CHAPTER 29
THIRD PERSON'S POV
Wala pang alas singko ay dumating na sa tagpuan nilang magkapatid si Sassy. At tulad ng napag-usapan nila ng kakambal niya ay mag-isa lang siyang nagpunta rito. Hindi naman siya natatakot sa maaaring gawin ng kakambal niya sa kaniya dahil unti-unti siyang nabuhayan ng loob na baka napatawad na siya ng kakambal niya dahil sa eksenang nangyari sa Cafeteria kaninang lunch. At yun din ang dahilan kung bakit maaga siyang pumunta ng park dahil hindi na siya makapaghintay na makausap ang kakambal tungkol dito para malaman kung talaga ngang napatawad na siya nito at handa na itong tanggapin siyang muli sa buhay niya.
Malapit ng mag-alas singko at matagal na rin siyang naghihintay sa park pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang hinihintay niya. Sinubukan na niya itong tawagan pero hindi naman ito sumasagot at ring lang nang ring ang phone nito.
Inisip niya na marahil ay may ginagawa pa itong importante o kaya naman ay natagalan ito sa last subject nila kaya naisipan niyang bumalik na lang sa school at puntahan ang kakambal sa classroom nito para makapag-usap na sila.
She was just about to leave nang may biglang tumakip sa bibig niya gamit ang isang panyong may nakakahilong amoy. Sinubukan niyang manlaban pero huli na dahil unti-unti nang nagsasara ang talukap ng mga mata niya at naramdaman niya na lang ang pagbagsak ng katawan niya sa bisig ng kung sino.
Nang mawalan ng malay si Sassy ay mabilis na kumilos ang mga lalaking nakaitim at nakabonet na sakay ng isang itim na van. May dalawang lalaking bumaba ng van para tulungan at alalayan ang lalaking may hawak kay Sassy na maipasok ito ng maayos sa loob ng van. Hindi pa man nila tuluyang naisasakay ng van si Sassy ay may narinig na sigaw ang mga kidnapper mula sa malayo.
"Sassy! Tulong! Tulungan niyo ang kapatid ko!"
Dahil sa narinig ay mas binilisan pa ng mga kidnappers ang kilos nila. At nang maisakay na nila si Sassy sa vam ay agad din silang sumunod at pinaharurot ang kotse palayo sa lugar. Narinig at nakita pa nilang hinabol ng babaeng nagsisisigaw kanina ang van na sinasakyan nila na walang iba kundi si Cassy. Pero dahil sa bilis ng takbo ng van na sinasakyan nila ay hindi na sila nagawa pang maabutan nito.
Agad na idineretso ng mga kidnappers ang walay malay na si Sassy sa isa sa mga rest house na pag-aari ng pamilya nina Michael na halos kalahating oras lang ang kailangang ibiyahe mula sa DG University. Dito nila dinala si Sassy dahil dito nila kakatagpuan ang magpipinsan kung saan magkakaabutan sila ng bayad kapalit ng serbesiyo nila.
Pagkatanggap ng bayad ay agad ding umalis ang apat na kidnappers at iniwan na ang van(na nirentahan lang ng magpipinsan para hindi ma-trace sa kanila) sa mismong rest house kung saan naroon ang walang malay na si Sassy.
Dali-daling lumapit ang magpipinsan sa van nang makaalis na ang mga taong inutusan nilang dumukot kay Cassy. Nang buksan nila ang pinto ng van ay halos lumuwa ang mga mata nila nang imbes na si Cassy ang makita nila ay ang walang malay na si Sassy ang bumungad sa kanila.
"Couz! Ano 'to? Anong ginagawa ni Sassy rito? Kala ko ba kapatid niya ang dudukutin niyo?" Gulat na tanong ni Michael na hindi na mapakali sa kinatatayuan niya at ni hindi niya magawang tingnan ang walang malay na si Sassy na payapang natutulog sa loob ng van
"Hindi ko rin alam" Naguguluhang sagot ni Fiona at binalingan ang katabi niyang si Trixie na katulad nila ay hindi na rin mapakaliat kanina pa kagat-kagat ang mga kuko niya sa sobrang kaba "Trixie, anong nangyari? Bakit wala si Cassy?"
