi ko ginustong umabot sa ganito..." Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa niya "All I wanted is for her to suffer the way I suffered, alone..."

"Cassy you never suffered! You've never been alone! Nandito kaming pamilya mo!" Her mother shouted at her in protest

"No..." Marahas na umiling si Cassy bilang pagtutol sa sinabi ng Mommy niya at marahas na tumayo mula sa pagkakaupo para magpantay sila ng Mommy niya "You weren't there when I needed you the most. Ni minsan ay hindi niyo napansin ang mga paghihirap ko. Kinaya kong lahat ng sakit at panghuhusga ng mga tao nang ako lang. Nagbulag-bulagan kayo. Nakalimutan niyong anak niyo rin ako. Mula pagkapabata ay wala na kayong ibang inintindi kundi si Sassy. Puro na lang kayo Sassy Sassy Sassy. Kaya hindi niyo ako masisisi kung nagalit ako sa kapatid ko. Hindi niyo ako masisisi kung ginawa ko ang makakaya ko para iparanas sa kaniya kung paanong mag-isa. Kung paanong magsuffer"

Hindi na napigilan pa ni Cassy ang pagbuhos ng emosyon niya. All this years ay tinago at kinimkim niya sa sarili niya lahat ng sama ng loob niya. Kaya ngayong nabigyan siya ng pagkakataon na mailabas ito ay hinding-hindi niya ito palalampasin. Masyado na siyang nagdurusa dahil sa bigat ng loob niya. She needs to free herself from the pain in the past that she's been keeping in order to move on from all that happened in the past. Yun lang ang tanging paraan para magawa niyang harapin ang kasalukuyan nang magaan ang loob niya at walang iniindang sakit o kinikimkim na galit sa kahit sino. It's the only way to make herself a better version of herself that she could ever be.

"Cassy, anak" Her mother's face softened "Ano ba yang pinagsasabi mo? Where did that even came from?"

"Hanggang ngayon ba hindi niyo pa rin maintindihan? Can't you see what you made me do? Nabalot ng inggit at galit ang puso ko dahil sa inyo. Mula pagkabata si Sassy na lang palagi ang inuuna niyo. Tuwing iiyak siya, ako ang sinisisi niyo. Tuwing masasaktan o masusugatan siya, pinagsasabihan niyo ko. Kaunting galos lang na meron siya, halos mataranta na kayo. Kapag may gusto siyang hiramin sa mga gamit ko, palagi niyo kong pinapakiusapang magparaya. Tuwing may sakit siya, alagang-alaga niyo. Tuwing malungkot siya at matamlay, ginagawa niyo lahat mapasaya lang siya. Eh ako? Ano bang ginawa niyo para sakin? Ni minsan hindi kayo naglaan ng extra care sakin. Palagi niyong tinatatak sa utak ko na kailangang maging matapang ako. Palagi niyong sinasabi sakin na wag na wag kong pababayaan si Sassy" She paused and catches her breath first before she continued "Mom, bata lang ako nun. Musmos lang ako pero binigyan niyo ko ng isang napakabigat na responsibilidad. Hindi niyo na nga ako nagagawang mapansin, pati ba naman atensyon ko kay Sassy ko itutuon?"

"Anak hindi totoo yan" Panay ang iling ng Mommy niya para ipakita ang pagsalungat sa mga sinasabi niya "Kaya kami naglalaan ng extra care sa kapatid mo ay dahil sa inyong dalawa, siya ang mas mahina. Siya ang mas nangangailangan ng atensyon"

