CHAPTER 1

SASSY'S POV

*Kring!!!!!!!*

Tamad kong inabot ang istorbong alarm clock na yan na nasa side table. Inaantok ko itong tiningnan at mabilis na pinatay bago ko padabog na ibinalik sa ibabaw ng lamesa.

Time Check: 5:30am

Ano ba naman 'yan. Antok pa ako. Sino ba kasi nag-set ng alarm na 'yan? E ang aga-aga pa. Kita na ngang natutulog pa 'yong tao e.

*Knock* *Knock*

Hinayaan ko na lang kung sino man ang kumakatok dahil nakakatamad sumagot. E sa antok pa ako e. Ang aga-aga pa kaya.

Itinalukbong ko ang makapal na kumot at binalewala na lang ang nasa labas ng kwarto ko na panay ang katok.

"Sassy, baby, gising na! Akala ko ba maaga kang gigising dahil first day of school? Bumangon ka na riyan!"

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa sinabi ni mommy. Naku lagot! First day of school nga pala ngayon that's why I set the alarm clock last night.

"Yes Mom! Maliligo lang po ako saglit!" Pasigaw kong sagot kay Mommy habang natataranta na akong bumangon ng kama at agad na akong dumiretso ng cr para maligo

Hindi ko na pinag-abalahan pang pulutin ang kumot ko na nasa sahig na o kahit ayusin man lang ang comforter ko na para nang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo nito.

*After 10 minutes*

Nakatapis lang akong lumabas ng banyo dahil nakalimutan ko nga pa lang maghanda ng mga isusuot ko sa sobrang pagmamadali ko. Mabilis lang akong natapos dahil wala naman akong kahit anong kaartehan sa katawan ko at idagdag mo pa na first day of school kaya daig ko pa ang kidlat sa bilis kong kumilos.

Agad akong dumiretso sa closet ko para magbihis ng uniform. Nang makabihis na ako ay pumunta naman ako sa direksyon ng salamin.

Agad kong isinuot ang eyeglasses ko na nakapatong sa mesa kung nasaan ang heart-shaped mirror na tama lamang ang laki. Sakto lang para makita ko ang kabuuan ng mukha ko hanggang leeg. Nagsusuot ako ng eyeglasses dahil medyo malabo na ang mata ko since Grade 7 dahil sa hilig kong magbasa ng kung ano-anong libro ng nakahiga at tutok ako sa computer para magbrowse sa internet to search for some information relevant to my studies and of course my hobby and concerns.

Mabilis ko lang na sinuklay ang buhok ko at hinayaan lang itong nakalugay. Hindi ko na ito inabala pang i-blower o patuyuin man lang gamit ang tuwalya. I'm already used to it. Kaya wala nang bago dun.

Kinuha ko na ang malaki kong backpack na halos laman na ang buong bahay sa bigat at laki nito. Bumaba na rin ako at agad akong dumiretso ng dining area. Naabutan kong kumakain na si Ate Cassy at ganun din si Mommy. Dad is the only one who's not around.

"Hi Mom. Good morning." Masaya at hyper kong bati kay Mommy at kiniss siya sa cheeks niya

"Morning din baby. C'mon, join us. You should take your breakfast na"

Agad naman akong umupo sa tabi ni Mommy, which is kaharap ng upuan ni Ate Cassy. Yes, we're twins. Pero sanay akong tawagin siyang ate since nagpakaate naman siya sakin when we are still a kid. Not to mention na isip-bata pa rin ako at my age unlike her na matured na kung mag-isip at kumilos.

"Hi Ate. Good morning" Masaya kong bati sa kay Ate nang makaupo na ako sa katapat niyang upuan

Tiningnan niya lang ako ng walang emosyon. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap niya bago niya ibinagsak ang kutsara't tinidor na hawak niya na siyang gumawa ng ingay.

Mabilis siyang tumayo at tamad na humalik sa pisngi ni Mommy.

"Mom, una na 'ko. Nawalan na kasi ako ng gana" Walang gana niyang paalam kay Mommy bago siya naglakad paalis. Pero pinigilan siya ni Mommy noong malapit na siya sa may pinto ng kusina

"Cassy baby, hintayin mo na lang si Sassy para sabay na kayong pumasok" Malambing na sabi ni Mommy sa papaalis na si Cassy na nakatalikod sa gawi namin

Bigla namang napatingin si Ate sakin ng masama kaya napayuko na lang ako. I know that look. It's her way of warning me. By that look, I have to do something bago pa mapuno si Ate at pag-initan na naman ako.

