Chapter Two
Another new book cover
MAXEEN'S POV
Saan na ba napadpad 'yun si Mau? Kanina pa ako naghihintay dito sa rooftop,tanginang 'yan nagugutom na ako.She's not answering my calls,at ayaw niyang tinitext siya kasi nakakatamad raw magbasa ng text ano pang silbi ng cellphone niya diba.
Bahala siya,kakain na ako.
Papalabas na sana ako ng may madatnan akong naghahalikan sa may hagdan,really?! Dito pa talaga.Tumikhim ako pero mukhang hindi ata nila narinig,kung hindi lang sila nakaharang sa daanan ko hindi ko sila papakealaman,lumapit ako ng kaunti sakanila baka sakaling marinig ako.
"Hindi niyo na ba matiis ang init ng mga katawan ninyo? Wala ba kayong pang motel man lang?" Tumigil sila sa paghahalikan at tumingin saakin,'yung babae nga mukhang nagulat at nahiya pa.Nahiya pa siya ng lagay na 'yan "Will you two excuse me? Dun niyo nalang sa rooftop ituloy 'yan at 'wag sa daan" ngumisi lang 'yung lalake sabay hila dun sa babae papuntang rooftop
Tss,anong klaseng mga estudyante 'yan? Ginagawang motel ang school? I'm a student council kaya dapat may gawin ako,makapunta nga ng detention room.
I'm on my way to detention room ng may nakita akong isang pamilyar na tao,nagtago ako sa pader at pinagmasdan kung tama ba ang nakikita ko,pero anong ginagawa niya dito? Matagal na siyang umalis dito sa pilipinas at sabi niya he's staying on Australia for good kasama ang pamilya niya,pero anong ginagawa niya dito?
"Hoy! Sadistang babae" nilingon ko ng masama ang tumawag saakin,bwisit! Eto nanamang lalakeng baliw na ito "Sinong sinisilip mo diyan? Naku! Stalker ka 'no"
"Pake mo! Lumayas ka nga sa harapan ko,baka sipain kita diyan" tinulak ko siya sabay naglakad na ako papuntang detention room,nilingon ko 'yung tinitignan ko kanina pero nawala na.Tss,siguro nga namalik mata lang ako
"Saan ka pupunta?" Aba't sinundan pa talaga ako ng baliw na ito,hindi ko siya pinansin pero patuloy parin siya sa pangungulit niya "Psst,magkasalubong nanaman 'yang kilay mo" hinawakan niya ang mukha ko at pinag hiwalay ang kilay kong magkasalubong,gago talaga.
Pinalo ko 'yung kamay niya at tinulak "Napaka landi mong lalake ka! Tigilan mo ako ha" binatuhan ko lang siya ng matatalim na tingin at nagpatuloy sa paglalakad
"I know Max,hindi ka pa ba nasasanay saakin?" Hindi niya parin talaga ako tatantanan,gusto niya nanaman sigurong masaktan kaso ayokong mapasok sa detention room ulit,may hinahabol pa akong project.
Hindi talaga ako sanay sa pangungulit ng lalakeng 'to,dahil nakakainis lang ang mga lalake ang lalandi diba? Simula kasi ng maging ka block mate ko siya sa isa kong subject e naging feeling close na 'yan saakin,hanggang sa hindi ako nakapag timpi at kinaladkad ko siya palabas ng room kaya ayun,na report nanaman ako pero sabi niya hindi na daw kailangan,LQ lang daw kami.YUCK!
