CHAPTER 13

ZEKE'S POV

I'm now here at the Philippine airline. I just arrived. And I'm heading to their school right away. I badly want to see her. It's been a while and I really miss her.

I miss everything about her. Her smile, her angelic face, her childishness, her sweetness. I miss every inch of her.

I know she's avoiding me. But I dont care anymore. All I want is for us to be together. I want her by my side.

I know the consequences of my action. I know that once we get close with each other again, someone will get hurt. And I have to settle everything for us to be together. I don't want to hurt anyone in exchange for my happiness.

🎼Do you remember when I said I'll always be there🎼
🎼Ever since when we we're ten baby🎼
🎼When we we're out of the playground play entertain🎼
🎼I didn't know it but then I realize that you are the only one🎼
🎼It's never too late to show it🎼
🎼Grow it together the feelings we have before🎼
🎼Back when we we're innocent🎼


I was brought back to my senses when my phone rang. I immediately get my phone on my pocket and answer the phone call after seeing who the caller is.

I: Hello?

K: [Hey! Did you already arrived?]

I: Yeah. I just arrived. Why?

K: [What was your plan now that you're already here?]

My plan? Well, I only want one thing. And that is to see her.

I: I'm going to their school right now.

K: [Seriously?! But how about your baggage. Another thing, you need some rest my dear brother. You still have a jetlag]

I chuckled because of what my brother said. He's always been caring and thoughtful. That's why I always tease him and call him a gay.

I: Yeah. I'm dead serious. About my baggage, I'll just let our drive bring them to our house. And I don't need some rest. All I need is to see her. I've been longing to see her innocent face

K: [It looks like all are settled. Just take care of yourself]

I: I will. K bye

K: [Bye]

He's the one to end the call so I kept my phone inside my pocket again.

"Sir, hindi pa po ba tayo aalis? Nakahanda na po ang mga kotse" Our family driver asked respectfully

"Mauna ka na po manong. And please, bring my baggage with you. About my car, just leave it at the parking lot. I'm going to use it" I ordered him with respect. I respect all of our employees because they serve as my second family especially that my parents were busy with our businesses accross the world.

"Okay po Sir. Ingat po kayo" He answered before he left and brought my things with him as what I asked him

I headed to DG University using my car.

SASSY'S POV

Nandito pa rin kami hanggang ngayon sa clinic dahil ayaw akong payagan ni Ethan na pumasok.

"Ethan, please. Payagan mo na akong pumasok" Pagmamakaawa ko sa kaniya

"I said NO. Sabi ng nurse kailangan mo raw ng pahinga at mahina pa ang katawan mo" Madiin niyang sagot na puno ng awtoridad

Napairap na lang ako sa hangin dahil daig niya pa ang tatay ko sa inaasal niya.

Nakita kong kumuha siya ng isang orange sa table at binalatan ito.

"Sige na oh. Mas lalo lang kasi akong manghihina kapag nakatambay lang ako rito*pout*" Paliwanag ko sa kaniya habang nakapangalumbaba ako sa harapan niya at hinihintay ang magiging sagot niya

"Haist! Ang kulit mo talaga. Sige na nga. Basta wag na wag kang maglililikot ah" He agreed as he sigh in forfeit

Bahagya akong natawa nang makita ko siyang napasabunot sa sarili niya dahil sa inis. Di na niya pinagpatuloy pa ang pagbalat sa orange.

Kagat-labi akong tumango sa kaniya dahil sa pagpipigil ko ng tawa ko. Baka kasi pag tinawanan ko siya bigla na lang magbago ang isip niya at hindi ako payagang pumasok. May sayad pa naman ang isang 'to.

Inalalayan niya akong tumayo dahil baka raw bigla na lang ulit akong mahilo at mawalan ng malay.

"Aray" Daing ko nang nabangga ang paa ko sa may paa ng kama

"Dahan-dahan kasi" Naiirita niyang sermon sakin habang nakahawak ang kanang kamay niya sa bewang ko while ang left hand niya naman ay bitbit ang lahat ng gamit ko at nakasukbit rin sa balikat niya ang bag ko

"Sorry naman. Excited lang" Natatawa kong sagot sa kaniya

Tuluyan na kaming nakalabas ng clinic nang hindi ako nababangga sa kung ano-anong mga gamit na nandito sa clinic dahil sa sobrang ingat ni Ethan sa pag-akay sakin.

"Oh? San na tayo ngayon?" Agad niyang tanong pagkalabas na pagkalabas namin

Oo nga pala. Nakalimutan kong hindi kami pwedeng basta na lang pumasok ng klase namin dahil nasa kalagitnaan sila malamang ngayon ng lecture. Makakaistorbo lang kami. At isa pa, excused na kami sa lahat ng klase dahil sa nangyari sakin.

"I dunno" Kibit-balikat kong sagot at inilibot ang paningin ko sa paligid para tingnan kung san ba pwedeng tumambay

Excused naman kami sa klase namin. Baka hindi rin naman ako makapagfocus sa lecture dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Maybe I should go to a place where I can relax para makalimutan ko ang mga bagay na gumugulo sakin kahit panandalian lang.