"Mom, wag na po. Magpapahatid na lang po ako mamaya kay Tay Luis sa kotse ko" Nakatungo kong sabi kay mommy dahil alam kong ayaw akong makasabay ni Ate dahil ayaw niyang malaman ng schoolmates namin na magkakilala kami, and worst kambal kami

Mas mabuti na yung ako ang mag-adjust at iwasan ang ano mang bagay na magpapainit ng ulo ni Ate para di na lumala pa ang alitan sa pagitan namin.

"Are you sure?" Paniniguro ni Mommy na biglang tumamlay ang boses dahil aware naman siya sa gulo sa pagitan namin ni Ate at gusto niya sana ay mapaglapit kami sa isa't-isa. That's why she's doing the best she can para mapagsama kami ni Ate sa iisang lugar ng matagal.

Mahinang pinisil ni Mommy ang right hand ko na nakapatong sa mesa kaya marahan akong nag-angat ng tingin para salubungin ang tingin niya.

"Yes Mom" Tipid kong sagot kahit gustong-gusto kong sumabay kay Ate sa kotse niya. Yeah. Tama ang basa niyo. May kani-kaniya kaming kotse. Pero nagpapahatid pa rin ako sa driver namin kahit marunong naman na akong magdrive for some reason.

"Ganun ba? Oh sige Cassy baby. Ingat ka papuntang school ahh" Bilin ni Mommy kay Ate

"Mom! How many times do I have to tell you not to call me baby. I'm not a baby anymore!" Iritang sabi ni Ate bago tuluyang umalis nang walang pasabi kaya bigla namang nalungkot si Mommy dahil sa inasal niya

"Mom. Where's Dad? Why isn't he joining us for breakfast?" Pag-agaw ko sa atensyon ni Mommy to lighten up the mood

I don't want to see her in that state. I don't want her to be sad or lonely. Right now ay ako ang nasasaktan para kay Mommy dahil sa inaasal ni Ate. I felt guilty too. It's all my fault! Pati sina Mommy at Daddy nadadamay sa galit niya sa akin.

"He already went to work baby. May appointment pa kasi ang Daddy mo. Sige na. Eat your food na. Baka ma-late ka pa" She answered nang may ngiti na sa kaniyang labi at bumalik na sa pagkain

Pero kahit gaano kalaki pang ngiti ang gawin ni Mommy ay kita ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot at sakit dahil sa inasal ni Ate kanina.

Kaya naman pala wala si Dad eh. Bumalik na lang din ako sa pagkain ko. Nang matapos ako sa pagkain ay agad na akong nagpaalam kay Mommy at pumuntang garahe kung saan naghihintay na sakin si Tay Luis - ang bodyguard slash driver slash second father ko.

Huminga muna akong ng malalim habang nakapikit at inilabas mula sa katawan ko ang lahat ng lungkot at sakit na naiwan pa sa katawan ko dahil sa nangyari kanina sa dining. Nang magmulat ako ay nakangiti na ako. Kaya naman ay agad na akong lumapit kay Tay Luis para batiin siya.

"Good morning! Tay Luis, tara na po. Punta na po tayong school" Masigla kong bati sa kay Tay Luis. At gaya ng ginagawa ko kina Mommy ay kiniss ko rin siya sa kanang pisngi niya

He's 42 years old at halos buong buhay niya na kaming pinaglilingkuran as our family driver. Mula pagkabata ko ay siya na ang naghahatid-sundo sakin sa school dahil busy si Daddy sa pagpapatakbo ng kompanya.

"Magandang umaga din sayo anak. Ang ganda ata ng gising mo ah. Tara hatid na kita" Masaya ring bati sakin pabalik ni Tay Luis at pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse sa may backseat. Sumunod na rin si Tay Luis sa loob ng kotse at masiglang umupo sa driver's seat.

"Syempre naman po. Pasukan na eh" Masayang sagot ko sa kaniya kaya naman ay kinurot niya ang pisngi ko mula sa likuran niya

"Kaw talaga. Puro ka aral. Kaya lumalabo mata mo eh" Tumatawang sambit ni Tay Luis nang hindi man lang inaalis ang pagkakakurot niya sa pisngi ko na ngayon ay pinanggigigilan na niya

"Tay mashaket po..." Natatawa kong reklamo kay Tay Luis sa kabila ng pananakit ng pisngi ko. Binitawan niya na rin naman ang pisngi ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

Inayos ko ang salamin ko dahil bahagya itong nagulo.

