CHAPTER 14

THIRD PERSON'S POV

Hindi pa rin si Sassy makaget over sa nangyari kanina dahil nagui-guilty siya dahil nakikita niya ang lungkot at sakit sa mga mata ng bestfriend niya.

Dahil sa di mawala-wala sa isip niya ang maraming bagay ay minabuti niyang umuwi ng maaga at ngayon ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya nang bigla siyang may maalala na taong dapat niyang pasalamatan.

Dali-dali niyang kinuha ang phone niya mula sa kaniyang bag at nagcompose ng message.

To Luke:
Hi Luke. It's me, Sassy. Thank you for the comfort yesterday. I really owe you a lot.
*message sent*

Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng dinadala ni Sassy at nakapagrelax siya mula sa mga tanong na bumabagabag sa isip niya dahil sa naalala niya ang araw na nakilala niya si Luke at kung paano siya nito kinomfort. Sa kabila ng lahat ng hindi magaganda at mga nakakalitong nangyayari sa kaniya ay may isang bagay pa rin ang nagpapangiti sa kaniya. Napapangiti siya tuwing maaalala niya ang nangyari kahapon sa park.

'Magkita pa kaya tayo ulit? Sana naman oo para mapasalamatan kita ng personal' Isip isip ni Sassy habang hinihintay magreply si Luke

Maya-maya lang ay naramdaman na niyang nag-vibrate ang phone niya kaya agad niya itong kinuha at binasa ang message.

From Luke:
Oh. Hi Sassy. How are you? Do you feel better now?
You're welcome by the way😇

Napangiti na lang siya sa nabasa niya dahil kahit pala sa text ay napaka-caring ni Luke.

Nag type siya ng reply na may ngiti sa kaniyang labi.

To Luke:
I'm now okay. Feeling much better☺
*message sent*

Wala pang ilang segundo ay agad na siyang nakatanggap ng reply mula kay Luke kaya napatawa na lang siya ng tahimik dahil sa bilis nitong magreply.

From Luke:
What are you doing right now?

Agad na nagcompose ng reply si Sassy dahil baka mainip si Luke.

To Luke:
Just lying in my bed. Doing nothing.
*message sent*

Lumipas na ang ilang segundo pero di pa rin nagrereply si Luke kaya inisip ni Sassy na baka tulog na ito. Ilalagay na sana niya sa side table ang phone niya nang bigla itong magvibrate. Nang tingnan niya ang screen ay nakita niyang tumatawag pala si Luke.

Agad na pinindot niya ang answer button at idinikit ang phone niya sa tenga niya para malinaw niyang marinig ang ano mang sasabihin nito.

I: Hello?

L: [Hello Sassy? Sorry ah. Tumawag ako. Gusto ko lang kasing marinig ulit ang boses mo]

I: Okay lang yun. Hindi pa naman ako inaantok eh.

L: [Kamusta ka na pala?]

I: Eto feeling better na. Salamat pala ulit ah

L: [Wala yun. Ang mahalaga ay okay ka na. Ah. Nga pala. May gagawin ka ba this weekend?]

I: Ahm. Wala naman. Why?

L: [Pwede ba tayong magkita ulit sa park?]

Bigla namang napaisip si Sassy kung papayag ba siya sa paanyaya ni Luke. At dahil gusto niyang makapagpasalamat dito ng personal ay pumayag na rin siya.

I: Sure!

L: [Talaga? Sige. Asahan ko yan ah]

Bigla namang napatawa ng mahina si Sassy dahil sa naging sagot ni Luke. Halatang excited ito sa muli nilang pagkikita.

I: Oo nga. What time?

L: [Ahh text mo na lang ako. Kaw na bahala]

I: Okay😊

L: [Sige na Sassy. Tulog na muna ako. Maaga pa kasi akong papasok bukas]

I: Geh. Goodnight. Sweet dreams

Papatayin na sana ni Sassy ang tawag pero nagsalitang muli si Luke sa kabilang linya.

