CHAPTER 11
SASSY'S POV
*Beep* *Beep*
Bigla akong napamulat ng wala sa oras dahil sa pagtunog ng phone ko na may kasama pang malakas na vibration na nakapatong sa may side table.
Time check: 3:50am
What the! Sino naman kayang matinong tao ang magtetext sakin ng ganitong kaaga? Bampira ba siya at gising na gising pa siya ng ganitong oras? Hindi niya ba alam ang kasabihang 'Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka'?
Tamad kong inabot ang phone ko at wala sa sariling binuksan ko ang message na siyang bumulabog sa mahimbing kong pagkakatulog.
From Unknown:
Sassy, how are you?
Hindi ko maiwasang mapakunot-noo sa nabasa ko. Sino naman kaya 'to? Ang aga-aga mang-istorbo. But how did this sender knew my number? Hindi naman nakaregister sakin yung number niya. Is this a prank?
"Hoy! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!" Irita kong sabi habang tutok na tutok sa phone ko
Ang pinakaayaw ko pa naman ay yung nabibitin ang tulog ko. Haist! Naku naman. Istorbo.
Irita kong ibinagsak ang phone ko sa kama at muli akong bumalik sa pagkakahiga. But sad to say, papikit pa lang ako ay tumunog na naman ang phone ko kaya inis ko itong kinuha at tiningnan kong sino ang nag-text this time.
From Unknown:
Are you still asleep?
Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa inis. Mukhang wala yatang balak 'tong patulugin ako kaya I don't have a choice but to compose a reply para tantanan na niya ako.
To Unknown:
Who's this? Do I know you?
Wala pang ilang segundo ay agad akong nakatanggap ng reply mula sa unknown sender.
From Unknown:
You will meet me SOON. Yeah, we knew each other very well.
By the way, how are you?
Tsss! May nalalaman pang pasuspense eh. Kilala daw namin ang isa't isa? Eh paano ko naman siya makikilala kung ni pangalan nga niya ayaw niyang sabihin. Sabog ba 'to?
Haist! I think my beast mode is ON. Arghh! Kairita! Maaga pa pasok ko at idagdag mo pang late na ako natulog kagabi dahil kakakwentuhan namin nina Kuya Kyle at Ethan sa group chat na ginawa nila.
To Unknown:
I'm not okay 'coz you just woke me up and disturbed my sleep. My ghad! It's only 3:50 in the morning.
Mas pinili ko na lang na manatiling nakahiga sa kama habang hinihintay magreply ang kung sino mang stranger 'to baka sakaling dalawin pa ako ng antok. Ako kasi yung tipo na once na magising sa pagkakatulog ay hirap nang makatulog ulit.
From Unknown:
I'm so sorry to disturb your sleep, Sassy. It's just that I miss you so much and I can't wait to be with you again.
O_O ---> Yan yung mukha ko after I read the message that this stranger sent me
What does it mean? Do I really know who this sender is? Dahil sa curiosity ay di ko na napigilang humingi ng clue para naman magka idea ako kung sino 'tong katext ko. Baka mamaya scam pala 'to. And I like solving puzzles after all😊
To Unknown:
It's okay. But what do you mean about missing me and being eager to meet me? Wait. First thing first, are you a girl or a boy?
Haisst! Tagal naman magreply. Kung kailan ako inatake ng pagiging curious ko. Saka naman siya nagpabebe.
*1message received*
Dali-dali kong binuksan ang message niya. I can't wait any longer to know the answer.
From Unknown:
Haha! Hindi ka pa rin nagbabago. Kinakain ka pa rin ng pagiging curious mo sa lahat ng bagay. And ang hilig mo pa rin sa mga clue. Mas lalo tuloy kitang namimiss. At para lang mabawasan ang pagkacurious mo my dear Sassy. I'm a guy.
Biglang nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. He's a guy? And it looks like that he really know me that much para masabi niyang di pa rin ako nagbabago. Arghh! Mas lalo lang tuloy akong nacu-curious! Kasi naman eh. Ba't di na lang siya magpakilala para matapos na 'tong pinoy henyo trip niya.
Gosh! Sino ba kasi 'to? Wala naman akong --- wait! Isa lang naman ang lalaking malapit sakin at kilalang-kilala ako bukod kay Kuya Kyle.