"Aba malay ko. Baka maling tao ang nadampot ng mga inutusan ni Michael" Pagdadahilan ni Trixie na katulad nila ay wala ring alam kung anong naging problema at si Sassy ang nadukot imbes na si Cassy
"Ano? Wala ka ring alam? E paano na ngayon yan?" Nababahala nang tanong ni Michael na nagpabalik-balik na sa paglakad habang ginugulo-gulo ang sarili niyang buhok sa sobrang frustration dahil walang maibigay na matinong sagot ang isa man sa mga pinsan niya na nagplano nitong lahat
"Hindi ko rin alam" Naiirita nang sagot ni Fiona dahil dumadagdag pa sa sakit sa ulo niya si Michael gayong kanina pa siya nagngingitngit sa galit dahil sa kapalpakan ng mga kidnappers. At imbes na tulungan siya nitong mag-isip ng solusyon ay dumagdag pa ito sa pinpoproblema niya.
"Tulungan mo na lang akong mag-isip ng plano kung anong gagawin natin diyan sa Sassy na yan"
Michael's eyes widen as he realized what Fiona is trying to say.
"Teka. Teka. Wala sa usapan nating gagalawin niyo si Sassy" Mahigpit na pagtutol niya sa kung ano mang pinaplano ni Fiona sa dalagang mahimbing na natutulog
"You have nothing to worry about. Hindi namin siya sasaktan. Hindi siya parte ng plano. Kaya nga tulungan mo kaming mag-isip ng pwede nating gawin kay Sassy bago pa magkamalay yan"
Hindi na nag-isip pa si Michael at agad na sinabi sa pinsan ang kanina pang gusto niyang sabihin unang kita pa lang niya kay Sassy.
"Pakawalan na lang natin siya. Hindi naman siya ang talagang target niyo hindi ba?" He suggested which made Fiona frowned
"Ano? Eh sayang naman yung binayad natin sa mga inutil na kidnapper na yun. Tsaka paano na ang plano ko kay Cassy?"
"Couz tama si Michael. Ibalik na lang natin si Sassy. Baka mamaya bigla na lang tayong sugurin ng kakambal niyan ---" Hindi na natapos pa ni Trixie ang sinasabi niya nang iangat ni Fiona ang index finger niya which is a sign for her to stop
"Wait. I have an idea. What if gawin nating hostage si Sassy para kusang lumapit satin si Cassy?"
Michael is the one to frowned this time in disbelief.
"What? Hostage? Seriously? Gagawin niyong pain si Sassy? No way in h*ll! I won't allow it!" Mahigpit na pagtutol ni Michael sa gustong mangyari ni Fiona. Hindi siya makakapayag na ilagay sa alanganin si Sassy para lang sa kagustuhan ng pinsan niyang maghiganti. He's not even in favor with this kidnapping to begin with. Napilitan lang siya out of his concern for Sassy. But it turns out na mukhang mali pala ang naging desisyon niya na tulungan ang mga ito dahil siya pa mismo ang naglagay sa alanganin kay Sassy.
"But couz, this is the only way para si Cassy na ang kusang lumapit samin"
"And how sure are you na kakagat siya sa bitag niyo knowing na hindi naman sila magkasundong magkapatid?"
Agad na napaiwas ng tingin si Fiona dahil sa tanong ni Michael. She can't tell him the truth. She can't tell him na mukhang malapit nang magkabati ang magkapatid dahil paniguradong mabubuko sila ni Michael kapag nagkataon at malalaman nitong niloko lang nila ito para mapapayag nilang tulungan silang ipadukot si Cassy
"B-Basta. Ako nang bahala dun" Fiona turn her head to Michael "Just trust me okay? I promise hindi masasaktan si Sassy. If you want, you can stay with her. Bantayan mo siya until mahulog sa bitag namin si Cassy" She assured him para lang makumbinsi itong pumayag sa gusto niya
Dahil sa kondisyon ni Fiona ay wala nang nagawa pa si Michael kundi ang mapabuga ng hangin at pumayag sa gusto nito.
"Fine. Basta siguraduhin niyo lang na hindi siya madadamay diyan sa galit niyo. Dahil sa oras na saktan niyo si Sassy ay ako ang makakalaban niyo"
Dahil sa labis na tuwa ni Fiona ay hindi na niya napigilan pa ang sarili at mabilis niyang dinamba ng yakap ang pinsang si Michael.
"Thank you couz"
Nang humiwalay sa yakap nila si Fiona ay agad nitong dinukot ang phone niya mula sa bulsa ng pantalon niya para i-text si Cassy.
Nang mapindot niya ang send button ay hindi na siya naghintay pa ng reply at muli niyang ibinalik ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya bago muling hinarap si Michael para sabihin dito ang plano.