Mapakla siyang tumawa dahil sa dahilan ng Mommy niya. Yes. She knew very well that her twin is fragile, weak. Doctor mismo ang nagkumpirma nito. Palagi nga itong nabubully dahil dito. Lampa ang tingin ng lahat sa kapatid niya kaya hindi sila nagdadalawang isip na apihin ito dahil alam nilang wala itong laban sa kanila. That's why she's always with her to protect her. Ni wala na nga siyang oras para isipin ang sarili niya dahil nauubos ang oras niya sa pag-aalaga at pagbabantay sa kakambal para lang masigurong hindi ito mapapano. But it's not enough reason to neglect her. Mahina lang ang kakambak niya, pero hindi ito lumpo o baldado. Mas lalong hindi ito PWD na kailangang paglaanan ng sobra-sobrang atensyon at bantayan 24 oras. Hindi naman kalabisan ang hinihingi niya mula sa mga ito. All she want is a little amount of their time. All she wanted is for them to spare her even just half their time or even less. Pero ipinagdadamot ng mga magulang niya ang oras nila. They never gave her their time and attention as she pleased. Tira-tira na nga lang ng kakambal ang hinihingi niya, hindi pa ng mga ito maibigay sa kaniya. Ganun na lang ba siya kawalang-halaga sa mga ito?

"How about me? Hindi niyo ba naisip na kailangan ko rin kayo? Na nangungulila rin ako sa inyo? I may be tough and strong outside. But I was fragile inside. Nagseselos ako tuwing napapansin ko na hindi na kayo magkandaugaga kapag si Sassy ang may sakit at umiiyak. Nagseselos ako tuwing pinaparamdam niyo sakin that I'm just your second priority. Masakit. Sobrang sakit. Pero kahit masakit, pinilit kong itago yun mula sa inyo. Tuwing naiiyak ako, nagkukulong ako sa kuwarto ko o di kaya'y sa banyo para lang di niyo ko makitang umiyak. Ayoko kasing maging mahina sa paningin niyo. Dahil baka pag nagkataon ay mas lalong mawalan ako ng halaga sa pamilyang 'to. I did what I did dahil hindi ko na kayang itago sa loob-loob ko ang lahat ng sama ng loob ko. And I was so stupid para ibunton ko ang lahat ng hinanakit ko kay Sassy. Huli na nang marealize ko na mali ang ginawa ko. Huli na nang marealize ko na wala siyang ginawang dapat na ikagalit ko. Dahil naalala ko, wala nga pa lang ibang nagparamdam sakin na special ako kundi siya" Mapait siyang ngumiti dahil sa realization na maling tao ang napagbuntunan niya ng galit. Kung sino pang nag-iisa at tanging kakampi niya ay ang siya pang napagdiskitahan niya kaya tuluyan niyang naranasan kung paanong mag-isa "Tanging si Sassy lang ang naging karamay ko. She always ease the pain I have in me with her tight hugs, her cute smile and her sweet and childish acts. She's been so nice to me" Marahas niyang tinuyo ang pisngi niya nang maramdaman niyang tumulo na naman ang luha niya "And if something bad happen to her, I will not forgive myself. I can't continue living without her by my side. She's my everything"

"Cassy baby" Her mother cupped her face and made her look at her mother straight in the eyes. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya "Honestly, I don't know what to say after I heard what you just said. Pero tama ka... Masyado nga siguro kaming nagfocus kay Sassy dahil hindi namin alam na ganiyan pala ang nararamdaman mo. Mature ka na kung mag-isip at kumilos kaya nakampante kami na hindi mo na kailangan pa ng mga pangaral namin. You're also strong kaya we we're so confident na kaya mo na ang sarili mo. And believe it or not, hinihintay ka lang namin ng Daddy mo to approach us"

Her Dad reached out for her left hand and gently squeezed it na sa tingin niya ay paraan nito para ipakita ang pagsang-ayon nito sa mga sinabi ng Mommy niya.

"And about Sassy, you don't have to worry too much. We'll do everything to save her. Kung kailangang dalhin natin siya sa ibang bansa para doon ipagamot, gagawin natin. Money is not a problem. Di bale nang maubos ang pera natin basta't manatili lang buo at matatag ang pamilyang 'to. I promise you that"

Nabuhayan ng loob si Cassy at nabawasan ang pag-aalala niya kahit papaano dahil sa ipinangako ng Daddy niya.