Is it you? Naku. Wag naman sana. Dahil di ko pa alam kung anong gagawin ko pag nagkita ulit tayo. And I don't want to hurt you ever again. Once is enough and I know it will only make things worst kapag nagkalapit ulit tayo.
To Unknown:
Do you really know me or you're just making fun of me?
'Please tell me the truth. I want the whole truth and I'm not in the mood to play such games like this' I uttered to myself while waiting for his reply
From Unknown:
Yeah. Hindi lang kilala. Kilalang-kilala. Sorry Sassy but I have an important matter to do. Can't wait to see you. Bye☺️
Bigla naman akong nanlumo dahil sa nagpaalam na siya at hindi ko na malalaman ang kasagutan sa lahat ng tanong ko. Ay naku naman! Pero okay na rin siguro yun. Hindi pa rin naman ako handang malaman ang maaaring maging sagot niya sa tanong ko.
'Hindi nga ba talaga handa o ayaw mo lang talagang malaman ang sagot niya?' Pag-epal ni mind
Hindi na ako nagreply pa at mas pinili ko na lang na bumalik sa pagtulog. Ngunit hindi talaga mawala-wala sa isip ko ang kung sino mang unknown sender na yun.
Kanina pa ako nakahiga at pinipilit na matulog ulit pero kahit anong gawin ko ay di pa rin ako dinadalaw ng antok kaya saglit kong tiningnan ang phone ko para icheck kung anong oras na.
Time check 5:00am
Ang aga pa pala. But what can I do? Ayaw na akong dapuan ng antok kaya I have no choice but to go to the cr and take a shower. Hindi naman na ako makakatulog kahit anong pilit ko dahil sa bagay na gumugulo sa isip ko. At idagdag mo pang ilang oras na lang bago sumikat ang araw. Baka ma-late pa ako sa klase ko pag nagkataon.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng cr ay dumiretso agad ako ng shower. Pero parang bigla yata akong inatake ng katamaran ko kaya mas pinili ko na lang magbathtub para kahit papano ay makaidlip ako kahit saglit.
After 30 minutes na pagbababad ay lumabas na ako ng cr nang nakatapis lang. I went to my closet at kinuha ko ang uniform ko na gusot-gusot dahil sa kadahilanang ayaw ko itong plantsahin para mas magmukha akong isang hamak na scholar lang sa university na pagmamay-ari namin mismo.
Sinuklay ko na muna ang buhok ko bago ko ito i-blower. Dahil sa pagblower ko ng buhok ko ay bahagya itong gumulo. Hindi ko na inabala pa ang sarili kong suklayan o ayusin pa ito. Mabilis kong inabot at isinuot ang salamin ko na nilalagay ko sa side table tuwing matutulog ako.
Pinagmasdan ko ng mga ilang minuto ang sarili ko sa salamin. At habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ay di ko maiwasang mapangiti ng mapait sa nakikita ko. Kasabay ng pagguhit ng ngiti sa aking labi ay ang pagpatak butil ng luha sa aking pisngi.
'Pagod na pagod na ako. Hanggang kailan ko ba kailangang magpanggap?'
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang mataman kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin na malayong-malayo sa kung ano ako noon. Sa kung ano ang totoong ako.
'Paano pag bumalik siya sa buhay natin? Mapatawad mo na kaya ako o mas lalo ka lang magalit sakin? Ate miss na kita. At sana hindi na mas gumulo pa ang lahat kapag bumalik na siya'
Patuloy ko lang na pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin at hinayaan kong mag-unahan sa pag-agos ang mga luha ko hanggang sa tila sumuko at napagod na ang mga mata ko kaiiyak kaya wala ng lumalabas na luha mula rito.
Gusto kong umiyak nang umiyak para mailabas ang bigat ng nararamdaman ko. Pero paano ko yun magagawa kung mismong mga luha ko ay ayaw ng makisama. Kusa ng sumuko ang mga mata ko.
Namamaga na ang mga mata ko. Halatang di ako nakatulog ng maayos at mababakas mo ring galing ako sa pag-iyak dahil sa pagiging mugto nito.
Bumaba ako ng kwarto ko nang nakatungo para di mapansin ng kung sino mang makakasalubong ko na galing ako sa pag-iyak.