"Bakit dito ka pupunta? Na report ka ulit Max?" Nasa tapat na pala kami ng detention room,nilingon ko siya "Oh,easy lang galit ka nanaman sa kagwapuhan ko e" ang lakas naman ng hangin nito
"Sino ka ba? Ang feeling close mo,hindi nga kita kilala"
"Sorry naman,na carried away lang ako sa pangungulit ko sayo.Ngayon lang kasi ako nakatagpo ng babaeng kayang hindi pansinin ang karisma ko,at 'yun ang masakit so i want to be close to you hindi ko rin alam kung bakit pero sa tuwing nakikita kita parang hinahatak mo ako para lumapit sayo,hayy nakakabaliw na ito.At bilib rin ako sa katapangan mo,sa mga lalake" ang dami namang sinabi,tinanong ko lang naman kung sino siya tapos nag kwento na.Nginitian niya lang ako ng wagas sabay lahad ng kamay niya
"And for the first time na magpapakilala ako sa harap ng babae,Hi I'm Hervé Linton Francisco you can call me anything you want,but i want you to call me babe,I'm twenty years old like yours.Thats all for now,magkakasama pa naman tayo kaya makikilala mo pa ako ng husto *wink*" lecheng lalake,ang taas lang ng self esteem sa sarili,nakakatangay e.
Tinalikuran ko nalang siya at pinihit ang doorknob, at nagulat ako sa nakita ko.Pati ba naman sa detention room? Hayy! Ano na bang meron sa Campus na ito,jusko! Ginawa ng motel! Tumikhim ako at agad din silang nagtigil sa ginagawa nila
"M-max" ani Maureen,kaya pala hindi ko mahagilap ang babaeng ito nandito lang pala at nakikipag halikan kay DR officer,kilala ko na 'yan dahil palagi nga akong nandito pero hindi naman siya nagtatagal sa pagbabantay saakin dahil pinapalitan siya nung isa pang officer.
Inekis ko ang braso sa dibdib ko "Mr DR officer,nagpunta ako dito dahil gusto ko sanang i-report ang dalawang estudyante sa rooftop na naghahalikan,pero madadatnan ko ang ganung senaryo." Lumapit ako sa kambal ko na ngayon ay hiyang hiya na saakin,eto namang officer na ito e parang wala lang nangyari
"Maureen Yoo,sana naman pinakilala mo muna siya saakin bago ka makipag halikan" napaangat siya ng tingin saakin dahil naka yuko siya at siningkitan ako ng mata,nilingon ko si officer "And Mr.Francisco,dapat umaakyat ka muna ng ligaw sa kapatid ko bago ka makipag halikan,and i think ikaw rin ang gumawa ng rules na bawal ang PDA sa Campus na ito,pero sinira mo na 'yun"
Nginisihan niya lang ako "So,hindi ko na pala kailangan ng approval mo dahil pinapaakyat mo na ako ng ligaw sa kapatid mo" nagulat si Mau dahil sa sinabi niya,ako rin naman pero hindi na ako kokontra sa lovelife ng kambal ko,dahil alam ko namang matagal ng naglalaway diyan si Mau
"Good,madali kang kausap.Sige,aalis na ako at sana ser kapag gumawa kayong batas sana 'yung mapapanindigan mo" dagdag ko pa bago tumalikod at nakita ko naman ang nakangising Hervè,at parang pinipigilan pa ang pagtawa "Anong nakakatawa?" At ayon,tsaka siya tumawa ng malakas nagkanda lumpasay na nga siya sa sahig pero tawa parin ng tawa
"Hoy Linton! Tumigil ka nga diyan!" Nagulat naman ako sa inasta ni Dree,kilala niya si Hervè? Teka,ngayon lang pumasok sa utak ko na parehas sila ng apelyido,hindi kaya...