"Thank you Dad..." Tipid niyang nginitian ang Daddy niya to show him how grateful she is "Promise ko rin po sa inyo na oras na magising si Sassy, I'll make it up for you. I'll make it up for her. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko bilang isang anak at kapatid" She promised them and this time ay matamis na ngiti na ang kumawala sa mga labi niya

"Kami rin anak. Babawi kami sa lahat ng pagkukulang namin sayo. Hindi pa huli ang lahat. We can start all over again"

Hindi na siya nag-atubili pa at niyakap niya ng mahigpit ang mga magulang niya. It feels so great to let out all the burden you've been carrying for years. She feels great! Pakiramdam niya para siyang ibong matagal na nakulong sa isang hawla at ngayo'y nakalaya na. Ganito pala ang pakiramdam ng isang malaya. Malaya mula sa galit, inggit at sama ng loob. Ang gaan sa pakiramdam. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Bonus pa na naunawaan ng mga magulang niya ang ginawa niya at nangako itong babawi sa kaniya. Sa ngayon ay wala na siyang mahihiling pa kundi ang magising ang kakambal niya at nang makahingi siya ng tawad dito para maging maayos na ang lahat. She badly wants to make things up for her.

*****

Kinaumagahan ay maagang umalis si Cassy para pumunta ng bahay nila para kumuha ng ilang gamit niya at ni Sassy. Nagpresenta naman si Kyle na ihatid at samahan siya sa pag-uwi kaya tanging si Zeke at ang mga magulang lang niya ang naiwan para magbantay sa kakambal. Pero lumabas lang saglit si Zeke para bumili ng agahan nila sa Starbucks malapit sa hospital.

Nasa magkabilang gilid ng kama ni Sassy ang mga magulang niya. Nakaupo ang mga ito sa isang upuan hawak ang magkabila niyang kamay habang nakaunan sa kama at mahimbing na natutulog. Halata ang puyat sa mukha ng mga ito dahil sa magdamag na pagbabantay sa kaniya. Halos kakatulog nga lang ng mga ito dahil gusto sana nila na kapag nagising siya ay gising din sila para sila ang una-unang makakakita sa pagmulat niya. Nakatulog lang ang mga ito dahil hindi na nila nagawa pang labanan ang antok dahil na rin siguro sa pagod.

Dahan-dahang nagmulat ng mata si Sassy. Noong una ay nag-aadjust pa ang paningin niya sa liwanag dahil tirik na tirik na ang araw sa labas na tumatagos sa nakabukas na glass window ng silid niya. Nang makapag-adjust na ang mga mata niya sa nakakasilaw na liwanag ay agad niyang inilibot ang tingin sa buong silid nang hindi ginagalaw ang ulo niya o alin mang parte ng katawan niya. Tanging ang mga mata lang niya ang nagagalaw niya dahil na rin sa hawak ng mga magulang niya ang magkabila niyang kamay at medyo mahapdi pa ang sugat sa ulo niya na nababalutan ng benda kaya hindi niya magawang igalaw ang ulo niya.

Nang mapansing walang ibang tao sa silid kundi ang mga magulang niya ay nilukob ng kakaibang kaba ang puso niya para sa kalagayan ng kakambal niya. Kasama niya ito sa bodega nang mangyari ang aksidente kaya nag-aalala siya para rito dahil baka kung ano na ang ginawa ng magpinsan sa kakambal niya nang mawalan siya ng malay. At mas lalong tumitindi ang pag-aalala niya para sa kapatid dahil hindi niya ito nasilayan pagkagising niya. Nag-aalala siya na baka may masamang nangyari rito at kaya wala ito sa silid niya ay dahil nasa isang silid din ito ng hospital at katulad niya ay nakaratay at may iniindang sakit.