I: [Sassy tulog ka na rin. Geh. Goodnight.]

Si Luke na ang pumutol ng tawag nila. Inilagay na niya ang phone niya sa side table at nahiga na sa kama niya.

Pinatay na rin niya ang lampshade na nasa side table. Matutulog na sana siya nang bigla niyang maramdamang nag-vibrate na naman ang phone niya. Muli niyang binuksan ang lampshade dahil hirap mag-adjust ang mata niya sa dilim lalo na't wala siyang salaming suot.

Kinuha niya ito at pinindot ang answer button nang hindi tinitingnan kung sinong caller sa pag-aakalang si Luke ito at may nakalimutan lang itong sabihin kaya muling napatawag. Agad siyang nagsalita nang mapindot na niya ang answer button.

I: Oh? Luke, kala ko ba matutulog ka na? May nakalimutan ka ba?

Yan ang agad niyang bungad sa tumawag. Pero laking pagtataka niya nang walang sumagot sa kabilang linya. Dali-dali niyang tiningnan kung sino ang caller at nakita niyang hindi ito si Luke. Ang unknown number na nagtext sa kanya dati ang nasa kabilang linya.

I: Hello? Sino 'to?

Kinakabahang tanong niya sa caller.

Z: [Sassy it's me, Zeke]

Biglang napabangon si Sassy mula sa pagkakahiga nang malamang si Zeke pala ang kausap niya. Nanatili lang siyang tahimik dahil di niya alam kung anong sasabihin niya rito.

Z: [Is he your boyfriend?]

Bakas sa boses nito ang lungkot habang tinatanong ang bagay na yan kay Sassy.

Napakunot naman ang noo niya sa narinig dahil di niya alam kung sinong tinutukoy nito. No boyfriend since birth siya kaya naguguluham siya kung paanong naisip ni Zeke na may boyfriend siya at wala siyang ideya kung sino ang tinutukoy nito.

I: Who?

Z: [Luke. You thought that it was him who called you]

I: Ahh. He's my friend.

Z: [Madami ka na palang kaibigan. Kaya pala kinalimutan mo na ako]

Puno ng hinanakit na sabi nito sa kabilang linya na nakapagpatindi ng guilt na nararamdaman ni Sassy.

I: Oo. Madami na akong kaibigan. Pero ikaw ang pinakauna kong naging kaibigan. At kahit kailan di kita kinalimutan.

Z: [Pero iniwan mo ako ng walang paalam] Malungkot na sagot ni Zeke sa kabilang linya na nagpakirot ng puso ni Sassy

Bigla namang bumalik sa ala-
ala ni Sassy ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Ang pag-iwas niya kay Zeke, kung paano niya itong pinagtaguan, ang pambabalewala niya sa mga tawag at messages nito, ang paglipat nila ng bahay ng walang pasabi at ang paglipat niya ng ibang University noong Grade 9 sila para lang makaiwas sa kaniya.

Unti-unti ng namumuo ang mga luha niya sa kaniyang mata habang inaalala ang ginawa niya sa pinakamatalik niyang kaibigan dahil lang sa takot na muli niyang masaktan ang kapatid niya. Hindi niya naisip noon na sa ginagawa niyang pag-iwas rito ay nasasaktan na niya ito.

I: Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama ng mga panahong yun.

Umiiyak na si Sassy habang sinasabi ang mga katagang yan samantalang si Zeke naman na nasa kabilang linya ay pinipigilan ang luhang nagbabadya ng tumulo ano mang oras.

Z: [Tama?! Tama bang iwan mo na lang ako nang hindi ko man lang alam kung anong reaksiyon mo sa ipinagtapat ko sayo noong araw na iniwan mo ko?]

Hindi na napigilang mapasigaw ni Zeke dahil sa bigat ng dinadala niya dahil sa mahabang panahon ay naghintay siya ng kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa kaniya. Ngunit hindi niya inaasahang ganito ang sagot na matatanggap niya.

