CHAPTER 28
THIRD PERSON'S POV
Nagpupuyos sa galit si Fiona nang makabawi siya sa gulat mula sa mga sinabi ni Cassy at mapagtantong nag-iisa na lang siya sa parking lot.
"Argh! You'll pay for this!" Nanggigigil na sambit niya at pinagsisipa ang gulong ng kotse ni Cassy na nakapark sa mismong kinaroroonan niya. Kung pwede niya nga lang butasin ang gulong at pagbabasagin ang salamin ng kotse ni Cassy ay ginawa na niya. Pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang sa kulungan siya pulutin. At mas lalong ayaw niyang ituloy ni Cassy banta nito sa kaniya.
Nang magsawa na siya sa kakasipa sa gulong ng kotse ni Cassy ay inis niyang dinukot sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone niya at tinawagan ang pinsang si Trixie.
[Couz, where are you? I'm worried about you] Agad na bungad sa kaniya ng pinsan sa nag-aalalang boses na siyang mas ikinadagdag ng inis niya
"Worried? Nagbibiro ka ba? Eh ni hindi mo man lang nga ako tinulungan kanina. Tapos ngayon sasabihin mo na nag-aalala ka? Nakikipaglokohan ka ba? Ha? Trixie Marie Buenaflor?" Inis na sagot niya sa pinsan. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at dito niya naibunton lahat ng galit niya kay Cassy.
[Sorry. Na-Natakot kasi ako ehh. Alam mo namang sating dalawa, ikaw ang matapang ---] Hindi na pinatapos pa ni Fiona sa pagsasalita ang pinsan dahil naaalibadbaran siya lalo pa't idinadahilan na naman nito ang pagiging mahina na problema na niya mula pa pagkabata nila dahil naging pasanin na niya ito
"Shh. Okay na. Wag ka ng magdrama. Naiirita ako sayo"
[Sorry na oh. Sige ganito na lang. Sabihin mo sakin kung anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko. Gagawin ko promise]
Napaisip naman si Fiona dahil sa sinabi ng pinsan. At wala pang isang minuto ay may nabuo nang ideya sa utak niya para makabawi sa kaniya ang pinsan niya and at the same time ay makapaghiganti siya sa ginawang pagpapahiya, pagkaladkad at pagsampal sa kaniya ni Cassy.
"Magkita tayo sa gym. May plano ako" Gumuhit ang malad*monyong ngisi sa labi ni Fiona habang iniisip kung paano sila makakaganti kay Cassy
[Ano naman yang plano mo?] May bahid ng kaba ang boses ni Trixie sa kabilang linya. Sa kanila kasing magpinsan ay si Trixie ang pinakamahina ang nerbiyoso lalo na pagdating sa mga ganitong bagay na may pinaplanong di maganda ang pinsan niyang si Fiona.
"Basta. Sumunod ka na lang. Gusto mong makabawi di ba?"
[O-Oo. Pe-Pero ---]
"Wala ng pero pero. Basta pumunta ka. Pag di ka pumunta, malalagot ka sakin"
Hindi na niya hinintay pang sumagot ang pinsan niya sa kabilang pinsan. Agad na niyang pinatay ang tawag.
Habang papunta ng gym ay nakita ni Fiona si Cassy sa may corridor na may kausap sa cellphone. Imbes na magtuloy-tuloy siya sa gym at lampasan ito ay mas pinili niyang magtago at makinig sa kung ano mang pinag-uusapan nina Cassy at nang taong nasa kabilang linya na walang iba kundi ang kakambal niyang si Sassy.