"Tara na nga. Baka mahuli ka na sa klase mo"

Pinaandar na ni Tay Luis ang kotse at hinatid niya na ako sa De Guzman University na obviously ay pagmamay-ari namin. Doon ako nagpahatid sa gate na ginawa para lang saming mga VIP wherein diretso ito sa private parking lot. Dito ako nagpahatid dahil walang ibang pumupunta rito bukod samin ni Ate kaya walang makakakita sakin na nakasakay sa isang magarang kotse. Ang alam kasi ng lahat ay scholar lang ako sa school na 'to. Kaya obviously ay di nila alam na anak ako ng may-ari ng school na 'to. Tanging faculties lang ang nakakaalam. Ayaw ko kasi ng sobrang atensiyon dahil palagi akong pinag-iinitan ni Ate tuwing may nagkukumpara saming dalawa. Ayaw niya ring nakikihati ako sa atensiyong ibinibigay sa kanya ng mga tao kaya ayaw kong ipaalam sa lahat na magkapatid kami para di na siya magalit pa sakin at ayoko rin naman ng sobrang atensyon dahil karamihan sa kanila ay mga plastik naman. Papakitaan ka ng mabuti dahil lang sa estado mo sa buhay. Pero once na nawala ang lahat ng meron ka ay basta ka na lang iiwan sa ire at ituturing na stranger.

"Tay salamat po sa paghatid" Agad na pasalamat ko kay Tay Luis pagkatigil na pagkatigil ng kotse

"Wala yun, anak. Alam mo namang malakas ka sakin" Nakangiting sagot niya

"Sige po, Tay. Alis na po ako" Paalam ko

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero pinigilan ako ni Tay Luis.

"Sandali lang. Ako na ang magbubukas ng pinto para sa prinsesa ko" Masiglang presenta niya na ikinatuwa ko dahil sa itinawag niya sakin. He always treat me as his one and only princess na halos ayaw na niyang padapuan ni sa lamok sa sobrang pag-aalaga at pagprotekta niya sakin ever since.

Lalabas na sana siya ng kotse pero this time ay ako naman ang pumigil sa kaniya.

"Wag na po, Tay. Kaya ko na po. Sige po. Pasok na po ako. Ingat po kayo pauwi" I insisted. Kiniss ko muna siya sa pisngi bago ako tuluyang lumabas ng kotse.

Nakatungo akong naglakad papuntang gate. Pero di pa man ako nakakapasok ng gate ay tinawag akong muli ni Tatay Luis.

"Sassy anak!" Tawag niya sakin kaya agad akong napalingon sa direksyon niya at naglakad palapit ng kotse

"Bakit po, Tay?" Nagtatakang tanong ko nang makalapit na ako sa kaniya

"Anong oras pala kita susunduin mamayang lunch?"

"Ah. Pakisabi na lang po pala Tay kay Mommy na di po ako uuwing lunch. Sa canteen na lang po ako kakain. Kaya mga 4pm niyo na po ako sunduin" Magalang kong tugon

"Ah. Ganun ba? Oh sige. Alis na ako anak. Pakabait ka ah. Mag-aral kang mabuti. Wag kang tutulad sa kapatid mo" Bilin at paalala niya sakin. Yan ang bagay na ayaw na ayaw ni Ate, ang pinagkokompara kami. Pero di ko naman sila masisisi kung palagi nila kaming kinokompara dahil yun naman talaga ang totoo. We're totally opposite sa lahat ng bagay.

"Opo, Tay. Sige po. Alis na po ako. Ingat po sa pagmamaneho" Muling paalam ko

Ni-wave ko ang kamay ko hanggang sa tuluyan nang mawala sa paningin ko ang kotseng minamaneho ni Tay Luis.

Agad na akong naglakad papasok ng school nang nakatungo at dumiretso na ako sa room ko sa section 1.

Teka. Nagpakilala na ba ako? Kung hindi pa ay ako nga po pala si Sassy De Guzman, 16 years old, Grade 10 student. Section 1 po ako samantalang nasa last section naman si Cassy. Ako loner and just a nobody while siya is sikat sa school dahil alam ng lahat na anak siya ng may-ari nitong school. Yan lang po muna. Let's go back to the reality.

Pagdating ko pa lang sa pinto ng room ay ramdam kong lahat ng mata ng classmates ko ay nasa akin at rinig na rinig ko rin ang bulungan nila. Yun ay kung bulong pa rin ba ang tawag dun eh rinig ko naman. Kung isinigaw na lang kaya nila? Nahiya pa e.

'Who is she?'

'Is she the transferee?'

'Is she a scholar?'

'She doesn't belong here. This school is so expensive!'

'She can't afford the expenses'

'Oh. How pity she is!'

Hindi ko na lang sila pinansin at diretso lang ako sa upuan sa likod na malapit sa bintana. Kung alam lang nila... Naisip siguro nila na mahirap lang ako dahil nakaflat shoes lang ako na mumurahin habang sila ay mga nakahigh heels, bag na luma na daig ko pa ang magka-camping sa laki, buhok na sinadya kong guluhin bago ako dumiretso rito para ipantakip ko sa mukha ko, at lastly uniform na kupas. Pero syempre props lang yan. And by the way, transferee nga ako dahil sa France ako nag-aral before at syempre pati rin ang kakambal ko.