"Punta na lang kaya tayong garden" Pag-suggest ko sa kaniya na agad naman niyang ikinailing

"Oh? Anong problema? Ayaw mo ba nun makakalanghap tayo ng sariwang hangin?" Dagdag ko agad dahil mukhang di siya papayag

"Mamaya ka na maglakwatsa. Punta muna tayong cafeteria para makakain ka na" He said with full of authority kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto niya. Umiral na naman kasi ang kasungitan niya. At bawal na bawal po itong sabayan kung ayaw niyong magkaworld war 10😂

At isa pa, di pa rin naman ako kumakain dahil kanina pa ako tulog sa clinic at hindi man lang nag effort na manggising 'tong isang 'to dahil kailangan ko raw ng pahinga. Pahinga-pahinga. Eh paano kung hindi na ako magising at tuluyan na nga akong mamahinga? Food is life kaya😅

"Sassy?"

Napatigil kami sa paglalakad nang may tumawag sakin sa totoo kong pangalan mula sa isang pamilyar na boses.

Kinakabahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses habang akay pa rin ako ni Ethan na kunot na kunot na ang noo. Marahil ay nagtataka rin siya katulad ko kung paanong may ibang nakakaalam ng totoo kong pangalan bukod sa kanila ni Kuya Kyle.

Pagkaharap ko sa tumawag sakin ay halos manlaki ang mata ko sa nakikita ko. At maging ang pagkilos ay hindi ko magawa. After 1 year ay muli kong nasilayan ang maamo niyang mukha na ilang beses kong pinangarap na muling masilayan at mahawakan. Ang mga titig niyang para akong hinihipnotismo. Ang mga kilay niyang nakasalubong na nasisilayan ko lang tuwing gagawa ako ng kalokohan.

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya. Ang lalaking dahilan kung bakit ako kinamumuhian ng sarili kong kapatid dahil lang sa hindi pagkakaintindihan.

"Ze...Zeke?" Wala sa sariling sambit ko nang hindi ko man lang inaalis ang tingin ko sa kaniya

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko sa sunod niyang ginawa. Mabilis niya akong dinamba ng yakap kaya bahagyang napalayo sakin si Ethan na naguguluhan pa rin sa nangyayari.

"I really miss you, Sassy. It's been a year since the last time that we've been together" He said between our hug

"Ze...Zeke" Tanging sambit ko habang yakap niya ako. Walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig ko. Tanging pangalan lang niya ang nasasambit ko.

Wala akong makalap na salita na pwede kong sabihin sa kaniya. After what I've done a year ago ay ito at napakawarm ng pagwelcome niya sakin. He even welcome me with an embrace kaysa sumbatan ako sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya ng walang paalam.

Bigla naman siyang kumalas sa yakap at tiningnan ako ng may pag-aalala.

"Why? What's wrong?" Nag-aalala niyang tanong at hinawakan ako sa magkabilang balikat

"Sassy, we have to go. May pupuntahan pa tayo" Seryosong sabi ni Ethan na mukhang nakabawi na mula sa pagkagulat. Hinawakan niya ang left hand ko.

"I'm sorry Zeke but I have to go" Mahinang sabi ko sa kaniya

Akmang aalis na ako nang hawakan din niya ang kabilang kamay ko kaya muli akong napatingin sa kaniya.

"Wait. Who's this guy?" Zeke asked habang masamang nakatingin kay Ethan na seryoso ring nakatingin sa kaniya

"I'm her friend. Sorry dude. But we really have to go" Ethan answered saka ako hinila palayo kay Zeke

Pipigilan pa sana niya kaming umalis dahil mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero wala na siyang nagawa dahil ako na ang nagkusang humigit ng kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Bago kami makalayo ni Ethan ay muli ko siyang nilingon mula sa likuran at nakita ko siyang malungkot at seryosong nakatingin samin habang may hawak na pink paper bag sa kaliwa niyang kamay na ngayon ko lang napansin.

Ngumiti siya ng mapait kaya ang ginawa ko ay inalis ko ang tingin ko sa kanya at tinuon na lang ang pansin ko sa daan papuntang cafeteria at hinayaang tumulo ang luhang kanina pa namumuo sa mga mata ko.

He's back. Is he back for good? I hope so. I really miss him. I miss my bestfriend a lot and I regret that I left him without any explanation and without saying goodbye. But things are now different. Things might be complicated if we ever try to regain what we have before.

***********************************
Atlast nagkita na rin sila ulit.

Ano kayang mga kaabang-abang na kaganapan ang mangyayari ngayong bumalik na sa buhay ng kambal ang lalaking sanhi ng kanilang alitan?

VOTE

COMMENT

AND

BE A FAN

How was my update? Is it lame? I'm so sorry if it is 'coz I'm still in the process of learning.

Love lots💗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top