"Sassy I need to talk to you....... Basta magkita tayo sa park malapit sa school after class hour. Mga bandang alas singko..... Wag kang magsasama ng kahit sino, may kailangan tayong pag-usapan in private...... Geh. I'll wait for you there....... Bye"
Nang mapansing tapos nang makipag-usap si Cassy sa kausap nito sa cellphone ay muling nagpatuloy sa paglalakad si Fiona at umakto na parang wala siyang narinig. Nagkunwari pa siyang nagta-type ng message sa phone niya habang nakatungo para hindi siya makilala ni Cassy. Nakahingan naman siya ng maluwag at lihim na napangiti ng makalampas siya kay Cassy na hindi siya nito napapansin.
Nang makarating ng gym ay naabutan niya ang pinsan niyang si Trixie na nakaupo sa isa sa mga bleachers at hinihintay siya.
"I have good news" Masayang salubong niya sa pinsan nang makalapit siya rito
"Ano naman yun?" Takang tanong nito sa kaniya nang nakakunot ang noo at hindi maipinta ang mukha. Nagtataka siya kung bakit ang lawak ng ngiti ng pinsan sa kabila ng ginawang pagkaladkad at pagpapahiya sa kanila ni Cassy sa harap ng lahat.
"Magkikita sina Cassy at Sassy mamayang alas singko sa park" Agarang sagot niya na mas lalong ikinakunot ng noo ni Trixie. Hindi niya maintindihan kung anong kinalaman ng pagkikita ng kambal sa ibabalita nito sa kaniya at sa kislap ng mata nito na parang nanalo sa lotto.
"Oh? Tapos? Ano namang kinalaman nun sa planong sinasabi mo?"
Inis na napabuga ng hangin si Fiona dahil sa katangahan ng pinsan niya. Hindi niya tuloy maiwasang matanong ang sarili kung pinsan niya ba talagang ito at kung anong laman ng utak nito. Napakalinaw na ng pupuntahan ng usapan nila pero wala pa rin itong kaide-ideya sa planong sinasabi niya. Para ngang hindi nito sineseryoso at isinasaisip ang mga sinasabi niya kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad na niyang sinabi sa pinsan ang planong naiisip niya na siyang dahilan ng mga ngiti niyang di na maalis-alis sa mukha niya.
"Magandang pagkakataon yun para ipakidnap natin siya"
Trixie's jaw dropped matapos niyang marinig ang sinabi ni Fiona. Nanlalaki ang mga mata niyang binalingan ng tingin pinsan.
"Kidnap?! Seryoso ---"
Dahil sa naghyhysterical na si Trixie sa nalaman ay naiiritang tinakpan ni Fiona ang bibig niya gamit lang ang kamay nito dahil sa lakas ng boses niya na umalingawngaw sa buong gym na siguradong maririnig ng kahit sinong dadaan ng gym.
"Ano ba! Hinaan mo nga yang boses mo. Mamaya may makarinig sayo" Iritang suway ni Fiona sa pinsan at mabilis na inalis ang kamay niya sa pagkakatakip sa bibig nito nang medyo kumalma na ang pinsan at masiguro niyang hindi na ito muli pang sisigaw
"Seryoso ka ba talaga diyan? Kikidnapin mo talaga si Cassy?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Trixie
"Oo. At tutulungan mo ko"
"Ano namang gagawin ko? Atsaka bakit mo ba siya gustong ipakidnap? Ano bang balak mo sa kaniya?" Hindi na napigilang tanong ni Trixie sa pinsan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa kaniya kung anong pumasok sa isipan ng pinsan niya at gusto nitong ipakidnap si Cassy. Hindi naman kasi ito basta-bastang magdedesisyong ipakidnap si Cassy kung wala itong binabalak. At yun ang gusto niyang malaman. Sino ba naman kasing gugustuhing masangkot sa usapang kidnapan nang hindi man lang alam kung para saan at kung anong gagawin nila kay Cassy matapos nila itong dukutin.