"Ca...Cassy..." Mahinang pagtawag niya sa pangalan ng kakambal. Sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi paulit-ulit na banggitin ang pangalan ng kakambal dahil sa kalagayan niya. Pinilit niyang kumilos para sana tumayo pero bigo siya. Hindi pa kaya ng katawan niya ang tumayo. Marahil ay bukod sa kanang bahagi ng ulo niya ay may iba pang parte ng katawan niya ang tumama sa mga bakal na pinagbagsakan niya kaya ganun na lang ang pananakit ng katawan niya.

Naalimpungatan ang mga magulang niya at nagising ang mga ito mula sa pagkakatulog nila dahil sa pag-uga ng kama ng tinangka niyang bumangon. Dahil nakatagilid ang ulo ng mga ito at nakaharap sa kaniya ay agad na nakita ng Mommy niya na bukas na ang mga mata niya habang nakatingin sa puting kisame.

"Sassy!" Her Mom exclaimed in delight at mabilis na tumayo at lumapit sa kaniya at marahang hinaplos ang mukha niya "Thank God. You're awake. Pinag-alala mo kami ng sobra ng Daddy at kapatid mo"

Biglang bumukas ang pinto kaya nabaling ang atensyon doon ni Sassy sa pag-aakalang si Cassy ito. Pero halos manlumo siya nang si Zeke ang iniluwa ng pinto at hindi ang kapatid niya. Nakita niya ang pinaghalong gulat at tuwa sa mukha ni Zeke nang magtama ang mga mata nila pero hindi niya ito alintana at binalingan niya ng tingin ang mga magulang niya para hanapin dito ang kakambal na si Cassy.

"Si....Si Ate? Mom, nasan si Ate?" Tanging salitang lumabas sa bibig niya at pinagsawalang bahala ang sinabi ng Mommy niya at ang paglapit ni Zeke sa kinaroroonan niya. Walang ibang mahalaga sa kaniya ngayon kundi ang masigurong ligtas at nasa maayos na kaligtasan ang kakambal niya.

"She's fine. Umuwi lang siya saglit para kumuha ng ilang mga gamit mo. She's with Kyle" Sa kabila ng sinabi ng Mommy niya ay hindi pa rin nabawsan ang pag-aalala niya sa kapatid. Mapapanatag lang ang kalooban niya kapag nakita mismo ng mga mata niya na nasa maayos na lagay ang kakambal niya. Iniisip niya kasi na baka nagsisinungaling ang mga magulang niya at ayaw lang nitong sabihin ang totoo sa kaniya dahil ayaw na ng mga itong mag-alala pa siya. Posible naman kasing nakaconfine din sa hospital si Cassy at kaya wala sa silid si Kyle ay dahil ito ang nagbabantay kay Cassy.

"I...I want to see her"

She badly wants to see her sister. She won't be at ease hanggat hindi niya ito nasisilayan. At mukhang napansin yun ni Zeke kaya agad itong nagpaalam sa Mommy niya to make a call para pabalikin na ng hospital ang mga kakambal nila na ngayon ay magkasama.

"Tita, tawagan ko lang po si Kyle. I'll tell them to hurry up"

"Thank you Zeke" Her Mom smiled at Zeke who is now walking towards the door

Tahimik lang silang naghintay sa pagbalik ni Zeke sa silid para balitaan sila kung pabalik na ba sina Cassy ng hospital.

Bumalik si Zeke sa kwarto makalipas ang dalawampung minuto at kasunod nito sina Cassy at Kyle na mukhang nagmamadaling pumunta rito dahil humahangos ang mga ito nang pumasok sa silid.

