CHAPTER 19

SASSY'S POV

Bago kami umuwi ni Luke ay dumaan muna kami ng park para tumambay.

Maggagabi na nang makauwi kami dahil sa dami ng binili at pinuntahan namin. Halos nalibot na nga namin ang buong Mall. Kasi naman 'tong lalaking 'to. Kalalaking tao pero panay ang hila sakin papunta sa kung saan-saang parte ng Mall. Hindi naman siya bumibili. Sa katunayan ay sa ladies section niya lang ako dinadala.

Hindi na ako nagpasundo pa kay Tay Luis dahil nagvolunteer si Luke na siya na ang maghahatid sakin.

Panay lang ang kwentuhan namin ng kung ano-ano habang nasa biyahe. Buti na lang at hindi kaskasero magmaneho 'tong si Luke dahil kapag nagkataon ay baka mapasigaw ako ng wala sa oras😅

Dahil na rin siguro sa sobrang pagod at tagal ng biyahe dahil sa traffic ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa kotse.

Nagising lang ako nang makaramdam ako ng marahang pagyugyog ng balikat ko.

"Sassy, wake up. Nandito na tayo" Paggising sakin ni Luke sa malambing na boses habang marahang niyuyugyog ang balikat ko

Marahan kong iminulat ang mga mata ko at agad akong nag-unat.

"Nakatulog pala ako...*yawn* Sorry" Paghingi ko ng pasensya sa kaniya dahil natulugan ko siya. Wala tuloy siyang nakakuwentuhan sa biyahe.

"It's okay. You look so tired kaya mabuti pa ay bumaba ka na para makapagpahinga ka. Kukunin ko lang lahat ng pinamili mo" Nag-aalalang sabi niya

Sinipat ko muna ang wristwatch ko to check for the time. And to my surprise ay eksaktong 6:00pm na pala kami nakarating.

Tamad kong binuksan ang pinto ng kotse at inaantok akong bumaba. Agad naman akong sinalubong ni Luke na bitbit na lahat ng shopping bags na naglalaman ng mga pinamili ko.

Agad na kaming dumiretso sa tapat ng gate para magdoorbell. Ako na ang pumindot ng doorbell since maraming bitbit si Luke. Nakakahiya naman kung siya pa papipindutin ko nito.

*Dingdong*

Si Tay Luis ang siyang nagbukas ng gate. Siya na rin ang nagdala papasok ng bahay ng lahat ng pinamili ko.

Aalis na sana si Luke pagkabigay niya ng lahat ng shopping bags kay Tay Luis pero maagap ko siyang napigilan.

"Pumasok ka na muna"

"Wag na. Mauna na rin ako" Pagtanggi niya

"I know you're also tired. Kaya pumasok ka na muna. I will not let you drive nang hindi ka nakakapagpahinga kahit saglit. So, get inside and get some rest" Madiin kong sabi sa kaniya

Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sumama papasok dahil kahit anong tanggi niya ay pipilitin ko pa rin naman siya. Baka kung mapano pa siya sa daan. Napansin ko kasing medyo pagod at antok na rin siya. Baka makatulog pa siya habang nagmamaneho. Mahirap na.

"Hi Nanny" Masayang bati ko kay Nanny nang salubungin niya kami

"Oh? Sassy anak. Nandito ka na pala. Nagkita ba kayo ni Ezekiel?" Masayang salubong sakin ni Nanny na siyang nagpakunot ng noo ko

"Hindi naman po. Bakit niyo po natanong?" Nagtatakang tanong ko

"Nagpunta kasi siya rito kanina anak. Hinahanap ka pero wala ka kaya si Cassy na lang ang inaya niyang lumabas"

Kaya pala wala ngayon si Ate. Ano kayang pinag-usapan nila? Bakit sila lumabas? Sana naman magkaayos na sila.

"Who's Ezekiel?" Naguguluhang tanong ni Luke na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin ni Nanny

"Kababata siya nitong si Sassy" Si Nanny na ang sumagot dahil hanggang ngayon ay na kay Ate Cass pa rin ang isip ko

"Sassy baby!"

Bigla naman akong napangiti nang marinig ko ang pagtawag sakin ni Mommy. Agad ko siyang sinalubong ng isang mahigpit na yakap at ganun din si Daddy na katabi lang ni Mommy.

"Kumusta ang baby namin?" Malambing na tanong ni Mom

"I'm fine, Mom. Ahm. Dad, Mom, this is Luke. Siya yung sinasabi ko sayong friend ko na sumama saking magshopping" Pagpapakilala ko kay Luke na nasa bandang likuran ko

Nag-aalangan namang naglakad si Luke papunta sa mismong tabi ko para harapin ng maayos sina Mommy.

"Oh. Hi Luke. Salamat sa pagsama mo sa anak namin" Nakangiting pasasalamat ni Mommy kay Luke

"Wala po yun. I'm happy to be with her" Nakangiti rin namang sagot niya

"Luke ijo. Dito ka na lang kumain. Nagpahanda na kami kay Yaya and anytime ay kakain na. We're just waiting for Cassy" Pag-alok ni Dad kay Luke

"Who's Cassy?" Mahinang bulong sakin ni Luke na salubong na ang mga kilay

"My twin sister" Pabulong ding sagot ko

Kita ko naman ang gulat sa mukha ni Luke dahil sa sagot ko. Hindi pa nga pala niya alam na may kakambal ako.