"Oh? Anak ang aga mo ata. Di ka man lang ba mag-aalmusal bago pumasok ng school?" Rinig kong tawag sakin ni Daddy nung nasa harap na ako ng pinto at akmang pipihitin ko na ang doorknob
"I have to go Dad. May mga activities pa ako na kailangang tapusin. Sa cafeteria na lang po ako kakain" Sagot ko kay Dad nang hindi man lang siya nililingon
Nanatili lang akong nakatungo habang hawak ko sa kanang kamay ko ang doorknob.
Nagsinungaling ako kay Dad. Wala akong activities na gagawin dahil tapos ko na lahat. Gusto ko lang talagang mapag-isa at ayoko ng mag-alala pa sakin sina Daddy. Masyado na siyang stress sa trabaho at ayoko ng dumagdag pa.
"Tsk! May gagawing activities. If I know, makikipaglandian ka lang sa kaklase mo" Rinig kong sabi ni Cassy na kabababa lang at halatang kagigising lang niya
"Cassy, stop it. Gagawin mo pang sinungaling ang kapatid mo. Mabuti pa ay maghanda ka na para sa klase mo" Pagsita ni Daddy kay Ate na ikinainis niya. Narinig ko pa siyang bumulong nang dumaan siya sa tabi ko
"Siya naman palagi ang kinakampihan niyo. Wala ng bago dun. Tss! BITCH! MANG-AAGAW!" Cassy murmured pero yung last na sinabi niya ay talagang in-emphasize niya at sinadyang iparinig sakin dahil bigla siyang tumigil sa gilid ko para lang mas malinaw ko itong marinig
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko at feeling ko ay anytime ay maiiyak na ako. Kaya nagpaalam na ako kay Daddy dahil baka di na ako makapagpigil pa at humagulhol na ako sa mismong harapan nila.
"I have to go Dad. Bye" Paalam ko at agad na akong tumakbo papuntang garahe ng nakakagat-labi para pigilan ang pag-iyak ko
"Ang aga mo atang pumasok anak" Masayang salubong sakin ni Tay Luis
"Tay, sa park po tayo" Matamlay kong sabi kay Tay Luis
Agad akong pumasok ng kotse at dun ko na ibinuhos ang luhang kanina ko pang pinipigilan.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak ko ay hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap sa akin ni Tay Luis na may nag-aalalang mga titig.
"I...I'll b-be fi...fine Tay Luis...*sniff* Just ke...keep yo...your eye on the road...*sniff*" Nahihirapang sabi ko sa kabila ng aking walang tigil na pag-iyak habang panay na rin ang singhot ko
Wala ng nagawa si Tay Luis kung hindi ang mag-drive ng tahimik at hayaan na lang ako dahil alam niyang mas gugustuhin kong umiyak maghapon kaysa i-share ang kung ano mang nararamdaman ko dahil sanay akong sinasarili ang problema. At ang pag-iyak ang pinakamabisang paraan na alam ko para mailabas ang sakit na kinikimkim ko.
Pagkarating na pagkarating namin sa park malapit sa school ay agad akong bumaba ng kotse at pinakiusapan si Tay Luis na wag akong susundan dahil gusto kong mapag-isa.
Wala pang ibang tao sa park dahil masyado pang maaga. Tahimik akong naupo sa lilim ng isang puno at doon ko na ibinuhos lahat. Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Ang sakit...*sob* Ang sakit-sakit na tawagin mo 'kong mang-aagaw...*sob* Hindi ko naman*sniff* intensyong maiparamdam sa'yo yun...*sob* Saka wala*sniff* akong inaagaw sayo. At kahit kailan wala akong balak na agawin ang kahit na*sniff* ano o sino sayo. O-oo, a...alam kong na...nasaktan kita dahil ako ang pinili niya*sniff* Pero sana malaman mo na*sniff* nagawa ko rin siyang saktan dahil mas pinili kita...*sob* Ni...nilayuan ko siya kahit masakit*sniff* dahil ayaw kong saktan ka. Pero bakit ganun?*sniff* Hi..hindi mo pa rin ako mapatawad...*sob*" Nahihirapan kong sambit sa kalagitnaan ng aking pag-iyak
Tuloy-tuloy lang ako sa paghagulhol hanggang sa nahirapan na akong huminga dahil sa bigat ng nararamdaman ko at sa biglang pagsikip ng dibdib ko dahil sa walang tigil na pag-iyak.
