CHAPTER 12

SASSY'S POV

Naglalakad ako papuntang cafeteria nang may bigla na lang bumangga sakin ng sobrang lakas kaya napaupo ako sa sahig.

"A...aray" Daing ko habang pinipilit kong tumayo. Pero di ko magawang tumayo dahil sa masama ang pagkakabagsak ko. Huhu.

"Oh. Kawawa ka naman. Bakit? Di ka ba makatayo?" Nang-aasar na tanong ni Trixie

Hinayaan ko lang siya sa mga pinagsasabi niya at muli ko na lang sinubukang tumayo kahit nahihirapan ako.

"Haha. You look like a worm in that situation" Tumatawang sabi naman ni Fiona

Pinilit kong tumayo kahit nahihirapan na ako dahil sa masakit ang pwet ko at idagdag mo pa na wala pa akong kain. And worst, kulang pa ako sa tulog.

Nang makatayo na ako ay hindi ko pinansin ang mga pamatay nilang tingin at naglakad na ako palayo sa kanila. Ngunit di pa man ako nakakalayo ay bigla nila akong hinwakan ng mahigpit sa braso at hinila palapit sa kanila. Sa sobrang higpit ay ramdam ko na ang matutulis nilang kuko na unti-unti ng bumabaon sa balat ko.

"Pwede ba? Wala ako sa mood kaya tigil-tigilan niyo ko" Irita kong sabi sa kanila at pilit na inaalis ang pagkakahawak nila sa braso ko dahil wala ako ngayon sa kondisyon para makipaglaro sa kanila

"Aba't natuto ka ng lumaban? Anong akala mo? Na kaya mo na kami ha? Well, you're mistaken" Mataray na sabi ni Trixie at basta na lang akong itinulak ng sobrang lakas kaya muli akong napaupo. But this time ay di ko na nagawang tumayo pa dahil hinang-hina na ako at mas malakas ang pagkakatulak niya sakin ngayon kesa kanina.

"If you really think that we still don't have the right to hurt you, then you're WRONG! 'Coz Cassy already gave us the authority to do whatever we want to do with you, Ugly Duckling" Confident na sabi ni Fiona na siyang ikinagulat ko

'Ate, bakit? Anong nagawa ko at hinayaan mo silang saktan ako? Wala ka na ba talagang natitirang pagmamahal sakin kahit katiting?' Malungkot kong tanong sa sarili ko at di ko na namalayan pang umiiyak na pala ako dahil sa katotohanang muli na naman akong napag-initan ng kakambal ko


TRIXIE'S POV

At last nagkapov din ako. Haha. By the way, I'm Trixie Buenaflor and Fiona Buenaflor is my cousin. Ako lang naman ang pinakamaganda at pinakasexy sa campus. And I hate seeing someone wearing a trash and so old fashioned clothes. That's why I always lose my temper whenever I saw that girl named Chelsea who is so-so badoy! Daig pa ang nanggaling sa sinaunang panahon at napag-iwanan ng kabihasnan.

At dahil inis ako sa pagmumukha niya na nakakasuka ay palagi namin siyang pinag-iinitan at pinaglalaruan. Naging mabait lang naman kami sa kanya nung pinagbawalan kami ni Cassy na saktan ang basurang yun. Ewan ko ba ba't kami pinagbawalan before ni Cassy. But nevermind. What more important is we can now do whatever we want to do with that nerdy girl 'coz Cassy already allowed us.

FLASHBACK

It's break time at nandito lang kami ni Fiona. Nag-uusap sa upuan namin about sa bruhang yun dahil wala pa naman si Cassy. So walang magbabawal samin na pag-usapan siya.

"You know what couz. I saw that nerdy girl flirting with her cute friend and with the handsome transferee" Kwento sakin ni Fiona kaya mas lumapit pa ako sa kaniya

Tss! Di ko alam na pangit na pala ang hanap ngayon ng mga gwapo? Haha! Fan na fan siguro sila ng story na Beauty and the Beast kaya nai-apply nila sa sarili nila😂 Baka umaasa silang gaganda pa yung bruhang yun. Well, sorry na lang sila dahil wala ng pag-asang gumanda pa yun😏

"Really?! How come? May papatol pa palang lalaki sa pangit na yun? Haha!" Natatawa kong sabi with matching flip pa sa hair ko

Grabi! Iniisip ko pa lang na may lalaking nakikipaglandian sa kaniya. Nasusuka na ako. Yuck!

Bigla namang natawa si Fiona sa sinabi ko at hinampas ako ng mahina.

