Chapter Twenty Two


MAXEEN'S POV

FORGET it. Ilang beses ko nang pinaulit ulit sa utak ko na huwag nang alalahanin ang nangyaring iyon na dapat hindi naman talaga nanguari dahil sa katangahan ko. Gutom lang naman ako e, pero hindi ko naman inaasahan na mangyayari iyon. Duh! Kahit ba hindi ko iyon first kiss e mahalaga parin iyon kasi kiss 'yon e! Mahalaga 'yon! Hindi naman ako fuck girl na kung sino sino lang ang gustong halikan.

For me, every kiss is memorable.

At dahil nga memorable bwisit ayaw maalis sa sistema ko ang pagkakalapat nang mga labi namin sa hindi inaasahang pagkakataon. Mas lalo lang akong lalandiin nang isang iyon dahil doon.

Nakatingin lang ako sa television na kanina pa naka bukas pero hindi ko naman iniintindi ang palabas. Lumilipad kasi ang utak ko kung saan at ang hirap hulihin para bumalik ako sa katinuan.

Napa sabunot ako sa sariling buhok dahil sa inis. "Ugh! Umalis kana sa utak ko peste ka!" Sigaw ko sa sarili ko, as if naman na sasagot diba? Nababaliw na nga ako. Nahahawa na nga ako sa lalaking iyon.

"Hindi naman ako peste kaya huwag mo akong paalisin." I heard out of nowhere, umayos ako nang upo at nakita ko siyang papalapit saakin. My hair is still mess at para akong bruha, but i didn't mind.

Sinamaan ko lang siya nang tingin, tipong magdidikit nalamang ang kilay ko dahil sa sobrang kunot nito. Imbis na matakot siya ay nginisihan niya lang ako.

"Pinapatay mo na ba ako sa isip mo?" Mapang asar niyang tanong. Mas lalo ko siyang sinamaan nang tingin.

"Done cutting your limbs actually." I said full of sarcasm.

He chuckled. "Well, if you say so. If i'm already dead in that beautiful brain of yours, i don't have the ability to let you go just for tonight. Sayang naman." He said before he turn his back and about to start to leave when i stop him by grabbing his hand.

"What do you mean? You will let me? Go?" He look at me sideway. Then he smiled.

"Yeah. Sana." I almost run para pumunta sa harapan niya.

Labag man sa kalooban ko ay sinikap kong magpa cute sakanya. Yuck.

"Binuhay na ulit kita. Please let me leave, gusto ko nang umalis rito sa pent house mo. I want to see Mau and go back to my life. Please Hervè...." i do 'puppy eyes' para mas lalong effective.

Sandali siyang natahimik at nanatiling nakatitig saakin. Tumaas ang gilid nang labi niya, i think a sign of my success? He place his both hands on my shoulders.

"Alam kong nagpapa cute ka saakin, and me being honest, hindi masyadong bagay saiyo." He almost whispered the last words. Bwisit. Sinamaan ko ulit siya nang tingin and that make him chuckle again.

Do i look like making fun with him?!

He patted my head at ibinulsa niya ang kanyang mga kamay. He nod then suddenly a man came behind my back at may dala itong parehaba na puting kahon. Nakatingin lamang ako roon, clueless.

"Wear this, i already called someone to help you with some girly stuffs. Be ready at five p.m." he said while smiling.

"What for?" Because i'm too curious kung saan niya ako dadalhin.

"Letting you go just for tonight. And, i think Maureen is also attending the event." My face lit up, nakakamiss ang kambal ko kahit palagi ko siyang inaaway.

Kinuha ko sa lalaki ang kahon. He insist pa nga na siya na angmagdadala but i didn't let him. Kaya ko naman. Patakbo akong umakyat patungo sa kwartong inuukupa ko rito sa pent house niya.

Bakit bigla akong na-excite? Well siguro dahil makakalabas na ako at makaka alis na ako sa lugar na ito. Second, hindi ko na siya makakasama sa iisang bubong at hindi na ako maiinis sa bawat gising ko. Makakatakas rin ako!

I place the box on the bed. I opened it and a cream dress welcomed me. It's a halter fitted dress, medyo backless ang likuran nito at hanggang talampakan ang haba, it's simple but elegant kahit na walang mga kolorete ditong nakalagay.

Hindi ako sang ayon sa kulay dahil i only wear black pero ano pa nga bang magagawa ko? Baka kapag nag reklamo pa ako ay magbago pa ang isip niya.