Napahagulhol na sa pag-iyak si Sassy hindi dahil first time siyang masigawan ni Zeke kundi dahil alam niya sa sarili niyang may dahilan at katwiran si Zeke na magalit sa kaniya. Alam niya sa sarili niyang mali ang ginawa niya. Pero nagawa niya lang naman ang bagay na yun dahil ayaw niyang mas gumulo pa ang sitwasyon. Para sa kaniya ay mas mabuti ng siya ang masaktan at magdusa kaysa masaktan niya ang kapatid niya dahil lang sa pagiging makasarili niya. At iniiwasan din niyang masaktan si Zeke once na maipit ito sa alitan nilang magkapatid.

Labis-labis na sakit na ang idinulot niya kay Zeke nang basta na lang niya itong iwanan at hindi na maaatim ng konsensya niya na isali pa ito sa gulo ng kanilang pamilya dahil mas lalo lang itong masasaktan.

I:*sob* Naiintindihan kong galit ka sakin dahil sa ginawa ko...*sob* Pero hindi ko naman ginusto ang lahat ng 'to. Ayaw din kitang saktan. But I have no choice...*sob*

Z: [What do you mean?] Mahinahon nang tanong ni Zeke nang nakakunot ang noo dahil sa nalaman niya

I: It is much better if you don't know anything about it. Ayaw ko na ng gulo at ayaw na kitang masangkot pa sa lahat ng 'to. Bye Zeke. Again, I'm so sorry for what I did. Sana mapatawad mo pa ako.

Ni-end call na agad ni Sassy ang tawag dahil di na niya kaya pang tiisin si Zeke at natatakot din siya na baka madulas siya at masabi niya ang di niya dapat sabihin. Ayaw niyang ipaalam dito na siya ang dahilan ng alitan nila ng kaniyang kakambal dahil ayaw niyang dagdagan pa ang bigat ng dinadala nito.

Inilagay niya ang phone niya sa side table at pagkatapos ay bumalik na siya sa pagkakahiga niya at nagtalukbong ng kumot saka humagulhol ng iyak.

'Nasaktan ka na ng sobra Zeke. Kaya hindi mo na dapat malaman ang reason para di ka na madamay pa sa gulo ng pamilya ko' Isip isip niya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak

Halos isang oras din siyang nasa ganung sitwasyon nang mapagod na siya kakaiyak at naisipan niyang patayin na ang lampshade.

Nang papatayin niya na ang lampshade ay napansin niyang nakaopen ang phone niya kaya kinuha niya ito at sobra siyang nagulat sa nakita niyang notifications.

20missed calls and 10messages.

Una niyang tiningnan ang call logs at nakita niyang lahat ng tawag ay galing kay Zeke. Sunod naman niyang binuksan ay ang messages ni Zeke at binasa niya ito isa-isa.

'Sassy what do you mean?'

'What is the reason behind this?'

'Sassy, please talk to me'

'Please answer the phone'

'I want to hear your reasons tomorrow morning'

'I'll wait for you in the rooftop. Hihintayin kita kahit anong mangyari'

'Kahit ano man ang rason mo. Wala pa ring magbabago'

'Please be there tomorrow'

'I'm willing to wait no matter how long it takes'

'Goodnight. Sweetdreams'

Napaiyak na lang bigla si Sassy dahil sa mga nabasa niya.

'I think it's your right to know the truth after all. I'm so sorry if I didn't tell you everything' Sambit ni Sassy habang panay pa rin ang iyak

Dahil sa kaiiyak niya ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa ganoong sitwasyon.

***********************************
'Ano kayang magiging reaksiyon ni Zeke pag nalaman na niya ang totoong dahilan kung bakit siya iniwan noon ni Sassy?'

'Bumalik na kaya ang closeness nila o tuluyan nang masisira ang ilang taong pinagsamahan nila?'

The answer to those questions will be revealed in the next chapter. So just keep on reading.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top