"Once na nadukot na natin siya ay papahirapan ko siya. I'll make her suffer. Gagantihan ko siya sa pang-aalipusta niya satin" Desididong turan ni Fiona na dahilan para mapasabunot si Trixie sa sarili
"Couz maldita tayo oo. Pero hindi tayo kriminal" Trixie reminded her dahil sa nakikita niya ay mukhang kinakain na si Fiona ng galit niya at hindi na nito alam ang ginagawa. Ni hindi nga yata nito pinag-isipan ang mga consequences ng gagawin nila. Ang tanging nasa isip lang nito ay ang makapaghiganti kay Cassy.
Biglang natahimik si Trixie at nawala lahat ng gumugulo sa isip niya nang batukan siya ni Fiona dahil sa inis nito.
"Gaga! Hindi naman natin siya papatayin. Papahirapan lang natin siya para matuto siya ng leksyon at para makaganti tayo"
"Eh paano kung makulong tayo? Panigurado magsusumbong yun sa mga pulis" Bakas ang pangamba sa boses ni Trixie. She clearly knows what will happen to the both of them once na nagkahulihan. At hindi niya gugustuhing makulong. Ni sa panaginip ay di sumagi sa isipan niyang makukulong siya. Maldita siya pero hanggang pagtataray lang siya. Hindi naman halang ang kaluluwa niya para gumawa ng masama sa kapwa. Kaya nga lang, pagdating kay Fiona ay wala siyang magagawa. She can't say no to her. She can't disobey her orders. Malaki ang utang na loob niya sa pinsan. Noong mga panahong pakiramdam niya ay nag-iisa siya ay ito ang karamay niya. Kaya ganun na lang ang respeto niya rito.
"Subukan lang niya. May alas ako laban sa kaniya. Tsaka kahit magsumbong siya, wala naman siyang magiging ebidensiya laban satin. It's her word against us. At sa tingin mo ba papaniwalaan siya ng mga pulis kapag sinabi natin kung anong koneksyon natin sa kaniya?"
Napaisip naman siya sa sinabi ni Fiona. At tama nga ito. Wala silang magiging problema basta't magiging maingat at malinis lang ang trabaho nila. Mahihirapan din ang mga pulis na paniwalaan ang statement ni Cassy once na magsumbong ito dahil nga sa sabwatan nila para pahirapan si Sassy. At kapag nagkabunyagan ay pare-pareho silang mananagot. Madadamay si Cassy. Kung iisipin din naman ay mas may motibo pa si Cassy na saktan silang magpinsan dahil may hawak si Fiona laban sa kaniya. Idagdag mo pang ilang beses sila nitong pinagbantaan dahil sa pagsuway nila sa utos nito.
Napabuga na lang ng hangin si Trixie dahil ngayon lang nagsink in sa utak niya na planado na ni Fiona ang lahat. At mukhang wala na siyang magagawa para pigilan pa ito sa balak nitong pagkidnap kay Cassy.
"Desidido ka na ba talaga diyan sa balak mo? Mukhang planado mo na ang lahat sa utak mo eh" Kapagkuwan ay tanong niya sa pinsan
"Oo. At ikaw ang gagawa ng paraan para maisakatuparan ko ang plano ko" Fiona grinned from ear to ear while trying to create images in her mind of Cassy's sufferings once they get a hold of her
"Ano?! Ba't ako?" Trixie asked in defiance which made Fiona raise her right eyebrow on her as Fiona crossed her arms in front of her chest
"Bakit? Ayaw mo? Nagrereklamo ka?" Mataray na tanong ni Fiona na may bahid ng pagbabanta kaya wala nang nagawa si Trixie kundi ang magbaba ng tingin
"Hi-Hindi. Nagtatanong lang. S-So, anong gagawin ko?" Labag man sa loob niya ay wala nang nagawa pa si Trixie kundi ang pumayag sa gusto ni Fiona at tulungan itong maisakatuparan ang plano nito
"Tawagan mo si Michael. Sabihin mo makipagkita siya satin sa Mall ngayon mismo" Kapagkuwan ay utos nito da kaniya na dahilan para mag-angat siya ng tingin
"Huh? Eh may pasok pa tayo ah"
"Hindi tayo papasok. Halika na. Sa taxi mo na lang siya tawagan"
Wala nang nagawa pa si Trixie kung hindi ang sumunod kay Fiona nang talikuran siya nito at magsimulang maglakad palabas ng gym.