I immediately take a bath and dry my hair. Kasalukuyan akong nag papatuyo nang buhok nang may sunod sunod na katok sa pinto. Pinag buksan ko sila ng pinto at may apat na taong sumalubong saakin. Ngayon ko lang sila nakita at sa palagay ko ay sila ang sinasabi ni Hervè na tutulong saakin with my girly stuff. Hindi ako sanay sa ganito dahil sa Maureen ang nakaka alam sa mga ganito.

Hindi naman ako masyadong girly.

"Sit here Ma'am." A guy said. I think he's not really straight guy, the way she walk and talks. He's a gay.

Sumunod ako sakanya at sinimulang lagyan nang kung anu-ano ang mukha ko. Ang iba naman ay sa buhok ko. I let them. Wala naman akong alam sa mga bagay na ito kaya sila na lang ang bahala.

"You know Ma'am, you're the first lady na pinaayusan saamin ni sir Hervè. Hindi naman po kasi talaga iyan mahilig sa babae, matagal na ho namin siyang kilala pero ikaw palang ho ang dinala niya rito at pinakilala saamin." I open my eyes kaya napatigil siya sa paglalagay nang kung ano.

I never ask for anything, but suddenly i got curious. I want to know more about him, hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaroon nang interest sakanya, sa buhay niya. Siguro dahil bored lang ako at walang topic with them? At tama na rin iyon para makilala ko siya, that's our first plan before. Ang kilalanin sila at imbestigahan.

"First Lady that he bring here? In his pent house?" I chuckled. "Malabo naman siguro, he's a chick magnet at napaka tamis niyang magsalita so imposible ang sinasabi mo." His forehead creased.

"We all know that Ma'am, malapit siya sa mga babae but he never entertain them. Even if almost them ask him to go out on a date but instead of saying yes, he always declined." Shock. That's all i can react.

Is this gay's telling the truth? Really? That asshole? Bakit ang dating saakin ay isa siyang babaero na hilig lagi ang init nang katawan. Hindi ko maisip na ganoon nga siya. Ang layo sa pagkakakilala ko sakanya. Ang hirap paniwalaan ah.

Tumahimik nalamang ako at pumikit para matapos niya na ang inilalagay sa mga mata ko. Then he spoke again.

"Ikaw ho pala ang tinutukoy niya sa tusing tinatanong siya nang lahat, and finally we've met you." He cheerfully said. Muli akong nagmulat nang mata at tumingin sakanya with my asking eyes.

"What do you mean?" He smiled. Napatingin ako sa full length size na salamin na masa harapan ko, and all of there eyes is on me at lahat sila nakangiti saakin.

"Huwag niyo pong sabihin kay sir na nabanggit namin saiyo ah," he almost whispered. I simply nod kahit na clueless ako. "Sa tuwing dumadalo siya sa mga okasyon at sa tuwing tinatanong nakin siya pari nang mga kaibigan niya, he's always saying na 'I'm waiting for my girl' and 'You'll meet her soon' and 'She's Goddess' and he's right naman, hindi lang ho pala kayo maganda, mas maganda pa sa dyosa--"

"And because of that mas lalong na-curious ang mga sarili namin. And we look forward for this day that we'll meet you and finally, nakilala ka narin namin. Inilabas kana rin niya" aniya nang nag aayos saaking buhok.

Natahimik ako sa lahat nang aking nalaman. Hindi ko inaasahan. At dito, dito sa puso ko ay may kakaiba. Parang bigla nalamang itong tumibok nang kakaiba, naramdaman ko na ito kay Jiro dati. Iyong pakiramdam ko, nagbabalik. Ayoko nang ganito.

Ayoko muna nang ganito.

Ngumiti nalamang ako sakanila at hindi na nagsalita pa. Baka kapag mas lalong tumagal ang usapan namin ay mas marami akong malaman na mas lalong magpapawindang saakin at muling magpapatibok sa puso kong matagal nang tumigas at namanhid.

Inalisan ko na ito nang pakiramdam dahil alam ko kung gaano kasakit ang masaktang muli. Kaya hanggat maaari pipigilan ko. At sana kayanin ko nga.

Hanggat kasama ko siya, nanganganib ang puso ko.




--

A/N: Kamusta kaya ang event ni Francisco? Excited na akong malaman! :) enjoy reading fellas!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top