"Trixie and I will go to the abandoned warehouse near the school to meet Cassy. Ikaw maiwan ka rito. Bantayan mo si Sassy. And don't let her leave hanggat di ko sinasabi. Ayokong masira ang plano ko" Mahigpit na bilin niya sa pinsan to make sure na hindi ito gagawa ng kahit anong maaaring makasira sa plano nilang paghihiganti kay Cassy
"Tsk! Fine. Just make sure ---" Hindi na hinayaan pa ni Fiona na matapos si Michael sa pagsasalita dahil alam naman na niya kung anong sasabihin nito dahil paulit-ulit na lang ang lumalabas na mga salita sa bibig nito
"Oo na. Sassy won't get hurt. Happy?"
"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo"
"Sige na. Alis na kami. Trixie lets go"
Umalis na nga ang magpinsang sina Fiona at Trixie para i-meet si Cassy at naiwan si Michael kasama ni Sassy na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
*****
May ilang minuto nang nakaalis ang van ng mga dumukot kay Sassy pero hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin si Cassy sa gitna ng daan at nakatanaw sa direksyong tinahak ng mga kidnappers habang may rumaragasang mga luha sa mga mata niya. Wala na siyang lakas pang tumayo sa kinalalagyan niya dahil bukod sa naubos na ang lakas niya kakahabol sa van ay sinisisi niya ang sarili siya nangyari sa kapatid. Siya ang nagpapunta kay Sassy rito sa park kaya ito nadukot. Pero hindi naman sana ito madudukot kung napaaga lang ang dating niya at sinagot niya ang tawag ng kakambal. Pero dahil sa bwesit na klase nila sa English ay hindi niya namalayan ang oras.
Kapag may nangyaring masama sa kaniya ay wala siyang ibang sisisihin kundi ang sarili niya.
Nasa ganoon siyang ayos nang lapitan siya ng ilang mga taong nasa park na nakakita ng pangyayari.
"Miss, ayos ka lang ba?"
"Kaano-ano mo ba yung nakidnap?" Puno ng pag-aalalang tanong ng mga ito at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya para aluin siya at para kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala niya sa kapatid
"Hi-Hindi ako magiging maayos ha-hanggat hindi ko nakikita ang kakambal ko" Sagot pa rin niya sa kabila ng walang tigil niyang pag-iyak
"Miss, alam kong nag-aalala ka sa kapatid mo. Pero kailangan mong tibayan ang loob mo. Ngayon ka niya mas higit na kailangan"
"Oo nga, Miss. Tumayo ka na diyan at ipaalam mo sa mga pulis ang nangyari"
"No! Hindi ako aalis dito hangga't hindi bumabalik ang kakambal ko...*sob* Kung kailangan kong maghintay dito ng matagal, gagawin ko basta't makita ko lang ang kapatid ko...*sob*" Pagmamatigas niya nang tinangka siyang itayo ng dalawang babaeng nasa mid 30s na kanina pang pinapalakas ang loob niya
"Pero kailangan mong ipaalam sa mga pulis ang nangyari kung gusto mong mailigtas ang kapatid mo"
Sasagot pa sana siya nang magvibrate ang phone niya na nasa bulsa ng pantalon niya. Mabilis niya itong kinuha at agad na binasa ang text sa pagbabakasakaling ito ang kidnappers ng kapatid niya at manghihingi ng ransom. Pero halos magtagis ang bagang niya ng mabasa kung sino ang nagtext at ang laman ng message nito.
From Bitch Fiona:
Magkita tayo sa abandonadong bodega malapit sa school. At wag na wag kang magkakamaling tumawag ng pulis o magsama ng kahit na sino kung gusto mo pang makitang buhay ang kakambal mo.
Pagkabasa ng text ay nabuhayan ng loob si Cassy dahil alam niyang ligtas ang kapatid niya. Gayun pa man ay di pa rin nawawala ang kaba niya dahil sa banta ni Fiona lalo pa't alam niya kung gaano kalaki ang galit nito sa kaniya. Alam din niyang kayang totohanin ni Fiona ang banta nito. Sa sobrang pag-aalalang baka si Sassy ang pag-initan ng magpinsan kapag di siya agad pumunta sa lugar na sinabi nito ay nagmamadali siyang bumangon at natatarantang pumunta sa address na nasa text message without even thinking. Ang nasa isip niya lang sa mga oras na ito ay ang mailigtas ang kapatid kahit pa kailangan niyang isuko ang sarili sa mga taong may galit sa kaniya. Wala na siyang pakialam sa kung anong maaaring gawin sa kaniya ng magpinsan as long as kapalit nito ay ang kaligtasan ng kakambal niya ay handa siyang tanggapin at tiisin ang kung ano mang binabalak ng magpinsan alang-alang sa kapakanan ng kakambal niya.
A/N: Hindi ako masyadong confident sa chapter na 'to kaya kung hindi siya okay sa panlasa niyo, sorry. Nabablangko ako ngayon ehh😔
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top