Bigla na lang akong inaya ni Mom papuntang kwarto ko kaya naiwan sina Daddy at Luke sa baba sa may sala. At sa nakikita ko ay mukhang magkasundo na sila agad. Hindi naman kasi mahirap makasundo si Daddy lalo pa pagdating sa mga kaibigan ko. Masyado lang talaga siyang protective pagdating sakin kaya kinikilatis niya lahat ng mga nagiging kaibigan ko.

Ni-check ni Mom lahat ng pinamili ko. Panay din ang puri niya sakin. Kesyo ang ganda ko raw at mana ako sa kaniya. At dapat daw 'tong gandang ito ipinangangalandakan hindi itinatago. Dami talagang alam ng Mommy ko. Kaya hindi nagmamature pag-iisip at kilos ko ehh. Kasi nakakahawa naman talaga ang pagkaisip-bata ni Mommy na daig pa ang pabata nang pabata habang padagdag nang padagdag ang edad niya😅

"Mommy talaga oh. Kinaladkad pa ako papunta rito para lang palakihin ulo ko sa mga papuri mo" Natatawang sabi ko habang nagpapalit ng pambahay kong damit

"Actually Sassy baby, pinapunta kita rito para sabihin sayo na gusto kong samahan mo ako on Monday sa isang kilalang designer para magpasukat ng damit mo for the upcoming acquaintance party" Sabi ni Mommy na halatang mas excited pa sakin para sa event next week

I don't want to disappoint her nor hurt her feelings . But I don't want to go to that designer she was referring to. Mas gugustuhin ko pang magshopping na lang kaysa magpatahi sa kaniya ng damit.

Ayoko ngang magpakaliberated. Mapagkamalan pa akong prostitute. Yes! Masyadong daring at seductive ang mga design niya pagdating sa damit ko because that's what my mother wants para daw mas lumitaw ang ganda ko. Tss! Buti sana kung sa isang sulok lang ako. Pero hindi eh. I will always be a center of attraction because I am a De Guzman na siyang pinakaayaw ko dahil minamasama ito ni Cassy.

"I'm sorry Mom but---"

"No more buts. She will be the one to design and sew your outfit whether you like it or not. Sige ka. Magtatampo sayo si Mommy" Pagpapaguilty niya sakin na kamuntik-muntikan ko nang ikahagalpak ng tawa dahil sa biglaang pagbabago ng mood ni Mommy. Mula sa pagiging seryoso ay bumalik na naman ang pagiging isip-bata niya.

"Well, I guess I don't have a choice then. You won, Mom" Pagsuko ko dahil wala talaga akong laban kay Mommy pagdating sa bagay na 'to

Si Mommy ang palaging nasusunod sa damit at ayos ko like what I said before. Hindi naman ako makatanggi sa kaniya dahil minsan ko na siyang tinanggihan at talagang pinagsisihan ko yun. Ikaw ba naman hindi kibuin ng sarili mong Ina sa loob ng ilang linggo. Idagdag mo pa ang pagdadrama at pag-iiyak niya na para bang inaway ko siya.

Hindi ko nga malaman kung paano ko nagagawang sakyan ang pagiging isip-bata ni Mommy. Siguro nakasanayan ko na lang din😂

"Sophie, Sassy anak. Nasa baba na si Cassy. Nakahanda na rin ang hapunan" Nakangiting saad ni Nanny

Agad na kaming bumaba ni Mommy at nagtungong Dining kung saan naabutan naming masayang nagkukwentuhan sina Daddy at Luke habang tahimik lang na kumakain si Ate na mukhang wala sa sarili niya at may malalim na iniisip. Ni hindi man lang niya namalayan ang pagdating namin ni Mommy.

"Hon, mukhang nagkakamabutihan na kayo niyang si Luke ah" Masayang salubong ni Mommy kina Daddy dahil hanggang ngayon ay abala pa rin silang dalawa ni Luke sa pag-uusap

"Oh. Hon, andiyan na pala kayo. Come here. Saluhan niyo na kami" Masayang alok ni Daddy samin ni Mommy

Agad naman akong humalik sa pisngi ni Daddy at nginitian si Luke na nakangiti ring nakatingin sakin bago ako tumabi sa kaniya.

Nasa malaki kaming table kung saan sampu ang kasya.

Tahimik lang kaming kumakain nina Mommy at Ate habang panay pa rin ang kwentuhan nina Luke at Daddy ng kung ano-anong bagay na hindi ko na masyadong maintindihan dahil mas pinili ko na lang na ituon ang atensyon ko sa pagkain kaysa makinig sa usapan nang may usapan.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Ate Cass. She's acting weird. Para siyang nandito physically, but not mentally.

Does she have any problem? May pinagdadaanan ba siya?

If I only have the courage to ask her that question, I'm really going to do it. But I know that once I ask her, pagsisimulan lang ito ng gulo sa pagitan namin. I don't want to argue with her in front of my parents. I respect them at hangga't maaari ay ayokong ipakita sa kanila kung gaano kalala ang alitan sa pagitan namin dahil baka malungkot lang sila at mawalan ng pag-asa na magkakaayos pa kami.

Like what Zeke said, I treasure my family. Kaya handa akong gawin lahat wag lang itong masira.

***********************************
I'm sorry sa typos at grammatical errors. I'm really trying my best to avoid it but I just can't help it😂

Thank you for your understanding. At sorry na din dahil natagalan bago ako nakapag-update. Masyado lang pong naging abala sa isang kong story.

Please do support this story until the end😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top