Hindi naman sila nahirapang makalabas ng University dahil sinabi nilang may emergency sa bahay nila at kailangang-kailangan na nilang umuwi.
Nang makasakay ng taxi ay agad silang dumiretso ng Mall kung nila hinintay ang taong siyang makakatulong sa kanila sa pagsasakatuparan ng plano nila. Hindi naman sila naghintay ng matagal dahil wala pang kalahating oras ay dumating na ang hinihintay nila.
"Hey couz" Masiglang bati sa kanila nang kararating lang na si Luke Michael Sandoval. Ang ama ni Fiona, ama ni Trixie at ina ni Michael ay magkakapatid. At sa lahat ng pinsan nila ay silang tatlo ang pinakaclose sa isa't-isa lalo pa't magkakalapit lang ang mga bahay nila at iisa lang ang subdivision nila. Sa kanilang tatlo ay si Michael ang pinakamaraming koneksiyon dahil kilala sa business world ang mga ama nitong si Tyrone Sandoval. Ang may-ari ng kilalang Telecommunication Company samantalang ang ina naman niyang si Kate Buenaflor-Sandoval ay isang kilalang designer all over the world. Kaya naman ay hindi na nakakapagtakang ito ang tinawagan ng magpinsan para hingan ng tulong.
"Maupo ka" Fiona gestured him to occupy the seat beside Trixie parallel to her
"Woah. Fiona, is something wrong? Ba't parang ang seryoso mo yata? Meron ka ba ngayon?" Biro niya at pinipigilang kumawala ang tawa sa bibig niya habang pinag-aaralang mabuti ang mukha ng pinsang si Fiona na kanina pang seryoso at parang wala sa mood makipagbiruan sa kaniya
"Shut up. Wala akong panahong makipagbiruan sayo Michael. Kaya pwede ba, umayos ka" Iritang suway ni Fiona sa kaniya habang pasimple naman siyang siniko sa tagiliran ng katabing si Trixie para patahimikin siya
Nagkibit-balikat na lang siya at umayos ng upo dahil mukhang seryoso ang pag-uusapan nila at kanina pang tahimik ang katabing si Trixie na siyang nakakagulat dahil sa tuwing magkikita sila ay hindi ito nawawalan ng kuwento. This is the first time na hindi ito nag-open up.
"Okay. Okay. So why did you call me?" Seryoso nang tanong niya at matamang tiningnan ang kaharap na si Fiona na diretso ring nakatingin sa kaniya
"We need your help" Diretsahang sagot ni Fiona na hindi na niya ikinagulat pa. Bago pa man siya pumunta rito ay inaasahan na niyang ganito ang magiging usapan nila. Tinatawagan lang naman siya ng mga pinsan niya kapag kailangan siya ng mga ito. Its either they need his help or they need his company.
"Anong klaseng tulong? You want me to convince Tito na payagan kayo na pumunta kung saan niyo man gustong pumunta?" Kapagkuwan ay tanong niya. Strict kasi ang mga ama ng magpinsan at hindi basta-bastang pinapayagan sina Fiona at Trixie na magpupunta sa kung saan-saan maliban na lang kung kasama siya para bantayan ang mga ito at siguruhing hindi sila mapapahamak at hindi gagawa ng kahit anong kalokohan na maglalagay sa pamilya nila sa alanganin.
"Hindi yun"
"Then what?"