"Ano ka ba naman girl. Hindi naman siguro papatulan ng mga yun ang bruhang yun. Sa gwapo ba naman nila? Sadyang malandi lang talaga yang Chelsea na yan" Mataray na sambit ng magaling kong pinsan na siyang partner in crime ko😘

Napataas naman ang kilay ko sa narinig ko.

"Haha. May tinatago din pa lang kalandian yang babaeng yun. Akala mo kung sinong birheng hindi makabasag pinggan. Haha!" Tumatawa kong sabi

"Kaya nga. Kadiri talaga! Nakita ko pa ngang hinawakan nung isang guy yung face ng bruha. At ang bruha naman, ayun enjoy na enjoy pa. Gross!" Nandidiring kwento ni Fiona na masyadong exaggerated

Haha! Nakakatawang tingnan si Fiona. Para siyang natatae na ewan dahil sa sobrang pandidiri. Haha!

Tawanan lang kami nang tawanan hanggang sa makarinig kami ng yabag ng kung sino na papalapit sa classroom. Pero di namin 'to pinansin dahil malamang na isa lang yan sa mga kaklase namin na mga walang magawa sa buhay nilang patapon😅

"Haha! Grabi. Ang landi talaga ng nerd na yun. Haha! Nakakasuka grabi" I said between my laughs

"Oo nga. Haha. At gwapo pa talaga ang nilandi niya. Haha" Tumatawang pagsang-ayon ni Fiona

Halos nagbubugbugan na kami rito sa sobrang tawa namin na may kasama pang hampasan. Hampas dito, hampas dun. Pati nga ata kamay namin namumula na dahil sa kakahampas namin sa desk ng upuan at kakahampas namin sa isa't isa.

"Oo nga. Haha. Sarap ingudngod sa putik eh. Kung di lang tayo pinagbawalan ni Cassy. Malamang naturuan ko na 'yun ng leksyon. Haha" Sabi ko habang humahagalpak ng tawa

"Excuse me. Are you talking about me and that nerdy girl?" Rinig naming mataray na tanong ng isang babae

Pag-angat ko ng tingin ay bigla na lang nanlaki ang mata ko kasabay nang paninigas ng buo kong katawan nang mukha ng nakacross arms na si Cassy ang bumungad sakin na nakataas pa ang isang kilay.

Bigla namang kumapit si Fiona sa braso ko habang ako ay napapalunok na lang dahil sa itsura niya na para siyang mananambunot anytime. Huhu. Patay kami nito.

'Trixie, mag-isip ka ng palusot' I said to myself at pinilit mag-isip ng palusot para di kami pagalitan ni Cassy dahil sa pagsuway namin sa gusto niya

"I'm so sorry Cassy. I know na pinagbawalan mo kaming saktan o pag-usapan si Chelsea. Pero kasi di namin mapigilan dahil napakalandi niya. We're so sorry Cassy. Hindi namin sinasadya. Don't worry. This will be the last time. Hindi ---" Mahabang paliwanag ko pero di man lang niya ako hinayaang matapos sa pagsasalita ko

"Shut up!" Cassy shouted

"Please forgive us Cassy and let us explain. Promise di na mauulit. From now on hindi na namin siya papakialalaman at ---" Like me ay hindi rin natuloy ni Fiona ang sasabihin niya dahil pinutol din ito ni Cassy

"I said SHUT UP!" Galit na sigaw niya kaya napayuko na lang kami ni Fiona dahil sa sobrang takot

Hinintay namin siyang magsalita ulit. Narinig na lang namin siya na bumuntong-hininga at pilit pinapakalma ang sarili niya.

"You don't have to ask for an apology because from now on you're free to do anything you want with that girl" Walang emosyon niyang sabi na ikinaawang ng bibig ko

Napaangat naman kami ng tingin ni Fiona to confirm if she's really serious and if she really mean what she just say. And to my surprise, her facial expression shows that she has hatred against the one that we're talking about.

"A...are you su..sure?" Kinakabahan pa rin naming tanong ni Fiona

"Yes" Tipid niyang sagot at naglakad na papunta sa upuan niya

Naiwan kaming tulala ni Fiona na hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya at sa nakita kong ekspresyon ng mukha niya.

END OF FLASHBACK

At dahil nga pinayagan na kami ni Cassy ay nandito kami ngayon. Muling pinaglalaruan ang bruhang 'to.

Nagpipigil lang kami ng tawa ni Fiona habang pinagmamasdan ang bruhang 'to na nakayuko at nakaupo sa sahig habang umiiyak.