"Sissy, you're awake!" Cassy exclaimed in delight at mabilis na lumapit sa hospital bed kung sana nakaupo na sa ibabaw si Sassy habang nakasandal sa unan na nasa headboard ng kama

Sa sobrang tuwa marahil ng kapatid na makitang gising na siya ay hindi na nito napigilan ang sariling yakapin siya. Mangiyak-ngiyak ito habang mas lalo pang hinihigpitan ang pagkakayakap nito sa kaniya na para bang natatakot siyang pag binitawan siya nito ay bigla na lang siyang mawawala. Napatulala naman si Sassy sa pagkabigla sa ginawa ng kapatid dahil matapos ang halos isang taon ay ngayon na lang ulit niya naramdaman ang init ng yakap ng kakambal niya. She missed it! At napakasarap sa pakiramdam na yakap-yakap siya ng kakambal. And she can't hide the fact that she's happy about it. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi niya dahil ramdam niya sa mga yakap ng kakambal niya ang pag-aalala nito sa kaniya. At mas lalo pang lumawak ang ngiti ni Sassy at hindi na niya napigilan pa ang sariling mapaiyak sa sobrang tuwang nararamdaman niya nang marinig niya ang pag-iyak ng kapatid niya sa sobrang pag-aalala sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang tuwang nararamdaman niya sa isiping nag-alala sa kaniya ang kakambal niya. She feels loved. She feels special.

Kahit na nabibigla pa rin siya sa inaasal ng kakambal niya ngayon ay nagawa pa rin niya itong yakapin pabalik with equal force. She hugs her sister as tight as she could. She doesn't want to let go from the hug. She wants to stay like this forever. God! She misses her sister too much. To the point na ayaw na niya itong pakawalan sa mga bisig niya.

"Akala ko kung ano nang nangyari sayo..." Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang humiwalay si Cassy sa yakap pero agad din siyang napangiti ulit nang marahang haplusin ng kakambal ang magkabilang pisngi niya na para bang isa siyang babasaging bagay at kailangang ingatang mabuti na wag mabasag "Mabuti na lang at ligtas ka. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sayo. Dahil kapag nagkataon ay hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. You got hurt because of me. You got hurt while trying to save me"

Nasaktan siya sa sinabi ng kakambal. She feels guilty dahil sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kaniya. She don't want her to blame herself. Wala itong kasalanan sa nangyari sa kaniya. Besides, she was there to save her. She risks her own life just to save her. Kaya wala itong dahilan para isisi sa sarili niya ang nangyari sa kaniya. Kung may dapat mang sisihin, yun ay walang iba kundi sina Fiona at Trixie na siyang mastermind sa pagkidnap sa kaniya at ang dahilan kung bakit siya tumilapon sa mga nakatambak na bakal sa bodega.

"Stop blaming yourself. You're not at fault. Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. You're my twin" Hinaplos din niya ang kanang pisngi ng kakambal at nginitian ito "Hindi ko kayang manood lang sa isang tabi habang nasasaktan ka. I love you so dearly at hindi ko kakayanin kung ikaw ang napahamak. Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang masaktan, wag lang ikaw"

Nanigas siya sa kinauupuan niya nang bigla na lang ulit siyang yakapin ng kakambal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang mabigla dahil halos isang taon siya nitong hindi pinapansin tapos ngayon ay yakap-yakap na siya nito. Pakiramdam niya ay nasa isang panaginip siya. Hindi pa rin kasi magawang mag sink in sa utak niya na after 1 year of being in bad terms, ngayon ay mukhang matutuldukan na ang hindi nila pagkakaintindihan.

"I love you too Sissy. And I'm sorry... I'm so so so sorry. Sorry for everything. Sorry kung nagalit ako sayo noon nang walang dahilan. Sorry kung inaway kita. Sorry kung sayo ko ibinunton ang lahat ng sama ng loob ko. I'm really really sorry. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana mapatawad mo 'ko..." Paulit-ulit na paghingi nito ng tawad

This time ay siya na ang kumalas sa yakap para magtama ang mga mata nila. She cupped her sister's face nang hindi pa rin binabasag ang eye contact nila.