Hirap akong tumayo at sumandal sa punong nasa likuran ko. Nakahawak lang ako sa dibdib ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak at pilit kinakalma ang sarili ko. Hinahabol ko na ang paghinga ko. Medyo nanlalabo na rin ang paningin ko dahil nabasa na maging ang salamin ko at idagdag mo pang wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko.
"Hey Miss. Are you okay?" Nag-aalalang tanong ng lalaking nasa harap ko at nakahawak sa magkabilang balikat ko
"I...I ca...can't bre...ath" Nahihirapan kong sagot habang umiiyak pa ring nakahawak sa dibdib ko at pilit hinahabol ang hininga ko
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang bigla akong yakapin ng lalaking kaharap ko.
"Sshh... Stop crying and calm down. Magiging maayos din ang lahat" Mahinang bulong niya habang hinahagod ang likuran ko na siyang dahilan kaya unti-unti ng nagiging maayos ang paghinga ko
"Take a deep breath. Inhale... Exhale..." He said between his hugs
Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Hinahabol ko ang paghinga ko at nung maayos na ako ay agad akong humiwalay sa kaniya at tinanggal ang salamin ko para punasan ito.
Pupunasan ko na rin sana ang mukha ko na punong-puno na ng luha pero naramdaman ko na lang na may nagpupunas na nito gamit ang mga daliri niya. Pagtingin ko sa harapan ko ay nag-aalalang mukha ng lalaking yumakap sakin kanina ang bumungad sakin habang patuloy pa rin siya sa pagpupunas ng luha ko.
"Do you feel better now?" Nakangiti niyang tanong. Pero bakas pa rin ang pag-aalala sa boses niya.
I just nod for an answer. He just smiled at me and offer his hand. Sinuot ko muna ang salamin ko para mas makita ko ng maayos ang mukha niya.
"I'm Luke Michael Sandoval. But you can call me Luke" Pagpapakilala niya
"Sassy De Guzman" Pagpapakilala ko rin sa sarili ko
Sinabi ko ang totoo kong pangalan dahil mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Tsaka tinulungan niya ako kanina at wala namang kasiguraduhang magkikita pa kami ulit kaya hindi siya magigiging threat sa pagpapanggap ko.
"Sassy, just a piece of advice" Biglang wika niya habang di pa rin binibitawan ang kamay ko
Napatingin naman ako sa kaniya ng seryoso ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.
"What is it?" Nagtataka kong tanong
"Wag mong sasarilinin ang problema mo dahil ikaw lang din ang mahihirapan pag hindi mo nailabas ang kung ano mang kinikimkim mong sama ng loob" Sabi niya nang nakatingin ng diretso sa mga mata ko
Binitawan niya na ang kamay ko. But this time ay ang pisngi ko naman ang hinawakan niya at marahan itong pinisil.
"I have to go Sassy" Nakangiti niyang paalam at inalis niya na ang pagkakahawak sa pisngi ko
May inabot siya saking calling card na nag-aalangan ko namang tinanggap.
"Take this and just call or text me whenever you need a shoulder to cry on and a friend right beside you. Hope to see you again" Nakangiti niyang sabi at umalis na
Pinagmasdan ko na lang siyang maglakad palayo hanggang sa tuluyan na siyang hindi maabot ng paningin ko.
Saglit ko lang tiningnan ang calling card na ibinigay niya bago ko ito mabilis na itinago sa bag ko.
Bumalik na ako sa kotse at nagpahatid diretso sa private parking lot sa university. Pagtingin ko sa oras ay 7am na. Masyado yata akong natagalan sa pag-iyak ko dahil 30minutes na lang bago mag-start ang klase ko.
*Grrrrroooooo*
Bigla akong napahawak sa tiyan ko dahil sa pagkalam nito. Huhu. Gutom na ako. Hindi nga pala ako nakakain kanina😖
Mabilis akong naglakad ng nakatungo papuntang cafeteria para bumili ng maaari kong kainin dahil maging ang baon ko ay nakalimutan kong kuhanin kay Nanny dahil sa pagmamadali kong umalis ng bahay.
***********************************
Sino kaya yung nagtext kay Sassy? Sinong hula niyo?
Magkita pa kaya ulit sina Sassy at Luke?
Sorry po if lame ang update ko. Na-writer's block lang me😂
#NewFoundFriend
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top