"Magkapatid ba kayo?" Sabay naming sabi ni Mau,parehas lang pala ang naiisip namin.Salitsalitan naming tinitignan ang dalawang ito,si Dree e napakamot lang sa batok at eto namang si Hervè ay tuloy parin sa pagtawa
"Yeah!" Ani Hervè ng hindi parin nagmamayaw sa kakatawa bigla siyang binatukan ni Dree kaya nagtigil siya "Basag ka ng trip.Isipin mo kasi,parehas tayong tinamaan sa magkapatid rin at kambal pa.At isa pang nakakatawa,Dree! Puta! Marunong ka palang humalik? Akala ko bading ka e,Dude! I'm so proud of you! Kapatid nga kita!" Ha? Tama ba ang narinig ko? Nakakagago ang magkapatid na ito ha
"Shut up! Gusto mo bang paglinisin kita ng buong Campus ha?" Galit na sabi sakanya ni Dree,para namang naging maamong tupa si Hervè.Nakakaloka ang mga nangyayari,siguro gutom lang ako.Siguro nga
"Nakakabaliw,Maureen kakain na ako baka gutom lang ako" aalis na sana ulit ako pero pinigilan ako ni Dree "Why should we have lunch together? Tayong apat" napakunot nanaman ako at ginawian ng tingin si Mau na gulong gulo parin
"If that's what you want" hinigit ko si Maureen ng matauhan siya "Hindi mo parin makalimutan ang first kiss mo? At sa cru--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko
"Max! Don't say it!" So hindi niya pala sinabi? Tsk tsk.Tumango nalang ako sabay alis ng kamay niya sa bibig ko
"Anong sabi mo?" Tanong ni Dree,sinamaan ako ng tingin ni Mau kaya napangisi ako "Wala,sabi ko ikaw 'yung first kiss niya at tuwang tuwa si Mau" i tease.Hinampas ako ni Maureen sa braso "Ang sakit nun ah! Tsk,amin amin din kasi.Naku! Itatakwil na kita e" ani ko
"Urg! Max! Lagot ka sakin!" Aba ang kambal ko,nag drama at nag feeling artista pa lakas maka walk out e.Napa face palm nalang ako at napailing,'yan kasing si Mau masikreto kahit na nasasaktan na sa nakikita niya hindi parin sinasabi ang nararamdaman.
"What happened to her?" Tanong saakin ni Dree na ngayon e mukhang clueless na nangyayari "I dunno.I think you should follow her,nag dadrama lang 'yun" tinapik ko siya sa balikat niya at pinasunod na kay Mau.
Susuportahan ko ang kapatid ko sa bagay na ito.Jusko! Laking tuwa ko nga ng may first kiss na siya e,at dun pa sa taong ginugusto niya ang galing ni destiny no.Nakaramdam ako ng may lumapat na kamay sa kamay ko kaya nilingon ko siya sabay bato sakanya ng matatalim na tingin.
"Oh! Ang init nanaman ng tingin mo sakin,tsk Max hindi pa ako ready mamaya na sa bahay *wink*" sinapok ko siya sa braso niya "Hindi porket malapit na ang kapatid mo sa kambal ko,hindi ibig sabihin nun ganun din ako.Kaya ikaw,tigil tigilan mo ako ha! Hindi ko gusto ang mga lalake,lalo na ikaw!"
Iniwan ko nalang siya duon sa loob at pumunta na ng parking lot para kunin ang scooter ko.Ang sama ng araw ko ngayon ah! Bakit ba kasi ang landi landi ng lalakeng 'yon? Walang lalakeng nagtatangkang lapitan ako dahil binabalian ko sila ng buto,kahit kausapin lang nila ako at mas lalong ayaw kong mahawakan ng mga lalake.Wala na akong tiwala sa mga katulad nila,manigas sila.
"Maxeen?" Napalingon ako ng marahas sa tumawag saakin,at nagulat ako king sino ang tumawag saakin ilang beses akong pumikit pero hindi nga ito panaginip,totoong nasa harapan ko siya "I know it's you,kanina ko pa iniisip kung lalapitan kita" totoo ngang nandito siya at nasisilayan muli ang matatamis niyang mga ngiti na isa sa mga dahilan kung bakit ko siya minahal,nuon.
Hndi ako makagalaw sa kinatatayuan ko,nakatitig lang ako sakanya.Lumapit siya saakin at niyakap ako "I missed you My Queen" sa sinabi niyang 'yan,nagsimulang mag landas ang luha galing sa mga mata ko.
Hindi ko inaasahang mangyayari ito,na muling pagtatagpuin ang mga landas namin na muling magbabalik sa buhay ko ang taong dahilan kung bakit kinamumuhian ko na ang mga lalake,ang taong minahal ko ng mahabang panahon.Si JiroahMinesis,ang unang lalakeng minahal ko at ang unang lalakeng,sinaktan ako ng sobra.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top