"Stop saying sorry. Wala kang ginawang masama. At kung meron man, matagal na kitang napatawad. Ginawa mo lang ang sa tingin mong tama nang mga panahong yun. Ako nga ang dapat na humingi ng tawad dahil inaagaw ko ang lahat sayo. I'm sorry Cass..." Nagsimula na namang mag-unahan sa pagtulo ang mga luha niya dahil hindi niya pa rin matanggap hanggang ngayon na naging kontrabida siya sa buhay ng kakambal niya at inagaw niya ang lahat ng meron ito nang hindi niya man lang namamalayan "Hindi ko ginustong magmukhang kontrabida sa buhay mo. All I want is to be the best sister that you could ever have and be the best daughter that our parents could have. I didn't know na sa ginagawa ko ay inaalisan na pala kita ng lugar sa pamilya natin. I didn't know na ---" Hindi na siya hinayaan pa ng kakambal na matapos sa sasabihin niya. Cassy cut her off by putting her index finger on her parted lips.

"Shhh... Tama na. Wala kang inaagaw. Masyado lang naging makitid ang utak ko noong mga panahong yun kaya minasama ko ang lahat ng ginagawa mo. Nagalit ako sayo dahil hindi ko matanggap na mas magaling ka sakin sa halos lahat ng bagay" Cassy admitted her fault and her insecurities towards her na mariin niyang sinalungat

"That's not true. I'm not best at everything. You are the best. You are the best Ate and the best daughter. Lahat ng alam ko, sayo ko natutunan. You taught me everything I know in life. And I am nothing without you. I would remain as a nobody if it weren't you. So please, stop belittling yourself. Marami kang kayang gawin. Magaling ka sa maraming bagay. Hindi mo lang yun nakikita dahil mas nagfofocus ka sa mga bagay na hindi mo kaya at hirap kang gawin"

Nahihiyang nagbaba ng tingin si Cassy dahil sa huling sinabi niya. She was right. Kaya nararamdaman ni Cassy na talunan siya dahil pinipilit niyang maging si Sassy. Pinipilit niyang magawa ang mga bagay na kayang gawin ni Sassy hanggang sa nakalimutan na niya kung sino talaga siya at kung saan siya magaling at kung anong mga kaya niya. Now, Cassy realized. It's not the people around them who compared her with Sassy. It's her. She's the one who keeps on comparing herself to Sassy.

"I know" Cassy admitted at pinilit na mag-angat ng tingin kahit pa nahihiya siyang harapin ang kakambal dahil sa mga ginawa niya "Kyle made me realized that I was just being immature and that it is my ego who ruined me" Binalingan niya ng tingin si Kyle mula sa likuran "Thanks to him at sa wakas ay natauhan din ako" She smiled at him, a very genuine smile

"Should I say you're welcome?" Inosenteng tanong ni Kyle na may sinusupil na ngiti sa mga labi niya

"You should" Zeke answered and tap his shoulder

"You're welcome then" Kibit-balikat na sagot ni Kyle

Hindi na napigilan ng mga tao sa silid ang matawa dahil sa tono ng boses ni Kyle na para bang napipilitan lang ito.

"So ano? Mag-iiyakan at magtatawanan na lang ba tayo rito? Shouldn't we have a group hug?" Cassy asked them at pinagtaasan sila ng kilay

"I like that" Natutuwang komento ng Daddy nila na hindi na maitago ang tuwa dahil sa pagkakayos ang kambal nilang anak na itinuturing nilang pinakamahalagang kayamanan na meron sila

"In the count of three" Parang batang wika ng Mommy nila at binigyan silang lahat ng makahulugang tingin

"Three... Two ---" Hindi pa man natatapos magbilang ang ginang ay dinumog na nila si Sassy sa kama at dinamba ng yakap

A/N: Aww... So heartwarming😍💞💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top