Mas minabuti ko na lang na magbasa ng libro imbes na pakinggan ko ang mga bulung-bulungan nila. Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin kaya tumahimik na rin naman sila na siyang ipinagpapasalamat ko.

"Good morning class" Masayang bati ni Ma'am Jen sa lahat. I know her since nameet na namin lahat ng member ng faculties a week ago.

"Good morning Ma'am" Masaya ring bati naming lahat pabalik

"By the way class, you have a new classmate in this school year. Ms. De Guzman, please come here in front and introduce yourself" Sabi ni ma'am Jen nang nakatingin ng diretso sa direksyon ko. At dahil nga sakin nakatingin si Ma'am ay isa-isa rin namang nagsitinginan sakin ang mga magiging kaklase ko na parang mga nagtataka pa.

"Oh my God. Isa siyang De Guzman?" Gulat na sambit ng isa sa mga kaklase ko na para bang nakarinig siya ng isang nakakakagimbal na balita na yumanig sa mundo niya. OA ko ba? Well, mas OA mag-react ang isang 'to. Ganun na lang ba kabig-deal yun sa kanila? Talaga bang nakakagulat na maging isa akong De Guzman?

"Julia, baka naman kaapelyido lang niya ang mga De Guzman na may ari nitong University" Pagsingit naman ng isa ko pang kaklase

"Oo nga naman. Tama si Ella. Try to compare her looks to Ms. Cassy. Napakalayo nila sa isa't-isa. And one more thing, I heard nasa France pa raw ang kakambal ni Ms. Cassy na si Sassy" Rinig ko namang pagsang-ayon nung isa pa sa sinabi nung Ella ba yun?

And yeah. Tama sila. Ang alam ng lahat ay nasa France pa ako dahil yun ang pinalabas nina Mommy ayon na rin sa kagustuhan ko para iwas na rin sa issue at para di maisip ng kahit na sino na ako si Sassy na kakambal ni Cassy.

Dumiretso na lang ako sa front. Pero sa kasamaang palad, di pa rin tumatahimik ang lahat sa pagdadaldalan nila.

"Class, please keep quiet. Ms. De Guzman, please introduce yourself" Pagsaway ni Ma'am sa mga kaklase ko kaya bigla namang nagsitahimik ang lahat. Sinunod ko na lang si Ma'am at nagpakilala na ako para makabalik na ako sa upuan ko.

"A pleasant morning to each and everyone. By the way, I'm ---" Agad akong natigil sa pagsasalita ko when I realized something. Kaya pala ang sasama ng tingin nila sakin dahil sa accent ko, daig pa nila ang nakakita ng multo.

Nagtataka siguro sila kung paano ako natutong magsalita ng English with French accent na isang lang naman akong hamak na scholar para sa kanila. Sorry naman no. Nasanay lang ako sa ganyang pagsasalita dahil sa ibang bansa na ako nag-aral since Grade 7. Alam niyo na tao lang, nagkakamali rin.

Napatikhim na lang ako bago ako nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ahh. Hi... Ako nga pala si... Ako si..."

Agad akong napaisip ng pwede kong sabihing pangalan dahil alam ng lahat na Sassy ang pangalan ng kakambal ni Cassy kaya di ko pwedeng gamitin ang real name. Di nila pwedeng malaman ang totoo. Haist! Di ko napaghandaan 'to ahh. Ano bang dapat kong sabihing pangalan?

Ano ba magandang name? Sassa? Sandra? Sarah? Sherly? Jessica? Joanna? Claire? Clarisse? Ay ewan! Sumasakit ulo ko. Bahala na nga si Darna. Hay naku Kuya Cardo😂😅

"Ako si... Chelsea! Chelsea De Guzman" Kusa na lang lumabas sa bibig ko ang pangalan na yan na hindi ko malaman kong saan ko napulot

"Okay. Thank you, Ms. De Guzman. You may now go back to your seat" Utos ni Ma'am kaya bumalik na ako sa upuan ko nang nakatungo

Nagsimula naman nang magdiscuss si Ma'am ng lesson namin sa Math kaya di na nagkaron pa ng pagkakataon ang mga kaklase kong tapunan ako ng kakaibang tingin.

***********************************
Maging maayos kaya ang buhay ni Chelsea ay este Sassy sa university nila?

Magampanan kaya ni Sassy ang kanyang pagpapanggap?

Sorry kung lame man po ang update ko

Thank you for reading😊

Don't forget to vote po. And by the way, you're free na magsuggest, advice, comment or something because I need it. I really need it. Again, thank you po😇

Enjoy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top