"We need your connection"
"Para saan?" He asked casually, thinking na gusto lang ng mga pinsan niya na gamitin ang koneksyon niya to promote something or to get someone's information in just one click
"To kidnap someone"
"What?! H*ll no!" He exclaimed out of shock at marahas na napatayo mula sa kinauupuan niya
"Michael, pwede bang kumalma ka muna?" Hinawakan siya ni Trixie sa left hand niya trying to calm him down
"Hear us out" Nagsusumamo na ang boses ni Fiona at maging ang mga mata nito ay nagsusumamo na rin. Baka kung nasa ibang sitwasyon sila ay madala siya sa pagpapaawa ng pinsan niyo. Pero seryosong bagay itong pinag-uusapan nila. Hindi ito basta isang maliit na pabor lang. Its a crime! At hindi siya kriminal para pumayag basta sa gusto ng pinsan niya.
"I've heard enough. I'm out"
He was about to leave nang pigilan siya ni Trixie na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kanang kamay niya.
"Maupo ka nga muna sabi. Pakinggan mo muna kami" Bakas na ang pagkairita sa boses ni Fiona. Matatalim na rin ang tingin nito sa kaniya. Kaya nakakasiguro siya na kahit magpumilit siyang umalis ay hindi siya nito basta-bastang hahayaang makaalis lalo pa't nakikita niya eagerness nitong mapapayag siya.
Dahil kilalang-kilala niya na ang pinsan at alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi niya ito pinagbibigyang mag-explain ay muli siyang bumalik sa pagkakaupo kahit na labag sa loob niya ang manatili pa rito.
"Fine. But don't expect me to change my mind. Kahit anong sabihin niyo, my answer is still no. Hindi ko kayo susuportahan pagdating sa ganitong bagay. I'm your cousin kaya hindi ko hahayaang ilagay niyo ang sarili niyo sa kapahamakan" He said in a firm voice which is also a sign that he is firm with his decision and no one can make him change his mind kahit ano pang marinig niya mula kay Fiona
"Blah. Blah. Blah" Fiona rolled her eyes in annoyance "Done? Ngayon ako naman ang pakinggan mo"
Fiona heaved a sigh at sinimulan na niyang kinuwento ang lahat-lahat ng pinagawa sa kanila ni Cassy to make Sassy suffer nang hindi binabanggit ang pangalan ni Sassy sa kadahilanang ayaw niyang mag-interrupt si Michael at putulin ang kwento niya. She's aware of Michael's feelings for Sassy at alam niya na magugulat ito kapag binigla niya. She needs to tell him the details little by little para maintindiham nito ang pinanggagalingan ng galit niya at kung bakit ganun na lang ang kagustuhan niyang paghigantihan si Cassy. Kinuwento niya rin kay Michael ang tungkol sa pagpapahiya, pagkaladkad, pagsampal at pagbabanta sa kaniya ni Cassy. Pero may isang bagay lang siyang hindi nababanggit bukod sa pangalan ni Sassy. At yun ay ang dahilan kung bakit sila binasura ni Cassy which is ang pagsuway nila sa utos nitong tantanan na si Sassy. Alam niya kasi na kapag nalaman ng pinsan na bumait na itong si Cassy sa kapatid at pinagbawalan silang saktan si Sassy pero sila itong sumuway at pinagpatuloy ang pagpapahirap kay Sassy ay paniguradong hindi sila tutulungan ng pinsan.
"So you want to take your revenge against this girl named Cassy? Why? Dahil sa pagbasura niya sa inyo matapos niya kayong gamitin? O dahil sa pagpapahiya at pananakit niya sayo?" Kapagkuwan ay tanong ni Michael nang matapos siya sa pagkukuwento niya
"Both" Nahihiyang pag-amin ni Fiona at nagbaba ng tingin habang tahimik na nagdarasal na sana magbago ang isip ng pinsan niya at pumayag na itong tulungan sila
"I get your point. Pero hindi sapat na dahilan ang mga yan para ipakidnap niyo ang isang tao. Be more rational couz. I know you have quite an attittude. But you're not a criminal. No one in our family is a crminal. You know that" Michael sounds really disappointed dahil sa pagiging irrational at immature ni Fiona. He didn't expect her to be this low and desperate just to get back on someone.