"Ahw... Kawawa ka naman. Para kang batang iniwan sa basurahan at panay ang iyak. Batang yagit lang ang peg? Haha!" Pang-aasar ko sa kaniya. Pero wala man lang pakialam ang isang 'to. Nabingi na yata siya. Haha!

"Naku 'couz. Nabingi na yata. Haha" Tumatawang sabi ni Fiona

Magkadugo nga kami😅 As you can see ay pareho ang tinatakbo ng mga isipan namin😂

"Hey flirt. Tumayo ka diyan!" Sigaw ko sa kaniya at sinipa-sipa ko siya. Pero ayaw talaga niyang makinig.

Talagang sinusubukan ako ng isang 'to ahh!

"I said stand up! You bitch!" I shouted at her saka ko siya sinipa ng mas malakas. Pero wala pa ring epekto sa kaniya kahit na napasubsob na siya sa sahig sa ginawa ko.

"Ayaw mong makinig ahh. Fiona, hold her and help her stand. NOW!" Pasigaw kong utos kaya dali-dali namang itinayo ni Fiona si bruha

Pagkatayo ni Fiona sa kaniya ay agad ko siyang nilapitan at marahas na hinawakan ang pisngi niya. Sobrang higpit ng pagkakahawak ko rito na para bang anytime ay babaon na ang kuko ko sa mukha niyang kamukha ni shrek.

"You bitch! Kung maglalandi ka. Piliin mo yung katulad mong pangit. Ang taas din naman ng pangarap mong lumandi ng gwapo. You think papatulan ka nila? Like DUH! Kahit siguro bungal di magkakainteres sayo" Panglalait ko sa kaniya habang pilit kong inaangat ang ulo niya para magkaharap kami at makita niya kung paano ko siyang pandirian

I expect her to cry and beg in front of me. But it was the opposite thing that happens.

"KEEP.YOUR.HAND.OFF.OF.ME" Nahihirapan ngunit madiin niyang sabi na ikinainit ng dugo ko kaya nasampal ko siya ng sobrang lakas

*PAK!*

"How dare you to tell me what to do! You bitch!" Sigaw ko at sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi niya

"S-Stop it" Mahina niyang sambit habang iniinda ang sakit ng pisngi niya

Sasampalin ko sana ulit siya nang may pumigil sa kamay ko mula sa may bandang gilid ko. Tiningnan ko siya ng matalim at sinubukang alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Pero mas malakas siya kumpara sakin kaya hindi ko magawang makawala mula sa pagkakahawak niya.

"Let me go!" Sigaw ko sa lalaking nakahawak sakin at pilit na nagpupumiglas sa hawak niya

"Don't you dare hurt her again. Or else ako ang makakalaban niyo!" Galit niyang sambit at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko

"Are you threatening me?" Mataray kong tanong sa kaniya kahit deep inside ay kinakabahan na ako dahil para siyang papatay ano mang oras sa talim ng tingin niya

"No. I'm WARNING you!" Madiin niyang sabi sa nakakakilabot na boses bago niya marahas na binitawan ang kamay ko kaya napaupo ako sa sahig ng wala sa oras

Agad naman akong dinaluhan ni Fiona. Saktong pagbitaw ni Fiona kay bruha ay nawalan ito ng malay. Pero bago pa siya bumagsak sa sahig ay nasalo siya nung guy at maingat siyang binuhat nito na para bang isa siyang babasaging gamit na kailangang ingatan.

"If something bad happen to her. Be ready for my vengeance" He said in a serious voice habang buhat-buhat si Chelsea

Mabilis siyang naglakad paalis dala ang lahat ng gamit nito na nagkalat kanina sa sahig habang karga-karga pa rin si Chelsea.

"Trixie, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Fiona at tinulungan akong makatayo

"I'm fine!" Irita kong sagot

Asar kong pinulot ang bag ko na nabitawan ko kanina.

"Let's go back to our classroom before I lose my temper*sigh*" Seryoso kong sabi at nauna na akong maglakad kay Fiona papuntang classroom

Bwisit na lalaking yun! Ako pa tinakot niya! At talagang siya pa may ganang magalit. Ehh siya nga 'tong pakialamero!

Pagbabayaran ng babaeng yun ang pagpapahiya sakin ng walanghiyang knight in shining armor niya. I'll make sure of it!

***********************************
Sa tingin niyo, sino kaya yung nagligtas kay Sassy?

Ano kayang nangyari kay Sassy at bakit siya hinimatay?

Thank you po sa mga sumusuporta sa story ko. Sorry po kung lame man po update ko. Beginner pa lang kasi. Hope you'll understand. Luv yah😇😍

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top