"Yan nga din ang sinabi ko sa kaniya" Pagsingit ni Trixie na agad na binalingan ni Fiona ng masamang tingin
"Shut up!"
Agad namang nagbaba ng tingin si Trixie at kinagat ang pang-ibabang labi niya para pigilan ang sariling muling makisali sa usapan ng magpinsan.
"I already heard your story" Mabilis na tumayo si Michael "Aalis na ako"
"Wait" Fiona stopped him from leaving and heaved a deep sigh before she continues "May nakwento ka samin dati na isang babae that you met in the park. Her name is Sassy right? Sassy De Guzman?" She diverted the topic and mention Sassy's name kahit ayaw niya. Ito na lang kasi ang nakikita niyang paraan to get Michael's attention and convince him to change his mind. She's 100% sure na hindi siya nito magagawang tanggihan kapag si Sassy na ang pinag-uusapan lalo pa't alam niya ang lihim na pagtingin ng pinsan niya para sa dalaga.
Hindi naman siya nabigo dahil bumalik sa pagkakaupo niya si Michael at muli siyang binalingan ng tingin.
"Yeah. Bakit naman siya nasali rito? Is this plan has something to do with her?" Michael asked na hindi na maitago ang pagkalito sa boses niya
"Cassy is her twin sister. Siya ang tinutukoy kong kakambal ni Cassy na pinahirapan namin for this past few days out of Cassy's command. Hindi sila magkasundo dahil sa insecurities ni Cassy against her kaya Cassy made her twin suffer. I know you're in love with Sassy base on your stories and how your eyes twinkle when you talk about her. Sassy never get back on what her sister did to her. So I was thinking that maybe you'll help us with this kidnap thingy to take a revenge against Cassy in behalf of Sassy. In that way ay maipaghihiganti mo na kaming mga pinsan mo, plus maipagtatanggol mo pa si Sassy sa kakambal niyang demonyita" Fiona paused para tingnan ang reaksyon ni Michael sa sinabi niya. And base on Michael's facial expression ay mukhang unti-unti na niya itong nacoconvince na masamang tao nga si Cassy at wala itong gagawing mabuti kaya dapat na turuan ng leksyon.
Nang hindi pa rin sumagot si Michael ay muli siyang nagsalita para ipagpatuloy ang sinabi niya.
"Pero mukhang okay lang naman yata sayo na sinasaktan si Sassy ng sarili niyang kapatid. Kaya sige. Di na kita pipilitin. Maghahanap na lang kami ng ibang tutulong samin" Fiona did her best to make her voice and her face looks sad and guilty para lumabas na isa sa dahilan kung bakit dudukutin nila si Cassy ay para mawala ang guilt na meron sila towards Sassy
This time ay si Fiona na ang tumayo at umaktong aalis. But before she could even turn her back ay mabilis siyang pinigilan ni Michael.
"Wait" Michael paused for a minute and with the look on his eyes, it seems like there was something battling on his mind at nahihirapan itong magpasya kung alin ang dapat ma gawin niya. After a couple of minutes, he let out a long deep breath and met her gaze. "Fine. I'll help you. What do I have to do?"
Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Fiona dahil sa pagpayag ng pinsan. Pero agad din siyang sumeryoso bago pa mapansin ng pinsan niya ang tuwang lumulukob sa buong pagkatao niya dahil sa pagpayag nito.
"Hire a goons to kidnap Cassy. And that's all. You can leave the rest to us"
"Okay. I'll just call someone"
Like what Michael said, he called someone to execute the plan.
A/N: Gusto niyong action?😂 Mamaya gawin ko 'tong horror😅 Hintay lang kayo at imamassacre ko 'tong story na 'to. Di joke lang✌😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top